Louisette'pov


Damn, ilang beses kung pinilit ang sarili ko na pakalmahin, f**k s**t self bakit ayaw mo kumalma?, It's now First day of February, at kakaconfess lang sa akin ni Demon na gusto nya ako, look okay Hindi ko alam ang gagawin ko
Nasa mall kami ngayon nag aya kasi sya ng lunch, tapos libre daw tapos syempre ako libre na yun tatangihan ko pa?, At hindi ko naman inexpect na magcoconfess sya eh
Now I'm in the restroom, well I have no choice but to reject him, tanging matalik na kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya at hindi nahihigit pa, oo inaamin ko dati gusto ko sya, but not until magkafeelings ako kay Andreius
"Uhm hey h-hi?" Nahihiyang tanong sabi nya nakayuko
"Uhmm Demon tungkol kanina sa sinabi ko" malumanay na sabi ko
"Uhm just forget it na lang and pretend like I didn't said those things on you, I don't want you to feel awkward or uncomfortable on me, alam ko naman na hin- aish nevermind so ano let's go na?" Sabi nito sa akin ng nakangiti at hinawakan ang kabilang kamay ko at hinila
So ayun naglunch kami sa Jollibee, then yinaya nya ako laro daw kami sa may fun time, HAHAHAHA
"Watch me Sette, I'll gonna get that teddy in just few seconds" mayabang na sabi nito at saka naghulog ng tokens sa may claw machine
Natawa na lang ako sa reaksyon, nya well I guess it would take an hour for him bago nya makuha yung teddy bear na yun, tapos ang lakas pa makapagyabang sa akin kanina, seconds daw, weh? HAHAHAHA
Naumpisa na syang mapikon kaya ayun hinampas hampas nya yung machine, napailing na lang ako matapos syang sawayin ng staff sa fun time, na wag daw paghampasin yung machine
"Oh ano na mon? Kaya pa?" Natatawang sabi ko, halos 500 tokens din ang nagasto nya, pffft
"I think wala naman sa akin yung problema sette eh nasa machine, feeling ko may day-" Hindi nya na natuloy ang sasabihin nya ng agawin ko sa kanya ang tanging isang token natitira sa kanya
So ayun hinulog ko na sa machine, dahan dahan lang, left, right, and get, easy oh diba nakuha ko na ka agad, nakita ko ang reaksyon ni Demon na gulat na gulat
Sinamaan nya ako ng tingin at napanguso,napangiwi na lang ako at binelatan sya, wala naman kasi talagang problema ang machine, ang problema na sa kanya
Hanngang sa makapunta na kami sa may parking lot, dun kasi naghihintay yung driver nila, nakasama rin sya namin kanina sa lunc yinaya pa nga namin na sumama dun sa may funtime, kaso daw dito na lang daw sya at magbabantay ng sasakyan nila
Agad nya naman kaming pinagbuksan ng sasakyan ni Silver, at dito na lang kami sa may likuran umupo,
"Hmmm so saan mo pa tayo gustong pumunta Sette?" Nakangiting tanong sa akin ni Silver
"Hmmm ikaw balaha Dem kahit saan na lang" sabi ko saka napatingin sa may bintana ng sasakyan, mag-gagabi na rin pala, hindi ko namalayan ang oras ah
"Hmmm kung pumunta kaya tayo sa bahay" pagsasuggest ni Demon


"Hmmm oh sige ikaw bahala, pwede ba? Baka mamaya makaisturbo lang ako dun sa inyo" sabi ko,
"Uhm hindi yan wala namam dun sina mama at papa eh, kami lang ni Daisy ang nandoon" sabi nya "so dun na lang sa bahay?" Pangungulit nya, aish ang kulit HAHAHAHA
"oo na! Oo na! Dun na lang sa bahay nyo" natatawang sabi ko at napailing na lang
Bahagyang nagulat kaming lahat ng biglang may paparating na truck sa sasakyan namin, sinubukan pang umiwas ng driver namin pero huli na ang lahat,
Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Demon, napahawak ako sa aking ulo basang basa iyon ng dugo, napatingin ako kay Demon dumudugo ang likuran nito,
nahihilo na ako, di ako makahinga, kinakapos na ako ng hininga hanggang sa napapikit na ako sinubukan kung imulat ang mata ko pero bigat, saka ko narin naramdaman ang sakit ng buong katawan ko,
And everything went black.....
Nagising ako ng marinig ang sinabi ng doctor "time of death 11;11 pm"
"Doc buhay pa ang pasyente!" sigaw ng nurse
and after that everything went black again
Gabriel ' pov
It's been one week... Since maaksidente sina Demon at ate Louisette, habang ang driver naman ay dead on arrival
Know what I'm really thankful to god on what happened to my older sister Louisette, ang akala namin ay mamatay na talaga sya but then miracle happen bigla syang huminga ulit
And it's been one week nading comatose ang dalawa, andito kami ngayon ni Andreius at Silver sa kwarto kung saan sila nakaconfine, yes iisa lang ang kwarto nila at malapit lang din sa room ng mga doctor and nurse para madali silang maasikaso
Araw-araw nang pumupunta dito si Silver eh, tuwing sabado at linggo andito sa buong magdamag uuwi lang sya mga alas dose na ng gabi,at sa weekdays naman ay tuwing galing sa School dumedertso sya ka agad dito, ganon din si Andreius
, which is sumasabay na lang kaming lahat sa kanya, ang layo kasi ng hospital sa school makakailang rides kapa bago makapunta rito, and mabuti na rin yun nakalibre na kami sa pamasahe nadalaw ko pa dito si Ate, minsan kay Silver kami nakikisakay minsan sa sasakyan nila Andreius
Actually alam narin ng papa ni Ate at ni mama, ang nangyari kay ate Louisette, kaya minsan dumadalaw dalaw din sila dito, I know naman kasi that they are really busy at their works
Napatingin na lang ako kay Andreius at Silver na nakatingin kay Ate Louisette na ngayon ay nakahiga parin at madaming aparatus na nakakabit sa kanya
Alam ko kahit hindi man sabihin ni Andreius, gusto nya si ate, well obvious naman eh, at alam ko na ramdam rin yun ni ate Louisette
At etong si Silver naman, alam ko naman na gusto nya talaga si Ate Louisette eh, narinig ko kasi sila nung nagbreak sila ng kapatid kong si Gracie,
nasa condominium kami kasi ni Gracie that time na tinitirhan nami , at aba hindi ko na kasalanan yun kung marinig ko man sila, sila naman tung nagsisigawan eh
Kaya ba ayaw mo na? Dahil sa kanya! Dahil ka ate hagulgol na sabi ni Gracie
Oo dahil sa kanya, at gago ako para ngayon lang malaman yun cold na sabi ni Silver at pilit na pinapatayo si Gracie mula sa pagkakaluhod
Nagbibiro ka lang naman diba? Mahal mo pa rin naman ako diba? Sabi ni Gracie at tumayo para yakapin sana si Silver pero tinulak lang sya nito
Oo minahal kita noon ng mga bata pa tayo, oo siguro noon mahal kita at ang akala ko ay hanggang ngayon mahal pa din kita and I'm sorry because in the first place yung ate mo talaga ang minahal ko at nagsisisi ako na naging tayo dahilan para masira ang pagkakaibigan namin... Gracie let's break up cold na sabi ni Silver at tuluyan ng umalis