Louise's pov


" congrats sayo bubbly, ang talino mo talaga" sabi ni Andreius sa akin at yinakap ako
Well ako na kasi ang top 1, at katatapos lang ng awarding, 2 weeks narin ang nakaraan since then hindi na kami nagkita ni Silver, at hindi pa rin sya pumapasok, wala na rin sya sa top, hays as in bumagsak talaga sya sa lahat ng subject, yes aaminin ko namimiss ko na sya,
hays and about that Haliya Hibaro, he always call me pero blinock ko na lang yung number nya at blinock sya sa f*******: bahala sya dyan
"Hindi naman talaga ako matalino" pakumbaba na sabi ko at naupo na lang sa may tabi ni Demon,andito kasi kami ngayon sa park malapit sa school, andito ako,si Andreius,Demon,Andrei, Gabriel,Daisy,at si Honey
"Wow lang ha hindi daw matalino, weh?" Natatawang sabi ni Honey na tinapik ko sa braso kaya napanguso sya
Nabalot kami ng katahimikan, nanatili lang kaming lahat na tahimik,tumingin ako sa paligid, I remember the time wayback sumasayaw kami ni Silver, hays how I miss those days
I was shocked, when someone hugged me it was Andreius, and i feel that tingling sensation, and my heart beat so fast, and that time I feel so awkward and uncomfortable
"Hmmm what about kain tayo ulit ng street foods Gracie? Libre ko" sabi nito ng parang bata at hinila ako patayo papunta sa nagbebenta ng street foods
"Anong gusto mo?" Tanong nito sa akin,
"Kwek-kwek, fishball at french fries" malumanay na sagot ko at tumango lang naman sya, napatawa ako ng makita kong hingal na hingal si Demon papunta dito sa amin
"Kayo ha pupunta pala kayo dito, hindi man lang kayo nang aya" sabi nito at sumimangot
"Pero syempre dahil mabait ako, lilibre ko parin kayo char syempre si Sette lang, ano gusto mo Sette?" Tanong nito sa akin ng nakangiti
"Hmmm nalibre na ako ni puppy eh" sabi ko
"Edi libre kita ulit" sabi nito at ginulo ang buhok ko napatingin ako kay Andreius na ngayon ay masama ang tingin kay Demon, pero agad ding ngumiti ng makita nyang nakatingin ako sa kanya
Nang maluto na ang mga binili namin, este binili nila na pagkain namin,bumalik na ka agad kami dun, nagulat naman ang apat na makita kami na may mga pagkain na nagsimaktolan sila kesyo daw hindi namin sila sinabihang apat

Manghihingi nalang raw sila pero syempre dahil matakaw ako inubos ko na ka agad yung akin, na ganun rin naman yung dalawa
Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan namin na sumakay sa ferris wheel doon,
"Sette sino gusto mo ang makasama?" Tanong sa akin ni Demon, pero hinila lang sya ni Andrea napanguso na lang din sya, dahil mukhang aayain nya pa ako, siguro ayoko naman maging mukhang assuming
"Well mukhang ako ang makakasama mo bubbly" malapad na ngiti ni Andreius habang nakatingin sa akin, ngumiti rin ako, pero agad din syang nagulay ng hihilahin sya sana ni Daisy
"Uhm sige puppy" sabi ko at hinila rin si Andreius, basta may part sa akin na gusto syang makasama, kaysa si Daisy ang makasama nya, kinuha rin naman agad ni Andreius yung kamay nya mula sa pagkakahawak ni Daisy at hinila ako papuntang ferris wheel
Napailing na lang ako ng makita na hinila ni Gabriel si Daisy,napanguso na lang din si Honey dahil sya lang daw ang mag isa, habang kaming lahat ay partner partner
Hmmm gusto ko na ba si Andreius? I just felt it ang lakas ng t***k ng puso ko, sa twing malapit sya sa akin, ang everytime na kasama ko sya palagi akong masaya, hmmm i think yes?
Nang makasakay na kami at nanatili lang kaming tahimik na dalawa, pero ramdam kung panay tingin sya sa akin pero agad ring nag iiwas ng tingin sa tuwing lumingon ako sa kanya
Nang makarating na kami sa taas, ang ganda ng view pero ang init dito pero hindi rin naman sobrang init yung katamtaman lang pero init parin
, "bubbly picture tayo!" Ngumiti lang din naman ako at tumango, kinuha nya ang cellphone nya at inopen ang camera, mga nakailang picture din kami, may solo, may magkasama din kaming dalawa, napatawa na lang kaming pareho, napatingin ako sa may baba
Wait si Gracie ba yun? May kaholding hands sya Sino ang kasama nya si Silver? Hmm hays aaminin ko nasasaktan ako pero, nevermind, napatingin na lang kay Andreius, for now itutuon ko na lang ang pansin ko kay Andreius,
at hindi rin naman ako manhid sa buong dalawang linggo, na hindi maramdaman na gusto nya ako, yinakap ko sya ng mahigpit na kinagulat nya, pero agad nya rin naman akong yinakap pabalik habang nakangiti
Nahimasmasan lang kami nang nagsi ayieee sina Honey at Andrea, ay huminto na pala ang ferris wheel at kami na lang ang sakay doon, napabitaw naman kami at napatawa na lang kaming dalawa ni Andreius
Pagkatapos nun ay gumala gala kami sa buong park, at kung minamalas ka naman oo, nakita namin si Gracie, nakinagulat naming lahat, pero si Hanzo? Si Hanzo yung kasama nya? Akala ko ba si Silver ang kasama nya? And they are kissing wow ha hindi talaga nahiya at talagang in public pa
Is she cheating again, oh my gosh, I can't believe na nagkaroon ako ng kapatid na katulad nya bakit ganon si Gabriel naman ang bait bait, eh sya anong nangyari sa kanya? Hays,
I've just smirked ng makita na vinevideohan ni Honey yung halikan ng dalawa, just need this for evidence bulong nya sa akin at ngumisi din sa akin
"Can you please explain this to us magaling kong kapatid" sabi ni Gabriel at hinila si Gracie palayo kay Hanzo na kinagulat din naman nilang dalawa
"Oh why are you shocked? Didn't the both of you expect to see us here?" Sabi ni Daisy na may halong pagkasarkasmo
"Hmmm umalis na lang tayo, hayaan na lang sya nating gawin kung ano man ang gusto nyang gawin nilang dalawa" sabi ni Andreius at hinila ako, na agad namang sumunod ang lahat, nakita kong napayuko lang si Gracie
"So balik na tayo sa school guys? May klase pa tayong hapon ngayon remember?" Paalala ni Andrea, na kinasimangot naming lahat, awit tinatamad na akong pumasok, kahit na labag man sa loon namin lahat tumango lang kaming lahat at naglakad na pupuntang school,
hindi na kami nagcommute malapit lang naman eh, sayang pa yung pera na ipapamasahe namin dzuh, nang makarating na kami sa room ay pagod na umupo kami sa mga upuan namin hays kapagod, tapos sina Gabriel at Daisy ay pumunta na sa mga room nila, Grade 9 palang kasi sila diba,pagdating namin sa room kalahati pa lang yung andito at feeling ko mag aabsent na yung iba, dapat kasi umabsent na lang rin kami eh,
Halos lahat kami nagulat sa room ng makita si Silver, pagkapasok nya sa room ay agad rin naman syang umupo sa tabi ko, wow hindi man lang ako pinansin,
ouch naman sabagay, pagkatapos syang pagalitan ng dahil sa akin o sa amin, malamang ganon na lang talaga ang magiging reaksyon nya hays bahala sya dyan
"Ano sasabihin ba natin sa kanya bubnly?" Bulong sa akin ni Andreius, nagbikit-balikat na lang ako
"Silver alam mo ba kanina we saw your girlfriend Gracie na kahalikan si Han-" Hindi na natuloy ni Demon ang sasabihin nya ng magsalita si Silver
"Matagal ng kaming wala, and I don't fuckin care kung makipaghalikan man sya kahit kanino dahil wala na kami, period" seryoso at cold na sabi ni Silver habang nakatingin sa akin
Whaaaa bakit sya nakatingin sa akin, at bakit ganon? Parang ang nakaramdam ako ng saya ng malaman na wala na sila, mag momove on kana nga dapat kay Silver diba? Haish,nag iwas na lang ako ng tingin sa kanya at umupo ng maayos