Chapter 3

1946 Words
PARANG gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko habang inaabot ni Senyorito Matthew ang isang buong limangdaang piso sa tricycle driver. “H’wag mo nang suklian. Kapag nakita mo ang batang ‘to, pasakayin mo na lang agad. Bayad na niya ang iba sa mga susunod na sakay niya.” “Areglado, Attorney! Kilala ko naman ‘yang si Gigi kaya walang problema.” “Good.” Maya-maya ay umalis na ang tricycle. Itinago ni Attorney ang pitaka sa likod na bulsa ng pantalon at nilingon ako. “Sumabay ka na sa akin. Ihahatid na kita sa inyo.” At nauna na ito papasok sa gate. Alumpihit ako sa pagsunod sa kaniya sa kaniyang owner-type jeepney. Bata pa ako ay nakikita ko na ang sasakyan na iyon na minamaneho ni Senyorito Matthew sa tuwing pumapasyal sa hacienda. “Hop in!” wika niya. Hindi na ako kumibo at sa halip ay sumakay na lang dahil ayoko namang magpaimportante. Siya na nga ang nag-alok na ihatid ako. Ginaya ko siya nang suotin niya ang safety belt sa upuan. Sumaludo pa sa amin ang mga gwardiya bago kami tuluyang umandar. “S-Salamat po, Senyorito. Nakakahiya sa inyo.” “Don’t mention it. Sabi ng tatay mo, hindi ka na nag-aaral? Saan ka galing n'yan?” “Nagtatrabaho po ako sa garments factory sa bayan.” Tumango lang siya. Hindi na muling nasundan ang tanong niya. Tumahimik na lang din ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin.  Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang aming bahay. Pero natigilan ako nang mula sa kaliwang daan ay lumutang ang sasakyan ni Mr. Javier at huminto sa harapan ng aming bakod. Inihinto naman ni Senyorito Matthew ang jeep sa malapit at nilingon ako. “May bisita yata kayo?” Hindi ako nakasagot. Sabay kaming nagtanggal ng safety belt at bumaba ng jeep. Nakita kong ipinagbukas ng pinto ng kotse ng driver nito si Mr. Javier at lumabas ang matanda. Nakita niya kami ni Senyorito Matthew. Napansin ko ang pagsasalubong ng mga kilay ng matanda. “Mr. Javier!" bati ng abogado. "Ikaw pala ‘yan? Hindi ko nakilala ang sasakyan mo.” “Attorney Gamboa, kumusta ka? Sa wari ko ay nag-abala kang ihatid ang aking magiging reyna sa kaniyang munting tahanan?” “What?” kunot-noong tanong ni Senyorito Matthew at nilingon ako. Tumawa ang matandang negosyante. “Oh, I see. Kararating mo nga lang pala noong isang araw kaya hindi mo alam na sa lalong madaling panahon ay magkakaroon ng malaking kasalan sa ating bayan. At si Gigi Apostol ang mapalad na babae.” “Anong ibig mong sabihin, Mr. Javier? Isa ba sa mga apo mo ang nobyo nitong si Gigi?” Nilingon ulit ako ni Senyorito Matthew. Nag-iwas naman ako ng tingin. Tumawa ulit si Mr. Javier. “Of course not! Ako mismo ang mapapangasawa ng dalagang kasama mo, Attorney. Kaya sana sa susunod ay h'wag ka nang mag-abalang ihatid siya sa kanila dahil hindi magandang makita ng mga tao na kayo ang magkasama. Tama ba ako, aking reyna?” nakangiting tanong sa akin ng matanda. Hindi ko siya sinagot at sa halip ay binalingan ko si Senyorito Matthew. “Pasensiya na sa abala, Senyorito. Maraming salamat po ulit sa tulong mo kanina at ganundin sa paghahatid. Papasok na po ako." Salubong ang mga kilay na tumango siya. "Aalis na rin ako." Tumalikod na ako. Hindi ko na pinagkaabalahang tapunan ng tingin si Mr. Javier. Hindi ko nagustuhan ang mga sinabi niya sa abogado. Pasalamat siya na kahit paano ay may respeto pa ako sa matatanda kaya imbes na bastusin siya ay pumasok na lang ako ng bahay. “Oy, anong tinatayo mo riyan?” Nauntag ako sa boses ni Tita Donna. Hindi ko namalayan na naroon siya sa salas. “Tita… kararating ko lang po…” “Alam ko! At nasilip ko ang sasakyan ni Mr. Javier sa labas. Magmadali ka! Mag-ayos ka at nang disente ka namang tingnan pagharap sa kaniya!” Paingos akong pumasok ng kwarto bitbit ang bag ko. Sa inis ay naitapon ko iyon sa aking higaan at saka naupo sa silya sa harap ng aking tokador. “Donata, magandang hapon sa iyo!” “Magandang hapon, Mr. Javier! Tumuloy na po kayo!” Dahil dingding lang ang mga partisyon ng bahay ay dinig ko ang usapan sa labas. At hindi ako nagkamali ng hula dahil maya-maya ay pumasok si Tita Donna sa kwarto at pinandilatan ako. “Anong inuupo mo riyan? Hindi ka lalabas? Gusto mong kaladkarin pa kita?” Magkatagis ang mga bagang na tumayo ako at lumapit sa aparador upang kumuha ng damit. Iniwan na rin ako ni Tita Donna. Halos masira ko ang bestida nang magbihis at nakabusangot na lumabas ako ng kwarto. “O, hayan na si Gigi, Mr. Javier!” masayang wika ng aking madrasta. Lumapit siya sa akin at iginiya ako paupo sa isahang silya, katapat ng kinauupuan ng bisita. “Napakaganda talaga ng inyong anak ni Gardo. Mabuti pa ay iwan mo na muna kami, Donata. You don’t have to worry anyway, because I’m a gentleman.” “Ay, sige lang, Mr. Javier! Kayo naman, alam n’yo namang ni minsan ay hindi ako nag-alala kapag ikaw ang kasama nitong anak namin ni Gardo. Lalabas na muna ako para makapagsarilinan kayo. Gigi…” Hinawakan ako sa ulo ni Tita Donna at banayad na hinaplos ang aking mahabang buhok. “Be a good girl, hmm? Hayan ang kape ni Mr. Javier sa mesita, maging maingat ka sa pagkilos mo. Estimahin mo nang mabuti ang bisita mo, okay anak? Sige. Lalabas na ako.” Naiwan kaming dalawa ni Mr. Javier sa sala ng aming bahay. Hindi ako nagsalita. Ni hindi ako nag-aangat ng ulo upang tingnan siya. “Gigi, hindi ko gusto na may ibang lalakeng naghahatid sa’yo. Hindi ako selosong tao pero, ayoko nang mauulit ito. Ayokong mapipintasan tayo ng mga tao, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?” Pinagulong ko ang mga mata ko. Nagbuga ako ng hangin at sapilitang tiningnan ang aking kaharap. “Mr. Javier, sa palagay ko naman ay hindi kayo manhid para maintindihan na hindi ko gustong magpakasal sa inyo?” Natigilan ang matanda. Nadagdagan ang mga gatla sa kaniyang noo at maya-maya ay nagkibit ng balikat. “Masyado pang maaga para sabihin mo ‘yan, Gigi. Kailan lang kami nagkasundo ng iyong mga magulang at alam kong nabigla ka rin sa desisyon nila. All right, hindi kita mamadaliin. Bibigyan kita nang sapat na panahon para kilalanin ako. At saka mo sabihin kung ayaw mo talagang magpakasal sa isang gaya ko.” “Kahit ilang taon pa ang ibigay n’yong panahon sa’kin, hindi magbabago ang isip ko. Mr. Javier… nakikita mo ba ang malaking agwat ng edad natin? Balita ko ay mas matanda pa sa akin ang mga apo ninyo.” “Oh, no. Hindi naman. Halos kaedad mo lang din sila. And I’m sure you already heard about the saying that age doesn’t matter.” “Pero masyado pong malayo ang agwat ng edad natin sa isa’t isa. Bakit ako na bata pa ang ginusto n’yo? Sigurado rin naman akong hindi ako ang pinakamaganda sa bayan na ito.” Tumango si Mr. Javier. “Tama ka, Gigi. Maraming magaganda at bata rin na pwede kong gustuhin pero, ano bang magagawa ko kung ikaw sa’yo piniling tumibok nitong pihikan kong puso?” Gumulong na naman ang mga ko. Hindi ko alam kung kikilabutan ba ako o masusuka. “Gigi, matagal na akong walang asawa. Halos dalawang dekada na akong nag-iisa sa buhay. Akala ko ay hindi na ako iibig uli pero, nagbago ang lahat nang makilala kita.” Nasapo ko ang ulo ko. Wala na nga yata sa hulog ang takbo ng isip ng matandang ito para alayan pa ako ng mga ganoong klaseng salita. “Walang masama sa laki ng agwat ng edad nating dalawa. Age is just a number, my queen. Ang mahalaga rito ay magkasundo tayo at maiparanas ko sa’yo ang lahat ng kaginhawaan na hindi mo kailanman mararanasan kung sa ibang lalake ka magpapakasal. Titiyakin kong maiibigan mo ang klase ng buhay na ibibigay ko sa’yo basta pakasalan mo lang ako.” Mariin akong umiling. “Ayoko po. Hindi ako magpapakasal sa inyo kahit iyon pa ang kasunduan ninyo ni Tita Donna. Kung gusto n’yo akong mapangasawa, tiyakin n’yong hindi na ako humihinga at nakalagay na sa parisukat na kahon. ‘Yon ang sigurado, hinding-hindi ako makakaalma.” Hindi nakakibo ang matanda. Nawala maging ang kaliit-liitang ngiti nito sa mukha. Tumayo na ako at walang paalam na tinalikuran siya. Dire-direcho akong lumabas at pumunta sa likod-bahay para kunin ang aking bisikleta. Nakatingin lang sa akin ang driver ng matandang negosyante pagdaan ko kaya tuloy-tuloy akong nagbisikleta palayo. Bahala na kung anong lebel ng galit ng aking madrasta ang datnan ko mamaya pag-uwi. Nagbisikleta ako nang walang patumangga hanggang sa makarating ako sa silangang bahagi ng Hacienda Isabelle kung saan ang matatayod na mais na pangunahing produkto roon. Nagdahan-dahan na ako sa pagpedal at ninamnam na lang ang hangin na sumasalubong sa akin, hangin na galing daw sa Pacific Ocean. Malayo-layo na ako nang may mahagip ang aking mga mata. Nagpreno ako at tiningnang mabuti ang pamilyar na owner-type jeep na nakahinto sa isang likuan sa kaliwang bahagi ng maisan. Huminto ako at dahan-dahang bumaba ng bisikleta. Inihiga ko iyon sa madamong daanan at iniwan at saka lumapit sa sasakyan. Kanina lang ay sakay pa ako nito kaya alam kong kay Senyorito Matthew ang jeep. Sinalakay ako ng kaba nang maisip na makikita ko ulit siya. Selyado ng plastic na tarapal ang likod ng jeep kaya aninag lang ng bulto ni Senyorito Matthew ang nakita kong nasa driver’s seat. Naaninag ko rin na nakaunat ang malaki niyang braso sa sandalan ng katabing upuan. Nagusot ang noo ko. Anong meron at dito pa siya sa loob ng maisan huminto? Lumakad ako sa gawi ng driver’s seat upang alamin ang dahilan. Nakita ko ang isa pa niyang braso na nakataas. Umiigting ang muscles niya habang nakakapit sa bubong ng jeep. Lumapit ako at saktong pagtapat ko sa kinauupuan niya ay lumingon si Senyorito Matthew. Nakaawang pa ang bibig niya nang tingnan ako. Nakita ko na naestatwa siya at nanlaki ang mga mata. Babatiin ko na lang sana siya nang bumaba ang tingin ko sa manibela ng jeep at nakita ang ulong nakasubsob sa kandungan ni Senyorito Matthew na banayad sa pagtaas at pagbaba. Nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka. “F*ck!” Pagkarinig ng mura ng abogado ay saka ko lang napagtanto kung anong nagaganap. Halos malaglag ang aking mga panga nang bahagyang umangat ang ulo sa kandungan niya at makita kong babae ang nakasubsob doon. “Turn your back, lady!” Nagulat ako nang biglang abutin ni Senyorito Matthew ang baywang ko at sapilitan akong itinalikod. Hindi ako nakakibo. Nanginig nang bahagya ang aking mga binti. Ilang sandali ang lumipas at lakas-loob ulit akong humarap. Wala na ang ulo sa kandungan ng abogado. Itinataas na rin niya ang zipper ng pantalon. Napatingin ako sa passenger seat at nakilala ko ang babaeng nakaupo roon na nag-aayos ng buhok. Napaawang ang bibig ko. “What do you think you’re doing, huh?” Halos mapalundag ako sa galit na boses ni Senyorito Matthew. Nakababa na pala siya ng jeep at nakatunghay na sa akin. Nakita ko ang matinding iritasyon sa mga mata niya. Sa pinagsama-samang takot, gulat at hiya ay tuluyan na akong hindi nakakibo. Napaatras na lang ako at saka mabilis na tumalikod upang balikan ang aking bike at sumakay. Narinig ko pang tinawag ako ni Senyorito Matthew pero, hindi ko na pinansin at nagmamadali na lang akong nagbisikleta pabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD