Ch.3: The Chase

1388 Words
Maddi's POV~   "Sorry guys, nahirapan pa akong magpaalam eh. Pinaghugas pa ako ng plato."-Reign said. As she’s the always late. "Sana binato mo nalang lahat sa labas para wala kang hinugasan."-Tugon naman ni Ingrid. Pagpasensyahan niyo na siya ah, pero hindi yan galit. Masanay nalang kayo. "Gutom na gutom na kami kaya nag-order na kami! Mag-order ka ng iyo!"-Saad pa ni Natalie habang kumain. "Of course! Walang magpapasabay pa?" "Fries pa sa akin please."-Sagot naman ni Ingrid, then nag-abot ng pera kay Reign. "Samahan na nga kita, may bibilihin din ako. Ikaw Maddi?"-Tanong naman ni Natalie sa akin. "Okay na ako dito. Thanks."-Then umalis na yung dalawa at nagpuntang counter.   "Ahm, sino yan?"-Paguusisa ko kay Ingrid. Panay text eh. "Anong sino? Hindi ako nagte-text noh. Nagta-type ako." "Ng alin?" "Article, sa ipapasa kong sample work ko sa isang network para sa application ko sa kanila." "Gumagawa ka na kaagad ng application mo?"-Tanong ko. "Yeap! Basahin mo nga mamaya, tapos sabihin mo sa akin kung ano sa palagay mo." "Oh sure! Tungkol ba saan yan?" "Basta, basahin mo nalang para surprise!"-She smiles. "Oo ba! Ano na nga palang nangyari sa ginagawa mo dating mga story articles? Yung mga hand-written?"-Mahilig kasi talagang gumawa-gawa ng mga content writings si Ingrid. Sana nga maging author talaga siya someday. Journalist student kasi siya kaya sanay gumawa ng gumawa ng mga kwento. "Ahm- baka revised ko nalang din pero ita-type ko na para mas madaling i-email di ba? Para naman hindi lang yung kayong tatlo ang readers ko! Hehe."   Dumating na yung dalawa at pinagpatuloy namin ang pagkain naming apat. Walang humpay na kwentuhan na akala mo taon na kami hindi nagkita, eh madalas naman kaming mag-bonding kapag weekends. Depende lang kapag may lakad yung isa kaya hindi nakukumpleto. "Uy guys, check niyo yung blog ko ah? Baby steps palang pero sana i-visit niyo palagi para ma-count."-Saad naman ni Reign. The blogger and photographer to be. Multi-media artist kasi. Madalas nga niyang gawing model ay si Natalie, minsan lang si Ingrid kasi busy. Ako, never pa. Busy ako eh. Hehe. "Ay nga pala! Muntik ko ng makalimutan. Punta pala kayo next Saturday, may bloodletting kami. Isa ako sa mga mag-a-assist. Syempre kapag maraming nahakot ng magdo-donate ng dugo ang school namin, may credentials din yun."- Si Natalie naman ay nursing student. Hindi nga namin akalaing makakaya niya yun eh. Para kasing siya yung pinaka sosyalera sa amin pero sa totoo lang, hindi siya maarte o madiriin. "Sure! Game ako. Sa Fatima, Lagro ba?"-Tanong pa ni Ingrid bago sumubo ng fries niya. "Hindi eh.. Sa UST na daw kasi mas malaki facilities nila doon." Sa UST daw?! "Sige, sama ako. What time ba?"-Tanong naman ni Reign habang ngumunguya pa ng burger niya. Napatingin naman kaming lahat kay Reign. "At talagang ikaw pa ang nagtanong kung what time ah? Para namang uso sayo ang call time?!"-Sarcastic pang saad ni Natalie. Oo nga naman kasi eh. Always late. Hehe. "Kahit after lunch na, para busog kayo."-Natalie "Bakit? Wala bang pakain dun kapag nag-donate?"-Ingrid. "Meron! Unli lugaw!"-Sabay subo pa ni Natalie ng fries niya. Umirap naman sina Ingrid at Reign. “Ano yan? Feeding program? Hindi ako mabubusog sa lugaw lang noh.”-Reign Sa pagkukwentuhan namin, hindi ko na namalayan kung gaano na kami katagal ditong nag-iingay. Sanay naman na siguro ang management ng store na toh sa amin. Hehe   Pero wait?! Was it him? Humarap ka please na kaun-- OMG! It was him nga! "It was him."-I murmur. "Hahaha, oo nga! -- Ano yun Madz?"-Ingrid "It was him. Yu-yung sa bus! Yung lalaki sa bus!"-Parang hindi pa rin ako makapaniwala. "OMG?! Si bus boy mo?! Gosh, nasaan?!"-Parang nagpa-panic mode na sila. "Saan Madz?!"-Natalie "Dun! Y-yung naka-gray na shirt, tapos yung kasama niyang guy, naka-white polo." "Ano pang tinutunganga niyo dyan?! Tara! Habulin natin!"-At bigla na sila lumabas ng mcdo, halos maiwan naman ako dito pero sinundan ko naman din na sila. Si Ingrid ang always master mind sa ganito. Nangunguna siya na parang kilala yung lalaking tinutukoy ko. "Natalie, Reign, sa baba kayo! Kami ni Maddi sa taas! Kapag may nakita kayong naka-gray daw na lalaki, i-check niyo kung pasok sa description ni Madz ah? Baka siya yun!"-Natataranta namang utos ni Ingrid. "Game!"-Gatong naman ang dalawang ito. Mga pasaway talaga mga ito. Nanakbo kami ni Ingrid kung saan, panay pasok niya sa mga store dito sa mall, medyo nakakahingal na pero siya, parang wala lang. Kung sumuong kung saan, akala mo talagang napakaimportante ng hinahanap namin. "Ahm- saan na ba siya?-- Excuse po! Excuse po!-- Ngih! Ang pangit! Hindi siya yan for sure!"-Grabeng Ingrid ito. Lahat talaga ng lalaking makita niya na naka-gray, tinitingnan niya isa-isa ang mukha. Nakakahiya na talaga. "Huy magdahan-dahan ka naman! Hindi naman ito amazing race! Mall toh, hindi labyrinth!"-Sinusubukan kong pakalmahin ang pagka-hyper nito.   "Hoy ano??!!" Nagulat naman ako at biglang sumigaw sa ibaba si Ingrid ng harang. Pambihirang babaeng ito. "Nakita niyo ba??!!" Grabe! Nakakahiya mga ito! "Wala eh! Diyan ba?!"-Rinig kong sigaw pa ni Natalie na nasa babang floor. Feeling yata nila kaming apat lang ang tao dito sa mall. Tsk! "Hanapin niyo lang! Hindi pa nakakalayo yun!"-Sigaw pa ni Ingrid. Baka akalain ng mga tao dito may hinahanap kaming kriminal. Nakakahiya talaga! -------------------------------------------------- Third Person's POV~   Sa patuloy ng paghahanap ng apat na magkakaibigan sa lalaking hindi naman nila kilala, tila hindi pa rin sila sumusuko. Pawang mga determinado ang mga kaibigan ni Maddi na matagpuan ang lalaking tinutukoy niya. Kahit anong pigil niya sa mga ito, tila mas gusto pa nitong makita ang lalaking nakasabay sa bus kaysa sa kanya. Nakakahiya man ang asal nila, wala naman siyang magawa dahil mahalaga sa kanya ang mga ito. Wala rin naman siyang ibang pagpipilian kundi sumama sa mga ito. "Pre, restroom lang ako ah?"-Pagpapaalam ni Jef sa kaibigang si Carl. "Dito lang ako sa Quantum pre!"-Sagot naman nito sa kaibigan. Kalaunan ay nagdaan sina Ingrid at Maddi sa may Quantum at nagbabakasakaling doon makikita ang hinahanap. "Grid, intay naman? Kung makahagilap ka dyan, parang namumukhaan mo eh!"-Pasigaw na saad na ni Maddi kay Ingrid ng halos maiwanan na ito ng kaibigan. "Bilisan mo kasi! Baka mawala pa yun!"-Sagot lang ni Ingrid na pinagtitinginan na ng ibang tao dahil kung makahanap akala mo may hinahanap na kriminal. "Wait lang-- ahh!" "Oops! Sorry miss.." Sa pagmamadali ni Maddi, hindi niya namalayan ang naglalakad na si Carl kaya nabangga niya ito. "Ay sorry po. Hindi kita nakita."-Paghingi nito ng paumanhin na tila nahihiya sa ginawa. "Hindi, ayos lang."-Ngumiti naman sa kanya ang binata na tila naibigan siya nito. "Sorry ulit."-At dali-dali naman siyang iniwan na ito para sundan na si Ingrid.   Sa kabilang banda, sina Reign at Natalie naman ay napagod na kahahanap sa hindi naman nila kilala. Huminto na sila at bumili ng makakain. "Nakakapagod noh? Nahanap kaya nila?"-Tanong pa ni Natalie habang kumakain ng hotdog sandwich na binili. "Malay ko. Ginutom ulit ako eh."-At kumagat na rin si Reign sa kanyang sandwich.   "Hoy mga walangyah!!!"-Napatingin ang dalawa sa sumigaw na si Ingrid. Papalapit na sila ni Maddi sa mga ito. "Oh hi girls! Nakita niyo ba si bus boy?!"-Pagpapalusot ni Reign. "Eh papaanong mahahanap, lumalamon lang kayo dito?!-- Kuya, dalawang with tinapay rin ah?!"-Pag-order niya din ng pagkain. "Anong nangyari? Wala din?!"-Tanong pa ni Natalie. Nagkibit balikat lang naman si Maddi sa kanya.   Dahil sa nauwi sa wala ang paghahanap nila sa lalaking nakasabay ni Madison sa bus, napagdesisyonan nilang manood nalang ng sine bilang pampalipas ng oras. "Fifty Shades of Grey?"-Reign. "Crazy Beautiful You?"-Natalie. "Or Cinderella?"-Ingrid. "Hmmn???"-Sabay-sabay pang pag-isip ng apat sa panunoorin nila. "Sa Fifty Shades? Sino may gusto?"-Reign. Nagtaas siya ng kamay pati si Maddi. Pero napatingin kay Maddi ang lahat. "Why?!"-Sagot naman ni Maddi na mukhang hindi makapaniwala pa ang mga kaibigan niya sa kanya. "Sige ako na rin!"-Nagtaas na rin si Ingrid. "Hala! Rated SPG yan eh!"-Natalie. "Kaysa naman sa lovestory mong pang PBB Teens?!"-Reign. "Maganda kaya yan! Saka pang family yan! Hindi lang pang PBB Teens! Cinderella nalang! Ingrid?!"-Pagdepensa pa ni Natalie. "Sorry Natz, I changed my mind. Hehehe"-Ingrid. "Oh eh di maiwan ka dito!"-Paghatak na ni Reign kina Maddi at Ingrid, at iniwan si Natalie. "Ang daya!"-Nakabusangot man, wala ng nagawa si Natalie kundi sumama sa mga kaibigan. Pagkabili nila ng tickets ay kaagad naman na silang pumasok ng sinehan.   Sa kabilang banda.... "Oh ano pre? Sisiputin ka pa ba nung ka-date mo?"-Si Jef habang naglalakad sila ng kaibigang si Carl. "Hindi na daw pupunta pre eh. Sayang naman ang tickets ko." "Pfft! Kaya pala ayaw kang siputin eh, first date niyo, fifty shades?! Hahaha." "Eh bakit? Romantic kaya?!"-Depensa ni Carl. "Hahahaha.. m******s lang pre?!" "Tss! Tayo na nga lang manood pre?! Tara!"-Paghatak ni Carl kay Jef. "Wag pare! Virgin pa ako! Hahaha"-Pangaasar pa ni Jef sa kaibigan pero sumama rin siya upang makapanood. ----------------------------------------------------------- Thanks for reading!  Please support this story as it has been applied again for signed stories and Writing Academy contest here at Dreame!  Don't forget to vote and comment! Follow me too! Lovelots! ~KK
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD