Maddi's POV~
"Hi Reign! What’s up?"
(Hi Madz, hold on, I'll call Natalie and Ingrid.)
That was Reign, one of my besties. Natalie and Ingrid the others. We're best friends since high school and now we're all in our fourth year in college. It’s been a while. They are all graduating while I'm gonna wait for two more years and so.
Reign is the most energetic and pretty tall. Hindi mo mahahalatang siya ang pinakamatanda kasi matured pa ako mag-isip at kumilos sa kanya.
I'm taking Dentistry so it takes six year to get my Bachelor. But I really wanted to become an Architect, because I just love to draw and design houses. How come did I end up here? Let's just say, I'm just following orders. That's what my parents want, then it should be. No big deal at all. I guess.
(Hi Reign!)
(Hold on Natz, Madz.)
That was Natalie, the youngest. Reign's partners in crime. Parehong isip bata pero kapag tripping na, bully na nila akong tatlo. Hays.
This is the usual way we communicate because of our busy lifestyles now. Always Group Chatting, Group Texting, Group Video Call or the Three way, or more like, Four way calls. Then when it’s free days for us, we meet up.
(Oh God! Tagal ah? Pustahan, ako huling tinawagan?!)
And that was Ingrid. She’s the most talkative and the fiercest one. It’s kinda annoying to her but we can't deny that she can make us all laugh on her sense of humor.
(Sorry Grid, maganda ka naman eh. Okay lang yan.) –Reign
(Oh really Reign? Pero wala akong maipapautang sayo!)-Ingrid
(So? Wala akong pasok bukas.. Pwede ako.)-Natalie
"Ako rin! Wala akong pasyente nun."-Sagot ko naman.
(Ahm- magpapaalam muna ako ah?)-Reign.
(My God Reign?! What are you? Two years old?!)-Ingrid
(Oo nga. Taga-luto at hatid-sundo pa yan ng mga kapatid niya.)-Natalie
(Hays. Alam niyo naman guys, ate eh.)
(Taga-hugas pwet din ba?)-Ingrid.
"Hahaha! Grabe ka Grid!"
At nagtawanan na nga kaming lahat. Si Ingrid lang din kasi ang pinakaprangka at pinakamalakas ang loob sa amin, pero may soft side din yan. Trust me.
(Hahahaha.. Kung ako sa'yo Reign, naglayas na ako!)-Natalie
Only child kasi kaya no worries. Parang heredera pa.
(Har-har! Sige! Go ako bukas na bukas!)-Reign
Lahat kami tila nag-iintay sa sagot ni Ingrid. Unpredictable din kasi ang isang ito eh. Kung hindi niya trip gumala, hindi mo talaga siya maaaya.
(Ahm-- saan tayo nun?)-Ingrid
Ganyan yan kapag naghahanap ng pang motivate para sumama.
"Sa dating mcdo pa rin? Saan pa ba?"-Sagot ko.
(Oo na nga! Lunch ah?)-Ingrid
(Okay!)-Reign/Natalie
Ahm- teka. Medyo out of topic kami ah. Ano ba magandang mapagusapan?
(Uy guys, pwede ba, hanapan niyo nga ng love life itong si Reign. Para naman makipagtanan na!)-Pambasag naman ni Natalie ng katahimikan namin lahat.
(Oh sure! Pasa ka resumé dali! With close up and whole body picture. Ibubugaw kita!)-Ingrid
(Ang sama niyo sa akin ah?! Kanina pa kayo.. Hoy Maddi! Feeling mo ligtas ka?!)-Reign
"Hahaha. Sorry Reign. It’s your time to shine."-Pangaasar ko pa dahil hindi ko mapigilan ang pagtawa ko. Minsan lang na hindi ako ang bully eh.
(Si Natz nga may nanliligaw na diyan eh. Ayiih!)-Reign
(Kailan ba nawalan? Duh?!)-Natalie
(Pero type mo yung may bingot di ba? Sabi mo nga mabait naman eh.)-Reign
"Hahahahahahaha!"
(Hahahaha! Whoa! Grabe ka Natz! Hindi mo sinabing mahilig ka pala sa may kapansanan! Whahaha!)-Ingrid
Medyo mamatay-matay din ako dun sa katatawa ah. Hahaha.
(Bwisit tong mga toh! Hindi ko type yun noh! Hindi ko nga maintindihan mga sinasabi!)-Natalie
(Okay lang yan Natz, kapag kiniss mo daw siya, mawawala na ang sumpa!)-Ingrid
And we just like… "Hahahaha!"
Madalas ganito lang ang role ko dito eh, taga tawa, taga cheer at taga gatong sa mga kalokohan ng mga toh. The best talaga sila.
(Huy Maddi! Huminga ka naman, baka atakihin ka na diyan!)-Natalie
"S-sorry! Na-miss ko lang ito. Naaalala ko kasi kanina yung kahihiyan ko sa bus. Kapag naiisip ko yun, natatawa na rin ako. Hahaha"
(Bakit? What happened? Nadulas ka?)-Ingrid
(Nadapa?!)-Reign
(Nahulog?)-Natalie
"Grabe naman? Worst kung worst? Hindi, wala naman ganung eksena. Pero malala pa!"
(Eh ano nga? Pa-exciting pa toh!)-Reign
"Kasi- kasi kanina sa bus, nakatulog ako tapos--"
(Ay alam ko na! Tulo laway ka tapos madaming nakakita noh?!)-Natalie
"Hindi! Makinig kayo!"-Mukhang tumahimik naman sila. "Nung nakatulog ako, hindi ko alam na may tumabi na sa akin tapos nadantayan ko yata siya. Tapos nung umalis ako sa pagkakadantay, siya naman ang nakatulog sa akin."
(Aaayy!!! Mandurukot yan! May nawala ba sayo huh?!)-Ingrid.
"Wala! Wala naman. Estudyante din kaya siya, kaso sa USTe."
(Ay taray! Informed na siya. Lalaki yan noh?! Gwapo?!)-Natalie
"Hmm- cute siya nung tulog. Pero nung bumangon na siya para bumaba ng bus, tiningnan pa niya ako at -- in fairness, gwapo naman pala siya."
Tapos yung tatlo --
(Kyaaaahhh!!!)-Sabay-sabay pang na tili nung tatlong manok.
Inilayo ko ng kaunit ang phone at baka mabasag eardrums ko.
"Huy ano ba? Wala bang ibang tao diyan sa inyo at kung makatili kayo parang wala ng bukas!"-Pagsuway ko sa kanila.
(Ohmergerd! Tell us more Madz!)-Para namang kinikiliti itong si Ingrid.
"Anong Tell us more ka diyan? Wala na noh! Syempre hiyang-hiya ako nun dahil nakatulog ako sa kanya.."-Totoo naman eh.
(Hindi yan! Paki ba namin sa kahihiyan mo?! Ang gusto naming malaman kung gaano siya kagwapo?! Ihhh..)-Ingrid.
Ang babaeng gusto lang ay gwapo.
(Oo nga! Describe mo dali!)-Reign
Mahilig din sa gwapo.
(Matangkad ba? Maputi? Dali! Kwento ka pa!)
At isa pang baliw sa gwapo. Hay talaga.
Sabagay, magaganda naman sila, normal lang mamili ng gwapo.
Ako kasi parang Plain Jane lang. Alam kong hindi naman ako pangit, pero kapag kasama ko itong tatlong ito, parang hindi niyo na ko mapapansin. Yung tipong ordinaryong pagmumukha lang ng tao. Sapat lang para mabuhay.
"Ahm- matangkad siya, yes. Maputi, at sobrang kinis! Mahihiya kayong tumabi."
(Ay? Baka bakla naman ateng?)-Ingrid
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng panghihinayang dun ah? Sayang naman kung bakla siya. Pero parang hindi naman ganun ang aura niya eh.
"Ewan ko lang, pero parang hindi naman.."
(Saan nagaaral? UST ba kamo? Paano mo nalaman?)-Natalie
"Sa name plate niya.. Nursing din nga siya kagaya mo eh."
(OMG!!! Nakita mo rin pangalan niya sa name plate niya?! Umaariba ka Madz ahh..)-Reign
"Oo? Pero kalahati lang eh."
(Ano?!)-Sigaw pa nilang tatlo.
"Ang nabasa ko, Alejandro, Jef- tas College of Nursing. Yun lang."
(Kyaaah! Oh my God! Malaking clue na yan! We will find that Alejandro Jef na yan!)-Ingrid
"Surname niya yung Alejandro. Jef- something yung name niya."
(Whatever it is! We will find him, and we will eat him! Bwhahaha!)-Ingrid
Kaloka talaga mga toh.
Para naman talagang mahahanap talaga namin yun di ba? Eh ni hindi ko nga alam kung saan siya sumakay o bumaba.
Pero alam ko nga pala kung saan siya nagaaral at partial ng name niya.
Eh nako? Sa lawak ng school na yun at sa dami ng taong may ganoong pangalan, asa talagang makita ko pa siya muli!
Makikipagpitik bulag na ako sa buwan, pero hindi ko pa siya nakikita.. Tss!------------------------------------------------------------------------------
Thanks for reading!
Please support this story as it has been applied again for signed stories and Writing Academy contest here at Dreame!
Don't forget to vote and comment!
Follow me too!
Lovelots!
~KK