“Persy, are you sure about this?” Mula sa salamin, ngumiti ako kay Mommy. Tumayo siya sa likuran ko at maingat na hinawakan ang buhok kong naka-classic bun. “Hindi na po ako pwedeng umurong, Mommy,” bulong ko. “Ayoko naman pong mapahiya ang family ni Damon.” “Pero, hindi mo siya gano’n kamahal,” she said, kissing my hair. There was a smear of tears in the corners of her eyes. “Oh, baby girl, kung napipilitan ka na magpakasal dahil sa business arrangement ng family nila sa atin, mas mabuting habang hindi pa kayo nakakasal, umurong na tayo. Ayokong ang mapangasawa mo ay ‘yong hindi mo naman mahal.” Hinawakan ko ang kamay niya na bumaba sa balikat ko. “Maybe, hindi para sa akin ‘yong love na gusto ko talaga. But at least, malaking contribution ko sa family natin ang makipag-merge sa mga A

