Maddi's POV~
"I'm on my way. I'm sorry."-Talking Ingrid over the phone.
(Its okay, were just got here too. Ingat ka..)
"Okay sige. Bye!"-I hanged up.
Medyo binibilisan ko na ang paglalakad kasi ang layo ng binabaan sa akin nung bus dito, nilagpas kasi ako. Kailangan ko pa tuloy maglakad pabalik. Hays.
Ngayon ang blood letting project ni Natalie, muntik ko na nga makalimutan, mabuti't tinawagan niya kami kagabi. Galing pa kasi akong dorm malapit sa school kaya medyo gahol din sa oras.
"Hi Madz!"-Bungad ni Natalie.. "Let's get inside?"
She lead our way papasok ng school na toh. Hindi siya dito nagaaral pero dito daw gaganapin eh.
Pagkapasok namin sa school, diretso kaming parang gymnasium. Sa loob ay nagkalat ang mga puting tent sa paligid at may kanya-kanyang mga naka-assign na pangalan ng mga schools.
Ang dami ding mga tao, lalo mga estudyante. Nagkalat din ang mga volunteer student nurses sa paligid para mag-assist.
"Tara? Timbangin ko muna kayo kung qualified kayo."-Saad naman ni Natalie nang makarating na kami ng assigned tent nila.
Mukhang may mga nauna na sa aming mga magdo-donate ng dugo.
Tinimbang kami at si Reign lang ang hindi umabot sa 110 lbs. Ang payat kasi.
Since dalawa kami ni Ingrid ang pasok, pina-fill up-an na kami ng form at nakapila na para sa blood pressure at blood type test.
"Ang daya! Kayo lang pasok!"-Halatang nanghihinayang din siya na hindi siya makakapag-donate.
"Kumain ka pa daw ng marami."-Ingrid.
"Eh malakas pa akong kumain sa inyo eh!"-Pagmamaktol pa ni Reign.
"Abah?! Malay namin sa alaga mong dragon sa bituka?!"-Ingrid.
Matapos ng test ay pumasok na kami sa loob ng tent para maumpisahan ng makapag-donate. Naiwan naman si Reign sa labas at si Natalie ay taga-assign ng mga dumarating na donor.
"Dito nalang po kayo mam sa couch."-Pag-assist sa amin ng kaklase yata ni Natalie.
"Dito tayo Madz, para tabi tayo."-Nahiga na si Ingrid sa couch, sa tabing couch naman niya ako. Mga nasa limang couches din yung nandito.
"Relax lang po muna kayo, tatawagin ko lang po yung ibang mag-a-assist sa inyo."-Then she left us.
"Kinakabahan ako Madz, parang masakit!"-Mukhang kabado nga si Ingrid.
Matapang nga yan, maliban sa kahit anong karayom. Lalo kapag ia-anesthesia na. Takot yan sa doctor eh, lalo sa dentista. Which, I will be soon. Hehe
"Wag mo nalang tingnan, parang kagat lang yan ng langgam."-Pagpapakalma ko sa kanya.
"Antik kamo! Hmmp! Maddi!"-Nagmamaktol na siya.
Ilang minuto na ang nakalipas sa pag-iintay namin, pero hindi pa bumabalik yung kaklase ni Natalie na unang nag-assist sa amin.
"Tagal naman! Lalo tuloy akong kinakabahan eh!"-Reklamo na ni Ingrid.
"Kasi nga, mag-relax lang daw muna."
"Hi, I'm sorry for keeping you two waiting."
Oh-oh?! This can't be real.
"Ah- okay lang. Game na ba?"-Tanong ni Ingrid sa pumasok malapit sa kanya.
"Pff-- ahm, sige po mam, mahiga lang po kayo ng maayos."
Oh my goodness!
Was it him???!!!
"Your name miss?"-Pag-interview na niya kay Ingrid. Tapos ako dito tulalang-tulala pa rin sa kanya.
"Ingrid Javharia Mosetta. Type AB+."-Sagot naman ni Ingrid sa kanya na walang kaide-ideyang siya na ito!
"And you are miss?"
Grabe! Ngayon ko lang siyang natitigan ng ganito katagal! Am I drooling over him?!
"Ahm- Miss?!"
"Huy Maddi! Tinatanong ka ni kuya!"-Sigaw ni Ingrid kaya nagulat ako.
"Ah-huh?!"
"What's your name?"-He smiles.
Oh God!
"Uh- Ma-Madison.. Madison Arevallo.."-I can't take my eyes off him!
Umalis siya pagkasulat niya ng pangalan namin. Nagpunta siya sa may mahabang table kung saan nandoon ang mga kagamitan tulad ng mga blood bag, host at mga karayom.
"Anyare sayo? Tulaley much kay kuya?! Pa-obvi ka Madz ah?"-Pangaasar ni Ingrid. Nako! Kung alam mo lang!
Hindi ko nalang siya pinansin at nahiga na akong ulit.
Takte! Hindi naman ako kabado kanina, pero ngayon ang lakas ng pintig ng puso ko! Baka makasampung blood bag ako nito sa lakas ng pulso ko.
May dumating pang isang lalaking nakaputi rin at mukhang student nurse din.
Matapos nilang ihanda ang mga gagamitin, pumuwesto na yung isang guy kay Ingrid at pinulsuhan ito.
"Ugh?!"-Pamimilipit ni Ingrid. Takot kasi.
"Its okay miss pinupulsuhan lang kita."
"Kuya, wag po, masakit."-Napapapikit naman si Ingrid.
Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya para sa babaeng ito.
"Kinakabahan ka rin ba?"
Bigla akong ngka-mini heart attack ng magsalita siya sa tabi ko.
"Uh? H-hindi."-Susme! Kinakabahan talaga ako eh!
He smiles again.
Kinuha niya ang kamay ko na ngayo'y nanlalamig na.
"Your hands are cold."
"P-pasmado lang."-Whew!
Kinapa-kapa na niya ang braso na tila kinakapa ang ugat ko para dun na tusukan ng karayom.
"Game?"
"Ah-huh?!"-Shemay! Para akong lutang!
"Pff--"-Nakakahiya na katangahan ko!
"Madison, right? Ready?"-Tinusok na niya ang karayom sa braso ko at medyo nakaramdam ako ng kirot. "Relax lang."-Then inabutan niya ako ng stress ball.
Mukhang nakatusok na rin kay Ingrid ang karayom at nananahimik lang.
"Huy, Maddi, musta?!"-Mali pala ako.
"Okay pa. Ikaw?"-Pareho kaming nakapatagilid ng tingin sa isa't-isa. Lumabas naman na sila at iniwan na kami ni Ingrid dito.
"Bwisit si kuya, lam mo ba?"
"Bakit?"
"Parang may galit eh. Hindi lang pinisil ang braso ko, halos kurutin na ako! Ang lalim daw kasi ng mga ugat ko. Feeling ko nga puro pasa na toh mamaya eh. Tsk!"-Reklamo pa niya.
"Okay lang yan. Minsan lang naman eh."
"At hindi na talaga mauulit!"
Pero mas hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon! Si bus boy, nagkita kami ulit!
Hindi ko mapaliwanag kung masaya ba o nakakakaba. Tss.
"Huy Madz, type mo noh?"-Mukhang nang-iintriga namang tanong ni Ingrid.
"Sino?"
"Wushu! Wari ka pa! Sumbong kita kay bus boy mo!"-Kung alam mo lang Ingrid!
"I have to tell you something, but promise me that you won't shout?"-Was it a deal or a warn?
"Tell me!"
Oh my! Breathe Maddi breathe!
Hindi ko alam kung papaanong sisimulan. Parang natutuyo ang lalamunan ko.
"I-- It was-- him."-Nauutal kong saad.
"Huh?!"-Todo confuse naman siya.
"I-It was him. Th-the bus boy?"-Please don't shout!
"What?! Who?!"-Bulong niya. Whew!
"Th-the guy who assist me! Yung unang pumasok kanina. Siya yun."
And she was like…
"For real?!"-Hindi pa rin siya makapaniwala. "That was your bus boy?!"-I nod to her. "Ugh! Aaaaahhh!!!!"-That was so scandalous.
"Huy ano ba?"-Pagsuway ko sa kanya pero ang lakas ng tili niya. Napatingin na sa aming lahat ang mga nakahiga din sa couch.
"OMG! Nagkita na rin kayo!"-Tili pa niya.
"Huy, ano ba? Shh!!!"-Pambihirang Ingrid ito.. Nakakahiya!
"What happened?!"-Rinig ko ng pumasok si-- si bus boy sa tent. Mukhang nagaalalang ewan.
"Aaaah-- ouch! Sumakit po eh! Bigla pong kumirot!"-Pagpapanggap ni Ingrid at natigilan na rin sa pagsigaw. Whew!
"Sumakit ba? Gusto mo bang tanggalin na natin?!"-Bus boy.
"Ah- hindi! Okay lang! Okay na ako. Hehe"-Grabeng kahihiyan ito!
He looks at me and smiles..
Whoa?! What's on of his smiles?!
I just smiled back, of course.
Inasikaso niya si Ingrid at ngayo'y nakatalikod siya sa akin.
Nagme-make face si Ingrid sa akin na tila nangaasar na parang kinikilig na ewan. Basta! Ngiting-ngiting tagumpay! Tss.
Sinisimangutan ko lang naman siya. Loka-loka talaga ang babaeng ito. Baka makahalata si-- Jef?
"Relax ka lang miss ah? Baka mabunot yung karayom eh."
"Ah- opo--"-Parang may tinitingnan siya kay bus boy.
"Ahm- Jefferson. Jef nalang."-He said. And I was in a total coma!
"Ooh?! 'Jefferson'? 'Jefferson Alejandro' daw oh! 'Jefferson Alejandro'!"
Botchang Ingrid ito! Pinagdidiinan pa niya yung pangalan ni Jef na tila nagpaparinig sa akin.
"Yes, Jefferson Alejandro."-Oh Lord! Kunin niyo na po si Ingrid!
"Nice meeting you 'Jef'! I'm Ingrid again, 'Jef'!"-Kung hindi ko lang talaga kaibigan toh Lord! "And that was my very pretty, kind, talented, smart and very very pretty again na best friend, 'M-Madison Arevallo'! 'Madison Arevallo'! 'Maddi' for short. Hehe.-Hindi ako nananakit pero parang ngayon lang ako nabwisit ng ganito sa kanya. Ipagdiinan daw ba ang pangalan ko?!
"Ah- yes. I know, Maddi."-He looks at me and I can hear my heart beating that was so fast!
Nag-make face na naman si Ingrid na daig pang naghihinala. Pambihira talaga! Sobrang nakakahiya!
"Uh- hi."-Shemay! Bakit ako nauutal?
"I'm Jef."-He reaches his handt to me. I'm shivering, how can I take that?!
"M-Maddi."-I slowly hold his soft hand but loosen immediately. Pasmado ako eh!
Matapos namin kuhaan ng dugo, kaagad ng kumaripas ng labas ng tent si Ingrid at iniwan ako dito kasama lamang si-- si Jef lang naman! Tsk!
"Aren't you feeling dizzy or anything?"-Medyo nagka-mini heart attack ako nung nagsalita siya sa tabi ko. Kakalagay niya lang ng bulak at tape sa pinagtusukan ng karayom sa braso ko. Medyo makirot pa yun.
"Uh-- ahm.. N-not so."
"Good."-He smiles and I can't stop drooling over him. Gosh!
I've never felt this kind of unconciousness in myself. It's insane.
"You know what, you seems familiar."-Pambasag naman niya ng katahimikan namin.
Oh God! Kilala na niya ako! Shemay! Kailangan ng mag-escape mode!
"Uh-huh?!"-Pagmamaang-mangaan ko. Takte! Kinakabahan lalo ako! Para akong sisintensyahan dito! Gusto ko ng lumabas!
"Yeah, I think I saw you before. Are you studying here too?"-Mukhang pilit nga niya akong inaalala. Naman oh!
"No, I think not. I've never seen you before."-Oh my! Kumagat ka please! (Cross-fingers)
"Okay. Nice to meet you then."-He smiles again. Bakit hobby niya yan?! Tsk!
Oh my! I don't want to look at him but my eyes keep on landing on him! I feel sweating right now.
.
.
.
After ng nakaka-intense na paguusap na yun. Kaagad na rin akong lumabas ng tent, and as I expected..
"OMG!!!"-Hiyawan ng tatlo pagkahatak nila sa akin sa likod ng gym. Wala rin taong nadaan dito kaya kahit maghiyawan ang mga toh, walang makakarinig.
"Oh my God! I can't believe it! Kanina ko pa nga gustong-gustong sumigaw sa tuwa! Kung pwede lang na tumambling kanina kaso may nakaturok sa akin eh!"-Daldal talaga ng Ingrid na ito.
"Oh my Maddi! In fairness, panes! Ang gwapo kaya nun! Siya lang pala si bus boy mo?! Akalain mo yun?! Kahapon lang kami nagkakilala kasi sila yung na-assign na student nurses para sa school namin, tapos best friend kita. Whaahhh!"-Mukhang nanalo din sa lotto sa tuwa itong si Natalie.
"Oh Madison! Destiny na ito! Whahaha!"-At tuluyan ng nawala sa sarili ang Reign na ito. Magtatalon daw ba na parang nanalo ng jackpot talaga.
"Stop it guys, baka may makakita ng kabaliwan niyo dito!"-Natatawa ko nalang pagsaway sa kanila.
"Whatever!!!"-Sabay-sabay pa nilang sigaw sa akin. When I say 'sigaw', as in sigaw from the diaphragm nila.
Hay grabe! Wala sanang makakita sa kabaliwan nilang parang mga nanalo sa lotto magwala. Mga wa-poise na! Ang gaganda nila pero mga bakulaw kumilos. Magtatatalon daw ba na pataas-taas pa ng mga kamay. Grabe talaga! Daig pa mga matsing na binigyan ng saging.
Napapa-face palm at iling nalang ako sa mga ito. Lord, papaano ba ako napunta sa barkadahang ito?
.
.
.
Since narito na rin kami at magkakasama, inintay nalang namin matapos ang duty ni Natalie. Medyo matiyaga kami eh. Hehehe
Nakatambay lang kami sa may open field at nanonood ng mga naglalaro ng soccer, nagpa-practice ng cheer dancing at kung anu-ano pang trip ng mga grupong nandito.
"Grid, tingnan mo yun oh? Ang cute niya. Kanina pa tingin ng tingin dito."-Pagngungutya ni Reign kay Ingrid. Pinaggigitnaan kasi namin siya.
"Hmn? Paano mo naman nalaman? Kanina ka pa rin nakikipag-eye contact noh?!"-Sagot naman din ni Ingrid.
"Hindi ah?! Nagkakataon lang na napapatingin ako tas nahuhuli ko siyang nakatingin dito!"-Depensa naman ni Reign.
"Asus! Type mo naman?! Patingin nga? Gwapo ba?"-Hindi rin nakatiis ang isang ito.
Madalas nilang gawin ito kapag magkakasama kami, ang mag-boy hunting!
Pero kahit ganyan mga yan, hindi naman sila mga sluts or w****s na nakikipa-make out or something kung kanino. In fact, mga NBSB kami kaya na rin siguro ganito ang mga ito.
Minsan nakikisama ako sa kanila kapag trip ko, tapos ibubugaw nila ako. Mga walangyah lang din.
"Medyo gwapings nga?! Ang payat naman!"-Laitera man yan, may point din naman. "Huy Madz, alam mo? Tingin ko type ka na nung bus boy mo! Wagas kung makatingin sa'yo eh. Malagkit pa sa biko."-Dagdag pa ni Ingrid.
"Papaanong hindi ako tititigan nun eh mukhang namumukhaan nga niya yata ako?"
"Talaga?! Kilala ka na niya?!"-Reign.
"Nope. Syempre de-ni-ny ko. Sabi niya familiar daw ako, pero sabi ko never pa kaming nagkikita."
"WHAT?! Bakit hindi ka umamin?!"-Sabay pa nilang singhal na tila naluging kalabaw.
"And--why would I do that?"-Takang tanong ko rin.
"Kasi siya si bus boy mo at ikaw ang bus girl niya!"-Reign.
"What's the point?"-Pamimilosopo ko.
"Is it amazing na una kayong nag-meet sa bus then pinagkita ulit kayo dito?!"-Ingrid.
"Destiny na yun Madz!"-Reign.
May point nga sila dun pero parang ang dali di ba ng sinasabi nila? Palibhasa hindi naman sila yung nasa sitwasyon kong yun! Hindi naman sila yung nilalamon ng kahihiyan nun!
"Maybe this is your chance! 'He' is your chance!"-Ingrid.
I raised my brow to them that is so confused. But then they did that too to me like critizising me.
"Oh sige ganito nalang! Kapag nagkita pa kayong muli-- once again lang! Ibig sabihin nun, siya na talaga!"-Ingrid.
"Para namang non-sense ang sign mo? Malay mo magkasalubong pa kami dito?"
"Eh di kapag naka-puti siya."-Reign.
"Isa ka pa! Malamang! Uniform niya yun eh!"-Tinawanan lang ako nung dalawa. Mga pasaway talaga.
"Pero Madz, eto talaga.. Why don't you try make friends--"-Ingrid.
"Make out!"-Reign.
"I mean, para naman lumawak ang circle of friends mo!"-Ingrid.
"Tapos kapag may mga friends siya, pakilala mo kami ah?!"-Ang ligalig talaga ng Reign na toh.
"Hay nako! Tigilan niyo ako! Wala pa akong balak mag-boyfriend! Kung gusto niyo, kayo nalang ang mauna!"-I insist.
"Wooshu! Bibigay ka rin!"-At pinagtutulungan pa ko ng dalawang ito?!
Eh ano bang alam ko sa love life na yan?! Ni hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend o nagkakaroon ng manliligaw man lang!
Okay, meron namang nanliligaw pero hindi mga seryoso eh.
Unlike sa mga ito, may nakaka.M.U na pero not that official. Pang Magulong Usapan lang ba.. Eh ako? Wala kahit isa! Yung crush ko, celebrity pa!
.
.
.
Ilang oras na siguro ang lumipas bago natapos ang blood letting event na ito.
Nakapaglibot na rin kami ng university kaiintay kay Natalie at sa wakas, ngayo'y makakaalis na kami. Magdi-dinner nalang muna kami sa malapit na mall.
"Wait lang, restroom lang ako. Baka sa byahe pa ako abutan eh."-Pagpapaalam ko sa kanila.
"Bilisan mo ah? Gutom na ako!"-Reign.
Naglakad na ako palayo sa kanila. Sa may gym nalang ulit na restroom ako pupunta.
Marami pang taong naiwan dito, mga taga dito nalang sigurong mga estudyante.
Matapos kong mag-restroom ay lumabas na ako, baka mainip ang mga yun.
"Sige pare! Sunod ako!"
"Oh? S-sorry!"
"Sorry!"
Oh-oh?!
"Ahm- Hi? Madison, right?"-He smiles.
"Uh-- ye-yeah. J-Jefferson?"
"I'm glad you didn't forget."
How could I?!
I fake smile to him. Because deep inside, I'm all in ashame! Gosh!
"Ah- I'm sorry I didn't see you coming, may iniisip lang kasi ako."
"N-no, its fine! Ako nga hindi nakatingin sa dinaraanan ko. Nakatingin kasi ako sa barkada ko."-Why he can't talk without smiling or that grinning thing?!
I nod but I can't look at him straight. Its like that, I'm only gonna look at him when he's looking away.
"Uh- I'll go ahead."
"Where's your friend? Are you alone?"
Medyo nagulat ako sa tanong niya. Concern?
"Ah- nandoon na sila sa may exit. I-ikaw ba?"-Whew! Tama ba? Talagang magtanong pa ako?
"I see. Yung best friend ko rin, iniintay lang din ako."
Sa totoo lang, hindi ko akalaing magkikita pa kaming muli at ngayo'y naguusap na talaga kami?!
Tumay-ming lang ako magpaalam na hindi lang dahil nagtatagal na ako, kundi ko na alam ang gagawin o sasabihin pa sa kanya.. It’s totally awkward.
"Ahm-- S-see--"
"You know Madison, you really seems familiar. Are you sure we haven't met yet?"
Nako naman oh! Ini-insist niya talaga yan?!
I fake a smile again. "Uh-ha-ha, no!"-Uh-hahaha. Naman oh!
"No, no! I'm sure with that! We've met before! Ahm-- wait.. Did you take your high school here?"-Mukhang iisa-isahin pa yata nito ako.
"Nope. "
"College? Then you just transferred somewhere?!"
"No."
"Have you been in some medical seminars or some other so-called thing?"
Umiling naman ako. "Dental missions, maybe."
"Ahhm-- wait, wait.."-Mukhang nagiisip siyang mabuti kung saan nga kami nagkita.
Samantalang ako, yung ang bagay na hindi-hindi ko malilimutan.
"Hhss! Argh! I'm sorry, naabala pa kita. Hindi ko talaga matandaan eh. But one thing for sure! I saw you before."
"Really? I didn't know that."-I tease. Play safe Maddi. Wag kang magpapahalata.
"Yeah. I'm sorry."-He bit his lower lip.
"I have to go Jef. It was so nice to meet you here."-Eh bakit nakangiti ako?
"Pleasure's mine Maddi. Hope to see you again here?"
Oh my! Mini goosebumps!
"M-maybe? I don't know."
"See you then?"-Then, nilahad niya ang kamay niya sa akin.
Napatingin ako dun at may pagaalinlangan kung tatanggapin ko ba ang pakikipagkamay niya.
He really wants to see me again?!
"S-see you then."-In the end, nakipagkamay na rin ako.
Kakaibang panlalamig ng mga kamay at paa ang nararamdaman ko ngayon. Ngayon palang kami nagkakilala pero bakit parang gusto ko siyang makitang muli?
Tama nga kaya sila?
Baka destiny daw?
I walk away from him. Finally, I can release my nervousness.
I can't believe this!
Should I tell it to them?!
Baka malamog na naman ako sa mga yun kapag sinabi ko ito. Mas kinikilig pa sila sa akin eh.
W-wait?! Teka?!
Ako? Kinikilig?!
No no no!
I'm not crushing that guy! Not yet!