Maddi's POV~
"Hindi pa ba magkakainan? Gutom na ako eh.."-Reklamo ni Natalie.
Ilang minuto na rin kasi ang lumipas pero hindi pa nagsisimula ang program.
"Paimportante talaga yang si Celedine eh.. Kompleto na kayang lahat! Siya nalang eh! Tsk!"-Medyo inip na rin si Reign.
Napatingin naman kami kay Ingrid na tahimik pa rin. Dapat may reklamo na rin ito sa ngayon eh.
"Oh guys? Wag niyo na akong tingnan. Gutom na gutom na ako kaya hindi na ako umiimik!"-Saad niya lang sa amin.
Maya-maya pa ay may nagsalita na sa may microphone at lahat kami ay napunta na sa harap ang atensyon.
"Thank you for waiting, I present to you, our beautiful debutant, Celedine!"
"Finally!"-Curse naman nung tatlo nung i-announce na si Celedine. Kahit naman ako, naiinip na rin.
Nagpalakpakan naman kaming lahat as Celedine walk from the man-made stairs to the stage. At the end of the stair, there was a guy standing and waiting for her. When she went down, the man escorted her to the middle of the stage.
Parang pamilyar ang escort niyang yun?
Naririnig ko ang mga bulungan at hiyawan ng iilan ng makita si Celedine at yung escort niya.
"Yun ang escort ni Celedine?!"-Tanong ni Natalie sa amin.
"Obvious ba? Yun di ba yung kasama niya di ba?!"-Parang iritang saad ni Reign.
"So kilala mo rin yun?"-Ingrid.
"Nope. Ang alam ko yun yung crush niyang sikat sa school nila. Pero hindi daw dun nagaaral."-Pag-irap pa ni Reign.
"Papaanong naging sikat?"-Ingrid.
"Ewan! Baka sa social media?!"-Sabay kibit balikat pa ni Reign.
"Ahm- I think, lets eat first before we start the program.."
Pagpunta ni tita Azur sa harapan at pagsalita sa mic. Nakaramdam na rin siguro silang marami ng gutom.
Hindi lahat ng bisita ay nasa first class table gaya namin. Ayaw ni Reign dun kasi puro kamag-anak nila yun. Gusto niya ay yung parang ordinaryong guests lang din kami. Tatayo at kukuha ng sarili naming mga pagkain which is pabor din sa amin.
Pumila na kami sa mahahabang pila sa buffet. Nangunguna na talaga yung tatlo dahil gutom na talaga sila.
"Ang tagal namang magsipagsandok ng mga ito."-Pagpadyak-padyak pa ni Ingrid dahil sa pagkainip at gutom na rin.
"Oo nga eh! Sila kakainin ko eh!"-Reign.
"Ayan na guys! Ready?!"-Natalie.
Pambihira talaga ang mga ito kapag gutom, parang bawal bwisitin.
Nang makakuha na kami ng pagkain, naupo na kami at hindi na muling nagpansinan.
De joke lang.. Kumain naman na kami ng medyo tahimik lang. Malamanan ba muna ang tiyan. Hindi kasi kami nagmeryenda sa paghahanda sa kainan na ito.
Kumakain lang kaming apat ng maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko na nasa loob ng pouch ko sa may lap ko.
Pasimple ko naman kinuha yun.
From: Jef
(Good eve! Finally, makakapag-dinner na rin.)
Teka? G.M ba ito?
Whatever it is, alam kong gusto niya ng ka-text.
(So am I.)
Reply ko lang.
Itatabi ko na sana ang phone ko nang mabilis itong nag-vibrate ulit.
(Bakit? Kaumpisa lang din ng party niyo?)
(Yep. Kagutom na nga.)
(I see. Eat well.:) )
Hindi ko alam pero nangiti talaga ako sa pagbabasa ng mga messages niya.
"Huy Maddi! Kain muna!"-Sita ni Ingrid sa akin habang nanguya pa.
Tinabi ko na ang phone ko at kumain ulit. Hindi ko na siya nareplyan.
Matapos kumain ay nagsimula na kaagad ang 18 roses niya. Yung isasayaw ang debutant ng mga malalapit na lalaki sa buhay niya.
Nauna syempre ang daddy nila, lolo yata nila and so on.
"Reign? Mag-ready ka na."-Paglapit sa amin ni tita Azur.
"Huh? Ready saan ma?"-Reign.
"Sa 18 candles! Ayaw mo di ba sa 18 treasures ng kapatid mo. Kaya sa 18 candles ka nalang."
"What the heck is that?! Sisilaban ko ba siya?"
"Ikaw talagang bata ka! Magme-message ka lang sa kapatid mo habang may hawak kang nakasinding kandila!"
"At the stage?!"-Reign. Parang hindi naman siya makapaniwala.
"Saan mo gusto?"
"No way mom! I have nothing to say to her."-Pagmamatigas pa ni Reign.
"Sige na!"-Biglang pinatayo ni tita Azur si Reign at hinigit patungong gilid ng stage.
"Good luck Reign!"-Natalie.
Lumingon pa sa amin si Reign at nag-make face. Mukhang labag talaga sa kanya ito.
Hindi niya kasi talaga kasundo si Celedine. Although pareho silang pasaway, kakaiba ang pagka-bratinella ng kapatid niyang iyon. B*tch nga ang tawag niya dun at mas astang matanda daw kaysa sa kanya.
"Tingnan niyo ang lokang Reign, parang gusto ng manulak."-Natatawang saad ni Ingrid na nakalapit sa amin.
Nilingon naman namin si Reign na nakapila sa baba ng stage at mukha talagang bangot na bangot na. Natawa rin kami ni Natalie kasi nakaliyad na siya at nakabusangot.
"Ahahaha! Wa-poise na ang gaga. Kawawang Reign."-Natalie.
"For sure walang kwenta ang speech niyan."-Natatawa pang saad ni Ingrid.
Nagsimula na rin kasi ang 18 candles. Nakapila din lahat ng mga kasali at isa-isang aakyat ng stage.
Mukhang napansin kami ni Reign na nagtatawanan kaya lalo siyang sumimangot. Nagme-make face siya sa amin pati na rin sa mga katabi niya. Kapag may nagsasalita sa mic, ginagaya niya na mas exage ang dating. Pati yung kandila, walang patawad sa panti-trip niya. Tawa nalang kami ng tawa dito. I wonder kung may ibang nakakakita sa kanya.
"Woah! Go Reign!"-Sigaw bigla nila Natalie at Ingrid. Nagtaas pa ng mga kamay. At ang lokong Reign naman ay kumaway pa sa amin na akala mo beauty queen. Biglang bago ng mood niya eh.
Nasa stage na siya at sinindihan ang kandila niya bago inabot ang mic.
"Ahm- Happy Birthday my dear sister, Celedine. I just want to say that be 'good' always and please don’t being a bit(ch)- baby! Have a day you deserve!"-Mukhang masaya naman siyang bumati at niyakap pa ang kapatid niya. Nag-mouth naman ang kapatid niya ng 'Thank you' pero halatang plastikan lang.
Tapos kami, tawa lang ng tawa sa speech niya. Pinagkadiinan niya kasi yung 'be good' at kamuntik pa yata niyang masabi ang tawag niya sa kapatid niya. Mabuti't nakapagpigil siya.
"This why I'm thankful that I don't have any siblings."-Natatawang saad pa ni Ingrid.
"Me too!"-Tawa ng tawa ring si Natalie.
Pambihira din ang mga kakulitan ng mga ito.
Pagkayakap ni Reign kay Celedine, biglang nagliyab ang korona ni Celedine kaya nag-panic ang lahat.
Since si Reign ang pinakamalapit sa kanya, to the rescue naman ang ate. Kaya nga lang-
"Water! Water!"-Sigaw ni Reign at inabutan naman siya ng isang basong tubig.
Tinabig ng kamay niya mismo ang korona ni Celedine gawa'y halos binatukan na niya ito dahil nagulo ang buhok, saka niya binuhusan ng tubig ang korona.
"It's okay now! It's okay."-Sigaw pa ni Reign ng mapatay na ang apoy.
Para namang nawindang na bata si Celedine sa nangyari.
Naglapitan na rin ang iba kay Celedine at si tita Azur sa kanila sa stage.
.
.
.
"Hoy! Kilala kita noh! Sinadya mo yun di ba?!"-Bintang kaagad ni Ingrid kay Reign habang nakaharap sa salamin nitong restroom.
Narito kaming apat at kaming apat lang. Nagre-retouch at nagbanyo lang.
"I'm sorry, but I don't know what you were talking about."-She said mischievously and sarcastically.
Nagdaungang palad pa sila ni Ingrid na tila nagkakaunawaan ng pinaguusapan bago pumasok ng cubicle at tumawa ng pagkalakas-lakas sa loob.
"Huy!"-Pagsuway ni Natalie. Pero natatawa nalang din kami.
Nagre-retouch na kaming tatlo dito sa may harap ng salamin. Mabuti't kaming apat lang ang nandito.
"Kung ako sa'yo Reign, hinayaan kong magliyab ang kapatid mo dun, tutal palagi niyang pinamumukha sayong mas 'hot' daw siya di ba?!"-Sigaw ni Ingrid at nagtawanan na naman kami.
"Grabe kayo guys! She's still my sister anyway!"-Sigaw ni Reign sa loob ng cubicle pero tawa ng tawa.
"Ewan ko sa'yo! Kahit ako, imbyernang-imbyerna dyan sa maarte mong kapatid!"-Natalie.
Lumabas na si Reign na inaayos pa yata ang panloob niya sa dress.
"Nako! Pakoro-korona pa kasi. Feeling Queen Bee sa school nila. Nakita niyo ba yung mga bisita niya? Parang mga bubuyog! Bulungan ng bulungan!"-Iritableng saad pa ni Reign.
"For sure, naiingit lang yun sa kapatid mo."-Saad ko naman.
"Exactly! Hay nako! Parang gusto ko ng umuwi!"-She cursed.
Papaalis na sana kami ng makaramdam ulit ako ng pagtutubig.
"Una na kayo, naiihi kasi ulit ako eh."-Pagpapaalam ko.
"Bilisan mo Madz ah?"-Natalie.
Then umalis na silang tatlo.
Umihi ulit ako at nagmadali na ring matapos.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa pouch ko kaya tiningnan ko muna ito.
Puro text ni Jef. Nakalimutan ko, hindi ko na nga pala siya nareplyan kanina habang kumakain.
Ang pinakahuling text niya ay:
(How's the party?)
Nangiti naman ako at dali-daling na-reply sa kanya.
(Doing well so far. And you?)
Inayos ko ulit ang buhok at damit ko at tumingin sa salamin sa huling pagkakataon bago lumabas ng restroom..
Nag-vibrate ulit ang phone ko kaya tiningnan ko kaagad.
(I want to go home :/ )
Ang cute lang ng mga emoji niya. Parang siya mismo ang nai-imagine ko kapag nagre-react.
Palabas na ako ng restroom habang nagre-reply sa kanya. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang mangiti.
"Oh?!"
"Oh sor-"
"Jef?!"
"Maddi?!"
"What are you-"
"You were in the same-"
Napapahinto kami sa pagsasalita dahil pareho ang aming sinasabi.
Bago pa man kasi ako makapag-text, nakabunggo ko na siya sa paglabas palang ng restroom.
Hindi ako makapaniwalang makikita ko ulit siya, at dito pa talaga sa party na ito!
Nagkakatinginan kami na parang naguusap sa pagiisip at sa mga mata lang namin. Parang gets na namin kung ano ang gustong itanong at sabihin ng bawat.
"Wow? I can't believe that-"-Halatang hindi pa rin makapaniwala. Napahawak pa sa batok niya.
"Yeah. Me too.."
"We're on the same party hah?"
Nginitian ko lang siya at sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil halos lumundag ang puso ko sa gulat ng makita ko siya. Bigla nalang din akong kinabahan. Tsk!
"You- you- you look- I mean, you're beautiful. Wa-wait what?!"-Para siyang nauutal na hindi mapakali.
Napabungisngis talaga ako and I have to admit na kinilig ako dun.
"Really? But you're so dashing and- handsome as well."-I complement him too.
Totoo naman eh. Talagang ang gwapo niya sa suot niya.
"Really? So kapag hindi ako naka-formal, hindi ako gwapo?"-He teased and I just laugh a bit.
"No, no! All the time! I- I mean, yeah! You're handsome at all."
Oh shocks?! Bakit ganito ang dila ko? Ayaw tumigil sa pagsasalita?!
Nakaramdam tuloy lalo ako ng hiya! Ang init na rin ng katawan at ng mukha ko!
Argh! Kung mababawi ko lang yung sinabi ko!
"So, w-where's your sit?"-He ask.
"Right side front row."
"No way?! We're in the left side front row!"
"Really? So, best friend mo pala ang escort ni Celedine?"
"At kapatid pala ng best friend mo ang debutant?!"
We just giggle as we're still absorbing the fact.
What a small world after all, huh?!
.
.
.
"What took you so long?"-Ingrid.
"N-nothing.. I just-"
"Argh! Forget it!"-Ingrid.
"Hey, look at that guy.."-Natalie.
Napatingin naman kami sa kanya.
"Not on me! That guy! Oops! Oops! Wag kayong magpapahalata!"-Natalie.
"The who?!"-Ingrid.
"On the other side of this row!"-Natalie.
Dahan-dahan at isa-isa naman kaming napalingon sa likuran namin at nakita kong- yung escort ni Celedine.
"Yung escort ni Celedine?! Oh? Anong meron?!"-Singhal ni Reign.
"Wag ka nga! Hindi ka ba nakakahalata?! Kanina pa tingin ng tingin kaya sayo!"-Natalie.
"Huh?! Ako?! Baka kay Ingrid!"-Reign.
"Hindi ako type niyan! Hindi ako abnormal eh!"-Ingrid.
Oh my! Yung escort nga ni Celedine. Ang best friend ni Jef!
Nilingon kong muli ang mesa nila at nakita kong kauupo lang ni Jef!
Napatingin dito kaya biglang iwas ako ng tingin. Whew! Kinabahan ako dun ah?!
Maya-maya pa ay sinilip ko ulit siya mula sa likuran ko at wala na akong nagawa dahil- dahil nakatingin pa rin siya! Gosh!
Nginitian niya ako at kinawayan ng bahagya. Ngumiti nalang din ako sa kanya.
Nakita kong napatingin din sa akin yung Carl kaya umiwas na ako ng tingin. Oh my! Nakakahiya naman!
Nagpatuloy lang ang party at parang hindi kami nag-e-exist dito.
Nanunood naman ako, pero yung tatlo, may kanya-kanyang mundo. Si Natalie, nagpo-polish ng kuko, si Ingrid, nagte-text o nagta-type yata. At si Reign ay kumakain pa rin.
Medyo boring pero maganda pa rin. Saka masarap naman ang mga pagkain.
May mga nag-perform din kaya nakakaaliw din pala kahit papaano.
"Do you girls mind?"
Nahinto kaming lahat sa ginagawa namin at lahat kami ay napatingin sa nagsalitang iyon.
Oh no?!
Napatingin sa akin si Ingrid at ganun din yung dalawa. Nagkatinginan silang tatlo at tila may pagkakaunawaan.
"NO!!!"-Sabay-sabay pa nilang sagot at- at nagatrasan ng silya sa akin na parang nilayuan ako.
Kinindatan pa ako ni Ingrid habang nakangiti. Parang hindi ko gusto ang ginawa niya ah?
Nakatulala lang ako na parang wala ng magagawa.
Oo! Iniwan nila ako dito sa may likuran. Binakante nila ang dalawang upuan bago ako. Round table ito ng pang animan. Magkakatabi silang tatlo at ang tangi kong katabi ay si Natalie sa kaliwa ko.
Naupo si Jef sa tabi ko at kasunod niya si Carl na yata. Sunod ay si Reign, Ingrid at Natalie na nga.
"Hey? I remember you? You are Jefferson, right?!"-Panimula ni Ingrid.
Ngumiti lang naman si Jef sa kanya. "Yeah. J-Jahvaria, right?"
"Ingrid! Nice to see you again, Jef!"
"I'm Natalie. Magkasama tayo sa tent noon remember?"-In-extend naman ni Natalie ang kamay nay kay Jef at nagkamay sila.
"Of course."
"And I'm Reign. Celedine's sister- unfortunately."-Nakabungisngis ding in-extend din ni Reign ang kamay niya kay Jef.
Aabutin na sana ni Jef ang kamay ni Reign ng bigla itong kinuha ng katabi niyang si Carl.
"And I'm Carl?? Carl Stadtfeld."-Ang ganda naman ng ngiti ni Carl kay Reign.
Sa totoo lang, gwapo rin si Carl gaya ni Jef- what I mean is, gwapo nga si Carl pero bakit parang hindi maipaliwanag ang reaksyon ni Reign?
Para kasi siyang nagulat na nandidiri na naiirita.
Binawi niya ang kamay kay Carl at nakabusangot lang ito na tila nagtataka.
"So? Ikaw pala ang escort ni Celedine, Carl right?"-Saad pa ni Natalie.
"Ah- yeah."-He smiles.
"Why you?!"-Parang sarcastic naman ang pagtatanong ni Reign. Hindi ko alam kung bakit imbyernang-imbyerna siya.
"She- she just asked me again and again. Then I had thinking that there's nothing wrong with that."-Pa-cool namang sagot ni Carl. “And para tigilan na rin niya ang pangungulit sa akin.”
"Pinilit ka lang niya?!"-Sabay-sabay pa naming pasigaw na tanong kay Carl.
"Y-yes.."-Tila nagulat siya sa amin.
"That bitch.."-Reign's cursed
"Ah- hehehe don't mind her."-Pagsiko pa ni Ingrid kay Reign.
"So, ikaw si Jef na 'kaibigan' ng Maddi namin. Tell us how come that happened?"-NangingitNatalie.
In-emphasize pa talaga yung 'kaibigan' word na yun!
Halatang nahiya naman si Jef pero playing cool pa rin.
"Ahm- actually.."-He pauses and look at me. I got surprise because I am looking at him too. "We met at the bus. She slept on my shoulder."
"Hey? But slept on me too!"-I protest.
"Nainggit kasi ako sa himbing ng tulong mo eh."-He kid but why I had this feeling of being ashame?
"Aayyiihh!!!"-Sabay-sabay namang pangungutya nung tatlo na parang nangiinis.
Kahit kailan talaga bully ako ng mga ito. Lalo ngayon!
"Ahm- hi Maddi! I'm his best friend. Promise, walang gagawing masama sayo yan."-Pagsingit naman ni Carl. Mukha ngang makulit din siya.
Natatawa nalang ako sa kakulitan ng mga ito. At nagsama-sama pa talaga sila.
Nagkwentuhan lang sila ng nagkwentuhan. Nakikinig lang ako at minsan ay sumasagot rin. Baka alam na nga nila ang biography ng bawat isa.
Kaso ang masama lang sa tatlong ito, ako ng ako ang kinukwento kay Jef. Parang pinapalapad ba ang papel ko. Hindi ko alam kung binubugaw ba nila ako o ano. Tapos si Carl naman ang taga bisto kay Jef. Pero madalas siyang soplahin ni Reign. Ang init lang ng dugo niya kay Carl.
"Bakit ba ang sungit mo sa akin?"-Pabiro ni Carl.
"Ugh? Ako masungit?! Natural lang yan! Kaibigan ka kasi ng kapatid ko, pasalamat ka nga't napaupo ka namin dito! Dapat si Jef lang eh!"-Umirap pa si Reign.
Natatawa-tawa nalang din kami sa bangayan ng nung dalawa.
"Kasalanan ko bang hinahabol ako ng kapatid mo?! Pero no offense ah? Hindi ko naman siya type."-Sagot naman nito kay Carl.
Kakaiba talaga ang mga tingin nito kay Reign. Ang cute nilang tingnan kapag magkasama.
"Teka ah?! Hindi ito tungkol sa akin okay? Next story line pa ako! Kaya ikaw yabang, lumayo-layo ka nga! Dun ka kay Celedine! Escort-tan mo yung lumpo! Tsupi!"-Pagtataboy pa ni Reign.
"Hmm! I smell something here ah?!"-Komento na ni Ingrid habang nakangiti na nakakapangduda.
"You do?! How's that smell?!"-Gatong naman ni Natalie.
"Very fishy! And cheesy!"-Bungisngis namang sagot ni Ingrid.
Halatang nangaasar yung dalawa kay Reign. Natatawa nalang din kami ni Jef sa kulitan nila.
"Bagay sila noh?"-Bulong ni Jef sa akin.
"Uh-huh?!"
"Si Reign at Carl."
"Ah- o-oo nga eh. Kahit parang hindi magkasundo."
"Ganyan yan si Carl kapag may nagugustuhan. Aasarin muna niya para mapansin siya."
Parang kinilig naman ako dun. Kasi type pala ni Carl si Reign. Mukhang mauunahan pa ako ni Reign ah?
Ah-huh?!
Mauunahan?! Bakit?! Dapat ba ako talaga ang mauna?!
Nako! Wag niyo na akong pansinin!
Naman oh!
Nag-iinit tuloy ang pagmumukha ko.. Gosh!
Narinig ko nalang na nagpapatugtog na ng sweet at slow music. May mga guests din na nasa dance floor at nagsasayaw by pair.
"May I have this dance?"-Tanong bigla ni Carl kay Reign.
Tiningnan lang siya nito na tila nagtataka.
"No?! Si Celedine dapat ang isinasayaw mo, remember?!"-Sarcastic na sagot ni Reign na halos nandidiri naman ang reaksyon.
"Sige na! Wag ng choosy!"-Tinulak naman siya nila Ingrid papatayo hanggang sa makarating sila sa may dance floor.
"Babantayan lang namin yung dalawa ah?! Baka magsuntukan eh! Saka baka may manggulo. Jef, ikaw munang bahala kay Maddi ah?!"-Nagmamadaling umalis kaagad si Natalie sa lamesa namin.
"Sure."-Sagot naman niya.
Oh-oh?! This awkward again.
Uminom nalang muna ako ng juice pampawala ng tense pero-
*Ehem! Ehem!*
Ay kainis!
"Are you okay?"
Tumango naman ako habang nauubo pa rin. Pambihira naman oh!
Naramdaman ko ang paghimas niya sa likuran ko at talagang nagtayuan ang mga balahibo ko.
"O-okay na ako.."-Hay salamat.
"You- you want to take a walk?"-Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.. "To-to breathe- fresh air.."-Nag-a-action pa siya na parang lumalanghap ng hangin.
Tumango nalang ako sa kanya pero kinakabahan ako!