Chapter 1

1351 Words
CHAPTER 1 Alas onse ng tanghali lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplanong kinalululanan ng pamilya Mortel - The Albano Air.  Thirteen years ago nang magtungo si Alfred Mortel at Margaux Daylan sa Amerika para maging malaya ang relasyon dahil noon ay tutol ang Lolo at Lola niya sa amang si Alfred. Her father is an architect and applied for a job in Seattle and they live comfortably without any help from her grandparents. "Carry your baggage, Marga, and hurry up," wika ng inang si Margaux sa kanya nang makitang wala pa siyang balak kumilos. Patamad niyang inabot ang backpack at napilitang tumayo, nakipagsisikan na rin sa mga taong palabas ng eroplano. Tinungo nila ang palabas ng terminal hanggang sa makasakay sila sa kotseng pag-aari ng Lolo niya na naghihintay sa entrance ng airport. "Why don't you put a smile on your face? Tila ka pinagbagsakan ng langit at lupa," pansin sa kanya ng ina habang pauwi sila sa bahay ng Lolo niya. "Just a jet lag, Mom," she lied. Taon-taon naman silang nagbabakasyong mag-ina sa Pilipinas pero iba ang dahilan ng pag-uwi nilang ito ngayon. This is for good. At tutol silang mag-ama sa pasyang ito ng kanyang ina. "I also have it, Marga, you're not alone," wika ng ama na alam niyang pareho sila ng nararamdaman. Ilang beses nitong tinutulan ang pag-uwing ito ngunit nanaig pa rin ang kagustuhan ni Margaux. "Kayong dalawa'y lagi na lang magkakampi." Ikinawit ni Margaux ang kamay sa asawa at humilig. "Ako pa rin naman ang nananalo." Umikot naman ang mata niya sa iritasyon, hindi sa ina kundi sa kaalamang wala siyang magawa kundi ang sumunod sa kagustuhan nito. Her life in Seattle was perfect; she has a lot of friends, she was doing great in school, and the place was pretty good. "You'll like it here, Marga, I promise." "How can I? I don't even have friends." "Of course you have! You always play with Stacy and Zanya during summer." Ang tinutukoy nito'y ang anak ng kaibigan ng ina na sila Selena at Hannah. "We'll be having dinner with them tomorrow, hindi ka mabo-bored dahil walking distance lang ang bahay nila sa bahay ng Lolo mo." Hindi siya umumik. Sa halip ay ipinikit niya ang mga mata. Stacey and Zanya were her summer friends dahil yoon ang mga panahong umuuwi silang mag-ina ng isang bwan. Pero habang lumalaki ay magkakaiba sila ng mga interes. Si Stacey ay sobrang palaaral na kahit bakasyon na'y puro libro pa rin ang hawak, samantalang si Zanya naman ay sa sports nahihilig at kung anu-anong martial arts. She doesn't like any of those. Pumasok na ang sasakyan sa isang malaking gate hanggang sa huminto ito sa malaking bahay na pag-aari ng Lolo niya. May tatlong katulong ang naghihintay na naka-uniporme pa. Then her grandparents appeared from inside of the house and welcomed them gladly. "You finally arrived," nakangiting wika ng Lolo niya, humalik siya rito at sa Lola niya na katabi nito. Both of them are over eighty years old. "It was a long flight, Dad, we're exhausted." Humalik din si Margaux sa mga magulang na sinundan naman ni Alfred. "Nakahanda na ang mga kwarto niyo, you take a rest while we are preparing lunch," wika naman ng Lola niya. Pabagsak niyang inihiga ang katawan sa kama dahil sa pagod. Makalipas pa ang ilang sandali ay tuluyan na siyang nakatulog. Hapunan na siyang nakasalo sa hapag kainan at kahit paano'y nawala naman ang pananakit ng ulo niya kanina dahil sa byahe. Pagkatapos ng hapunan ay nagawa niyang tawagan ang mga kaibigan sa f******k messenger. Matapos ang halos isang oras na pakikipagkwentuhan sa mga ito'y saka niya hinarap ang mga gamit at isinalansan sa cabinet. Pagkatapos niyang mailigpit ang huling gamit sa maleta ay lumabas siya sa balkonahe.  It was so quiet and peaceful, so different from her life in Seattle.  She should be in the neighborhood right now with Cindy and Trisha; talking about movies, and boys and their crushes. She laughed at the thought.  Both of her friends have their boyfriends now, but her mother was so skeptical of her having one.  Masyado pa raw siyang bata.  But at twelve, she has so many crushes already; there's Sam Claflin, and Zac Efron to name a few. Kinabukasan ay dumalo nga sila sa isang dinner kasama ang ka-partner sa negosyo at kaibigan ng kanilang pamilya.  Their faces were familiar because they always visit them whenever they were in the country and she would play or watch movies with Stacey and Zanya.   Ang mga lalaking kapatid ng mga ito naman ay minsan din niyang nakakalaro sa badminton.  "Hi, Marga!  We're glad you're staying for good," wika ng Auntie Selena niya.   "I can't say the same, Auntie," she joked and everyone laughed.  "Don't worry, you have everyone here to keep you company.   Naalala ko dati'y hilig niyong manood ng hollywood movies.  You're always welcome in this house," wika naman ni Hannah, ngumiti naman siya sa ginang bago itinuon ang atensyon sa pagkain. Napuno ng kwentuhan ang halos tatlong oras nilang pananatili sa mansyon ng mga Albano.  She was so bored and sleepy and it seems that no one wants to keep her company taliwas sa sinabi ng Auntie Hannah niya kanina.  Zanya went to her own room while Stacey was in the library.  Ang mga naiwan na lang doo'y ang mga lalaking Albano. She remembered some of their names; Jayzee and Laurenti, the son of her Uncle Zane and Auntie Selena; Ethan and Renzo from her Uncle Ezekeil and Auntie Hannah.  She had no idea about two other younger boys though, who are the son of her Uncle Zandro and Auntie Dani. At dahil nagkakasayahan pa ang mga matatanda ay lumakad siya sa mahabang patio na naaabot pa ng liwanag ng poste.  There were flowers, different ones.  Sa Seattle ay bihira siyang makakita ng ganito dahil sa nagtataasang building at mga establisyemento.  Sa paglalakad ay nahagip niya ng paningin ang isa sa mga Albano - the most handsome among the Albanos sa paningin niya. "Why don't you join them?"  Napapitlag ito nang magsalita siya.  Umusog ito sa kinauupuang parkbench para bigyan siya ng espasyo. "Mmm..  It's too crowded," sagot nito. "Ikaw?" "Sleepy," she paused.  "And bored."  "I can see that." "Okay lang ba’ng naabala ko ang pag-iisa mo?"  "No problem.  Would you like something to drink?" "Wine, please," she said humurously.  Hindi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan mula nang umupo siya sa tabi nito.  "Not a chance, young lady, you will not even taste it until you turned eighteen.  Juice or water?"  "Juice." She smiled.  Nang tumalikod ito papunta sa kusina ay pinagmasdan niya ang kabuuan ng binata.  He must be twenty or twenty one, pero bakas na ang kakisigan at gandang lalaki.  He has darker skin compared with other Albano men, but dashingly handsome nevertheless. "How old are you?" tanong sa kanya nito matapos iabot ang isang baso ng juice. "Thirteen by next month." "So what do you want to be when you grow up?"  "To marry the man of my dreams."  Tumawa ito ng malakas sa sagot niyang iyon na ikinairita niya.  "It's every girl's dream, sweetheart, but I was referring to your career.  I can't believe at your age ay iniisip mo na ang pag-aasawa."  Kinilig naman siya sa endearment na ginamit nito sa kanya at sa paraan ng pagkakasabi nito. "How about you?  Do you have a girlfriend?"  "Yes." "Bakit wala siya ngayon dito?" "Kailangan bang nandito siya?" "Of course.  You should always be together, unless hindi mo siya gustong nakakasama.  Then you don't really love her."  Naningkit ang mga mata nito sa mga sinabi niya.  "You're not even thirteen pero ang dami mo nang alam pagdating sa relasyon. Are you sure you don't have any boyfriend yet?" "That's what we see in the movies with my friends." "Well, movies are totally different from real life, sweetheart.  Libro ang atupagin mo at hindi ang kung anu-anong napapanood mo sa pelikula.  Pumasok na tayo sa loob,  baka hinahanap ka na nila."  Hinila nito ang braso niya saka iginiya papasok sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD