Chapter 2

1255 Words
Maaga pa lang ay tinawagan na ni Ethan si Betty para imbitahan ang kasintahan sa nalalapit na birthday celebration niya na gaganapin sa makalawa. Betty is his long-time girlfriend at balak niyang ipakilala na ito sa mga magulang at kamag-anak. Kaklase nila ito ni Jayzee sa isang subject noong third year college sila at matapos ang walong bwang panliligaw ay sinagot siya nito. "Hey, love! May lakad ka ba today?" "Baka pumunta lang kami sa mall ni Mommy. Why?" "I want to see you. I will also invite you for a dinner two days from now. Ipapakilala kita kina Mommy." "Hmmm.. may lakad kami ni Mommy bukas papuntang Batangas. Some other time maybe?" Sagot nito sa kabilang linya na ikinadismaya niya. This isn't the first time that she turned down his invitation na tila wala itong interes na maging malalim pa ang relasyon nila matapos ang mahigit isang taon na. "Okay, love, kapag nakabalik na lang kayo galing ng Batangas." Umoo naman ito saka nagpaalam na ibababa na ang telepono. Dahil sa pagkadismaya ay muli siyang bumalik sa kama at pabagsak na humiga. Hindi niya gustong isipin na hindi seryoso ang kasintahan sa pakikipagrelasyon sa kanya. Mahal niya ito at marami siyang plano para sa kanilang dalawa. Betty is the daughter of Vice Mayor of Paranaque. Maganda, mahinhin, at matulungin sa kapwa, na siyang lalong nagpaakit sa kanya. He loves women with a good heart. Mula nang manalo ang ama sa pagka bise ay kabi-kabila na ang mga proyekto nito para sa mga kabataang tulad nila. Kahit sa eskwelahang pinapasukan ay aktibo din ito at naging popular. Muli siyang bumangon at tamad na hinila ang twalya sa rack saka pumasok sa banyo. Noong nakaraang buwan pa natapos ang graduation nila ni Jayzee at mula nang magtapos ng BS Management ay nagsimula na silang magtrabaho ng full time magpinsan sa kumpanya ng pamilya. Ang Albano Hotels at Albano Airlines. He actually wants to shift to other business. Gusto niyang magtayo ng restaurant dahil mahilig siya sa pagkain. Pero bilang panganay na anak ni Ezekeil at Hannah ay kailangan niyang matutunan ang pasikot-sikot ng negosyong ipinundar at pinalago ng Lolo Julio niya. His Uncle Zane is now the CEO of Albano Airlines and his father Ezekeil is the CEO if Albano Hotels, pero itinatatak na sa mga isipan nila na sila ang papalit sa mga magulang kapag nagsi-retiro na ang mga ito sa susunod na mga taon. Pagbaba niya'y nasa komedor ang kapatid na si Elize at kumakain katabi ng yaya nito. "Hey, Princess, where's everybody?" "Mommy and Daddy left already." "And how about Zanya and Renzo?" "Isinama po nila Ma'am yung dalawa," sagot naman ng yaya nito. "Kayo na lang daw po ang magsama kay Elize kasi tulog pa kaninang umalis sila." "Okay, Manang.  Pakiayos na lang po ang gamit niya pagkatapos kumain."  Kumuha siya ng kobyertos at nagsimula na ring mag almusal.  Bago matapos ang isang oras ay paalis na sila ng kapatid papuntang opisina.  Inayos niya ang seatbelt ng kapatid bago pinaandar ang sasakyan.  Last year he started to drive on his own when his father bought him a Mitsubishi Lancer on his twentieth birthday.  Mula noon ay araw araw niya na itong gamit papasok ng eskwelahan at opisina. Makalipas ng kalahating oras ay narating nila ang compound ng Albano Corp.  Dumeretso siya sa sariling opisina na pinaayos ng ama bago sila magtapos ng kolehiyo ni Jayzee.  They have their own offices now and have their own positions in the company.  Ang mga batang kapatid naman nila'y tumutulong lang sa mga paperworks ng mga magulang tulad ng typing job na ginagawa ni Zanya kapag ganitong walang pasok sa eskwela.  Zanya is sixteen years old, while their cousin Stacy is fourteen years old.  Ang ibang mga kapatid nila'y sobra pang bata para magtrabaho.  Elize is only ten, while Renzo is only eight. "Hi, 'Ma,"  Humalik siya sa ina pagpasok nito sa opisina niya.  Kinuha nito ang dala niyang bag ni Elize. "Akala ko'y tatanghaliin pa kayo.  Nasa conference room na ang Daddy, Lolo at Uncle Zane mo,  would you like to join them?" "Wala namang schedule ng meeting ngayon, Ma,"  wika niya.  Tuwing Lunes ang meeting ng kumpanya para sa weekly report ng mga empleyado. "Daylans are there to talk about Margaux's shares in the company."  Narinig niya na ang kagustuhan ni Darius na maging active ang anak nitong si Margaux sa anumang posisyon sa Albano Airlines.  Mula ang mga ito sa Amerika at ngayo'y mamamalagi na sa Pilipinas matapos ang unang atake ni Darius dalawang bwan na nag nakalipas. "Si Jayzee ang dapat naroon, Ma, dahil sa airlines lang naman may share ang mga Daylan."  Ang hawak nila ng ama ay ang Albano Hotels.  "Hindi ko pa nakikita si Jayzee.  Babalik na ako sa opisina ng Daddy mo.  Daanan mo na lang si Jayzee sa opisina niya."  Kinuha na nito si Elize at tinungo ang pinto palabas. Nagpasya siyang puntahan ang opisina ni Jayzee na nasa sumunod na palapag pa.  Nakaawang ang pinto ng opisina nito ngunit wala doon ang pinsan, naisip niyang baka nasa conference na rin ito.  Palakad na siya pabalik ng opisina nang may naulinigan siyang nag-uusap sa parteng fire exit.  Out of curiousity, dahan dahan siyang lumapit at pinakinggan ang dalawang nag-uusap. "Believe me,Jayz,  wala na kami ni Ethan.  Ikaw ang gusto ko."  Bumilis ang t***k ng dibdib niya nang makilala ang boses ng nagsalita.  "I don't know ,Betty,  but I guess we should stop seeing each other."  Narinig niyang wika ng pinsan.  "Tama na ang isang pagkakamali,  I was just drunk the other night." "Ikaw ang gusto ko kaya ko pinagkaloob ang sarili ko sa 'yo.  It's you that I wanted ever since, Jayz." "But I don't have feelings for you, Betty, I'm sorry."  Nahimigan niya ang may kataasang boses ni Jayzee at kasunod ang pag-iyak ng kasintahan dahil sa lantarang pagtanggi ng pinsan dito.  Nagtagis ang mga bagang niya ngunit nagpasyang bumalik na lang sa sariling opisina.  Napuno ng galit ang dibdib niya sa mga narinig mula sa dalawa.  "Ikaw ang gusto ko kaya ko pinagkaloob ang sarili ko sa 'yo."  Tumatak sa isip niya ang sinabing iyon ni Betty.  Now he understood why she was avoiding any circumstance to meet his family.  Hindi ito seryoso sa relasyon nila at si Jayzee ang gusto nito.  But Jayzee doesn't look for a serious relationship right now.  Mula noong high school ay playboy na ito at lantarang manligaw ng kung sino sinong babae na minsan ay sabay pa.  Samantalang siya'y piling-pili kung manligaw ng babae at hangga't maaari ay pangmatagalan na hanggang sa mauwi iyon sa kasalan.  That was his plan when he met Betty.  Ngayon ay nasira lahat ng plano niya at nawasak pa ang puso niya.  Hindi niya maintindihan kung bakit mas gusto ng mga babae ang badboy image kesa sa mga seryosong taong katulad niya.  Jayzee is undoubtedly handsome and oozing with s*x appeal.  Pero playboy din ito at hindi iyon lingid sa kaalaman ng lahat.  Gayunpaman ay kinagigiliwan ito ng mga kababaihan na tila tropeyo kapag nasama ka sa mga naging girlfriends nito.  Samantalang siya na seryoso ay hindi siniseryoso ng mga kababaihan kahit pa pang matagalang relasyon ang alay niya.  Damn woman and damn love! Hindi niya alam kung paano haharapin ang pinsan na kung tutuusin ay wala namang kasalanan dahil si Betty ang lumapit dito.  But he hated the idea that his girlfriend offered herself freely samantalang siya'y ingat na ingat dito.  Nakaramdam siya kaagad ng panibugho sa pinsan at galit sa babaeng minahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD