bc

Love Riding Hood

book_age12+
657
FOLLOW
1.8K
READ
drama
comedy
twisted
sweet
humorous
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

I saw him at first in the most UNEXPECTED time that I ever encountered.

And that moment, I never knew that fate changes my life forever.

I have loved him but I lost him, and I would go wherever in this world in order to find him again.

I am Madison, and join me to the Ride of my Life.

chap-preview
Free preview
Ch.1: The First Time I Saw You
Maddi's POV~   Ugh! This is great! This is really really great! Kung kailan uwian na at gustong-gusto mo ng umuwi, saka naman bubuhos ang pagkalakas-lakas na ulan na ito? Nakapang-laboratory uniform pa naman ako! Hindi na ako nagpalit sa dorm ng damit dahil gusto ko ng umuwi ng bahay tapos bubuhos pa si ulan na tila nangaasar. Ang dumi ko na naman nito, ang hirap pa man din maglaba ng uniform at sapatos ko kasi puting-puti! Tsk! Narito na ako sa kanto ng sakayan ng bus para pumara ng masasakyan. Kapag ganitong tag-ulan ang hirap pa man din sumakay, medyo buwis buhay. Ilang bus na ang dumaan pero mga punuan, nangangalay na rin ang braso at kili-kili ko kakakaway sa mga driver ng bus, ang ending, kinakawayan lang din nila ako, hindi pa ako pinasasakay! Hays. Feeling ko nga tumatagos na sa payong ko ang tubig ulan kasi basang-basa na rin ako. Pati na ang pangilalim ko. Ang itim na rin ng puti kong sapatos at laylayan ng puti kong pantalon. Yari ako kay mama nito. Makalipas pa ng ilang bus pa na nagdaan, may pumara na rin sa harapan kong bus na pa-fairview. Sa wakas! At kapag sinuswerte ka ba naman, hindi pa puno ang bus! Yung tipong pwede kang mag-one sit apart. I guess, this is my good karma. Thank you Lord! Sumakay na ako at pumuwesto sa pinakadulong upuan. Para walang istorbo kapag may bababa. Malayo pa naman ang bababaan ko kaya okay lang dito. Since naulan, malamang traffic din. Tila answered prayer ng mga commuter na basang sisiw ang bus na ito. Unti-unti ang mga pasaherong nasakay at mabuti hindi sila tumatabi sa akin. Ang epal naman nun siguro noh? Kung ang daming bakente tapos sasadyain pa ako dito sa dulo. Oh God! So kaantok! Nakakapagod din ang maghapong klase. Nakonsume pa ako sa isang pasyente kong binubunutan at pinapastahan kanina. Puro reklamo. Sarap i-anesthesia ang ulo. Kulit eh. Nasa UST palang pa pala ako pagkasilip ko sa may bintana, malayo pa. Idlip muna ako guys. Wake me up when September ends. Joke! Wag naman! July palang! Hehehe . . . Hay, sarap matulog sa malamig kong kwarto. Sana i-suspend ang klase bukas para masaya. Ay? Sabado nga pala bukas, wala rin talagang klase. Yes! Pero teka? Bakit parang may nagga-ground sa may tiyan ko? Nangingig ba ako?   *Kriiing! Kriiing! Kriiing!* Ay ang ingay naman. Kanino bang phone yun at di pa sagutin?! Istorbo! Hindi nalang i-silent. Tsk! *Kriiing! Kriiing! Kriiing!*   Aba't talagang ayaw pang sagutin ah? Pati tuloy yung tiyan ko, nagri-ring na rin eh.   *Kriiing! Kriiing! Kriiing!* Hindi kaya? Oh shocks!   Pagkadilat ng mata ko, hindi na ganun karami ang tao dito sa bus pero-- pero bakit nakatagilid ang bus? "Ahm- ehem!" Oh no? Who's this pokemon?   "Y-yung phone mo miss, tumutunog." Rinig kong saad ng katabi ko. The who is this?! Doon ko lang napagtanto na nakahiga pala ako patagilid at-- at sa kanya? Bigla na akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kanya. My God! Nakakahiya! Dali-dali kong dinukot ang phone ko sa bag ko. Akin pala iyon? Muntik ko ng awayin ang sarili ko dahil sa phone ko?! Ba yan?!   "Hello po ma?" (Anong oras na? Nasaan ka na ba? Uuwi ka pa ba?) Hay, ratatatat na naman si mama. Parang palaging nagmamadali. "Opo ma, nasa bus na po ako. Pauwi na ako. Traffic lang po."- Mahinahong sagot ko lang habang nakaharap pa sa bintana. Ihh! Nakakahiya sa katabi kong ginawa kong unan eh. (Ganun ba? Sige, bilisan mo ah? Gabi na oh?!) "Opo ma, lilipad na kami ng bus. Bye."-Ay kaloka si mama! Kung pwede lang ako ng pumalit sa driver ng bus para bumilis na eh. Pero syempre, hindi naman ako marunong mag-drive kaya, I'll just sit back here and relax. Binalik ko na ang phone ko sa bag ko at nag-relax kaunti. Hays. Ang lamig!   My goodness! May gumalaw!!! I mean, Oo nga pala! May katabi nga pala ako! Wah! Nakakahiya at hinigaan ko pa pala siya! Nako! Ayokong makita niya ang pagmumukha ko! Nakakahiya! Baka makilala ako! Bakit ba kasi ang haba ng Quezon Avenue? Ang layo-layo ko pa! Gusto ko ng bumaba! Pero teka? Ang dami ng mga bakanteng upuan ah? Bakit hindi nalang siya lumipat? Nakikipagsiksikan pa siya sa akin dito sa upuan, eh pang animan pa kaya ito?! Duh?! Aha! Tama! Ako nalang ang lilipat! Oo yun nga! Nakikiramdam ako kung gagalaw siya dahil gising naman siya eh. Pasimple ko siyang tinitingnan mula sa reflection ng salamin ng bintana pero hindi ko naman matanaw. Nung mukhang hindi na siya nagalaw, dahan-dahan akong lumingon sa kanya at-- Oh my God-- I mean, Oh? This is kinda weird, but honestly, cute siya ah? Medyo nakakahiyang tabihan kasi tisoy, tapos ang kinis ng mukha. Daig pa ako. Hindi kasi ako ganoon kaputi, pero hindi naman din ganoon kaitim. Tapos may pimples akong galit-galit sa mukha kasi stress ako noh! Normal lang toh! hindi naman ako dyosa na flawless. Pero itong isang toh? Siya na! Ano kayang skin care routine niya? Hmm? Naka-all white uniform din siya pero hindi ako familiar. Saan kaya siya nagaaral-- I mean, paki ko ba?! Makalipat na nga!   Tatayo na sana ako pero-- naman oh! Bigla siyang nahiga sa ulo ko! Ikaw ng matangkad! Imbes na tatayo, naupo ulit ako dahil siya naman ang dumagan sa ulo ko. Gumaganti ganun?! Hays! Anong gagawin ko? Pasan ko ang daigdig?! Joke! I mean-- hala si kuya oh? Sleeping Beauty? In fairness, ang bango niya pero teka nga! Argh! May name plate siya kaso nasa kaliwang dibdib ng uniform niya naka-pin, hindi ko masyadong mabasa. Hmn? Taga-UST? College of-- Nursing? Ay taray! Pareho pa kaming medical students. Ako naman Dentistry sa CEU. Boom! Pero teka-- Alejandro-- Jef? Tama ba? Naka-slant kasi kaya hindi ko mabasa ng buo pero Alejandro yung sa apelyido, Jef lang nakita ko sa kasunod. Sayang naman. Hindi ko siya makikita sa f*******: nito. Ay ano bang pinagsasasabi ko?! Kaloka! Naman eh! Okay na sana eh! Lilipat na nga ako eh! Kaso siya naman itong dumantay! Alam ba niya kung gaano na ako kahiyang-hiya sa sarili ko?! Kung pwede nga lang kainin na ako ng kinauupuan ko, game na ako! Mag-disappear lang kaagad ako dito sa bus na toh! Naman oh! . . . "Ma, para 'ho!" Ay bastos! Naramdaman ko nalang ang pagtilapon ng ulo nang may biglang gumalaw sa tabi. Kahilo ah? Pagtingin ko naman ay-- OMG! Nakatayo na siya? Papaanong--? And that- I'm looking at him. My goodness! Ang gwapo pala niya kapag gising? Kanina cute lang kasi tulog, pero ngayon—   Oh boy?! He looked back and-- smiles? Oh boy! Bago pa siya tuluyang naglakad pababa ng bus, nilingon niya ako at-- tama ba ang nakita ko o naduduling lang ako? Pero, nginitian niya ako?! Wah! Medyo hindi pa ako maka-recover. Hinga Maddi, hinga! Biglang may kung anu-anong tumatakbo sa dibdib ko, nag-e-evacuate kaya mga organs ko? Pambihira! Ang weird ng ganito ah? Parang hindi ako mapakali. Sinubukan ko ulit na lingunin siya sa bintana pero mukhang malayo na pala kami at wala na akong matanaw na naka-puti. Saan kaya siya bandang bumaba?! Ay ano ba ito?! Bakit gusto ko namang malaman? Hay ewan! . . . Nakauwi na ako sa bahay na parang tulalang sisiw. Naligo kaagad ako at baka magkasakit pa ako. Pero sa totoo lang? Hindi siya maalis sa isip ko. Alejandro, Jef-- pala ah?! Hmm?? Ay ewan! Nahihibang na ako! Para namang makakasabay ko pa siyang muli di ba? Pero parang kalahati ng utak ko, nagsasabing sana.    --------------------------------------------------------------- Thanks for reading!  Please support this story as it has been applied again for signed stories and Writing Academy contest here at Dreame!  Don't forget to vote and comment! Follow me too! Lovelots! ~KK

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

Taz Ezra Westaria

read
111.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.9K
bc

OSCAR

read
248.7K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

NINONG III

read
417.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook