EZEKIEL . . “You are on of the Black Hawks?” Mabagal akong tumango sa tanong ni Tommy at sa isang iglap ay nagbago ang tingin nila sa akin. Isang sapak ang tumama sa mukha ko na nagggaling kay Daniel. HIndi ako madaling patumbahin sa isang tama lang ngunit hinahayan ko siyang ilabas ang galit sa akin. Hinayaan ko ang sarili kong mabuwal sa sahig. “This is what we get from being kind to you, Sanches? Akala namin nasa labas ang mga traydor. “Iyon pala, ikaw lang din ‘yon?” Hinila niya ako pataas sa kwelyo ko. “Wala kang kwenta! Alam mo ba iyon? Ang dapat sa ‘yo, mabulok sa jail kasama nila!” “Kung ‘yan ang gusto ninyo, wala akong magagawa,” tugon ko. HIndi ako makatingin kahit isa sa kanila. “Pero tulungan muna ninyo akong ipakulong ang Black Hawk. Pagkatapos n’yon, bahala na kayong g

