Chapter 3

1033 Words
Hindi siya nagpakita sa conference room maghapon dahil sa sama ng loob at ngitngit kay Jayzee. Pagdating ng gabi ay tinawagan niya ang kasintahan at nakipagkita sa club na pag-aari ng Uncle Zane niya. "Bakit dito mo ako dinala. Ethan?" tanong ni Betty nang ipark niya ang sasakyan sa gilid ng club. Sa loob ng mahigit isang taong magkasintahan sila'y hindi pa niya ito nadadala sa ganitong lugar. Kahit siya'y bihira ditong magpunta kung hindi lang nayayaya ni Jayzee at mga kaibigan. "Let's celebrate, love, wala ka naman sa birthday ko kaya i-advance na natin ang celebration." Ngumiti siya kay Betty at hinawakan ang kamay at hinalikan. Hindi naman ito tumanggi kahit pa ng halikan niya ito sa labi. Lumalim pa ang halik niya at ipinasok ang kamay sa tshirt nito at naglakbay doon. Makalipas ang ilang sandali ay itinutulak na siya ng kasintahan nang magsimula nang bumaba ang halik niya rito. "Let's have s*x tonight, love. I want you," bulong niya rito na lalong inilayo ang katawan sa kanya. "Iuwi mo na ako, Ethan, hindi ka pa lasing ganyan ka na umasta." "We've been together for more than a year, Betty. Anong masama kung may mangyari sa atin?" "Napag usapan na natin ito di ba? I don't wanna engage myself in pre-marital s*x. Alam mong mahalaga sa akin iyon." Natawa siya sa sinabi nito. Kung hindi niya narinig ang usapan nilang dalawa kanina ni Jayzee ay malamang napaniwala nanaman siya nito. She was a good actress, and she played him very well. "Really? How about the other night that you went to bed with my cousin Jayzee?" Hindi niya napigilang sabihin. Sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng poste ng club ay nakita niya ang pamumula ng mukha nito. "Kaya mo ba ako dito dinala ngayon?" "Why, Betty?" tanong niya habang pilit iniiwas ng kasintahan ang mata sa kanya. "I'm sorry.." "I was serious about our relationship! Sa loob ng mahigit isang taon ni hindi kita pinilit na mauwi tayo sa kama kahit ilang beses akong nagkaroon ng pagkakataon dahil inaalagaan kita at nirerespeto! Then you'll end up throwing yourself to my cousin for just one night? He doesn't even like you!" Napasiksik sa upuan ang dalaga sa pagtaas ng boses niya na ngayon lang din niya nagawa sa tanang buhay niya. All his life, his parents taught him to be patient, understanding and even-tempered man. Kabaligtaran lahat ng personalidad ni Jayzee. Pero ngayon ay nawalang lahat ng iyon dahil sa pagtataksil ng akala niyang babaeng para sa kanya. "Anong meron siya ng wala ako? Kung pera at gandang lalaki ay meron din ako nun, Betty. So tell me my love.." Muli niyang pinaglandas ang mga kamay sa braso nito hanggang sa balikat. Iwinaksi naman ito ng dalaga. "I'm really sorry, Ethan. Alam kong nasaktan kita." "You haven't answered my question." "I don't know. Siguro kasi masyado kang seryoso na minsan nakaka boring na. So traditional." "Hindi ba iyon ang dapat? I thought you want a stable relationship. Kung alam ko lang sana'y noon ko pa nagawan ng paraan—." "Oh no, don't take me wrong, Ethan. It's just that Jayzee's personality is more energetic and free-spirited and—-." "I wonder how you find womanizing energetic and free-spirited at kung ano pa ang gusto mong sabihin. Pagkatapos ng isang gabi sa kama ay hindi ka na muling tatapunan pa ng tingin ni Jayzee, I bet you that." Muli niyang pinaandar ang kotse at nagpasyang ihatid si Betty sa bahay ng mga magulang nito. Wala nang salitang namutawi sa kanilang dalawa habang nasa daan. Nang bumaba ang dalaga ay hindi niya na hinintay na makapasok pa ito sa bahay at mabilis na nilisan ang lugar. He will never see her again after tonight. Muli siyang bumalik sa club at kumuha ng matapang na maiinom. Habang nakaupo sa bar stool ay nakita niya ang ilang kababaihang nakatingin sa gawi niya. Some are trying to meet him eye to eye. Natawa siya sa sarili. Ganito na ba talaga ka agresibo ang mga babae ngayon? Tyak siyang hindi niya gugustuhing maging ganito ang mga kapatid at pinsang babae. "Why are you drinking alone? You didn't even tell me you're here." Tinapik siya sa balikat ni Jayzee na regular kung magpunta sa club na ito ng ama. "Because I need my time alone," mapait niya sabi. "What's the matter? Hindi ka nagpakita maghapon sa opisina." "I was there and I heard you and Betty talking." "Oh.. At iyon ang dahilan ng pag-inom mo ngayon?" "You know I like her, Jayz. Bakit kailangang pakialaman mo siya?" "She told me you were not dating anymore." "Not dating? We're together for more than a year now!" Muling napataas ang boses niya at naibagsak ang hawak na baso sa bar counter. "Siya ang lumapit sa akin, Ethan. She was here the other night with her friends. Don't put the blame on me. At ang mga katulad niya'y hindi siniseryoso." "Of course! Sino bang babae ang sineryoso mo? I can't believe that after hitting your bed wala ka pa ring balak na seryosohin isa man sa kanila." "We're still young Ethan para sa seryosong relasyon. She's not even virgin when I took her." "Hindi ko siya kailanman ginalaw, Jayz." "Then she lied to you or cheated on you. C'mon, Ethan, kung narinig mo ang usapan namin alam mong wala akong intensyong saktan ka. And don't waste your energy on her, she's not worth it. Look around you, andaming kanina pa gustong lumapit pero nakatungo ka lang dyan at nagmumukmok." "I'm not like you, Jayzee." "Fine. But forget Betty. Marami pang higit sa kanya. You're not even twenty one yet for pete's sake. Enjoy life and enjoy girls." Muli siyang napamura sa sarili ng hinila siya nito sa grupo ng mga kababaihang naroon. They are all beautiful, but he wasn't interested. But the night is young and the girls are inviting. Hindi rin maawat si Jayzee sa karereto sa kanya ng kung sino sino sa club na iyon. Dahil sa sama ng loob ay nagpakalasing siya at nagpatianod sa tudyo ng pinsan. Bago sumikat ang araw ay nagising na lang siyang may katabing babae sa sofa ng VIP room ng club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD