Louise'pov
Buti nalang talaga at pinahiram ako ni ate Eris ng damit nya, iingatan ko talaga to promise
Gucci pa naman to, ang mahal kaya nun huhu, for the first time in my life nakasuot din ng Gucci jok HAHAHA
"Ma, Pa,Ate, choco alis na po ako" huhu tae mahihirapan ako magcommute neto for sure dahil maputik na naman sa daan
"Nako iha wag kana magcommute, ihahatid kanalang ni Manong June" sabi ni papa Steward,
"Nako papa wag na po" sabi ko ng nahihiya
"Nako iha wag kana mahiya,ikaw pa malakas ka samin ni mama Evie mo para ka na naming" sabi nya at natawa
Opo, ako po yung future daughter in law nyo joke pero parang ganon na nga
"Oo nga choco, sama na din ako kay Manong June para ako na magpaliwanag kay Lola Isabel na ginabi ka na ng uwi" sabi ni Silver
"Ay oo nga pala iha, teka lang ha papabaonan narin kita para kay Nanay Isabel, sayang naman kasi mga pagkain dito e hindi lang naman siguro to namin mauubos" sambit ni mama Evie at dali-daling nagbalot ng mga pagkain sa tupperware, tsaka binigay sakin
"Ah mama Evie ibabalik ko nalang po yung Tupperware bukas ibibigay ko nalang po kay choco hehe* sabi ko
"Nako iha wag mo na yang ibalik dito sa inyo na yan, atsaka isa pa andami na naming Tupperware dito" sabi ni tita at tumawa ng mahina
Oo nga naman, sanaol mayaman diba
"Ah sige po mama evie salamat po, alis na po ako ma, pa ate" sabi ko at nagpaalam na
"Ingat kayo Loiuse" sabi ni ate Eris at kumaway
Sabay na kami na pumasok ni Choco sa kotse at, nanatili kaming tahimik hanggang sa nakarating na kami sa bahay
Buti nalang talaga na sinundo nila ako tama nga ako maputik nga sa daan huhu
Lumabas na kami sa kotse, nauna nako sa paglalakad, kakatok pa sana ako sa pintuan ng biglang buksan ni Lola ang pinto
"Hi lola" sabi ko at nagpacute, syempre para di nyako pagalitan
"Bakit ngayon ka lang ha? Pumunta kanina dito yung mama mo hinahanap ka" sabi ni Lola Isabel ng galit pero agad rin namang nawala ng makita nya si Silver
Waw ha ano kaya nakain ni mama at for many years, naisipan nyang puntahan ako dito
Well alam lang naman ni Lola na matagal ko nang crush si Silver
Ngumiti sya ng napakalaki sakin "nagdate kayo no? Yieee" bulong sakin ni Lola at kinurot ng mahina ang tagiliran ko
"Hindi po lola ah, nako ikaw po talaga lola manahimik po kayo baka marinig po kayo ni Silver" bulong ko din kay Lola
Buti nalang hindi sya narinig ni Silver, abala kasi ito sa cellphone ewan ko kung anong ginagawa nya na kinakunot ng noo nya pero agad rin naman nya itong pinatay na ang cellphone nya
"Ay oo nga pala Lola sorry na po ha, kung gabi na po umuwi si Louise kasi po nagcelebrate pa po kami sa bahay, panalo po kasi kami kanina sa citymeet hehe" paghihingi ng paumanhin ni Silver kay Lola
"Ano ka ba iho okay lang yun" sabi ni Lola at ngumiti
Ay muntik ko nang makalimutan
"Ah lola sya nga pala pinabaonan po ako ni mama Evie, para daw sayo po" sabi ko kay lola at ibinigay ang plastic na may laman ng mga Tupper ng mga pagkain
"Nako iho, sabihin mo kay mama mo salamat ha" sabi ni Lola kay Silver
"Ohsige po Lola Isabel makakarating po yun kay Mama, alis napo ako ha lumalalim narin po kasi yung gabi e, ahm choco alis nako" sabi ni Silver tsaka yinakap ako at umalis
Tumango nalang ako biglang pagsagot at agad ko nang sinirhan ng pintuan
"Apo, pumunta kanina dito ang mama mo pinasasabi na pupunta raw dito ang kapatid mo na sina Gracie at Gabriel" sabi ni Lola sa akin habang nakangiti
"Okay po Lola kailan po ba sila pupunta dito mga mamaya-maya apo basta sabi ng mama mo Louie ngayong gabi sila dadating" paliwanag ni Lola
"Eh lola mayaman naman po si mama diba eh bakit hindi nya ihanap ng condo, bakit kailangan pa nilang makisiksik dito eh ang sikip na nga dito sa bahay naten Lola atsaka alam po ba ni papa yan?" Pagkokontra ko
"Hindi naman malalaman ng papa mo kung hindi mo sasabihin Louise atsaka isa pa kapatid mo sila Louise"mahinang sabi ni Lola sakin
"At pano pagnalaman ni papa lola? Tayo ang pagagalitan, oo nga po kapatid ko sila at alam ko yun ang iniisip ko lang po ay tayo" sabi ko at nagbuntong hininga
"Eh sa nakiusap sakin yang si mama Louie mo" sabi ni Lola at pumunta sa kusina para kainin na ang mga pagkain na pinadala sakin
"Basta bahala kayo dyan basta ako ayokong magalit sakin si papa" sabi ko at pumunta na sa kwarto ko at nahiga
Matutulog na sana ako ng makarinig ako ng ingay kaya agad din akong lumabas sa kwarto at pumunta sa pinagmumulan ng ingay
Don nakita ko si Lola,At yung mga kapatid ko ata na sinabi ni Lola Isabel na sina Gracie at Gabriel? Ata ewan, at si Mama? Tama si mama nga
"Ay ayan tamang-tama lang andito na si Louise, Louise yung mga kapatid mo si Gabriel at si Gracie" turo sa dalawang babae at lalaki na kasing edad ko, waw ang puti naman nila "at eto naman ang mama mo" turo naman ni Lola sa isang babae na kamukhang-kamukha ko, agad nya akong yinakap
Gusto kong umiyak dahil sa sampung taon kaming hindi nagkita, eto na sya sa harap ko't niyayakap ako, yinakap ko din sya pabalik, and I bit my lower lip so that for me not to cry
"Anak sorry ha ngayon lang kita napuntahan dito ayaw kasi ng papa mo na magkita pa tayo, atsaka isa pa matagal ko nang sinabi kay nanay Isabel na pupunta kami dito pero sinabi ko na wag lang sabihin sayo dahil gusto ka naming isurprise" sabi ni mama at umiyak hinawakan nya ang dalawa kong kamay at umiyak ulit
At eto ako pinipigalan parin maiyak,
And nagpapasalamat ako sa panginoon dahil sa wakas nagkita narin kami