NAUNA nang inayusan ni Sussie ang limang lalaki. And god! They looked so handsome and hot with their get ups. All of them are wearing dark blue fitted pants. May design na silver metal iyon at may maliliit na punit iyon sa bandang hita. Ang suot naman na sapatos ng mga ito ay kulay black at blue. Parang combination iyon ng black shoes at rubber shoes dahil sa designs niyon. Ang suot naman na pang-itaas ng mga ito ay sando na kulay black. Pinatungan iyon ng kulay blue na sleeveless coat na nadedesenyuhan ng silver metals at fur. May suot ding maliit na silver and diamond earrings ang mga ito, rocker bracelet at bling-bling. And all their hairs are in a spiky style. May wax yatang inilagay doon dahil kapag tumatama sa ilaw ay nagkukulay blue ang ilang hibla niyon. Hindi mapigilan ni Franc

