Chapter 4

2033 Words
-ASTRID- Pumasok na ako sa cafè na sinabi ni Elle, nakita ko na rin yung picture nung si Caleb. Mukha naman siyang mabait, parang siya yung tipong nakapag gatas hanggang kindergarten. Maputi, mukhang mayaman na hindi spoiled brat. Sa totoo lang bagay sila ni Elle. Kada tumutunog yung nakasabit sa pinto ay napapatingin ako kasi baka siya na iyon. Kalahating oras na akong naghihintay kaso wala pa rin siya kaya lumabas muna ako para magyosi. 'Langyang 'yon, paghintayin ba naman ako. Halatang wala rin siyang interes sa trip na 'to. Ako rin naman e, kung hindi lang sana nagpakita sa kin yung babaeng tropa ni Elle sa birthday niya, hindi ko 'to gagawin. Bahala na para lang sa satisfaction ni Elle. Gusto ko rin naman talagang bumawi sa kanya, matagal na niyang kinukulit 'to sa akin, pagbigyan ko na. Nakasandal ako sa pader ng cafè habang nagyoyosi, bawal kasing magyosi sa loob kaya dito na lang ako sa labas maghihintay. "Excuse me?" napalingon ako sa biglang nagsalita sa likoran ko. Nang maitama ko ang paningin sa kanya ay, nakatingin siya sa yosi ko na nasa daliri ko. Napataas ang dalawang kilay ko "Ay, ikaw na ba 'yon?" tanong ko sabay turo sa mukha niya. Inalis niya ang tingin sa yosi ko at tumingin sa akin. Siya nga 'yung nasa picture. "Yah, it's you." sagot niya at hindi man lang ngumiti nang ngitian ko siya. "Mauna ka na sa loob, ubusin ko lang 'to." nakangiting sabi ko at hindi man lang tumango, dumiretso siyang pumasok sa loob. "Hahaha" bigla akong natawa, t*ngina turn off agad sa akin hahaha!. Pagkatapos kong manigarilyo ay pumasok na rin ako, madali ko namang nahanap kung saan siya nakaupo kaya umupo ako sa tapat niya. Busy siya sa ipad niya kaya kinuha ko na lang yung karton na naglalaman ng menu. Wala akong maintindihan, pang sosyal itong cafè na 'to. Oks naman na ako sa 3in1 e. "Mag order ka na, my treat." nag angat ako ng tingin kay Caleb at tumango naman ako. "Can I have your order, Ma'am, Sir?" sabi nung waiter na pumunta sa pwesto namin. "Meron po kaming promo para sa couple—" "Tch—" bigla akong natawa sa sinabi nung waiter. "We're not couple, stop assuming." sagot ni Caleb na mukhang nabadtrip. "'Kaw kasi e." turo ko sa waiter. "Heto na lang sa akin." tinuro ko sa kanya yung nasa menu na gusto kong tikman "'Saka ito pa." "Sorry po, noted Ma'am. Ikaw sir?" "This one." pinakita niya rin 'yung menu sa waiter. Nang makaalis yung waiter ay bumalik ang atensyon niya sa ipad niya. Iginala ko na lang ang tingin sa paligid, hindi ako nakakaramdam ng ilang. Ang misyon ko dito ay hindi niya dapat ako magustuhan— pero mukhang hindi nga. Hahahaha!. "So.." tumingin ako sa kanya nang umimik siya. "I can't find your social media. Parang ikaw na lang 'ata ang tao'ng walang social media accounts. May tinataguan ka?" "Luh? Hahaha, kung maka-stop assuming ka diyan kanina e ikaw naman pala 'tong assuming." natatawang sagot ko at nawala ang ngiti ko nang mapagtanto kong parang tama nga siya. Ay hindi, magkaiba naman yung tinataguan sa iniiwasan… 'diba?. "Astrid, nice meeting you." ngumiti na rin siya "But pumayag lang ako sa date na 'to kasi gusto ni Elle. This date makes her happy." Bahagya rin akong napangiti "Oo, ako rin. Kulit nun e. Hindi ko talaga trip 'to." umiiling kong sabi at bahagya siyang natawa. Dumating na yung order namin. "Nanggulo kasi ako nung birthday niya kaya, ito lang pambawi ko." kwento ko at nilantakan na 'yung pagkain. "Hmm.." tumatango niyang imik "Lagi kang kinw-kwento sa akin ni Elle, pero hindi niya nasabi that you smoke." "Ah.. hehe, gusto niya kasing maging tayo." pag prangka ko at bigla siyang natahimik habang ngumunguya. "Kaya siguro, pinapabango niya yung image ko sa'yo. Pero heto talaga ako." "You look cool." Napangisi ako at nagkibit balikat. Yabang ko talaga 'naneto. Kumain na lang ako, ayoko i-rebut yung sinabi niya kasi pawang katotohanan 'yon. "But not my type." dagdag niya. "Ohh.." iniba ko ang posisyon ng tinidor na hawak ko at kunwareng nag mic drop. Natawa siya. "Ako rin 'no, 'di kita type. Mukha kang takong e." "What the hell? Hahaha!" natawa lang siya sa banat ko, ayos 'to ah. Baka sa makalawa pwede ko na 'tong batukan. "Alam mo, bagay kayo ni Elle." sambit ko at hinintay ko ang magiging reaksyon niya. Natahimik siya at sinubo ang tip ng tinidor. Tumaas ang dalawang kilay niya. "Hmp." hinampas ko ang mesa. "Why?" "Si Elle ang type mo ano?" pag iintriga ko at tumango siya "Sabi na e. Haha pero huli ka na pre." "Bakit?" kunot noo niyang tanong. "Hindi niya nakwento sa'yo yung crush niya sa campus?" takang tanong ko at kumunot noo siya. "Halla?" mukhang hindi nga ah. "Wala siyang nakwe-kwento sa akin, puro ikaw lang kwento niya." "Hahaha! Yung Hudson, patay na patay siya sa Hudson na 'yon. Nililigawan na nga niya e—" "No way" "Totoo nga, 'wag mo sabihing kwinento ko sa'yo ah. Sasabihin ko rin na type mo siya, sige ka." pang blackmail ko. "Nanliligaw siya?" tanong niya ulit at tumango ako. "Kawawa nga e, lagi siyang nirereject nung feeling na lalaki na 'yon." sagot ko habang bahagyang napapailing. "What's his name, again?" tanong niya habang hinahanda niya ang ipad niya. "Hudson Lenard Valley" sagot ko, aba memoryado ka na yan kasi bukambibig ni Elle. Mag reresearch na naman 'ata itong si Caleb. Bahala siya diyan magselos basta ako, kakain ako. "The only son of… no way?" tumingin ako sa kanya kasi para siyang may nalaman na hindi siya natuwa. Ngumiwi siya habang tahimik na nagbabasa. "Astrid, he's a billion heir." "Oh?" medyo nabiglang reaksyon ko. "They have their own real estate firm, law firm and.. ang dami." "Naku tsong, taob ka diyan." sagot ko at natahimik siya, sumama ang tingin niya sa akin. Hindi ko babawiin ang sinabi ko kasi wala talaga siyang laban. "We have our own company in Las Vegas and Canada." "Ay ganoon, hehe sorry naman. Grabe yayaman niyo ah." nagtataka na rin ako kung bakit ako nakakapag-interact sa mga mayayamang tao e hampas lupa naman ako haha. Si Elle nga din, sobrang yaman. "Did you find him attractive?" "Sino? Yung Hudson?" tanong ko at tumango siya, mabilis akong umiling. "Feeling yun. Nagtataka nga ako kung bakit siya nagustuhan ni Elle 'e." "Tsk." sumandal siya sabay pinagkross ang dalawang braso niya. "This can't be." "Oo, cannot be talaga. Lagi niyang pinapahiya si Elle. Pero itong kaibigan natin, hindi maawat. Gustong gusto niya talaga yung lalaki na 'yon." irita kong sagot at napatingin sa pagkaing nasa tapat niya "Ayaw mo neto?" turo ko sa pagkain niyang nasa isang plato. "You can have it." "Yown, salamat." kinuha ko yun at pinunta sa tapat ko. Akin na bwahaha. Habang kumakain ay napa-double look ako sa kanya kasi nakatingin lang siya sa akin. Siguro lutang lang. Ang kwento sa akin ni Elle tungkol sa kanya ay matagal na silang magkaibigan. Ang t*nga naman netong lalaki na ito kasi hindi man lang niya nagawanh pormahan si Elle nang maaga para mabakuran na niya. Torpe. Nahinto ako nang biglang mag ring ang cellphone ko, number lang ang tumatawag sinagot ko na lang baka emergency e. "Hello?" "Nandito na ako sa pinas, ayaw mo ba talagang magkita tayo?" Napabuntong hininga ako at sumenyas ako kay Caleb, tumango naman siya. Lumabas ako ng cafè, ayokong mag iskandalo sa loob. Baka hindi ko mapigilan sarili ko, masigawan ko itong babae na 'to. "Hello? Astrid? Hello?" "Sino bang nagbigay sa'yo ng number ko?" "Gusto lang kitang makausap? Masama ba 'yon?" "Nung bigla kang nawala, sa tingin mo hindi masama yun?" "Kaya nga gusto kitang makausap," "Hindi na, alam ko naman na yung dahilan. 'Saka nag uusap na tayo ngayon, ano pa bang gusto mo?." napabuga ako sa hangin nang marinig ko ang singhot niya. "Tigilan mo ako sa paiyak-iyak mo. Tigilan mo na ako, Tanya." pinatay ko ang linya. Napahilamos ako sa mukha at bumalik sa loob. Umupo ulit ako sa tapat ni Caleb at pinagpatuloy ang pag kain. "Astrid, let's help each other." biglang nagsalita si Caleb at kumunot noo ako. "Hm?" "Gusto mong tigilan na ni Elle ang lalaki'ng 'yon 'diba?" tumango ako "Same with me." "Malamang type mo e." "I have an idea and your approval is important." tumango lang ako habang kumakain "Ok, you're like a sister to Elle. Kung malaman niya na parehas kayo ng nagugustuhan, I'm sure iiwasan niya yung tao na yun." Nanliit ang mata ko at hinintay ang explanation niya. "Why not, tell her that you like that man?" "Ha? Hahaha! Nag jo-joke ka ba?" "I'm serious, I-I know this is stupidity pero malay natin mag work." "Alam ni Elle, na hinding hindi ko magugustuhan ang feeling na 'yon. Imposibleng maniwala 'yun sa akin." "Edi paniwalain mo siya. Date that Billion Heir" "'Wag mo nga akong inuuto, alam ko naman na 'yang plano mo e pabor lang sa'yo. Kasi gusto mo si Elle." walang gana kong sagot. "Hahayaan ko na lang si Elle na gawin niya gusto niya." Tumango siya "Yah, I understand. I love her, Astrid. Ayokong nasasaktan siya ng lalaki na 'yon." "Ako rin naman, pero masasaktan ko siya pag gagawin ko yang plano mo—" "Fifty thousand." Napataas ang dalawang kilay ko at napasinghal. "T*ngina neto ah." bulong ko sa sarili sabay inom ng ice tea. "I'll give you fifty thousand, Astrid. Just do my plan. I think madali lang naman 'to sa'yo. Kung hindi ayaw mo ng fifty thousand, name your price." "Tch" napasinghal ako at tinignan siya. "'Lika, lapit" sinenyasan ko siya gamit ang isang daliri ko. "'Lika, may sasabihin ako." muli kong utos at napatingin ako sa leeg niya nang mapalunok siya. Nilapit niya ang mukha niya at— "What the hell!?" Mabilis siyang napaatras nang ambaan ko siya ng suntok. "Joke haha" tipid kong tawa sabay tayo. "Kung gusto mo si Elle pormahan mo, hindi yung gumagamit ka ng ibang tao." kinuha ko yung baso at uminom ng tubig. Matapos kong uminom ay nilapag ko 'yon sa mesa. "Nice meeting you, pero nakakabadtrip ka." dagdag ko at sumibat na. Gagamitin pa niya ako para mapasakanya si Elle, sinagad niya pagiging t*nga niya. ——— "Boss, wala rin akong kilala na pwedeng utangan." pinag uusapan namin ng kabanda ko yung tungkol sa pangangailangan ko ng pera. Habang umiinom ay kanina pa ako patingin-tingin sa cellphone ko dahil text nang text si Elle, kinakamusta niya yung nangyari ngayong araw. Tumatawag siya pero hindi ko sumasagot, magiisip muna ako ng idadahilan ko, kasi baka nakwento na nung Caleb na yun na muntik ko nang bangasan ang mukha niya. "E bakit hindi mo na lang pagtrabahoin si Kuya mo dito? Para may maipon siya." si Kael, yung drummer namin. "Ayaw nga e, sa naghahanap daw siya ng trabaho sa online." sagot ko sabay inom ng alak. "Debale boss, pag may alam na ako sasabihin ko agad sa'yo." si Ivan. "Sh*t boss, si Tanya 'yon ah." Mabilis akong napalingon sa entrance at mabili na iniwas ang tingin doon. Mariin akong napapikit. "T*ngina niyo, sinong ispiya dito?". Nagtaasan sila ng dalawang kamay sabay mabilis na umiling. Lahat sila alam ang tungkol kay Tanya, e kahit sa probinsya kabanda ko 'tong mga 'to. "Papalapit na, boss." si Lance. Tinungga ko yung natitirang beer ko at padabog kong nilapag 'yon nang maubos. "Sibat na ako." "Astrid." bwiset. "Ingat boss." paalam ng kabanda ko sa akin, tapos naman na kaming tumugtog e. Hindi ko pinansin si Tanya pero alam kong sinunsundan niya ako palabas ng resto. Ang tigas ng bungo niya. Nang makalabas ako ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya nahinto ako. Pumunta siya sa harap ko at nag papaawa na naman. Walang gana akong nakatingin sa kanya at tinaas ko ang dalawang kilay ko dahil hindi siya nagsasalita. "Sinasayang mo'ng oras ko." sambit ko at nilampasan siya. Natigilan ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likod ko. "I missed you, babe." Nanlaki ang mata ko nang maitama ko ang tingin sa tao'ng nakatingin sa akin. "T*ngina." bulong ko sa hangin. ___
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD