bc

Twisted Bastard's Captive

book_age18+
2.1K
FOLLOW
13.1K
READ
billionaire
alpha
opposites attract
dominant
badboy
goodgirl
twisted
sweet
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa sobrang pagiging protective ng pamilya, bawat kilos ni Persephone ay binabantayan. Kulang na lang ay itali siya sa baywang ng kanyang mga magulang.

Ngunit isang tao lang ang gusto ni Persephone na matali sa kanya. Ito'y si Damon Aquino. Isang buwan pa lang silang magkasintahan. Ngunit magmula nang ipasa rito ang pamamahala sa negosyo, nabawasan ang kanilang komunikasyon at madalas pa'y nasa ibang bansa ito, dahilan kaya lalo siyang nakadarama ng lungkot at pangungulila.

Dahil dito, nakiusap si Persephone sa ama na habang abala ang nobyo ay magbabakasyon muna siya kung saan. Pumayag ito ngunit sa isang kondisyon- isasama niya si Ezekiel Sanches, ang supladong personal na bodyguard ng kanyang ama.

Tunay ngang mapagkakatiwalaan si Ezekiel Sanches.

Iyon nga lang, hindi sa kanila nakaukol.

Magugulantang na lang ang pamilya Arania nang kidnapin ng binata si Persephone sa araw pa mismo ng kanyang kasal.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: Dumped Beauty
Others would think that I was lucky enough because I belonged to the well-to-do family. Akala nila wala na akong pinu-problema dahil wala 'raw' akong bagay na hindi nakukuha. Pero bakit malungkot pa rin ako ngayon habang ang buong pamilya ko ay nagkakasiyahan sa function hall? It was Daddy's fifty-seventh birthday and this day was one of the most important events in Arania MarketPlace, the leading e-commerce business in the Philippines, I would say. Lahat ng mga bisita sa loob, kasing-importante niya. Isa na lang ang hindi pa dumarating at iyon ang boyfriend ko. Para tuloy akong mayaman na Cinderella na naghihintay sa pagdating ng prinsipe niya. One month pa lang kami at ngayon ko siya ipapakilala sa pamilya ko bilang boyfriend. Magkaibigan naman kasi ang parents namin. In fact, his dad was already inside. Siya na lang talaga ang wala. "Damon, nasaan ka na ba?" Halos isang oras na akong nakatayo rito sa labas ng grand entrance at nag-mo-moonbathing suot ang napakagandang pulang gown ko. Siguro hinahanap na ako sa loob. Ramdam iyon ng mga balahibo ko sa batok. At kapag lumagpas sa isang oras na hindi pa ako umakyat, baka i-report nila akong missing. "Miss Persephone, narito ka lang pala." Siya na naman. I exhaled in annoyance and turned to my back. "What, Sanches?" He frowned but it only made his dark gray eyes more intense. Bahagyang napaatras ako. Ewan ko ba, naiilang ako sa kanya kahit ang guwapo niya. Ang laki rin ng katawan niya. Parang sa gym siya nakatira. "Pinapatawag ka na ni Sir Tomas. Ipapakilala ka niya sa mga bisita." My shoulders sagged. Anyway, what else was new? Ito na ang nakalakihan ko. Ang problema, twenty-two years old na ako pero hindi ko pa rin magawang makasanayan ang mundong ito. Wala nga akong problema financially pero wala rin akong freedom. Kahit anong pilit ko, I couldn't fit in. And I felt like there was another life waiting for me outside this luxurious world. Hindi ko lang matukoy kung ano. "Pakisabi kay Daddy, susunod na ako. Hinihintay ko lang si Damon. He's coming over." Tumalikod na ako. I folded my arms on my chest and stared at the dark highway. "Mabuti pa bumalik ka na ro'n. Hindi naman kita bodyguard, bakit sa akin ka bumubuntot?" Narinig kong nagbuntong-hininga siya. "Sabi ni Sir Tomas, kapag sinabi mo raw 'yan, huwag daw kitang iwanan hanggang hindi ka pumapasok sa loob." "Oh, what?" I narrowed my eyes and looked back at him. "Hindi ba puwedeng hihinga lang ako sandali? Kasi, I feel so suffocated inside. I want to take a break even for a while, hindi ba puwede?" Nagkibit-balikat siya. "Sumusunod lang ako sa orders, ma'am. Kaya huwag mo sa akin ibunton ang inis mo." "Excuse me?" Tinaasan ko siya ng kilay. "For your information, hindi kita pinagbabalingan. Saka ikaw ang lumapit sa akin kaya pasensya ka." I turned away again. Nakakainis ang lalaking ito. Porque naka-black suit siya ngayon at hindi mukhang bodyguard, pagsasalitaan na niya ako nang prangka? Anyway, I couldn't remember the time he talked to me in a friendly manner. Ang suplado niya kausap kahit alam niyang ako ang bunsong anak ng amo niya. Sa lahat yata ng naging bodyguard ni Daddy, siya ang pinakamasungit. Pero siya rin ang pinakamatagal. He'd been with us for two years now. "Marunong akong magpasensya. Kaya magti-tiyaga akong tatayo kasama mo. Ikaw, okay ba sa 'yong dalawa lang tayo rito? Kaysa sa naroon ka sa party kasama ang pamilya mo?" "Kainis ka!" I hissed at him. Ewan ko lang, pero parang sinasadya niyang asarin ako. Malamig ang gabi pero ramdam kong kumukulo na ang dugo ko sa lalaking 'to! "So, gusto mo bang sabihin na wala akong choice kundi bumalik sa loob?" He nodded slowly. Halatang fake ang pagkakalungkot ng mukha niya. "Sa 'yo nanggaling 'yan, ma'am." "Fine! I'll go inside," I huffed and walked past him. Sinadya kong sagiin ang braso niya pero muntik na akong matigilan nang malanghap ko ang pabango niya. It was woody and clean. Amoy expensive. Seriously, kung ngayon ko lang siya nakita, iisipin kong isa siya sa mga business partners ni Daddy. Hindi talaga siya mukhang bodyguard sa pormahan niya ngayon. Bakit ba ako masyadong amazed sa itsura niya? Ang dapat iniisip ko ay ang pagpapakilala ko kay Damon sa pamilya ko bilang official boyfriend. I know our parents would be surprised. Pero wala naman silang dahilan para tumutol. We're both on the same social status. Isa naman iyon sa alam kong tinitingnan nila. Pagbungad ko pa lang sa pinto ng function hall, nagsitinginan na silang lahat sa akin, my mommy and three siblings included. Uminit tuloy ang mukha ko at parang gusto kong matunaw. Bakit ganyan sila makatingin? May dumi ba ako sa mukha? "Persy!" Nakangiting lumapit si Daddy sa akin at inakbayan ako, saka tumingin sa mga kasama niya. "My dear friends, siya ang sinasabi ko sa inyo. Meet my youngest daughter, Persephone," he said and gazed down at me. "Persy, he's Mr. Arevalo and his son Garreth. Nagbabakasyon lang sila rito sa Pilipinas. Bukas, babalik na silang Paris." "H-hello." I urged myself to smile and shook hands with them. Pero tumagal ang kamay ko kay Garreth." "Ikaw na pala 'yan, hija," sabi ni Mr. Arevalo at tinapik ang balikat ng anak niya. "Natatandaan mo pa ba kami? You used to be my son's playmate when you were four years old. Magkasing-edad lang kayo ni Garreth." "Oh, talaga po?" I raised my eyebrows. Tumingin ako nang matagal kay Garreth na tipid ngumingiti. He was a pretty guy. Tipong boy next door. Pero hindi ko siya naaalala kasi puro manika at pagkain ang alam ko noon. "Masaya akong nag-meet uli tayo, Garreth." "Moi aussi," sabi niya. I tilted my head. "What?" He chuckled. "I mean, me too." "Ah…" I nodded slowly. "Look at them, Tomas. Mukhang magkakasundo ang mga anak natin," The very tall Mr. Arevalo gushed, looking at Dad. "What if we leave them for a while para makapag-catch up naman sila?" "Oh, well…" Alanganing tumingin sa akin si Daddy. Alam kong ayaw niya akong iwan sa lalaking ngayon ko lang uli nakita. Pero napasubo na siya kasi kaibigan niya ang ipinakilala niya. I just smiled at both of them para hindi mapahiya si Daddy. "You two enjoy yourselves kids. At may pag-uusapan lang kaming mahalaga ni Tomas." Inakbayan ni Mr. Arevalo si Daddy at humalo na sila sa mga taong sobrang elegante ang pananamit. Pero bago siya umalis, napansin kong sinenyasan ni Daddy si Sanches. It made me groan inwardly. Seriously, buong gabi ba akong babantayan ng lalaking ito? Kahit nakatayo siya sa 'di kalayuan, feeling ko katabi ko lang siya. "Hey, I like your manicure." I raised an eyebrow when Garreth touched my hand resting on the table and examined my French-dip nails. Like seriously? 'Yon ang unang napansin niya sa 'kin? "T-thanks." Parang bigla siyang nagulat. He cleared his throat and sat straight. Ang strange lang. "Hey, huwag kang mailang sa akin, okay?" he said. Pero kina Mr. Arevalo siya nakatingin. "I know what you're thinking. Iniisip mo inirereto ako ng dad ko sa 'yo. Well, you're right." I held my breath. I wanted to protest, to tell him that I already had a boyfriend but then he tapped my hands and smiled. "Don't worry, sister. Hindi naman kita type. If you like guys, me either." My jaw almost dropped. "You mean…" "That's right," he said and winked at me. Doon ako nakahinga nang maluwag. I looked at him in amazement. "Kaya pala nails ko agad ang unang napansin mo." Tumaas ang isang kilay niya pero ngumisi sa akin. "Hindi lang nails mo. Malayo ka pa lang, gandang-ganda na ako sa 'yo. Para kang rumarampa sa beauty pagent suot ang evening gown, besh." I blinked. The way he said it, sobrang feminine. Parang gusto ko tuloy siyang yakapin. "W-wow, thanks for the compliment, Garreth." He smiled. Tipid iyon pero sinsero. Sandali kaming nanahimik dahil naka-focus kami sa mga inihain sa amin ng caterer. The steak looked very tasty kaya sinimulan ko na ang pagkain. Pero si Garreth, napansin kong nakatingin sa bandang likuran ko habang hawak niya ang baso ng wine. "Sino ba ang guwapong guy na 'yon? Kanina pa siya nakatingin sa 'yo, eh." I turned my head over my shoulder and pouted. "Si Sanches 'yon. Bodyguard ni Daddy pero ako ang binabantayan ngayon." "Sanches?" Nagtaas ng isang kilay si Garreth habang nakatingin sa akin. "Why?" I raised my eyebrow too, mimicking his expression. "Titig na titig siya sa 'yo, sis. Parang inaanu ka niya sa isip niya." I almost choked on my food. Uminom ako ng juice saka napasimangot sa kanya habang pinupunasan ng tissue ang bibig ko. I might be lack of experience about that thing, pero alam ko ang ibig niyang sabihin. Sasagot na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko. I immediately fished it out of my purse and my heart leaped for joy. Malawak ang pagkakangiti ko nang sagutin ang tawag. "Damon! Oh, thank God, tumawag ka na. Wait, nasa labas ka na ba?"Sa sobrang tuwa ko, napatayo pa ako sa upuan. Pero matapos kong marinig ang sinabi niya, parang nanlambot ang mga tuhod ko. "A-anong sinabi mo? Hindi ka makakarating?" Pero…" Bago ako makapagtanong uli, binabaan na niya ako ng phone.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.6K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.1K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.6K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.8K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.8K
bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.9K
bc

Payment of Debt

read
87.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook