Hindi mapakali sa Mara ng malamang sumulat ang kaniyang kababata. Nasa isip ng dalaga n asana ay bilisan na ng kanilang professor ang pagtuturo upang nakauwi na sila sa kanilang mga tahanan. Nagsimula na kasi ang kanilang klase. Kursong arkitektura ang kaniyang kinuha.
“Tagal naman matapos ni sir sa pagtuturo ano?” bulong sa kaniya ng katabing kaklase.
“Oo nga eh, excited pa naman ako makauwi.” Sagot naman ni Mara.
“Bakit? Hinihintay ka na ba ng nobyo mo?”Tanong naman muli ng kaklase.
“Ha?! Hindi hah… walang naghihintay sakin. Isa pa ay wala naman akong nobyo.” Nabiglang sagot ni mara.
“Oh eh bakit mukhang excited ka makauwi?” tanong ng kaklase.
“Eh kasi sumulat ang kababata kong si Daniel. Excited na akong malaman kung anon a ang kalagayan niya doon.” Paliwanang naman ni mara.
“ah kaya naman pala. Daniel na naman.” Humahagikgik na sabi ng kaklase.
“ha? Anong Daniel na naman?” Takang tanong ni Mara.
“Eh panp po kasi simula ng magumpisa ang ating kase at simula nung naging kaklase at kaibigan kita ay wala ka ng ibang bukambibig kundi Daniel.” Sabi ng kaklase ni mara habnag pinipigilan ang hagikgik nito.
Pasimpleng natatawa namn si Mara. Nag-iingat silang hindi marinig ng kanilang propesor. Takot silang mapagalitan.
Sa wakas ay natapos din ang kanilang klase para sa araw na iyon. Mabilisang nagpapaalam si Mara sa kaniyang mga kaibigan. Habang nag-aabang ng masasakyan ay hindi mapigilan ng dalagang maisip kung ano ang nilalaman ng liham ni Daniel. Sobrang miss na miss na niya ang kababata. Nagakroon naman siya ng mga kaibigan ngayong college student na siya subalit iba pa rin si Daniel. Malapit man siya sa mga kaibigan niya ngayon ay hinahanap hanap pa rin niya ang kababata.
Akala ni Mara noon ay hindi niya kayang makisalamuha sa mga tao lalo na sa mga bagong magiging kaklase niya dahil sa sobrrang pagka mahiyain niya paro napagtagumoayan niya ito.
Marami na siyang mga kaibigan ngayon subalit namumukod tangi pa rin ang samahan nil ani Daniel.
Nakarating na sa bahay si Mara.
“Ma narito na po ako.” imporma niya sa ina habang hinuhubad ang kaniyang sapatos.
“mano po ma.” Pagmamano ni Mara sa ina.
“Kaawaan ka ng Diyos anak.” Sabi naman ng ina
“Ma asan po yung sulat ni Dan dan?” agad na tanong ng dalaga sa ina.
“naroon sa iyong silid.” Sagot naman ng in ani Mara
Mabilisang pumasok si mara sa kaniyang silid upang hanapin ang sulat.
“Hala at magpalit ka muna ng damit mara at magmiryenda ditto bago mo basahin ang sulat ni Daniel.” Utos ng in ani Mara.
Hindi pinansin ni Mara ang sinabi ng Ins. Matapos ilapag ang kaniyang bag sa kaniyang kama ay pumunta na sa study table ang Dalaga. Naroon kasi ang sulat ni Daniel.
Napailing na lamang ang kaniyang ina at ipinagpatuloy ang pagtutupi ng kanilang mga damit.
Sa silid ng dalaga ay makikita itong dali-daling binubuksan ang sulat ng kababata subalit kahit nagmamadali ay maingat pa rin si Mara sapagkat ayaw niyang masira o mapunit ang sulat dahil lamang sa siya ay nagmamadali.
Napangiti ang dalaga ng mapagmasdan ang sulat-kamay ni Daniel.
Binasa ng dalaga ang may kahabaang liham ng kababata sa kaniya. Halos mapuno nito ang dalawang pahina ng papel. Natatawa siya sa isiping siguro ay inilagay ng kaniyang kababata ang buong karanasan nito simula ng tumuntong ito sa Prague. M
medyo natagalan kasi ito sa pagsulat sa kaniya na kaniya namang naiintindihan dahil siya man ay naging abala sa preparasyon paukol sap ag-aaral nila sa kolehiyo. Iipinagpatuloy ni Mara ang pagbabasa sa liham.
Mara,
Kamusta na ang makulit at pilya kong kababata? Sana naman ay hindi mo binibigyan ng sakit ng ulo sina tito at tita. Oh wag kang sisimangot, lalo kang papangit.
Napangiti si Mara. Kilala talagas siya ng kaniyang kababata. Alam na alam nito ang magiging reaksyon niya.
Marahil ay iniisip mo kung kamusta na kami ditto, lalong lalo na ako. Huwag kang mag-alala. Ayos naman kami ditto. Pasensya na kung medyo natagalan ako sa pagliham. Medyo nahihirapan kasi akong mag-adjust sa pamumuhay ditto. Miss ko na ang hangin ng probinsya. Presko, sariwa at malinis.
Alam mo noong unang araw ko ditto ay halos maligaw ako sa paaralan. Hindi ko pa kasi kabisado bawat building ditto. Unang beses ko ding makaramdam ng hiya noong magtatanong na ako ng direksyon. Marahil ay dahil iba ang lengguwahe dito. Sa ngayon ay nag-aaral din ako ng Czech language upang maintindihan ko ang mga locals dito.
Natatawa si mara ng malamang halos pareho sila ng karanasan ng binate. Naligaw din ang dalaga noong unang araw niya sa unibersidad. Biglang naisip ng dalaga kung kamusta na ang mga magulang ni Daniel.
Okay lang sina Mommy at daddy.
Nagulat ang dalaga ng tila alam ni Daniel ang kaniyang nasa isipan. Nakangiting ipinagpatuloy ni Mara ang pagbabasa.
Okay lang sina Mommy at dady. Mas mukha pa nga silang nag-eenjoy kumpara sa akin. Alam mo bang para silang mga teenegers. Halos makabisa na nila ang bawat sulok ditto sa lugar naming dahil araw-araw silang lumalabas. Animo’y laging nag-de-date.
Marami ka na bang naging bagong kaibigan diyan? Sana naman ay hindi mo nililimitahan ang iyong sarili sa pakikisama sa mga bago mong kaklase mara. Kilala kita. Napaka-mahiyain mo.
Alam mob a Mara na ikaw ang nasa isip ko noong nag-eenroll ako at noong unang araw ng pasukan ditto. Iniisip ko kung ano ang ginagawa mo at kung naliligaw ka ding katulad ko.
May mga naging kaibigan din ako ditto pero limitado lang dahil karamihan ay Czech language lang ang alam at limitado ang kanilang ingles.
Ah naalala ko na noong unag gabi naming ditto nagdesisyon kaming kumain sa labas. May isang babae ang nagtanong sa amin ng dereksyon. Natawa kami parepareho noong napoag-alamanan naming kapwa kami mga bago sa lugar. Alam mo ba na nagkita kami ulit sa paaralan at kapwa kami nagulat ng malaman naming iisa ang papasukan naming school. Pagkakataon nga naman.
Halos magkaugali kayo Mara. Nakikita kita sa kaniya. Nabawasan ang lungkot ko kapag kakwentuhan ko siya.Suablit iba pa rin kapag ikaw ang aking kasama.
Nag-iisnow ngayon dit. Alam kong pangarap mo din makakita nito hindi ba? Balang araw dadalhin kita rito Mara. Sabay nating papanoorin ang pagpatak ng niyebe.
Nag-aaral ka bang Mabuti? Wag kang magpapagutom at palagi kang kumain sa oras. Masama sa katawan ang nagpapalipas ng guto. Kailangan nating kumain ng Mabuti dahil nakakapressure at maraming ginagawa sa college.
Huwag ka munang mag-boyfriend ha? Tuparin muna natin ang pangako natin sa isa’t isa. Naku lagot ka sa akin kapag nalaman kong may nobyo ka na. Focus muna sap ag-aaral.
Mag-iingat ka sana palagi diyan Mara. Pakikamusta mon a lang para sa akin sina tito at tita.
Siya nga pala kalakip ng sulat na ito ay isang munting regalo mula sa akin.Binili ko talaga ang mga iyan para sa iyo. Bawat may nakikita kasi ako ditto ay ikaw ang aking naiisip. Sana ay magustuhan mo ang mga ito.
Miss na miss na kita mara. Ingat palagi.
Nagmamahal,
Dan-Dan
Napatayo sa kinauupuan si Mara ng mapagtantong may ipinadalang regalo si Daniel sa kaniya. Mabilis siyang lumabas sa kaniyang kwarto upang tanungin ang kaniyang oina tungkol ditto.
“Nay may regalo si Dan-dan?” pasigaw a tanong niya sa kaniyang ina.
“Oo. Ayan oh sa lamesa sa sala lamang natin nakapatong at di mon a napansin kanina dahil sa pagmamadali mong mabasa yang sulat ni Daniel sayo.” Sagot ng kaniyang ina na may halong panenermon.
Nakakunot ang noong hinanap ni Mara ang kahon na sa sinasabing lugar ng ina.
“eh pano naman po kasi nay namimiss ko na si Dan dan. Kya naman naexcite ako ng malaman kong sumulat na siya.” Nakanguso habang nagpapaliwanag si Mara.
“Ikaw talagang bata ka. Kung makaakto ka ay akala mob a ay d na kayo magkikita pa ni Dan.”
Napatingin sa ina si mara habang hawak hawak hawak ang kahon.
“aba nay matagal pa kasi iyon.” Dagdag pa ng dalaga.
Dinala ni Mara sa kaniyang silid ang regalo sa kaniya ni Daniel. Labis ang kasiyahang kaniyang nararamdaman.
Mabilis niyang kinuha ang kaniyang gunting upang buksan ang kahon.
Nang mabuksan ni mara ng padala ni Daniel ay bumungad sa kaniya ang sari-saring mga bagay. May Nakita siyang mga postcard, litrato nina danil at mga magulang nito sa isang simbahan sa Prague, isang keychain na may susi at iba pa.
“nay tingnan niyo po oh” sabi ni Mara habang hawak ang mga litrato ninsa Daniel sa kamay. Lumabas siya sa kaniyang silid upang ipakita ang mga larawan sa kaniyang ina.
“aba at mukhang naka-adjust na sila doon ha. Tingnan mo mara mukhang ginaw na ginbaw sila.” Natutuwang saad ng in ani mara habang tinitingnan isa isa ang mga litrato.
“Nakakatuwa silang pagmasdan nay.” Sahot naman ni Mara
“Abah tingnan mo oh. Sino ito mara? Tanong ng ina.
Tiningnan ni mara ang larawang tinutukoy ng ina. Sa larawan ay ang magkaakbay na maguloang I Daniel. Katabi ng am ani Daniel ay dabiel at katabi naman ng ina nito ang isang dalagang napakaganda. Sa isip ni Mara ay ito marahil ang dalagang nakilala ni Dniel sa restaurant at magiging schoolmate nito.
May konting kirot na naramdaman si Mara ng mapagtantong malapit na kay Daniel ang bagong kakilala nito. Nagseselos siya. Nais niyang siya ang nasa larawan sa halip na ang babae.
“Ang ganda naman niya.” Hindi gaanong sinserong sambit ni Mara.
“sino kaya ito mara? Nabanggit b ani Daniel sa kaniyang liham? Patuloy na tanong ng kaniyang ina.
“ah opo. Bagong kakilala nila Nay. Parang schollmate po yata ni Daniel.” Paliwanag naman ni Mara.
“Ah okay. Mukha naman mabait. Hala ka Mara baka mamaya eh maging kasintahan ito ni Daniel.” Pananakot sa kaniya ng ina.
“si inay naman oh…” maktol ni Mara
“malabong ,mangyari po iyon. Focus na focus sap ag aaral si Daniel. Isa pa ay nangako kaming magkikita after graduation at sabi pa niya ay dadalhin niya ako sa prague upang ipasyal.” Dagdag pa ni mara.
“nangako iyon na dadalhin ka sa Prague at ipasyal hindi pakasalan” narinig nilang sabat ng kaniyang ama.
“oh nariyan ka na pala mahal. Kamusta ang iyong araw” sambit ng in ani Mara habang tumatayo upang hagkan ang asawa.
“Mano po tay.” Pagbibigay galang naman ni Mara.
“kanina pa ako ditto. Kayong dalawa talaga. Masyado kayong seryoso sa inyong ginagawa. Ano ba iyang hawak mo mahal?” tanong ng am ani Mara.
“Ah heto ba? Mga larawan nina Daniel. Kasama sa ipinadalang sulat para kay Mara.” Paliwanang naman ng in ani Mara.
“aba at patingin nga. Namimiss ko na si kumpare at kumara.” Sabi ng am ani mara sabay kuha sa mga litrato.
Natutuwang pinagmasdan ng am ani Mara ang mga larawan isa isa.
Iniwan namn ni Mara ang kaniyang mga magulang upang pumunta sa kaniyang silid. Ipinagpatuloy niya ang pagtingin sa mga laman ng kaon.
Napukaw ang interest ng dalaga sa isang Notebook. May kakapalan ito at naka-lock. Mabilis na kinuha ni mara nag keychain na may susi kanina. Ito marahil ang susi ng notebook. Ahndi nga siya nagkamali.Bawat pahina ay may disensyo. Mabango din ang papel nito. May kasama itong isang ballpen na may cute na design sa dulo.
Binuksan ni Mara ang Notebook at nagulat siya ng may nakasulat sa unang pahina nito.
“Para sa atin ang notebook na ito mara. Sulatan natin ito ng magagagndang mga karanasan natin o ng atibg mga nararamdaman. Masaya man o malungkot. Akon a ang naunang nagsulat. Sa susunod naman ay ikaw. Ipidala mo ulit ang notebook na ito kapag magliliham ka sa akin ha? Huwag mong kalimutang sulatan ito bago mo ipadala. Hihintayin ko ito.”
Parang hinaplos ng kung ano ang puso ni mara. Napakagandang ideya ang naisip ni Daniel. Sa isip ni mara ay mas makikilala nila ang isat isa a pamamagitan ng Notebook na ito. Para sa kaniya ay ito ang magsisilbing personal na pag-aari nil ani Daniel. Sa hinala niya ay mayroon ding susi si Daniel.
Mabilis na pumunta sa kaniyang study table si mara upang sulatan ang notebook nil ani Daniel. Masaya niyang ikukwento sa binate ang kaniyang mga bagong karanasan particular sa paaralan ng hindi kasama ang kababata.
Matapos sulatan ang notebook ay kumuha naman ng hiwalay na papel ang dalaga upang gawin ang sulat nmiya para kay Daniel at sa mga magulang nito.
Naisip din ni mara na padlahan ng mga pagkain na maari nilang ipadala sa pamilya ni Daniel. Hinala niya ay nananabik na ang mga ito sap ag-kaing probinsya.
“nay!” tawag ni mara sa ina.
“Bakit anak?” sagot naman ng ina sabay silip sa silid ng anak.
“Maaari kaya tayong magpadala ng pagkain kina Daniel gaya ng daing na isda?Baka po kasi namimiss na nila.” Tanong ni Mara.
“Oo naman anak. Sige ako na ang bahalang maghanda ng iappadala sa kanial. Sumusulat ka bas a knila anak? Kung oo ay ipakikamusta mo sina kumara at kumpare ha?” utos ng in ani Mara.
“opo inay.sasabihin ko po.” Sagot naman ni Mara.
“Salamat.” Wika namn ng ina at lumabas na ito ng silid ni Mara.
Mabilis na lumipas ang mga taon.Nagpatuloy ang pagsusulatan ng magkababata hanggang sa 4th year college. Halos mapuno na nila ang notebook sa pagsusulat tungkol sa kanikanilang karanasan. Mayroong malungkot subalit mas marami ang masasayang pangyayari. Dahil sa notebook na ito ay pakiramdam nila ay hindi sila talagang nagkalayo. Mas napalapit pa nag sila dahil mas personal na ang nababasa nila sa notebook. Natutuwa si Mara dahi sa wakas ay malapit na talaga silang magkita ng kababata. Halos patapos na ang school year. Malapit na ang kanilang pagtatapos ni Daniel sa kolehiyo. Kinakabahan man ay alam ng dalaga na maipapasa niya ito. Lumalakas ang kanyang loob dahil kay Daniel. Inspirasyon niya ito. Hindi ito nagkulang sa mga pangaral at pagsuporta sa kaniya.
Kaunting pagtitiis na lang, makakamit na niya ang kaniyang pangarap at ang pangarap na makasama ang binata.