Kung pwede ko lang madiktahan ang isipan ko, sasabihan ko ‘tong tigil-tigilan na ang pag-iisip kay Damon. Bakit gano’n? Matalino naman ako, pero pagdating sa kanya, I felt so dumb. Halata naman na wala siyang pakialam sa akin. But stil, here I am, staring at my phone, looking for his call as if he could make one while in the middle of the flight. Ang tanga lang, ‘di ba? Ang tanga ko lang.
“Ma’am, hindi ka pa ba bababa?” I heard Sanches ask me.
Lumingon ako sa labas. Nasa masyon na pala kami.
“Thank goodness.” I sighed in relief. Finally, makakapagpahinga na ako. Though, I’m not sure if I’d be able to sleep at once because my heart was still a bit agitated. Bukod sa in-indian ako ng boyfriend ko, muntik na akong mawala sa mundo with no one's knowing.
Bago ako tuluyang bumaba, I turned my head to Sanches. “I want to thank you again for saving me back there.”
Tumingin siya sa ‘kin. Hindi ko ma-interpret ang expression ng mukha niya. Hindi naman nakasimangot pero sigurado akong hindi rin nakangiti. “Nag-thank you ka na kanina.”
Tingnan mo ang lalaking ‘to. Imbes na sumagot na lang ng ‘you’re welcome, parang sinisita pa ako. “Masama bang magpasalamat ulit? Free naman ‘yon, right?” I shrugged my shoulders. “I just want you to know that I appreciate what you did.” Napayuko ako. Dinig ko rin ang paghina ng boses ko. “Alam kong naiinis ka kapag tinataboy kita. Pero hindi mo ako iniwan. At niligtas mo pa ako sa deadly incident na ‘yon.” I didn’t want to say it exactly dahil parang nanginginig pa rin ang nerves ko kapag naiisip ‘yon.
Humawak siya ulit sa manibela. His arms were tensed as his fingers drummed on the steering wheel, which I could see out of the corner of my eye. His rolled sleeves let a few of his tattoos show through. Goodness, ‘yon pa talaga ang naiisip ko? Hindi naman ako uminom kanina.
“Okay na ‘yon, ma’am. Hindi mo kailangang magpasalamat. Trabaho ko ‘yon dahil ipinagkatiwala ka sa kin ni Sir Tomas. Kapag may nangyari sa ‘yo. Paniguradong mapapahamak din ako.” He cleared his throat. Napansin kong napatingin siya sa mga paa ko. “Oo nga pala. Wala kang sapatos. Gusto mo ba kargahin na lang kita paakyat sa bahay?”
Doon ako naalerto. “Huwag na, please. Pakiusap, Shocked lang ako dahil kanina pero hindi ako lumpo.”
Tumaas ang mga kilay niya pero hindi ko na siya hinintay na magsalita at lumabas na ako sa kotse. Without looking back, I stomped to the door. All of a sudden, naisip ko na naman ang pambabalewala ni Damon when I reached for my room. The sweet ambience of it wasn’t helping with my bad mood. Kahit gaano ka-ganda ang kwarto ko, inaalipin pa rin ng lungkot at irritation ang puso ko. Dapat si Damon ang huling kasama ko sa gabing ‘to. But it turned out I ended up ‘literally’ in a bodyguard’s arms.
I heard someone knock on the door minutes later. That time, I was already in my pajamas. Nakahiga lang ako at nagbabasa ng Paulo Coelho novel dahil hindi pa ako makatulog. “Pasok. Bukas ‘yan!” I yelled… in a nice way. Kailangan ko talagang sumigaw dahil may kalayuan ang bedroom ko doon sa pinto.
Bumungad sa ‘kin si Yaya Fe. Nakangiti siya at may dalang isang baso ng gatas. “Inumin mo na ‘to para naman maganda ang tulog mo.”
“Oh, thanks! Ito talaga ang kailangan ko” Hindi na ako nag-atubili at kinuha ko ang baso. In just a split of time, naubos ko ‘yon. “You’re really the best, Yaya Fe.” Kahit hindi ko sabihin, alam niya parati ang kailangan ko. Anyway, magtataka pa ba ako? She’d been living with us for almost two decades now. Nariyan na siya noong nasa middle class pa lang ang social status namin. Baby pa lang ako, siya na ang nag-alaga sa ‘kin. Sa amin na nga siya tumanda pero wala pa ring asawa. Sabi niya, kuntento na daw siya sa pag-aalaga sa akin. Kaya kahit twenty-two na ako, ‘yon pa rin ang ginagawa niya.
“You’re welcome, baby girl. Pero, kaya kita dinalhan ng gatas ay dahil napag-utusan lang ako. Hindi ko nga alam na darating ka nang maaga.”
“Gano’n?” I frowned. “So, sino ang nagsabi sa ‘yo? Si Daddy ba?”
She was smiling as she shook her head. “Tumawag siya para tiyakin kung nakauwi ka na. Pero hindi ang dad mo ang nagpatimpla ng gatas kundi si Sanches.”
I blinked… twice. “H-huh?”
“Oo nga! Biruin mo, ginising pa ako. Muntik na nga akong mataranta dahil sabi niya, emergency raw. Iyon pala, magpapatimpla lang ng gatas mo. Nakakatuwa ang bodyguard mo, sobrang concern sa ‘yo.”
I still stared at Yaya Fe in disbelief. “Yong antipatiko na ‘yon, concern sa ‘kin? Samantalang siya na rin ang nagsabi na trabaho lang niya ang bantayan ako. He was being paid generously to do his job well. Kasama ba sa trabahong ‘yon ang tiyakin na komportable ako kahit hindi na niya ako nakikita?
“Bodyguard siya ni Daddy,” I corrected and laid down to my side, hugging a teddy bear between my arms.
0o0
I woke up nursing a headache.
Sabagay, magtataka pa ba ako kung past three in the morning na ako nakatulog? When Yaya Fe left my room last night, I found myself crying silently. Anong magagawa ko kung masama pa rin ang loob ko sa Damon na ‘yon? Nakatulong naman ‘yong gatas. Kung wala ‘yon, baka buong gabi akong dilat.
Naaalarma na tuloy ako masyado sa sarili ko dahil masyado ko siyang iniisip. Dahil kaya siya ang first kiss ko? That wasn’t just an ordinary kiss. It was rough but passionate at the same time. Parang may spell na kasama ang halik na ‘yon na halos maubusan ako ng hininga pagkatapos. Nakakalungkot lang dahil bigla siyang nagbago porque siya na ang nagma-manage ng business ng pamilya niya. Sabagay, wala naman siyang choice dahil siya lang naman ang sole heir ng parents niya. Kaya kahit twenty-five pa lang siya, CEO na siya ng Aquino Supermalls.
Pero kahit na. Hindi excuse ‘yon para ituring niya akong invincible! Matagal na naming pinagplanuhan na magpapakilala sa mga parents namin bilang couple, tapos no show siya? Ano kaya ang pwede kong gawin para magbago siya sa ‘kin. Kailangan bang isuko ko pa ang virginity ko sa kanya para hanap-hanapin niya rin ako?
Shit. I was a hopeless freak, indeed. Kailangan kong gumawa ng paraan para mabawasan ang pag-iisip ko sa kanya. Maybe a short vacation will do the trick?
“Hmm…” I smiled, getting off my bed. “That’s right, magbabakasyon muna ako.”
Kahit nakapantulog pa ako at hindi pa naghihilamos, tumungo ako sa dining room. Naroon na sina Mommy at Daddy. Nakabihis pang office na sila ganoon din sina Kuya Tommy, Kuya Danny, at Kuya Phillip. Parang nasa kalagitnaan na sila ng pagkain.
“Good morning,” I lazily sat on my chair beside Mommy. Medyo namimikit pa ang mga mata ko nang nginitian ko silang lahat.
“Good morning, baby girl,” Mommy said. She looked beautiful and classy as always.
I started spreading butter on my bread when I noticed they were gaping at me. “What?” tanong ko.
“You… you look like a disaster.”
“Tigilan mo ako, Kuya Danny, ha,” depensa ko at kinagat ang loaf bread. “I don't always need to look cute.” Aware naman ako sa hitsura ko ngayong umaga. Hindi pa ako nagsusuklay at nahihilamos when I face them. But like what I told them, hindi ko kailangang maging mukhang beauty queen pagkagising pa lang. Mukha pa rin naman akong tao siguro.
Tumawa siya. “At hindi ka lang mukhang disaster. Tulog ka pa rin yata.”
“Bakit naman?” I asked him, pouting.
“Dahil hindi ako si Phillip. I’m Daniel.”
I blinked at the two guys in front of me and just shrugged my shoulders. “Sorry naman. Hindi ko kasalanan kung identical twins kayo.” Aminado naman akong madalas ko silang napagpapalit ng pangalan. Wala naman talaga kasing pinagkaiba ang dalawang loko na ‘to. Kahit ang hobby nila, which is ang asarin ako, pareho rin. Oh, well, hindi ako magpapapikon this time. May mahalaga akong proposal na ilalahad sa hapag. Sana… sana lang i-approve ni Daddy.
“Kayong dalawa talaga. Lagi n’yong nakikita ang bunsong kapatid ninyo,” sabi ni Daddy sa mga kapatid kong kambal. He smiled at me sweetly.
Nag-high five lang sina Kuya Phillip at Kuya Danny. Si Kuya Tommy naman, parang may sariling mundo. He was talking on his phone while eating breakfast.
Dati, no’ng nasa school pa kami, ayaw ni Daddy na may hawak kaming cellphone kapag nasa harap ng pagkain. Hindi rin pwedeng bukas ang TV, though meron nito sa dining room. Pero simula nang ma-establish ang Arania MarketPlace, kahit siya may laptop pa on the side habang humihigop ng kape. Nakabukas ang TV dahil nakaabang sa local news at sa business channels para malaman ang takbo ng negosyo sa perspective ng media.
Lahat kasi sila may kaniya-kaniyang responsibilities sa company. Kahit ang kambal, though hobby pa rin nila na magpalit ng offices para i-trick ang mga employees nila.
Ako naman, kaka-graduate lang two months ago. Hinahayaan muna ni Daddy na mag-relax ako bago siya makahanap ng tamang posisyon for me. Regardless, I’m still busy. Presently, volunteer legal adviser ako sa isang women’s shelter. Binibigyan namin ng legal advice ang mga babaeng nakaka-experience ng abuse, whether verbal, emotional, or psychological. ‘Yon kasi talaga ang field ko sa course ko in social works. Moreover, I liked helping women who couldn’t afford to hire an attorney but needed legal assistance.
“Tommy, have you received your copy of the circular?” Mommy asked my oldest brother. Kahit siya, nakatutok sa iPad at bina-browse ang Outlook doon.
“Yes, Mom. Kagabi pa,” Kuya Tommy responded. After wiping his mouth with a cloth, he stood up from his chair. “I gotta go. May meeting ako with the purchasing. See you later everyone.” He was gone in a nick of time.
I continued to eat, though the loaf I was munching seemed a bit less tasty. Habang tumatagal kasi, lalo akong kinakabahan. Nahalata tuloy ako ni Mommy.
“Are you okay?” Hinawakan niya ang kamay ko. “Bakit mukha kang balisa?”
I smiled at her. “Okay lang ako, Mommy,” I said and gazed at Daddy who was also looking back at me. “May.. may gusto lang kasi akong sabihin?”
“At ano naman ‘yon?” he asked me.
Uminom muna ako ng tubig. Taking a deep breath, I said, “G-gusto ko munang magbakasyon.”
They all froze. May nasabi ba akong masama?
“Ay iba. Hindi pa nga nagsisimula sa trabaho, nagpa-file na ng leave,” natatawang puna ni Kuya Phillip… I mean, Kuya Danny.
“Pero, bakit?”
Hindi pa nga ako nakakasagot, si Mommy naman ang nagsalita. “Lagi naman tayong pumupunta sa resort every December. Ilang months na lang ‘yon.”
“Yes, Mommy. Pero…” My eyes wandered around them. “Pero gusto ko lang mag-unwind muna bago pumasok sa company. Alam n’yo ‘yon. Para mas gumanda ang performance ko.” I smled awkwardly. I hope they were buying it.
My parents gazed at each other. Parang nagme-meeting sila mentally. Finally, Daddy turned to me. “Okay,” he said, sighing. “In one condition. Isasama mo si Sanches.”