Matiyaga akong naghintay sa pwedeng gawin ni Ezekiel. The last time we spoke, ipinangako niyang hinding-hindi na ako maba-blackmail pa ni Damon. Pinanghahawakan ko ang pangakong iyon. I waited for days until they became weeks. And now it had been three weeks since I last saw Ezekiel. Hindi kami madalas magkita ni Damon dahil sa parehong busy. Pero kapag may free time siya, bumibisita siya sa opisina ko at wala siyang kasing lambing na sinasakyan ko lang. Alam ko namang hindi totoo ang pinapakita niya. Gusto lang niyang ipakita sa iba na isa kaming perfect couple sa mata ng mga empleyado at mga pamilya namin. But the truth was… I didn’t trust him any longer. Hindi ko alam kung may bago na naman siyang ikinakamang babae sa penthouse niya at pagkatapos ay papatayin. Hangga’t maaari, ayoko

