EZEKIEL . . “This is indeed a miracle.” Paulit-ulit akong sinusuri ng duktor. Sa loob ng halos kalahating oras ay paulit-ulit lang din ang lumalabas sa kanyang bibig. Kung kanina ay pinipilit ko siyang ngitian, ngayon ay tila nayayamot na ako. “Parang ngayon lang kayo nakakita ng taong comatose at gumising na, doc.” “Forgive me. But, yes, maybe you are one of those most rare cases na walang problema sa katawan matapos magkamalay, Sanches. Most of the patients, nahihirapan pang magsalita. Ang iba ay nahihirapan pang gumalaw. At ang iba ay nakararanas muna ng selective amnesia pagkagising. But you… it’s just amazing.” Humiga ako matapos niyang ipakuha sa nurse ang blood pressure ko. Umunan ako sa aking mga braso at muling nagbuntong-hininga na nakatingin sa kisame. Kahit ngayon ko pa

