Matapos kaming payagang mag-check-in, hinatid kami ng isang maid sa unit na tutuluyan namin. Gusto ko sanang mas pagtutuunan pa ng pansin ang kagandahan ng paligid. Sa corridor pa lang at mga disenyo ng bawat pader, masasabi kong at-home ako dahil napaka-natured inspired. May artificial waterfall pa sa sa pinaka-living area. Pero mukhang nagulo ang mundo ko dahil sa halik na ‘yon. Kaya nga para bumalik ako sa wisyo, pagpasok namin sa unit, tumakbo kaagad ako sa banyo. After I locked the door, I stared at the mirror and touched my parted mouth. Hanggang ngayon nalalasahan ko pa ang mint sa mga labi ko. Hanggang ngayon, nakikita ko pa rin ang pagkawindang sa mga mata ko. Great, paano ako nito makikisama sa kanya sa iisang kuwarto kung ganito ang hitsura ko? At bakit parang ako lang ang so

