PATAPOS na ang klase nina Francez ng araw na iyon. Mamaya na ang competition nila sa battle of the band. Sa totoo lang, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba at takot. Alam kasi niyang sa lahat ng sinalihan ng mga itong competition ay umuuwing panalo ang mga ito. First time pa man din niyang kumanta at tumugtog ng gitara sa harap ng libu-libong fans ng mga ito at take note, sa isa pang competition. Parang gusto na niyang atakihin sa puso dahil sa matinding takot. Pakiramdam niya para siyang bibitayin ng mga limang lalaki dahil sa biglaang desisyon ng mga ito. Masyado na siyang nawiwindang sa mga nangyayari. Paano na lang kapag sumemplang siya at nagkamali? Paano kapag matalo sila nang dahil sa kanya? Paano na? For sure, ay hindi matutuwa ang mga ito kapag nangyari iyon. At marahil ay map

