DUTR 04 : CRUSH

1260 Words
Louise'pov Kakagising ko lang ngayong umaga at syempre dahan-dahan lang ako sa mga ginagawa ko Dapat wag ako masyadong gumawa ng ingay,lalo nat andito sina mama at mga kapatid ko, at tulog pa sila Bali sa bahay namin may tatlong kwarto, yung kwarto ni Lola,Kwarto ko, at may isa pang kwarto na nilalagyan ko dati ng gamit ko na ngayon kwarto na ng mga kapatid ko Dito muna natulog si mama kagabi dahil mga hating gabi na nga sila nakarating rito ata, so ayun nga puyat ako Nafefeel ko na ambigat ng pakiramdam ko, parang ayaw ko pa nga bumangon e Well hindi ko kailangang pagmatamad-tamad alangan naman si Lola ko ang palutuin ko ng agahan namin ngayon diba So ayun nga nag sangag ako ng kanin at nagluto din ako ng scrambled egg, wala e yun lang yung nakayanan ng budget ko hmpt Kakatapos ko lang maligo kaya naghanda nako sa lamesa at hinintay ko nalang na magising sila ng biglang magtext sakin si Choco Kaya agad kong inopen yung phone ko, I read it "choco! Balita ko raw magtatransfer si crush sa school natin, and magmimeet kami mamaya" yung text ni Silver I was wondering kung sino yung crush nya, kapag nakilala ko sya mag-uusap talaga kami As in promise, mag-uusap lang kami hanggang makalbo na sya di joke lang di naman ako ganon kasama , bali ano lang mababalian lang sya ng bato hehe Sumasakit yung dibdib ko men, sana masagasaan nalang yung crush nya para hindi makarating sa school huhu Tinago ko nalang ang cellphone ko at hindi nagreply hmpt bahala sya dyan Hindi naman po sa attitude ako a pero wala lang po talaga akong load pangreply huhu sendload kasi, Pumunta ako sa sala, ganon ba ako katagal nawala at nakaligo na yung mga kapatid ko Sanaol ha, "ah luto na pala yung agahan natin kain na po tayo, la, ma, gracie,at gab tara na" sabi ko nalang at nagtungo na sa kusina, well kitchen and our dinning room ay iisa lang, hindi naman kasi ganon kalaki yung bahay namin at wala kaming second floor sadyang malawak lang talaga yung bahay namin Syempre kumain na ako pagkadating ko sa kusina, sareh gutom nako e kanina pako naghihintay sa kanila jusme mag aala sais medya na nga o hmpt, gutom na gutom na ako So ayun nga sumunod narin sila at kumain na kami nang makatapos nako kumain nagtoothbrush na ako at hinanda na yung mga gamit ko sa school Ay oo nga pala guys, magiging schoolmate ko narin pala tong mga kapatid ko, dahil matagal na pala silang naenroll ni mama don as a transferee at btw guys ipapakilala ko sa inyo ang gwapo at maganda kong kapatid pero mas maganda parin ako syempwe Meet Gracie Coleman, ang maganda kong kapatid mana sakin huhu, 14 years old, merong dark brown eyes, and pure black hair, matatangos na ilong, mas maputi sa akin ng kunti, may pinkish na mga labi And meet Gabriel Coleman, ang napaka gwapo kong kapatid mana parin sakin to huhu, 14 years old din, syempre kambal sila e, parehas sila ng mata ni Gracie pero blonde ang buhok nya, matangos ang ilong, at pinkish din ang mga labi. makisig ang pangangatawan nya, inshort macho, at feeling ko may abs to nagwowork ata to e So bali silang dalawa ay grade 9 na this school year,ang babata pa ng mga kapatid ko pero hindi hala huhu So ayun nga dahil dala ni mama dito yung sasakyan nya yun na yung sinakyan namin, hinatid kaming tatlo ni mama sa school Well it's already 7:10 nang makarating kami sa school kaya may time pa naman ako para makipagchikahan kay bebelabs ko jok para ipakilala sa akin yung pesteng bruhang crush nya, pigilan nyo ko guys nangigigil ako Nang nakarating na kami sa school syempre naging emotional na man kaming lahat kasi aalis na si mama, kailangan nya naman kasing magtrabaho e, kaya ayun pumasok na kaming tatlo nang makaalis na si mama So ayun mapapalayo naman sya samin, i just sighed deeply, at I bit my lower lip para hindi ako maiyak Nang bigla na lang na may tumawag sa akin,hmmm i see, si choco, kaya sinagot ko na agad sya and yes kami na di joke haha yung tawag talaga yung minimean ko "Oh bakit ka napatawag choco?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad parin kaming tatlo at sinasamahan ko sila na hanapin ang room nilang dalawa "Andito na si Crush sa school choco at hindi na ako makapaghintay na makita sya sa personal" sabi nya sakin habang naeexcite "Wait hindi mo pa sya nakikita sa personal?" Gulat na tanong ko sa kanya "Oo hahah nagkakilala lang kami sa internet" sabi nya sa akin na hindi parin natatanggal ang tuwa sa boses nya "Wews ha nakilala mo lang sa internet crush mo na agad?" Tanong ko sa kanya at natawa na lang " Oo eh ang ganda nya kasi at ang sexy pa huhu yun nga lang ang bata nya pa" sabi nya sakin ng natatawa rin "Hoy hala choco bata pa pala yun eh bat mo pinatulan ha? Child abuse yan pri child abuse" hmpt hahaha ewan ko talaga kay Silver "Ah basta crush ko sya, saan ka na ba ha?" Tanong nya sakin ng seryoso, oh see napakamoody diba parang kanina ang sayasaya nya tapos ngayon ang seryoso "Eto papunta na sa room" sabi ko ay shet di papala " ay hindi pa pala may sinasamahan pakong transferee dito nahinahanap yung section nya basta bye na choco byeee" sabi ko "Sinong transferee, sinong kasama mo hoy choco-" hindi nya na natuloy ang sasabihin nya ng patayin ko na ang tawag Hinanap naman naming tatlo yung room nila at mabuti naman na yung room nila ay malapit lang sa room namin and there's more section1 pa sila kagaya ko siguro matalino ata tong mga to, oh diba manang mana talaga sila sakin mga bhieee huhu Kaya agad nakong nagpaalam, sa kanila at akoy pupunta na sa room mag aalas syete-medya narin kasi e, Pagkadating ko sa room namin as usual napaka inggay may nagchichismisan, may mga magjowa na man na naglalampungan, mas mga bumabati naman sakin na boys ng goodmorning, parang yung mga nangyayari padin talaga araw-araw at sanay nako don Agad nakong umupo don, syempre katabi ko si Choco at si Six, sya pala si Six guys ay volleyball player din, tropa yan ni Silver "Bakit nakabusangot yang hitsura mo ha?" Tanong ko kay silver ng nakabusangot at mukha nya na para bang bitbit nya ang problema ng buong mundo "Eh paano ba naman kasi andito na nga si crush eh magkikita na sana kami eh paepal din yung teacher nya biglang dumating pa naman" sabi nya ng naiinis "So kailan kayo magkikita?" Tanong ko sa kanya, omg mukhang dininig talaga ata ni Lord yung wish ko a, thankyou thankyou huhu maraming salamat lord "Mamayang recess pa bwiset kabad trip" sabi nya ng naiinis parin bwahaha Magchichika pa sana kami ni Six nang biglang dumating yung paepal na teacher namin At syempre dahil mabait na bata ako nakinig ako ng mabuti sa teacher namin, aba ako ata top one samin dito di ako pwedeng malaglag sa with honors huhu papagalitan ako ni Lola nyan, actually di naman talaga ako with honors e, with highest honor talaga So ayun nga kahit boring yung klase ni maam nakinig parin ako at nagtake notes kahit may mga time na inaantok talaga ako alas dose na kasi ako kagabi nakatulog Hanggang sa wakas recess na yehey
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD