-ASTRID-
Anong oras na ba't nandito siya?'
Mabilis kong hinarap si Tanya kaya naalis niya ang pagkakayakap niya sa akin. "Kung gusto mo akong makausap, makisama ka." banta ko.
"Sis"
Mabilis kong nilingon si Elle at nginitian "Sis, anong oras na ah, bakit nandito ka?" takang tanong ko.
Bago siya sumagot ay tumingin siya kay Tanya na nasa likuran ko. "You're not answering my calls and messages e. I was worried."
"Ah.. sorry katatapos lang namin tumugtog. Si ano pala—" napatingin ako kay Tanya na ngayon ay nasa tabi ko na, seryoso siyang nakatingin kay Elle. "Pinsan ko."
Mabilis na tumingin sa akin si Tanya at pinanlakihan ko siya ng mata.
"Pinsan? Hi I'm Elle." ibinaling ko ang tingin kay Elle nang magpakilala ito. Kinawayan niya si Tanya. "You're so gorgeous!" pagpuri pa niya habang abot taenga ang ngiti. Kahit sino talagang ipakilala ko sa kanya, pinupuri niya.
"Hi" tipid naman na sagot ni Tanya. "I'm Tanya."
"I didn't know, you have a cousin pala dito." napakamot ako sa batok habang tumatango. "By the way, you look good naman. Gusto niyo ihatid na namin kayo? Kasama ko yung driver—"
"'Wag na!" nanlaki ang mata kong napatingin kay Tanya, nakangiti naman siya. "Namiss ko kasi itong pinsan ko," humawak siya sa braso ko "I wanna talk to her."
"O-ok" ibinaling ni Elle ang tingin sa akin. "Siguro bukas mo na lang ako kwentuhan. Goodnight." paalam ni Elle at tumango naman ako.
"Ingat ha, sorry hindi ko nasagot."
"It's ok, enjoy." nakangiting paalam ni Elle at naglakad na siya paalis, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pagbuksan siya ng pinto sa kotse nila.
Sh*t, muntikan na 'yun ah!'
Humarap ako kay Tanya at nakangiti siya sa akin. Nakakabwiset ang ngiting 'yan. Nagkibit balikat siya, ako naman ay masama lang ang tingin sa kanya. Nawala ang ngiti niya at sumungo. Napataas ang isang kilay ko, akala ba niya cute siya?.
"Anong sasabihin mo? Bilisan mo kailangan ko nang umuwi." sambit ko.
"G-gusto mo bumalik muna tayo sa loob—"
"Kagagaling ko lang diyan," tumingin ako sa relo "Wala ka na bang sasabihin? Uuwi na ako." paalam ko at nilampasan siya.
"Babe!" ang lakas ng koob niyang tawagin pa ako niyan. Pumunta na naman siya sa harap ko kaya nahinto ako sa paglalakad nang biglang—
"T*ngina Tanya!" padabog ko siyang tinulak nang bigla niya akong halikan sa labi. Pinunasan ko ang bibig ko. Dinuro ko siya "Isa pa, makakatikim ka na sa akin!" banta ko at mas lalo akong nainis nang ngumisi siya. Naberde na naman ang utak niya.
"Gusto ko 'yan."
"Tch—" napasinghal ako at natawa sa inis. "Ayaw mong tumigil—" akma ko siyang susugurin nang biglang may mga pumigil sa akin.
"Boss boss boss, kalma boss" bigla na lang sumulpot ang mga kabanda ko. Pilit kong nilalapitan si Tanya pero pinipigilan nila ako.
"Masasapak ko na talaga 'tong babae na 'to." inis kong sambit.
"Tanya, sibat ka muna. Marami siyang problema ngayon, 'wag ka munang dumagdag, parang tanga naman 'to oh— ay 'wag na kasi." rinig kong sabi ni Lance kay Tanya.
"Ihatid na kita boss, tara na angkas kita." hinila ako ni Ivan pero hindi maalis ang tingin ko kay Tanya at dinuro ko pa siya.
"Isang lapit pa, tatamaan ka talaga sa akin hmp!" banta ko sa kanya.
———
Habang naglalakad sa hallway ay palinga-linga ako sa paligid kasi baka hanggang dito sa university e masundan pa ako ng hayop na 'yun.
Hindi ko talaga akalain na magbabalik pa siya dito sa pilipinas. Sa totoo lang ay ayaw ko talaga siyang makausap, wala naman kasi kaming pag uusapan. Nung bigla niya akong iwan nang walang paalam, kinalimutan ko na siya. Naka-usad na nga ako doon sa pang kompronta ng nanay niya sa akin. Layuan ko raw si Tanya kasi wala naman daw akong magandang dulot sa anak niya. Si Tanya rin naman walang magandang dulot sa akin.
Kaya isang katangahan na napasuko niya ako dahil sa katigasan ng ulo niya. Gusto ko na lang makalimutan lahat lahat ng nangyari sa akin sa probinsya.
"Sis!" mabilis akong napalingon kay Elle pero hindi sa kanya tumama ang tingin ko kun'di doon sa kasama niya.
Tumaas ang isang kilay ko at pinagkross ang dalawang braso ko habang nakatingin kay Caleb. Diretso siyang nakatingin na parang hindi man lang nakakaramdam ng hiya dahil sa pinagsasabi niya kahapon.
"Come here." hinila ako ni Elle palayo kay Caleb. "Gusto ka niyang makausap, I'm so curious pa rin kung anong nangyari kahapon sa date niyo."
"Ano bang sabi niya sa'yo?"
"Ayaw magkwento, basta raw gusto ka niyang makausap." sagot naman ni Elle at bahagya akong natawa. "Please, talk to him" pinagdikit niya ang dalawang palad niya at lumampas nag tingin niya sa akin "It's Hudson. Bye!" bigla siyang tumakbo paalis kaya sinundan ko siya ng tingin at napatingin sa takong niya.
"Hoy! Madapa ka!" nag aalalang sigaw ko at nag ok-sign lang siya. Sira ulo amp*ta, baliw na 'to.
"Is that—" nilingon ko si Caleb nang magsalita ito, nasa tapat ko na siya. Ang tingin niya ay nandun kay Elle na pilit sinasabayan si Hudson.
"Mismo" sagot ko naman dahil alam ko na iniisip niya na. Ngayon alam niya na kung gaano ka-adik si Elle kay Hudson.
Nakasimangot si Caleb na parang gusto na niyang manapak, natawa naman ako kasi kung maka-react ang loko 'kala mo may chance haha.
"Gusto mo raw akong makausap?" tanong ko kaya ibinaling niya ang tingin sa akin. Tinaas ko ang dalawang kilay ko.
"Yah. Uhm.. I'm sorry about yesterday. I know I was wrong. Hindi ko dapat ginawa 'yon." dire-diretso niyang sabi at tinaas baba ko naman ang kilay ko.
"Ok" tipid kong sagot. "Ok na?" tanong ko.
"Uhm.. gusto kong bumawi, wanna dinner with me?"
T*ngina tsong, lumalapit ang grasya!.
"Hindi pwede e, may gig ako—"
"After gig" napataas ang isang kilay ko dahil sa biglaang sagot niya.
"Pre, kung after gig hindi na dinner ang tawag dun, midnight snack na 'yun."
"I'm good with it, I can wait after your gig." Ngumiti siya.
Ngumisi naman ako "Type mo ako?" tanong ko.
"Hindi" sagot niya sabay mabilis ang pag iling.
"Good. Sige paano ba? Kita nalang tayo sa resto o—" nahinto ako dahil naiirita ako sa ngiti niya, tumabingi pa ang ulo habang nakatitig sa akin "mina-manyak mo ba ako sa utak mo?" tanong ko.
Sumeryoso bigla ang mukha niya "No no no."
"E ba't ka ganyan maka-ngiti?"
"Hmm.. 'Cause you're cool."
"'naneto, baka mainlove ka sa akin, pigilan mo 'yan" banta ko at natawa siya. "Kita nalang tayo sa resto."
"No, I'll pick you up."
"Bahala ka, 'ge alis na ako. Pangit mo e." paalam ko at nanakbo na paalis baka malate pa ako.
Naabutan ko pa si Elle na nakikisabay kay Hudson kaya tumabi ako sa kanya, binaling niya ang tingin sa akin at napailing ako dahil sa lawak ng ngiti niya. Ayoko talagang matulad sa kanya na mukhang timang pag tinamaan ng pag ibig. Ibinaling ko ang tingin sa iba at nakakita ng cute na babae. Nginitian ko siya at halos mabale na ang leeg ko dahil sinundan ko siya ng tingin.
Ganda nun ah!'
"You know her?" biglang tanong ni Elle kaya mabilis kong binalik ang tingin sa kanya.
"Oo taga samin" pagsisinungaling ko hehe.
Lumampas ng tingin ko at nakitang nakatingin sa gawi ko si Hudson. Tinaasan ko siya ng isang kilay, napagtanto ko kung saan siya nakatingin. Sa collar bone ko, kaya mabilis akong napatingin doon at nakitang nakabuyangyang yung tattoo ko. Aba walang'yang lalaking 'to, may pagnanasa pa 'ata sa akin. Masyadong napaluwang kasi itong shirt ko, pumayat 'ata ako ah. Inayos ko ang shirt ko at sinaaman ko siya ng tingin nang ibaling niya ang tingin sa akin.
"Sino bang sinusungitan—" nahinto si Elle nang ibaling niya ang tingin kay Hudson. "O m g, nakatingin siya sa akin." impit na kilig ni Elle. "Sis sis sis, lalapit siya." mabilis na sabi ni Elle habang nag aayos ng buhok.
Papalapit nga sa amin si Hudson, mukhang hahamunin na ako ah. Pinalagutok ko ang leeg ko at mga daliri ko.
"Ano?" maangas kong tanong nang pumunta siya sa harap ko nang biglang—
Hilain niya ang kwelyo ko pababa kaya naman tumambad ang balagat ko hanggang sa braso ko kasi maluwag nga shirt ko.
"Gagu ka ba!?" mabilis kong inalis ang kamay niya at inayos ang shirt ko. "Manyak ka ah!" sigaw ko pa at sinapak siya sa mukha, t*ngina niya!.
"Sis!" pinigilan ako ni Elle.
Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin kay Hudson, alam kong gago siya pero hindi ko inasahan na magagawa niya 'to.
Ibinalik niya ang tingin sa akin habang seryoso lang ang mukha niya hanggang sa bahagyang nagsalubong ang dalawang kilay niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Napansin ko ang dugo sa labi niya, oo binasag ko bibig niya nang magtuto. Pinunasan niya iyon.
"Hudson, I'm so sorry—" aligagang kumuha ng tissue si Elle sa bag niya at lumapit kay Hudson kaya mas nainis ako.
"Sis naman e!" napapadyak ako sa inis kasi bakit parang kumakampi pa siya kay Hudson!?. Hinila ko siya pabalik sa akin.
"Sis, bakit mo siya sinapak?" mariing tanong niya sa akin.
"Bakit hindi? Nakita mo ba yung ginawa niya?" inis kong tanong. Ibinalik ko ang tingin kay Hudson nang maglalakad ito paalis. "Hoy! Hindi pa tayo tapos—" natahimik ako nang takpan ni Elle ang bibig ko.
———
Matapos ang klase ay sabay kaming lumabas ni Elle. Ang kulit nga e, napaka-ingay. Nasabi ko kasi na pumayag akong lumabas kasama si Caleb kaya gusto niya akong make-up-an. 'Kako naman ay may gig pa ako at mamay pa kami kakain sa labas.
Paglabas namin ay bumungad si Caleb na nakasandal sa kotse niya.
"Go na, goodluck. I'm so proud of you!" masayang sabi ni Elle at tinulak pa ako. Nilingon ko si Elle at inirapan siya.
"Let's go?." ibinaling ko ang nagsalita sa likuran ko, Si Caleb. Nilampasan ko siya at nagpunta sa kotse niya. Bubuksan ko na sana pero naunahan niya ako. Papasok na sana ako pero naitama ko ang paningin sa lalaking nasa tapat din ng isang kotse. "Why?" tanong ni Caleb dahil nakatingin lang ako kay Hudson. Hinihintay ko siyang tumingin sa akin e. At nang tumingin na— "What the hell?" sambit ni Caleb nang p*kyuhin ko si Hudson.
Pumasok ako sa loob ng kotse at pagtingin ko sa labas ng bintana ay nahuli ko si Caleb na natatawang naglalakad papunta sa kabila. Tumingin ako sa side mirror at nakita doon si Hudson na seryoso lang na nakatingin dito sa kotse ni Caleb.
Kaunti na lang talaga mapagkakamalan ko nang crush niya ako. Hanggang ngayon badtrip pa rin ako sa ginawa niya kanina.
Wala ako sa sariling napahawak sa collar bone ko, kung saan nandun ang tattoo ko. Interesado ba siya? O baka naman may alam siya kung saan galing ang tattoo na 'to?.
—
*7 years ago*
"Aray ko Astrid!"
"Hahaha!" pagtawa ko matapos kong hampasin ang braso ni Dylan. Nandoon kasi ang tattoo niya na bagong bago pa.
Si Dylan ang pinakamalapit kong kaibigan dito sa organisasyon namin. Siya ang nagpasok sa akin dito kaya naman parang binigyan niya ako ng pangalawang pamilya.
"Tumahimik!" nahinto kami nang magsalita si Boss Roman. Natahimik kaming lahat, mayroon kasi kaming pagpupulong ngayon.
——
Hindi ko inaasahan na iyon na pala ang huling pagpupulong na makakasama ko siya.