Chapter 8: Graduation Day

2425 Words
            Abala ang lahat sa paghahanda at pagluluto sa bahay nina mara. Graduation day na kasi ng dalaga. Ito ang araw na pinakahihintay niya. Bukod kasi sa magiging ganap na siyang arkitekto ay nalalapit na din ang pagkikita nilang magkababata.             “Wag kang malikot na bata ka at magkakamali ako s apagmemake up sayo” gigil na sabi ng kaniyang tiya na siyang abala sa paglalagay ng kolorete sa kaniyang mukha.             “Eh kasi naman po tiya ang kati sa mukha.” Maktol ni mara             Tinapik siya ng mahina ng kaniyang tiya.             “naku ikaw talagang bata ka. Konting tiis lang iyan. Hindi pwedeng hindi ka magayos sa araw ng iyong pagtatapos. “ pangaral ng tiya ni mara.             “saglit na oras lang naman mara.” Narinig niyang sabad ng kaniyang ina habang abala sa pagluluto ng pagkain.             “okay po nanay tiya.” Walang ganang sagot ni Mara.             Wala kasi sa kundisyon si mara dahil hindi pa siya nakakatanggap ng liham mula kay Daniel. Mahigit isang buwan na siyang naghihintay sa sulat ng kababata.             “Pagpasensyahan mon a iyang pamangkin mo at wala sa kundisyon. Hindi pa kasi sumusulat ang pinakamamahal niyang kababata.” May halong panunuksong paliwanag ng kaniyang ina sa tit ani Mara.             “ay nako pag-ibig nga nman., akala ko ay simpleng crush lang iyan mara. Aba eh dalaga ka na at taposna kayo sa kolehiyo pero Daniel pa din bukambibig mo.” Sabi naman ng kaniyang tiya.             Namula ang pisngi ni Mara.             “Hindi na pala kita kailangan lagyan ng blush-on Mara. Pulang pula na ang iyong pisni”  tumatawang saad ng kaniyang tiya.             Lalong pumula ang mga pisngi ng dalaga na ikinatawa namn ng kaniyang  tiya at ina.             Matapos gayakan si mara ay nagpunta na sila sa kaniyang paaralan para sa  opisyal na seremonya para sa kaniyang graduation. Buong araw ay simangot ang mukha niya dahil wala pa siyang natatanggap na balita galling sa kaniyang kababata.             Nag-aalala na ang dalaga dahil nasa isang buwan na siyang hindi kinokontak ni Daniel.             Hindi ibig ni Mara ang malungkot sa kaniyang pagtatapos. Hindi ganito ang inaasahan niyang mangyari.Akala niya ay bibigyan siya ng regalo ng kaniyang kababata at ang regaling ito ay ang matagal na nilang pangako sa isa’t isa na pamamasyal sa prague. Excited pa naman siya.             Natapos ang seremonya at abala na ang lahat sa pagkain ng tawagin si mara ng knaiyang ama.             May inabot itong regalo at sulat. Mabilis na kinuha ito ni Mara sap ag-aakalang ito na ang pinakahihintay niyang regalo galling s akaniyang kababata. Subalit nagkamali siya. Ang regalo ay kaling kay amaro. Nadismaya man ay pilit pa din na ngumiti si Mara.             “happy graduation mara.” Masayang batoi ng kaibigan sa kaniya.             Nagpasalamat si mara  matapos ding batiinang kaibigan at niyaya itong kumain.             Natapos ang handaan at pagod napagod ang pamilya ni Mara. Malungkot pa din ang dalaga sapagkat indi nangyari ang kaniyang inaasahan.             Matapos maglinis ng katawan ay nakarinig si mara ng katok. Kasunod nito ay ang pagbukas ng knaiyang pinto. Bumungad sa kaniya ang mukha ng ina na nakatingin sa kaniya ng may halong panunukso pa rin.             Nagtataka na si Mara dahil buong araw na ganoon ang kaniyang ina. Hindi ito tumitigi sa panunukso sa kaniya na siya ay dalaga na at ang palagi nitong pagsabi na true love never dies.             “bakit ba ma ganiyan ka buong araw?” nagtataka ng tanong ni Mra.             “Kasi nga dalaga na ang pinakamaganda kong anak.” Saad naman ng in ani Mara habang gigil na kinukurot ang mukha ni Mara             Natatawnag pilit na umiwas si mara subalit huli na. pulang pula muli ang kaniyang pisngi dahil sa gigil ng kaniyang ina. Ganito ito maglambing sa kanila ng knaiyang ama lalo na kapg ito ay masaya.             “masaya ka yata ngayon nay?”takang tanong ni Mara.             Hindi sumagot ang kaniyang ina at bagkus ay hinila siya nito palabas sa kaniyang silid.             Taman na ngpatiaanod si mara sa kaniyang ina. Marahil ay pipilitin siya nitong pakaini.  Wala kasing maayo na kain si Mara dahil sa pagiging abala niya sa kaniyang graduation.             Gulat na nagulat si Mara sa nakitang tao sa kanilang sala. Hindi niya sukat akalain na makikita niya ito sa gabing iyon.             “surprise!” nakangiting bati nito habang nakalahad ang mg kamay na animo ay naghihintay ng mahigpit na yakap mula sa dalaga.             Nangingilid ang luha ni mara at dahang dahang lumapit sa binate. Hindi pa rin makapaniwala si Mara na nasa kaniyang harapan si Daniel. Hindi niya sukat akalain na magpupunta sa kaniyang graduation ang knaiyang kababata ng personal.             Nagyakapan ng mahigpit ang  magkababata.             “napakagandang surpresa nito Daniel”. Hindi makapaniwala pa ring saad ni Mra.             “hindi ko maaaring hindi ka Makita ng personal s aiyong graduation mara. Aba at pareho nating pinakahihintay ito diba” nakangiti namang saad ni Daniel.             “subalit napakalayo ng prague. Maiintindihan ko naman na hindi ka makakarating dahilk nasa malayo Ka.” Saad naman ni Mara             “naku maiintindihan daw eh maghapon namang nakasimangot.” Tukso ng am ani mara.             Napatingin tuloy si Daniel kay mara at nahuli niya nag dalaga na pasimpleng pinandilatan ng mata ang ama nito na siya namnag ikinatawa ni Daniel at ng mga magulang ng Dalaga.             “Kararating lang ni Danile nmara. Maanong magbihis ka muna Daniel at ng makakain na kayo ng sabay ng hapunan nitong si Mara. Hindi pa din iyan kumakain ng maayos bbuhat kanina. “mahabang wika ng in ani Mara.             “magbihis po?” takang tanong ni Mara.             “abay oo at ditto matutulog si Daniel. Aba mara nakalimutan mo bang binenta na nila ang kanilang bahay dahil sa Prague na sila maninirahan?” tanong ng in ani mara.             “Ay opo ng apala” nagkakamot sa ulong saad ng ni Mara.             “kaya ditto muna matutulog si Dandan. May isa pa naman tayong silid na hindi nagagamit. Nilinis na naming iyan kahapon dahil alam naming darating siya.” Sabad naman ng kaniyang ama.             Napalingon tuloy si mara sa kniyang ama.             “Alam niyo po?! Pero di niyo sinabi sa akin?” nagtatampong himutok ni Mara.             “kung sinabi sayo nina tito at tiata ay di n asana naging surpresa pa ang pagdating ko.” Wika naman ni Daniel.             “Di ka pa din nagbabago Mara.” Iiling iling at natatawang dagdag pa ni Daniel.             “Oo nga naman.” Sabi din ng in ani Mara.             Matapos maghain ng in ani Mara ay tahimik ang magkababata na kumain.             “Siya ng apala may mga dala akong regalo Mara. Para lahat sa iyo at kaunting pasalubong din para kina tita. Meron ding galling kina mommy at daddy.” Pagbasag ni Daniel sa katahimikan.             Subalit walang tugon si Mara. Tila malalim ang iniiisp nito.             “Mara.” Masuyong tawag ulit ni Daniel sa kaniyang kababata.             Si Mara naman ay abala sa pagiisip kung nao ang mangyayari ngayong gabi. Ito ang magiging unang beses ng pagtulog ng kaniyang kababata sa kanilang bahay. Hindi malaman ni mara kung ano ang gagawain mamaya. Kinakabahan siya. Matutulog ba sila o magdamagang magkukwentuhan. Hinihling ng dalaga n asana ay hindi lumipas ang gabing iyon at sana ay magdamagan silang magkwentuhan ng kababata. Miss na miss na niya ito at napalkagandang supresa ang ginawa nito para sa kniya.             “Mara!” sigaw muli ng binate na pumukol naman sa atensyon ng dalaga.             Napapitlag si Mara nf marinig ang pagtawah sa kaniya ng kaniyang kababata.             “Napakalalim namn ng iyong iniisip. Kanina pa ako salita ng salita ditto.” Inis na wika ni Daniel.             Sa loob loob ni Mara ay sinasabi ntong wala Pa din  pinagbago si Daniel. Mahina pa din ang pasensya nito.             “pasensya na” nakangiting wika ni Mara. “may bigla kasi akong naisip” dagdag paliwanag niya.             “Sino Boyfriend mo?” tanong naman ng binate habang tinititigan ng taimtim si Mara.             “naku at wala pa akong boyfriend no!” umiismid na sabi ng dalaga.             “Mabuti naman” pabulong na sabi ni Daniel na hindi naman narinig ng dalaga.             “Anong sabi mo?” tanong ni Mara kay Daniel.             “wala. Ang sabi ko kanina pa kita kinakausap at hindi ka namn pala nakikinig” may halong pagtatampong saad ni Daniel sa kababata.             “ano po kasi ang sinasabi niyo kamahalan?” sabi naman ni Mara.             “ang sabiu kompo mahal na prinsesa ay may dala po akong regalo po para sa inyo at kina tito at tita. Meron ding galling po kina mommy at daddy.” Pang-aasar na sagot naman ni Daniel             Kapwa sila natawa sa kanilang mga naging asal. Alam nila nan amiss nila ang ganitong pang-aalaska sa isat isa. Napakabilis talaga lumipas ang mga taon.             Nasa sala na sila ng iabot ni Daniel ang mga regalo para kay Mara at sa maga magulang nito. Masaya namang binubuksan ng Pamilya ni Mara anf mga regalo.              Matapos ang masaynag kwentuhan at pagbubukas ng mga regalo ay nagpasya na anga mga magulang ni mara na mauna ng matulog. Alam ng mga ito na marahil ay hindi kaagad matutulog ang magkababata dahil marami pang pag-kukwentuhan ang mga ito.             Nasa may balkonahe sa labas ang dalawa at tahi,ik na nakatanaw sa Kalangitan. Mmalalim na ang gabi at ang tanging nagbibigay liwanag sa kanila ay ang biuwan at mga iilang bituin.             “namiss kita mara” narinig ni Mara na wika ni Daniel.             Pumula ang mukha ni Mara.             “namiss din kita dan.” Sagot ni Mara.             Mula sa kaniyang bulsa ay may inabot si Daniel sa kababata.             “Ito ang talagang regalo ko sa iyo para sa iyong pagtatapos.” Wika ni Daniel sabay abot kay mara ng isang kwintas.             Napajkaganda ng kwintas. May pendat ito na letter M.             Nagustuhan ni mara ang kwintas at tinulungan siya ng kaniyang kababata na isuot ito.             “napakaganda nito daniel. Salamat. Ang gaganda naman ng natatanggap kong surpresa at regalo ngayong graduation ko.” Masayang wika ng dalaga.             “Siyemre. You deserve it.” Sagot naman ni Daniel ng nakangiti.             Masaya rin ang binate dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makasama ang dalaga sa isa sa mga masasayang okasyon nito sa buhay.              “letter M ba ang iyong pinili dahil letter m ang umpisa ng pangalan ko?” tanong ni mara             “Siyempre naman.” Sagot naman ni danile habang nakakunot ang noo.             “Ah akala ko kasi ang ibig sabihin nito ay mahal” wika namn ni Mara             Pumula naman ang pisngi ng binate at mabilisang sinagot ang sinabi ni Mara.             “Hindi ah! M for Mara kaya yan.” Depensa ni Daniel.             Natawa naman si Mara sa naging reaksyon ni Daniel.             “Binibiro lamang kita ano ka ba.’ Tumatawang sabi ni mara.             “Pero pwede ding mahal.” Sagot ni Daniel.             Ang mga pisngi naman ni Mara ang pumula dahil sa ganting pangaasar ng binate.             Natawa naman si Daniel hanggang sa pareho na silang tumatawa.             “hanggang isang lingo ka lang ba talaga dan?” tanong ni Mara/.             “oo eh. May trabaho na kasi ako doon.” Sagot ng binate,.             “hala nagtatrabaho ka? Hindi ba ay nagaaral ka pa?”takang tanong ni mara.             “Oo. Pinagsasabay ko para makaipon. Pero isang buwan na lang naman at matatapos na ang pagtatrabaho ko doon. Isang bwan na lang kasi ay graduation ko naman.” Paliwanag ni Daniel.             “aba at ikaw namn ngayon ang gagraduate ha.? Masayang saad ni Mara.             “nauna ako sayo” dagdag pa nito na tila nagmamalaki dahil una siyang nakagraduate kaysa sa kaniyang kababata.             “nais kong naruon ka din sa graduation ko Mara.” Biglang wika ni Daniel.             Gulat na napahinto ang dalaga sa pang-aasar sa kaniyang kababata.             “ha? Eh ako din gusto kong naroon ako para sa graduation mo.”malungkot na wika ni Mara.             “kaso ang mahal ng ticket at gagastusin papuntang Prague. Sana pala ay nag working student din akong gaya mo.’ Nanghihinayang na saad ng dalaga.             Ginulo naman ni Daniel ang buhok ng kababata.             “Kahit malayo naman tayo sa isa’y isa ay parang malapit pa din. “ pampalubag-loob na saad ni Daniel kay mara             “iba pa din pag magkasama.” Malungkot pa din wika ni Mara.             “isa pa may pangako tayo sa isat isa.” Dagfdag pa nito.             “At walang nagbago sa pangakong iyon” wika naman ni Daniel.             “sana nga..” saad naman ni Mra.             Nagkwentuhan muli ang magkababata tungkol sa mga karanasan nila ng hindi magkasama. Walang tigil ang kanilang tawanan. Halos lipas na ang hatinggabi ng magpasya silang matulog na.             Sa loob ng isang linggong pamamalagi ni Daniel sa kanilang bahay ay pakiramdam ni mara na mas lalo pa niyang nakilala ang kababata. Wala halos itong pinagbago nukod sa pisikal na katangian nito. Mas lalong Gumwapo si Daniel. Lalong inibig ni Mara ang kababata.             Narito sila sa paliparan ngayon upang ihatid si Daniel. Nagyon ang ablik nito sa Prague. Akala ng ani Mara ay isasama siya ng kaniyang kababata gaya ng pangako nito dati subalit hindi iyon nangyari. Mukhang hindi pa nito kayang tuparin ang pangako. Naiintindihan naman ito ni mara dahil alam niyang hindi birong ha;laga ang kakailanganin sa pagpunta sa Prague.             Isa isa silang niyakap ni Daniel bilang pamamaalam. Nagmano din ito sa kaniyang mga magulang matapos yakapin ang mga ito. Walang tigil kung magpasalamat si Daniel sa mga magulang ni mra dahil tinanggap siya ng mga ito sa kanilang tahanan.              Nang si mara na ang yayakapin ni Danie ay kapwa bumilis ang t***k ng kanilang mga puso. Hindi nagpahalata si Daniel. May ibinulong ito kay mara habang yakap ito na gumulat kay mara at lalong nagpabilis sa t***k nag puso ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at hindi makapaniwala sa narinig mula sa kababata. Ito marahil ang huling surpresa na sinasabi ni Daniel mula pa kagabi. Indinga siya nakatulog dail sa supresang sinasabi ng kababata.             “Iniwan ko ang personal na notebook natin sa study table mo. Sa notebook ay may nakaipit na envelope. Kung ako sayo ay aasikasuhin ko na ang passport ko para magamit mo ang ticket na nasa loob ng envelope Mara. Hihintayin kita sa graduation ko. Dala kang maraming regalo ha?” mahabang saad ni Daniel sa kababata.             Pabyahe na sila pauwi ay hindi pa rin maalis alis sa isip ng dalaga ang sinabi ng kababata.             Nang makarating sa kanilang tahanan ay mabilis niyang pinuntahan ang kaniyang silid. Nakita niya sa kaniyang study table  ang personal nilang  notebook ni Daniel. Doon ay may nakaipit na putting envelope. Binuksan ito ni mara. Plane ticket to Prague. Iyon ang laman ng envelope.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD