Kabanata 2: In Those Protecting Arms

1574 Words
Confusely, I went out of the hall, the phone stuck to my ear. Paulit-ulit kong tinatawagan si Damon pero hindi na niya sinasagot. Gano'n na lang ba 'yon? Sasabihin niyang hindi siya makakarating tapos, tapos na? Matagal na namin 'tong plano kaya hindi ko alam kung bakit bigla siyang umurong. Padabog akong naglakad sa hall habang nagngingitngit sa pagkairita. "Damon naman. Sagutin mo lang sandali." Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone kasi pakiramdam ko, anytime ihahagis ko 'to. Pero hindi pa puwede hangga't hindi ko siya nakakausap. Napahinto ako nang sa wakas, damputin niya ang letseng phone. Sa sobrang atat ko, nagsalita ako agad kahit hindi pa siya nage-hello. "D-Damon, what's happening? Nasaan ka ba? Bakit bigla mong sasabihing hindi ka darating?" Halos hindi ako humihinga sa pagtatanong. "Look, Persy, I'm really sorry. But please understand, mas mahalaga ang hinahabol kong flight ngayon." "Flight?" Lumukot ang mukha ko. "Anong flight? Saan ka pupunta? Bakit agad-agad? Saka bakit ngayon pa?" "Oh, Persy, I don't have time to explain about this. Look, magkita na lang tayo next week, alright? Sige na. Bye-bye. Sasakay na ako sa plane." Just like that he hung up, leaving me frustrated and puzzled. Ilang minuto pa rin akong nakatulala sa cellphone, tinititigan ang sarili ko sa itim na screen. Bakit siya gano'n? Akala ko ba importante ang gabing ito sa kanya? Kumuha pa ako ng designer para igawa ako ng gown at sobrang isang oras akong nag-makeup para kapag ipapakilala na niya ako bilang girlfriend, hahangaan ako ng parents niya, though lagi naman nila akong nakikita. Now I just felt dumped. Pakiramdam ko, ni-reject niya ang beauty ko. Ang sakit lang sa dibdib, parang piniga ng higanteng kamay ang puso ko. "Ms. Persephone…" "What the eff! Hanggang dito ba naman?"I shut my eyes, hearing that deep voice echoing down the corridor. Lumingon ako at pinanliitan ko si Sanches ng mga mata. Hindi na niya suot ang black suit. Naka-putting longsleeves na lang siya at naka-rolyo hanggang mga siko. He looked very fashionable, pero nakakairita pa rin siya. "Bumalik ka na nga do'n! Bakit sinusundan mo na naman ako!" It was more of a shout. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at bitbit ang mahabang palda ng gown ko, halos patakbo akong lumakad palayo. "Ibinilin ka sa akin ni Sir Tomas. Siyempre kung saan ka sumuot, susundan kita." "Letse talaga!" I was gritting my teeth while eyeing at the elevator. Ang problema, malayo pa iyon. Kaya nakuha ng atensyon ko ang pintong may nakasulat na exit. Doon na lang ako dadaan tapos ilo-lock ko para hindi na siya makasunod. Ang gusto ko lang naman ay mapag-isa at ibuhos nang tahimik lahat ng sama ng loob ko. "At saan mo naman balak pumanta, ma'am? Hindi diyan and direksyon ng party." Hindi pa rin ako lumilingon pero dinig ko ang papalapit na yabag ng mga sapatos niya. Sinisimulan ko na ngang tumakbo pero mukhang maaabutan niya ako! "Do you think gusto ko pang bumalik sa party? No way! Natunaw na nga ang makeup ko, eh!" I sniffed and clutched the knob of the exit door. "Ms. Persephone, huwag kang pupunta diyan! Delikado!" "Pupunta ako kung saan ko gusto kaya lubayan mo na ako kung puwede?" "Ma'am, huwag! Pakiusap, huwag kang pumasok diyan! Hindi mo ba nakikita 'yong nakasulat?" "Go to hell, Sanches!" "Nagbibiro ka ba? Nanggaling na ako doon." "Whatever!" I hissed at him before opening the door. At paglingon ko sa exit humakbang kaagad ako. Pero laking gulat ko nang wala akong matapakan. Worse, wala akong ibang makita maliban sa mga hagdan na naka-detached sa floor namin. Pakiramdam ko, tinakasan ako ng kaluluwa. I screamed while my arms wiggled in the air like I was a bird that couldn't fly. Sinikap kong kumapit sa pinto pero nadulas lang ang kamay ko dahil sa pamamawis. But then just as I thought I was going to fall from the 30th floor, a pair of strong arms circled around my waist and yanked me back to safety. Humihingal ako habang dahan-dahan kong idinidilat ang mga mata ko. I realized I was on top of Sanches while he laid on the floor, his chest raising up and down. "S-Sanches…" "Napakapasaway mo talaga, madam!" he yelled as his head fell back. Nakayakap pa rin siya sa akin. "Mamamatay ako sa takot sa 'yo, alam mo ba? Paano kung hindi kita naagapan? Saan kita pupulutin?" Hindi pa rin ako makakilos dahil sa takot. Nanginginig pa rin ang katawan ko at pinagmamasdan ko lang ang galit niyang mukha. "S-sorry. I'm sorry." My tears streamed down my face. Hindi ko na napigilan at sumubsob ako sa dibdib niya at doon humagulgol. Nai-imagine ko ang sinabi niya. Paano kung nahulog nga ako? "Tahan na, please. Baka sabihin ng iba, pinaiyak kita." He moved. The next thing I knew, I was on his arms. Karga niya ako. "Babalik ka pa ba sa venue?" he asked, frowning. "No. I just want to go home. I feel so exhausted. Gusto kong magpahinga na lang," I said and sniffed again. He nodded slowly while looking down at me. Akala ko ibababa niya ako pero nagpatuloy siya sa paglalakad habang karga ako. Parang hindi man lang siya nabibigatan sa akin. "H-hey you can put me down. Kaya ko namang maglakad," naiilang kong sabi. Pero bakit nakakarelax magpagarda sa kanya? "Wala kang sapatos. Nahulog sa exit, 'di ba? Baka mapaltusan ka pa kapag pinaglakad kita." Hindi na ako nagprotesta. Wala din naman akong lakas para maghakbang pa ng mga paa. Hanggang ngayon, naiisip ko pa rin ang nangyari kanina. Pero tumahimik na lang ako hanggang sa isinakay niya ako sa kotse. After that he leaned towards me. Napigil ko ang paghinga. Akala ko kasi kung anong gagawin niya. Hihilain lang pala niya ang mga strap ng seatbelt ko. "Thank you, Sanches." Natigilan siya sa pag-adjust at nag-angat ng mukha sa akin. My heart thudded like a jackhammer. I gulped when he looked into my eyes. "Thank you saan?" His thick eyebrows almost met. "Sa… sa paghila mo sa akin kanina." This was the first time I gazed at him this close and I couldn't help but be mesmerized by the depths of the silvery gray in his eyes. The longer I looked at him, the more fazed my brain became. What the eff was this? Bakit parang natataranta ako? I was freezing and deep inside, my cells were trembling. Gusto kong itulak siya palayo pero hindi ko magawa. Gusto kong mag-iwas ng tingin pero napako ang paningin ko sa kabuuan ng mukha niya. "Natatakot ka pa rin ba, ma'am?" I blinked. "I'm sorry, ano 'yon?" "Kung natatakot ka pa dahil sa nangyari kanina," he repeated while gazing at each of my eyes. I shook my head. "N-not anymore, I guess?" "Mabuti naman." He took a deep breath and looked down at my parted lips. Dahil doon napahawak ako nang mahigpit sa seatbelt. Anong balak gawin ng lalaking ito? Naramdaman ko na lang na pinisil niya ang kamay ko. Dahan-dahan akong yumuko sa malamig na bagay na ipinahawak niya sa akin. Then I realized it was no other than my cellphone. Naalala kong nabitiwan ko nga pala ito no'ng buksan ko ang exit door. "Tawagan mo muna sina Sir Tomas bago tayo umalis," bulong niya at tumuwid ng pagkakaupo sa driver seat. "O-okay…" Pakiramdam ko, nagka-hangover ako sa sobrang lapit ng mga mukha namin kanina. Kahit nasa tainga ko na ang phone at pinapakinggan ang pag-ring, naiwan sa likod ng mga mata ko ang kasidhian ng mga titig niya. Ano kayang iniisip niya? "Persy, hija? Nasaan ka na?" I shook my head to dismiss my previous thoughts. "Nandito sa car. Um… Daddy, puwede bang mauna na ako? Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko. Late na rin kasi." "Ah, gano'n ba? O, sige. Magpahinga ka na. Sandali, kasama mo ba si Sanches?" "Opo…" I nodded and took a quick glance at Sanches. Diretso lang ang tingin niya pero halatang nakikinig siya. "Good. Okay, goodnight, hija. Matulog ka na agad pag-uwi ng mansyon." "I will. Happy birthday uli." "Thank you, hija." Bago ko ibaba ang phone, humabol pa ako. "Ay, wait, Daddy! Can I speak with Garreth? Hindi kasi ako nakapagpaalam sa kanya kanina." "Sure, nandito lang siya. Katabi namin ng mommy mo. Hold on, I'll pass the phone to him." Habang ilang saglit akong naghihintay, napansin kong tumingin sa akin si Sanches. He was frowning. Anong problema niya? "Persephone?" "Hey, Garreth…" I turned away when the other line spoke. "Sorry ha, hindi na ako nakapagpaalam sa 'yo. Medyo nagkaproblema lang kasi ako sa kausap kanina." Napansin kong biglang tumahimik. Parang lumayo siya sa ibang tao, saka siya nagsalita uli. "Okay lang, sis. Alam ko ang mga problemang ganiyan. Ilang beses ko nang naranasan 'yan." "Aw…" If I could just give him a warm hug now. Isa sa magandang nangyari ngayong gabi ay naging magkaibigan kami. "Well, I hope okay ka na ngayon." "Oo naman. Ikaw ang sana ay okay na. Pero sa tingin ko, oo. Kasi ora-mismo sinundan ka ng guwapong bodyguard mo kanina no'ng lumabas ka. Kung makita mo lang ang fez niya, sis, akala mo may sasagiping damsel in distress." "G-gano'n?" "Yup. Feeling ko, type ka niyan, sis." Nanginit ang mukha ko sa sinabi niya. Lalo tuloy akong hindi makatingin kay Sanches. Narinig ko na lang na nagbuntong-hininga siya bago paandarin ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD