-ASTRID-
Habang naglalakad sa hallway ay napapataas ang isang kilay ko habang nakatingin sa lalaking naglalakad sa harap ko. Feeling talaga neto guapo siya na cool. Ang lakas ng loob niyang mag all black, akala ba niya siya si—
"Omg, it's Hudson" halos mapasubsob ako sa biglang nanulak sa akin. Malamang si Elle yun. Kada kinikilig siya nananakit.
"'Lakompake" walang gana kong sagot at mahina akong hinampas ni Elle sa braso. Nginitian ko siya "Bati na tayo 'no."
"Of course, kasi ida-date mo si Caleb."
Tumawag siya sa akin kagabi para lang ibalita na umuwi na raw yung Caleb. Natulugan ko nga e, ang daldal kasi.
"Hindi kaya ako pumayag" pagde-deny ko at nagkunwareng naglilinis ng kuko sa daliri.
"Excuse me!?" sigaw niya at pinigilan kong matawa. "Oh gash, nakatingin siya" bigla siyang nag ayos.
Tumingin naman ako doon sa krass niya at nagtama ang paningin namin. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang mapansin ko ang tatak sa damit niya. Tinignan ko ang tatak ng damit ko at magkapareho nga kami. Binili ko sa ukay-ukay itong akin kaya sigurado akong original 'to. Tumingin ako sa damit niya, baka yung kanya yung fake.
"O my ghad" rinig kong bulong ni Elle, nagpapalit palit ang tingin niya sa damit namin nung si Hudson.
"Oh? Alam mo namang panlalaki lahat ng tshirt ko 'diba" mabilis kong paliwanag sa kanya. Selosa yan pagdating sa krass niya.
"Yah yah" sagot niya.
Ibinaling ko ulit ang tingin dun kay Hudson at sa iba na siya nakatingin.
"Wait" mabilis kong hinawakan ang pupulsuhan ni Elle nang akma itong aalis. Alam ko namang pupuntahan na naman niya yung krass niya at gagawa na naman ng kahihiyan. "Tatanungin ko lang siya kung—"
"Bakit 'di siya nakarating?" pambabara ko "Malamang hindi siya interesado, Sis. 'Wag ka ngang feeling slow."
"Nakakainis ka na." padabog niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya at sinundan siya ng tingin papunta doon sa krass niya. Napakamot na lang ako bago siya sundan.
Pumunta siya sa harap nung krass niya, pumunta naman ako sa likod niya. Walang gana lang akong nakatingin sa krass niya.
"Hi Hudson" putch*. Required ba talagang mag iiba ang tono ng boses niya pag kausap niya yang lalaki na 'yan. Nakakabanas pakinggan. As usual, hindi na naman siya kinibo. Para talagang engot, sakit sa ulo. "Bakit hindi ka nakarating sa birthday party ko?" ibinaling ko ang tingin sa iba. Hirap na akong masaksihan ang kahihiyang ginagawa ni Elle, promise.
"Who are you?"
Niyuko ko ang ulo ko at mariing pumikit. Hindi na kinakaya ng bagang ko ang kahihiyang ito.
"W-what? U-uhm—"
"Tara na kasi." mariing bulong ko kay Elle.
"Get out."
"Hudson, I'm Ellena. Ilang beses na akong lumapit sa'yo, hindi mo pa rin ako kilala? Hehe" nag angat ako ng tingin dahil sa isinagot ni Elle. Marunong na sumagot. Dumiretso ang tingin ko doon sa krass niya.
"Ilang beses na? Sa tingin mo bakit hindi pa rin kita kilala hanggang ngayon? Is it because I'm not interested? what do you think?" nanliit ang mata ko sa isinagot ng krass niya. Napasinghal ako sabay tingin sa kawalan. Ang yabang netong walang'yang 'to. Sampulan ko kaya.
"U-uhm, have a nice day" mabilis na sagot ni Elle at sinundan ko siya ng tingin nang bigla itong tumakbo palayo.
Nang makalayo na siya ay ibinaling ko ang tingin doon sa krass niya.
"Hoy, ganyan ba talaga ang tamang pagtrato sa mga babae ha?" tanong ko at tumingin lang siya sa akin. "Ang yabang mo ah, 'kala mo kung sino kang guapo. One on one tayo, ha?" paghahamon ko at tumingin ako doon sa gawi kung saan tumakbo si Elle, sinisigurado ko lang na wala na talaga siya. Naramdaman ko na lang na may bumangga sa balikat ko. "Hoy hoy hoy" mabilis kong sambit nang lampasan ako nung Hudson. "Takot ka pala e!" sigaw ko sakanya habang natatawa. Laos! Hahaha.
———
"Sabi ko naman kasing huwag mo nang habulin 'yon." panenermon ko habang inaabot ang tissue kay Elle. Umiiyak na naman.
"Maganda ba ako?" tanong niya at tumango ako, "Matalino naman ako 'diba?" tumango ulit ako, "I look elegant, right?" tumango na naman ako. Kapag nababasted siya nung Hudson, laging ganito ang linyahan niya.
"'E hindi ka nga gusto, wala tayong magagawa dun." pagpipilit ko. "Hayaan mo na lang, marami pa—"
"Lagi ka na lang 'hayaan mo na lang' 'hayaan mo na lang' palibhasa hindi ka pa nai-inlove!"
Tumaas ang dalawang kilay ko "'E bakit naman kasi doon ka pa tinamaan ha? Ang daming iba diyan!" pagdidiin ko sabay padabog na inilapag ang tissue sa tapat niya.
Matapos ang tatlong subject ay iniwan muna ako ni Elle dahil may meeting daw siya kasama yung council. Bumili muna ako sa canteen ng cup noodles at umupo sa field. Maganda dito, presko at may bermuda grass.
"Hi, Astrid!" napatingin doon sa nagtawag saaking babae at tinanguan ko siya sabay ngiti. Block mate ko nung first year.
"Kain" pag aaya ko at tumango lang siya sabay thumbs up 'saka naglakad paalis.
Habang tahimik na kumakain ay iginagala ko ang paningin ko. Attention seeker talaga 'tong Hudson na 'to. Suot pa lang niya halatang papansin niya. Akala 'ata niya, porque maraming nang nagkakagusto sa kanya— iyon ang sabi ni Elle, 'e pogi na siya.
Umupo siya sa isang gawi dito rin sa field at nang magtama ang paningin namin ay binelatan ko siya sabay tipid na natawa. Parang gago 'e. Itinuloy kong kainin ang cup noodles ko, hindi na masarap 'to pag malamig. Habang kumakain ay nakatingin ako sa kanya, wala man lang siyang reaksyon sa ginawa ko. May binabasa siyang libro. Kahit sa pang aasar man lang makabawi ako sa ginagawa niyang pamamahiya kay Elle.
Gustong gusto siya ng kaibigan ko, ano ba naman 'yung magpakita siya ng katiting man lang na appreciation 'diba? Mahirap bang sabihin 'yong, 'thank you' o kahit ngiting aso na lang. Napakayabang, pag binangasan ko 'to sa mukha, iyak 'to.
"Hay.. napakatanga" bulong ko nang makita ko ang dalawang babaeng sumimpleng tumabi kay Hudson. Malamang magpapansin din ang nga 'yan. Naibaling ko ang tingin sa tao'ng biglang tumabi sa akin.
"Boss, penge naman" inirapan ko si Lance. Patay gutom talaga 'to. Kahit tira-tira ko tinitira pa rin. Binigay ko na lang sa kanya 'yong sobra ko. Uminom na lang ako ng tubig, pagkatapos ko sa tubig, nilapag ko naman sa tapat niya. Hating kapatid ba. "Nakikita mo yang si Hudson na 'yan?"
"Oh?"
"Lamang lang yan sa akin ng tatlong tabo'ng paligo!"
"Ah sige" walang gana kong sagot. Habang hawak niya yung cup noodles ay napatingin ako sa tattoo niya sa kamay. "Wala ka bang balak ipalaser 'yan?" tanong ko sabay nguso sa tattoo niya.
"'Saka na, pag pinalaser mo na rin 'yang iyo." sagot niya at bahagya akong natawa.
"Talagang dumedepende ka sa desisyon ko 'no?"
"Boss kita e."
Napakapa ako sa collarbone ko, nandoon kasi yung tattoo ko. Nakuha namin iyon sa gang na pinasukan namin noon. Hindi naman kalakihan, maliit lang na tatak.
"Gusto ko pa ngang magpatattoo sana." share ko lang. "Kaso.. kailangan ko ng pera."
"Lagi naman 'e."
"May alam ka bang pwede kong utangan ng sixty thousand?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot dahil abala siya sa pag kain. "Huy"
Tumingin siya sa akin sabay punas aa bibig "Meron."
Napataas ang dalawang kilay ko "Sino? Akin na number niya," mabilis kong nilabas sa bulsa ang cellphone ko.
"Si Ellena." nahinto ako sa sinagot niya.
"Lumayas ka na nga dito, 'di ka nakakatulong." walang gana kong sagot at inalis ang tingin sa kanya.
"Ano ba'ng gagawin mo sa sixty kyaw?."
Sasagot na sana ako kaso biglang tumunog ang cellphone ko na hawak ko. Number lang ang tumatawag, sinagot ko.
"Hello?"
Nanlaki ang mata ko nang makilala ko ang boses, pero baka nagkakamali lang ako.
"Sino 'to?" tanong ko.
"Nakalimutan mo na rin boses ko." T*ngina, siya nga. "Babalik na ako diyan, sunduin mo ako."
"Tch." napasinghal ako at tipid na natawa "Bakit naman kita susunduin? Ano ba kita?"
"Astrid"
"Tanya—"
"Oh!?" mabilis kong tinakpan ang bibig ni Lance, napalakas kaya napahiga siya.
"'Wag mo na akong tatawagan, may magagalit" palusot ko.
"Sino naman?"
"B-boyfriend ko," napatingin ako kay Lance dahil pigil itong natatawa "tama, boyfriend ko. Magagalit siya. Bye." padabog kong pinatay ang linya at mabilis na bli-nock ang number niya.
"Grabe boss, lakas talaga ng tama nun sa'yo! Hahaha!"
"Disgrasya. Babalik na raw siya." inis kong sagot at binuksan ang bag ko, hinugot ko doon yung lollipop na baon ko. Pamalit muna sa yosi, bawal dito yun sa loob e.
Ex ko si Tanya, pero isang katangahan ko na sinagot ko 'yon. Ang kulit kasi ng babae na 'yon. Umabot kami nang halos dalawang buwan kasi pinapunta siya ng nanay niya sa ibang bansa. Ayaw kasi ng nanay niya na makipagrelasyon siya sa isang….
Sa tulad ko.
Naging kami noong matapos ako ng senior high, banda lang inaatupag ko nun nung nasa probinsya. Tapos bigla siyang nawala, nalaman ko na lang na nasa ibang bansa na siya. Tatlong taon na ang nakalipas, T*ngina niya kung guguluhin pa rin niya ako hanggang ngayon. Isa siya sa dahilan kung bakit wala akong f*******: e.
"Paano niya nalaman yung number ko?" tanong ko sa kawalan.
"Inosente ako diyan ah."
"Siguraduhin mo lang." sagot ko sa kanya at tumango siya habang nakapikit.
"F*ck me"
"Argh! P*tangina!" bigla na lang akong napasigaw nang may maalala ako.
"Luh?" napatingin ako kay Lance, tumingin siya sa cellphone niya "Tandaan mo boss, 3:56 sinumpong ka. Sibat na ako." sinundan ko ng tingin si Lance na nanakbo paalis. Ginawa pa akong baliw, e siya nga itong sira ulo araw araw.
Mariin akong napapikit dahil sa inis, ang dami ko nang problema, nagawa pa niyang dumagdag.
Bigla na namang nag ring ang cellphone ko at mabilis na sumagot nang makita ko ang pangalan ni Elle. "Oh?"
"Nasaan ka?"
"Dito sa field, nandito yung crush mo"
"On the way na ako!" mabilis niyang pinatay ang linya kaya bahagya akong natawa. Dead na dead haha.
Walang alam si Elle sa kung anong namagitan sa amin ni Tanya. Hindi pa rin sila nagkikita. Ayokong magkita sila. Sira ulo si Tanya baka kung anong sabihin niya kay Elle. Ayokong ipa-alam kay Elle ang tungkol doon dahil baka layuan niya ako. Si Elle na lang natitira kong matinong kaibigan, hindi siya pwedeng mawala. Kapatid na turing ko sa kanya.
"Omg" biglang may tumabi sa akin, si Elle. Ibinalik ko ang tingin sa kawalan.
Pero t*ngina, ang galing ko sa parte'ng naitago ko si Tanya sa kanya. Sabagay, sa probinsya lahat nangyari 'yon.
"By the way Sis, Ise-set ko na yung date niyo ni Caleb, I'm so excited! tapos—"
T*ngina, saan ako kukuha ng sixty thousand?'
"Hey!" nagising ako sa reyalidad at mabilis na tumingin kay Elle.
"Ha?"
Nanliit ang mata niya at sumungo, "Kanina pa ako salita nang salita dito. Hindi ka pala nakikinig."
"Ha? Nakikinig ako ah" pagsisinungaling ko sabay kamot sa anit.
"So 'yon nga, bukas magkikita kayo sa Argosy Cafè. Akin na yang phone mo, ipapasa ko yung picture niya." Binigay ko sa kanya ang cellphone ko. "Nakakainis ka kasi e, ilang beses na akong gumawa ng sss mo pero dinedelete mo rin. Mabilis sana akong—"
Utangan ko kaya si Tanya? Ay hindi baka mag g*gohan na naman kami'
"What's wrong?" ibinaling ko ang tingin kay Elle.
"Ha?"
"Lagi kang absent-minded, dapat 'wag kang ganyan kay Caleb ah. He's smart."
"Tss, mas matalino ako. Mag pinoy henyo pa kami e." pagbibiro ko at natawa siya habang umiiling sabay balik ng tingin sa cellphone niya. "Here." ibinalik niya ang cellphone ko kaya binulsa ko 'yon pabalik. "Hindi mo man lang titignan?"
"Bukas na lang."
Hindi naman sa pagfe-feeling, pero obsessed sa akin si Tanya. Baka masundan ako dito. T*ngina talaga nun, ang lakas mang iwan tapos ngayon naaamoy ko na yung gulong madudulot niya.