“Huh?” was all I could verbally say. Tama ba ang pagkakarinig ko? Papayagan niya akong magbakasyon pero…pero may bantay? “N-nagbibiro ka lang. ‘Di ba, Daddy?” I laughed nervously.
“No, baby girl. Seryoso ako. Masyadong malayo ang Ava Grande resort dito sa Manila. Sa tingin mo ba, matatahimik akong malayo ka sa ‘min at walang proteksyon?”
That’s the point. I wanna stay away from here for a quite while! “Pero, Daddy, bodyguard mo si Sanches. Isa pa, ikaw ang kailangan ng protection. Na-ambush ka na once. Paano ka niyan kung ipapabantay mo siya sa ‘kin? Much better na si Yaya Fe na lang ang isama ko.”
“Huwag kang mag-alala, talagang sasama rin siya sa inyo. Pero hindi ka naman niya maipagtatanggol katulad ng pagtatanggol ni Sanches.”
“Pero…” I looked at Mommy. Hinihintay ko kung may violent reaction man lang siya. Pero wala. She was just watching me and Daddy discuss the issue as if she was observing a debate TV show!
I blew off a frustrated sigh. “Okay, ayoko ng bantay, Daddy. Baka hindi ako mag-enjoy sa bakasyon niyan knowing na nakasunod siya.” Nakasimangot akong yumuko sa pagkain ko. Tuluyan na yata akong nawalan ng gana. “I just don’t want it. Baka isipin pa ng iba, ano ko siya.”
“At ano naman ang ibig sabihin ng ano na ‘yan?” Tumaas ang mga kilay ni Daddy.
“You know what I’m talking about.” Nakayuko pa rin ako.
“Baby girl, Sanches is professional. He’s been doing this kind of job for two years now. Kapag nakita ka sa resort kasama siya, of course, hindi siya pag-iisipan dahil kilala siya as your dad’s bodyguard.”
“Persy, sinabi ko na ang conditon ko,” Daddy said. Pero sa wrist watch siya nakatingin. “Kung hindi pabor sa ‘yo, I’m sorry but you will stay here in the house while we prepare for your entrance in the company.”
Great, I never seem to have much of a choice. But I really need this distraction to keep my mind from wandering back to Damon. It is frustrating because I can’t explain why I am so desperate for this.
I took a big breath and exhaled slowly. “O-okay…”
“Kung ayaw ni Persy, ako na lang ang kukuha ng vacation slot na ‘yan. I also don't mind having a bodyguard,” Kuya Danny said, grinning at me. Kung gaano kalawak ang bunganga niya sa pagtawa, ganoon naman kaseryoso si Kuya Phillip. Paniguradong office matters na naman ‘yon.
“Daniel, huwag mo munang isipin ang resort. Ngayon pang may bagong investment na papasok sa Arania MarketPlace.”
Sabay na tumingin sina Kuya Danny at Kuya Phillip kay Daddy. Even I couldn't help but stare at him with great excitement. Pero si Mommy, parang hindi nagugulat. Maybe she knew about this already.
“Sino siya, Dad?” My twin brothers asked in unison?
“He’s none other than Alfredo Tiu, the Chinese business magnate.”
“No way!” My eyes widened. Sa saya ko, napatayo pa ako sa upuan. Samantalang ang mga kuya ko, nakatulala pa rin. “You mean Alfredo Tiu, founder of Oceania Empire Group? Magiging part na tayo sa conglomerate?”
“That’s for sure,” Mommy said, beaming.
I couldn’t believe this. Parang napaka-surreal ng lalong pag-unlad ng company ni Daddy. Just years ago, he was an OFW based in London, originally working as an Industrial Engineer in a banking industry. Malaki nga ang napapadala niya sa amin pero nakakalungkot pa rin kasi malayo siya. Little did we know, naghahanap na pala siya ng potential investors para sa sarili niyang business. Kaya no’ng may pondo na siya, he went back home ten years ago and connected with his colleagues. Nag-ipon pa sila ng mga skilled workers and started an e-commerce company. Couple of years after that, they changed the business model to a marketplace platform where client merchants sell their products to the customers using our platform.
And now…
“Congratulations, Daddy. We are so proud of you.” I hugged him. Kumiling ako kay Mommy at niyakap din siya. “Thank you for your hard work. Alam naming para sa amin ‘to.”
“Of course,” Mommy said while rubbing my back. “Ito lang ang maiiwanan namin para sa inyong magkakapatid.”
“Kaya dapat maging responsable kayong lahat sa trabaho.” Daddy was gazing at all of us. Seryoso na naman ang boses niya. “Hindi tayo dapat gumagastos para sa luho. Dapat maging masinop kayo dahil bawat sentimo, mahalaga.” Bigla siyang tumingin sa akin ulit. “Pagbibigyan kita sa bakasyon mo dahil magsisimula ka pa lang sa kompanya. Pero pagkatapos niyan, focus na sa trabaho, naiintindihan mo ba, Persy?”
Kapag ganyan siya, parang natutuod tuloy ang mga balikat ko. He may have a sweet temperament, especially toward me, pero kapag tungkol na sa negosyo ang pinag-uusapan, walang lambing-lambing. Dapat magtrabaho kami katulad ng pagta-trabaho ng mga empleyado namin.
I nodded. Ganoon din sina Kuya. Kahit paulit-ulit ang mga sinasabi niya, lagi pa rin naming pinakikinggan.
“Well, we need to go…” sabay ulit na paalam ng dalawang kuya ko. They kissed our parents on the cheeks and walked out of the dining room respectfully.
Bumalik ako sa upuan ko at tumingin sa relo. “Past seven pa lang. Bakit maaga yata sila ngayon?”
“Iyan ang gayahin mo, Percy,” sabi ni Daddy at inabot ang balikat ko upang tapikin. “Kahit boss na sila, maaga pa ring pumapasok. Hindi nila ikinakatuwiran ang posisyon nila para pumasok na atrasado. Like what I always tell to you all, mahalaga ang bawat minuto. You should never forget about that.”
“Noted that,” I said, nodding. What a fruitful morning. Kumakain ako at the same time, may libreng seminar.
“Good morning po, Sir Tomas… Ma’am Dahlia.”
My hold on the fork tightened as I held my breath. Napatigil pa ako sa pagnguya nang tawagin ni Daddy ang pangalan na ‘yon. Ibig sabihin, nasa likod ko lang siya since katapat ko ang pinto?
“O, Sanches. Nariyan ka na pala! Pumarito ka muna at nang makakain.”
Lalo akong natuod. Dapat pala binilisan kong kumain. Bakit ko ba kasi nakalimutan na madalas siyang imbitahan ni Daddy sa breakfast? At bakit kasi nakiki-breakfast pa ang lalaking ‘to, in the first place? Wala ba siyang pagkain sa bahay niya?
“Salamat po, Sir Tomas pero kakatapos ko lang.”
“Sige na. Umupo ka na rito. Masama na tinatanggihan ang pagkain. Besides, marami tayong pupuntahan sa araw na ito. You need a lot of fuel,” pagpupumilit ni Daddy. Parang hindi niya narinig na tumatanggi na ang inaalok niya.
Wala naman dahilan sana para iwasan ko si Sanches. Pero parang naiilang ako sa kanya. Perhaps it was because of what happened the night before. He'd seen how I threw myself into danger and broke down for a man who didn't seem to care about me.. Kagabi ang unang pagkakataon na gano’n ako ka-close sa kanya. Tapos pinadalhan pa niya ako ng gatas through Yaya Fe.
Sanches was sitting in front of me before I realized it. He did as he was told and sat in Kuya Danny's seat. Huli na para umiwas ako ng tingin dahil nagtama na ang mga mata namin bago ako yumuko. Ilang segundo lang iyon pero napansin ko na kaagad ang kabuuan niya. He was wearing his usual bodyguard uniform, a button-down navy blue shirt. Naka-pushed back pa ang buhok niya. And those eyes -- the silvery hue of it was dilated. Parang nangungusap ang mga iyon, parang may nais iparating.
“Good morning din. Ms. Persephone.”
I gradually raised my chin. My nerves, on the other hand, were shivering. “Good morning,” I quickly replied and returned to my meal. Kanina pa ako nasa harap ng plato ko pero mukhang hindi naman nababawasan ang sunny sideup at hotdog!
“Okay na ba ang pakiramdam mo?” Sanches asked again. Napaka-sincere ng boses at mukha niya, though hindi pa rin ngumingiti.
“Yes. Thanks for asking,” I responded.
I noticed Sanches was staring at me unabashedly as my parents chatted about the office. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ganyan siya makatitig. Wala naman siguro akong uling sa mukha. Pero bigla kong na-realize na sobrang gulo pa pala ng buhok ko! My hair was styled in a gorgeous mass of curls last night. Pero ngayon, alam kong mukhang pugad ng ibon ang ulo ko.
Ano kaya ang iniisip ng lalaking ‘to? Na wala pala akong poise kapag nasa bahay?
“By the way, Sanches, may gusto akong sabihin sa ‘yo tungkol kay Persy,” Dad said and smiled at me. “Few days from now, kukuha muna ako ng ibang bodyguards.”
Hindi nagsalita si Sanches. However, his broad brows furrowed in concentration.
“I want you to look after Percy while she spends a week in Ava Grande resort. Huwag kang mag-alala, you will continue to be compensated fairly. Mas dadagdagan ko pa nga dahil ang baby girl ko ang babantayan mo.”
Bigla akong na-conscious sa endearment niya sa ‘kin sa harap ni Sanches. I just wished, hindi pumayag si Sanches. Ano naman ang gagawin niya doon? Mamumuti lang ang mga mata niya sa sobrang pagkabagot. Hindi katulad kay Daddy na palaging aktibo ang five senses niya kapag nagbabantay. No. Hindi siya papayag. At ako, malayang magbabakasyon mag-isa!
“Sige po, Sir Tomas. Walang problema sa akin.”
I almost choked while drinking my glass of juice. Mabilis kong dinampot ang panyo sa mesa at tiningnan siya nang masama. Bakit ka pumayag? Istorbo ka lang sa akin! “Yon ang gusto kong sabihin sa kanya habang sa isip ko, binubuhusan ko siya ng juice sa ulo. But instead, I said, “A-are you sure?”
He nodded. “Oo, ma’am. At makakaasa kang babantayan kita saan ka man pumunta.”
“Thank you, Sanches,” Daddy said, patting his shoulder.
‘Yong isa naman, proud na proud pa!
“By the way, marami pala akong lakad ngayon. Limang foundation ang bibisitahin ko ngayong araw,” sabi ni Daddy kay Mom. “Tumingin din siya sa ‘kin. “Why don’t you go with us, baby girl?”
I blinked at him. Pinilit kong ngumiti. “I love to go, pero hindi pa ako…” Gusto kong sabihin na hindi pa ako naliligo pero nakakailang dahil nakatingin na naman sa akin si Sanches. So, instead, I said, “Hindi pa ako prepared.”
“Then why don’t you start preparing,” Mommy whispered, smiling at me.
They were all looking at me, waiting for my response. I took a very deep breath. Ano pa bang magagawa ko? “Sige po. Excuse me lang po. Aakyat muna ako.”
“Take your time. Nandito lang kami at naghihintay,” Daddy said.
He just nodded. The way he looked, on the other hand, sent a different type of electricity shivering up and down my spine. Paano ako nagawang ipagkatiwala ni Daddy sa kanya? I sensed something dark about Sanches. Regardless, Daddy had a lot of trust in him.