Chapter 4

1106 Words
"Bilisan mo, Marga, kahit kailan napakabagal mong kumilos. Nandiyan na ang driver ni Uncle Zek mo." wika ng ina habang siya'y wala pa ring tigil sa kaaayos sa sarili. Dalawang taon na mula nang magpasya ang ina na mamalagi sila sa Pilipinas at ngayo'y nasa junior high school na siya. Dahil iisa lang ang eskwelahang pinapasukan nila ni Zanya ay sabay silang inihahatid ng driver ng pamilya nito. Ang Mommy niya ay sa opisina ng Albano Airlines nagtatrabaho at ang Daddy niya'y nagtayo ng sariling Architecture Firm dahil tumanggi itong magtrabaho sa pamilya ng Lolo niya. Pagkatapos niyang maglagay ng manipis na lipstick ay nagmamadali na siyang bumaba. Humalik siya sa ina bago lumabas at tinungo ang sasakyang nakaparada sa tapat ng gate. Pagsakay niya'y nagulat siya nang ang makita sa driver's seat ay si Ethan at hindi ang driver ng mga Albano. Agad kumabog ang dibdib niya ngunit hindi siya nagpahalata. "Good morning," bati nito sa kanya at naglabas ng matamis na ngiti. She smiled back. Inayos niya ang buhok at ang kwelyo ng uniform. Nakita rin niyang tinignan siya nito mula sa salamin ng sasakyan at dagling nagtama ang kanilang paningin. "Good morning, crush," bati niya dito at naglabas din ng matamis na ngiti. Hindi siya nahihiyang sabihin na crush niya ang binata noon pa man na ikinatatawa ng mga magulang nila. "Buti naman ikaw ang sumundo sa akin ngayon." "I had no choice, sweetheart. Manong Bert is not feeling well and Zanya has left early dahil may exams.  Isinabay siya ni Dad." "Pwede ba akong umupo sa harap? Para naman hindi ka magmukhang driver ang gwapo mo pa naman." Tumawa ito ng malakas saka iginilid ang sasakyan para makalipat siya. "Susunduin mo rin ba ako mamaya?" "No. Kapag hindi pa rin pwede si Manong Bert ay si Mommy na ang susundo sa inyo ni Zanya." "Sayang naman," tila nalungkot niyang sabi. Ngumiti naman ang binata pero hindi na nagsalita. "May girlfriend ka na?" tanong niya ulit dito. "Wala pa. And I don't plan of having one." "Bakit naman? Sayang naman ang kagwapuhan mo kung wala kang girlfriend." "Girls are complicated." "Hindi ah. I am not complicated," pagmamalaki niya saka muling tumingin sa binata pero seryoso ito sa pagmamaneho. "Finish your studies first, Marga." "Then I can be your girlfriend?" Namilog ang mata niya sa excitement. "Then you can accept suitors. Hindi dapat ganyan ang iniisip mo ngayon, you're too young for pete's sake." Umirap siya at ibinaling sa bintana ang tingin hanggang sa maihatid siya nito sa gate ng eskwelahan. Pagkababa ni Marga sa sasakyan ay hinintay muna niyang makapasok ito sa gate bago muling pinaandar ang kotse.  Natatawa siya sa usapan nila kanina. At fifteen years old ay hindi nito itinatanggi ang pagkakaroon ng crush sa kanya.  Hindi niya maitatangging maganda ito, a meztiza type.  At mas matangkad ito sa mga kaedarang kinse anyos.  Kahit ang pagtatagalog nito'y nakakaaliw dahil alam niyang sinanay lang ito ng ama na magtagalog mula ng bumalik ang mga ito sa bansa.  Pero masyado itong straightforward at liberated.  Hindi siya magtataka kung isang araw ay malaman niyang may boyfriend na ito.  Kung ang kapatid niyang si Zanya ang umasta ng ganun at tiyak mapapalo ito ng Mommy niya.  And he couldn't imagine Zanya and Elize talking to other boys and declaring their admiration for them.  Pagpasok niya sa opisina ay agad siyang pinuntahan ng ama at ibinalitang nasa ospital ang Lolo niya na ama ng Mommy niya.  "Gustong umuwi ng Mommy mo sa Ilocos, Ethan.  But I can't go dahil may annual meeting ang mga stockholders bukas.  Gusto kong ikaw muna ang sumama sa kanya, si Zanya at Elize ay babantayan muna nina Uncle Zandro mo sa bahay habang wala kayo." "Okay Dad, kakausapin ko si Mommy kung kelan kami aalis." "Thank you, son.  Ipapasama ko si Manong Bert para may kahalili ka sa pagmamaneho.  Keep safe, okay?" "Thanks Dad." Makalipas ang isang oras ay nagpasya na rin siyang umuwi dahil ngayong araw din ang byahe nila pauwi ng Ilocos.  Nang dumating siya sa bahay ay halos nakahanda na rin ang mga gamit ng ina.  Umakyat siya at nag empake ng kaunting damit.  Naroon na ang Auntie Dani niya nang bumaba siya.  Matapos magbilin sa mga katulong ang ina ay bumyahe na sila kasama ang driver na si Manong Bert na nasa likod muna umupo dahil masama pa ang pakiramdam.  Nasa NLEX na sila nang walang humpay ang pag-ring ng telepono niya.  Hindi niya pinagkaabalahang sagutin dahil halos alam niya na kung sino ang tumatawag.  "Who is Carry?"  tanong ng ina nang tignan nito ang telepono niya.  "Just a friend I met at the club." "Then why don't you answer?  Kung hindi tumigil ng katatawag baka importante yan Ethan." "It's nothing, Ma." "Isa lang sa mga babaeng naghahabol sa 'yo ganun ba?" Hindi siya sumagot.  Carry is a college student he met at the club.  Mula nang maghiwalay sila ni Betty ay nawalan na siya ng ganang makipag relasyon lalo at ilang beses na rin siyang nagkaroon ng one-night stand sa club.  Women today doesn't value their chastity anymore.  Nakikipagsabayan na sa mga lalaking ginagawang laro ang relasyon.  "Kailan ka ba magpapakilala ng girlfriend sa amin ng Daddy mo?" "I'm twenty three, ‘Ma. Dad married you when he was over thirty years old." "Ang sabi ko'y girlfriend, hindi naman pag-aasawa.  Of course I don't want you to marry right now, napakabata mo pa.  Pero maganda ring mayron ka nang inspirasyon sa buhay, yung nakikita mo ang sarili mong kasama mo siyang lalagay sa tahimik balang araw." "Nothing special, and I don't think I will meet her soon."  "I want to meet that Carry, Ethan, dalhin mo sya sa bahay once." "Oh no, Ma.  Gusto mo bang doon na ‘yon tumira?  Kapag dinala ko sa bahay yan baka tutukan ako ng shotgun para makasal agad." "Ganun ka-agresibo?  I didn't know you were that conceited, anak." "Why, Ma?  Hindi ba ako gwapo?  I'm a good catch, dahil bukod sa gandang lalaki ay mayaman ang pamilyang kinabibilangan ko."  Tumawa ang ina sa papuri niya sa sarili. "I know, Ethan, and that's all true.  Pero hindi ko gustong tumatak sa isip mo yan.  Gusto kong maramdaman mo na mahal ka ng isang babae hindi dahil mayaman ka o gwapo ka." Hindi niya sinalungat ang ina dahil hahaba pa ang usapan.  Pero sa tingin niya'y malabo nang magbago pa ang persepsyon niya sa mga babae ngayon na wala ng pagpapahalaga sa sarili.  Nakita niyang pumikit ang ina at natulog sa byahe dahil dose oras ang bubunuin nila bago marating ang Ilocos.   Si Manong Bert sa likod ay nakatulog na rin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD