Maddi's POV~
It’s been a busy day and a long run! Exhausting but its all worth it knowing that I've finished all my patients in their dental cases. I could pass now my papers. Its definately a great end of semester.
Matapos ng klase ay dumaan muna ako ng dorm para ayusin ang mga gamit kong iuuwi. Break na rin sa wakas eh, makakahiga na muna ako kahit panandalian lang.
Pagkakuha ko ng mga gamit ko, ang ending, malaki pa sa akin ang bagahe ko. Para akong nagbabalik bayan nito ah. Pero okay lang, makakauwi na rin ako sa wakas!
Sa haba-haba din ng nilakad ko mula dorm hanggang Morato para makasakay ng bus pa-Fairview, nakarating din ako. Pinagtitinginan nga ako dahil mas mukha yata akong naglayas kaysa uuwi.
As usual, rush hour. In demand ang mga bus at jeep. Ang hirap na namang sumakay! Tinutubuan na naman ako ng ugat sa pagtayo, mabuti nalang at hindi umuulan ngayon kundi mukhang kawawa na naman akong uuwi.
Actually, since that day, nung muling pagkikita namin nung blood letting, a few weeks ago. Hindi talaga siya mawala sa mga thoughts ko.
Hindi sa pinapantasya ko siya ah, kundi yung tatlong loka ay walang humpay at walang ibang bukang bibig kundi siya! Kainis di ba?!
Kung makikita lang daw nila ulit yun, hindi na daw nila pakakawalan.. Parang sila yata may gusto dun, hindi kaya?
Makalipas ng halos oras na sa pag-iintay, pinatos ko na ang kahit anong bus na madaan lang ng Fairview. Kahit mag-alternate way ako o sumakay ulit, okay lang. Makaalis lang dito sa Manila. Pahirap talaga eh.
Sumakay na ako sa bus ng pa Sapang-Palay at syempre standing ovation. Pero keri nalang, kahit sumabit pa ako.
Sway dito, sway doon. Grabe lang magmaneho si manong driver! Kung yung iba nagrereklamo kasi mabilis, ito naman sobrang bagal! Tapos halos nagmu-moon walk at strut ako na ala Michael Jackson everytime na magbi-break siya para huminto sa lahat ng kanto at over-pass ng Espanya! Jusme!
Sa bagal ng bus na ito, kahit nakatayo na ako, nakakaantok pa rin. Todo kapit nalang ako sa mga handle at baka matuluyan akong mag-planking dito.
Nakapikit na ako at nakikiramdam lang bawat paghinto. Inuusog ko ang pwetan ko kapag may mga bumababang pasahero, mabuti't nailagay ko pa sa taas ang bagahe ko kaya not so hassle mag-standing.
Hindi ko alam kung nasaan na akong parte ng mundo sa bagal ng byahe, traffic pa yata kaya bibihirang umandar. Madilim na rin at gutom na ako. Sana naman magkahimala na bumilis ang bus na ito.
Pasilip-silip lang ako sa bintana ng bus at kapag sinuswerte ka nga naman, bumaba yung nakaupong lalaki sa tapat ko! Nakakahiya naman kasi ang pagiging 'Gentleman' ng ibang mga pasaherong lalaki eh. Ang lalaki ng mga katawan, hindi man lang magpaubaya sa mga babae. Kahit yung matatanda nalang ba. Tsk.
Kinalabit ko yung katabi kong mas matanda sa aking babae. "Ate? Upo po kayo."-Pag-alok ko muna.
"Ay thank you, pababa na rin ako sa may overpass."-Then nginitian niya ako kaya ngumiti din ako.
Okay, since wala naman ng pwedeng offer-ran (alangang lalaki ang alukin ko? Di bale sana kung matanda. Kaso wala eh.) naupo na ako sa bakanteng upuan. Ayaw pang umusod nung lalaking nasa may unahan kaya pumasok pa ako para makaupo sa may bintana. Baka pababa na rin siya.
Hays. Ang layo ko pa pala. Makakapagpahinga pa ako.
Sumandal na ako sa may bintana at pumikit. Sobrang pagod ako at inaantok pa.
Ang alam kong gising pa ang diwa ko pero ang katawan ko ay bagsak na. Wala na akong paki sa paligid. Malayo pa naman ako. Hindi ko pa naririnig yung bababaan ko na sinisigaw ng konduktor.
Toink! Toink!
Hmn? Ano ba naman itong bumabanggaang ito?
Toink! Toink!
At talaga namang inulit pa?
"Ah-- ahm. "-Pagkalabit pa sa akin ng katabi ko.
Dahan-dahan akong sumilip pero hindi ko siya matanaw. Tinatamad ako eh.
"Sabi na eh. I've seen you before."
Huh?!
Dahan-dahan ulit akong bumangon at nilingon ang katabi ko.
"H-hi?"
Oh-oh?!
Oh my?! I can't believe this!
"You’re the bus girl I've met before, aren't you?"-He smiles.
If you ask, Yes! It was HIM! Again!
"H-huh?"-Hindi sa nagbibingi-bingian ako o ano, kundi hindi ako makapaniwala na nandito siya!
Nagkita ulit kami?! At--
At nakaputi siya?! Ay hindi, ay oo! Nakaputi siya!
Parang may biglang may mga nagtatakbuhang kabayo sa dibdib ko. Kinakabahan ako na nabibigla pa. Hindi ko pa ma-absorb na nandito siya sa tabi ko.
"Pauwi ka na rin?"-Tanong pa niya.
Nag-nod muna ako.. "O-oo."-I pause. "Ikaw?"-Pagaalangan ko. HInd talaga ako magaling sa pakikipagusap lalo kapag sa ibang tao.
"Oo eh. Uuwi na muna ako sa lola ko. Sem break naman na."-Ang cool niya lang talagang magsalita. Kahit ang hot niya. Ay ano ba?!
"I see."-Okay, mental block na ako.
"Saan ka ba?"-Good thing siya naman ang magaling sa ganito. I wonder kung sanay na talaga siya.
"Ah-- sa may fairview lang."
Oh my! Ngayon ko lang siya natingnan ng ganito kalapit. Am I drooling again?
"I'm glad to see you again, bus girl."-He seems teasing me
I giggled. "Yeah, yeah. I'm sorry for that. "-I play it cool.
"It's okay. Natulog nga din ako nun. Nakakahawa ka kasing matulog eh."-He smiles again.
I admit, masaya ako nakita ko siyang muli, at nagkataon pa talaga na sa bus ulit.
Nagkukwentuhan lang kami at nawala na ang antok ko.
Hindi ko alam na madaldal din pala siya pero gusto ko yun dahil hindi talaga ako magaling sa pakikipagusap. Kumbaga, boring akong kausap. Pero siya, nag-e-enjoy talaga ako.
"Really? For almost 8 years na kayo magkakaibigan?"
"Yeah. Eh kayo nung best friend mo?"
"Since elementary I guess? Takot mahiwalay sa akin yun eh, kaya kinuha niya rin yung course na kinukuha ko."
"It’s that what you want?"
"Hmm- its kinda.. How 'bout you?"
Umiling-ìling ako. "Not so."-He looks interested. "Yun kasi ang gusto ng papa ko eh. Eh sino bang nagpapaaral sa akin? Syempre sila ang masusunod."
"And what do you want then?"
"Architecture?"
"T-that was amazing. I used to dream to become an engineer."
"Really?"-This is unbelievable. Same interests, same ending up course. What a coincidence?!
"You hungry?"-Napatingin ulit ako sa kanya.
Napangiti ako dahil parang nakakahiyang aminin, pero gutom na talaga ako eh.
Mukhang na-gets naman yata niya ako. Tumayo siya at parang may inaabot sa itaas. Yung bag niya yata.
Pagkaupo niya ulit, binuksan niya ang bag at tumambad ang-- mga pagkain?
As in, itong buong bag pack niyang ito puro pagkain?
"Whoa? Hindi ka ready ah?"-Pagbibiro ko.
"Madalas din akong abutan ng rush hour sa byahe. Kaya nakasanayan ko ng magbaon ng mga pagkain. Burger?"-Sabay abot niya ng burger sa akin.
"Thanks."-Kinuha ko yun at medyo mainit pa. Lalo tuloy akong ginutom.
Kumain kami sa byahe na parang nagpi-field trip lang. Kakaibang experience ito kasi kapag sa byahe, hindi talaga ako kumakain. Unless alukin ako ni Reign.
Kumain kami pero may isang bagay yata akong nakalimutan.
"Ugh-ugh!"-Napaubo ako dahil para akong nahihirinan. Wala pa naman akong dalang tubig.
"Oops! Eto oh!"-Dali-dali niyang inabot ang isang litrong C2. "Sorry, walang baso."
"Ugh! O-okay lang!"-Kinuha ko yun at tinungga ko na. Baka mamatay na ako eh.
Nang makainom na ako at mahimasmasan, isasauli ko na sana ang bote kaso nakakahiya namang tinungga ko yun.
"Okay lang yan. Share nalang tayo.. Kung okay lang sayo?"
Napatawa naman ako kasi mukhang hindi naman din siya maselan.
"Oo naman. Ako nga itong nakiki-share lang eh."
Nginitian niya lang din ako at kinuha ang bote. Tinungga niya rin yun sa pag-inom.
Oh my! We are sharing foods and even drinks. It was so awkward but I had to admit it was kinda cute.
Mukhang hindi pa siya solve sa burger kaya naglabas pa siya ng mga junk food, cookies and even breads.. Hindi siya masyadong ready eh noh?!
Nakakahiya man talaga ang peg ko, pasensya nalang. Gutom din po ako eh.
Kumain kami habang nagkukwentuhan. Parang napakatagal ng byahe. At syempre, matapos ang kainan, ano pa nga bang mararamdaman ko? Eh di inaantok.
Hindi ko na namalayang napasandal nalang ako sa may bintana. Ang lamig pa naman din dito sa bus kaya talagang nakakaantok.
Mukhang busy naman si Jef sa paglalaro sa phone niya kaya okay lang sigurong matulog na muna ako.
.
.
.
.
Hindi ko alam kung nananaginip lang ako o ano pero parang ang ilaw sa vision ko eh.
Nasa nakapagandang lugar ako. Parang Garden of Eden kung idi-describe. Mataas ang sikat ng araw. At napakasarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin.
Naglalakad-lakad ako hanggang sa makarating sa parang pa-burol at may malaking puno na pwedeng limliman.
Papalapit palang ako sa puno ng mapansin kong may tao pala dun.
Mukhang lalaki siya pero nakatalikod.
Nacu-curious ako kaya unti-unti akong naglakad papalit sa kanya.
"Ah-- excuse me?"-Pagtawag ko sa lalaki pero parang hindi ako narinig.
Lumapit pa ako at kinalabit siya sa balikat. "Excuse me?"
Mukhang narinig na niya ako at mukhang haharap na siya.
Sino kaya ito?
Bumubwelo siya sa pagharap at--
"Oh terminal na po! Lahat po ng Sapang Palay dyan! San Jose del Monte! Dito na po ang terminal!"
Oh-oh?! Panaginip lang pala?
Naramdaman ko nalang na may gumalaw sa tabihan ko at naalala ko nga palang katabi ko si Jef, pero --
"Uhm--terminal na pala?"-Mukha siyang bagong gising din pero--
Nakatulog na naman ako sa kanya! Whaaaah!
Nakadantay din siya sa akin bago kami bumangon. Kaya pala ang sarap ng tulog ko, nakadantay na ko sa kanya, may kumot pa ako?! Siya kaya naglagay nito.
"Tara na?"-Pag-aya niya. Tumayo na siya at mukhang kami na nga lang ang pasahero ng bus.
"Oh no! Lagpas na ako!"-Medyo nagpa-panic na ako.
Tumayo na rin ako at inabot niya sa akin ang pang ninja turtle kong bag pack. Dali-dali na ako bumaba ng bus at tiningnan ang oras.
"1:47am na?!"-I almost yell. Dinukot ko ang phone ko sa bag ko at kapag sinuswerte ka pa nga naman, dead batt na!
"Hey? You okay?"-Tanong niya mula sa likuran ko.
"Nako lagot! Hating gabi na pala! Ganun talaga ako katagal nakatulog?!"
Nagkibit balikat siya. "I'm sorry. I forget where you have to --"
"Oh no! Kailangan ko ng makauwi!"-Dali-dali akong naglakad papalapit sa mga bus at baka may byahe pang pabalik pero hindi ko naman alam kaya nagtanong na ako.
"Kuya, saan po yung byahe pa-Fairview?"-Tanong ko sa gwardya.
"Ah, pwedeng Quiapo o Cubao. Dadaan ng Fairview yun."
"Ay talaga po? Saan po yung bus?"
"Ay ineng, wala ng byahe ngayon. Last trip na yung pang alas-dose kanina, last arrival na nga yang galing Quiapo."
"HO??!!"
Oh my goodness!!!!
Wala na daw byahe pabalik?!
So paano na?!
Stranded na ako dito?!
"Kung gusto mo ineng mag-taxi ka nalang dyan pauwi."
"Ah- sige salamat po."
Nanlulumo naman ako sa nalaman ko! My goodness!
"Isasakay nalang kita ng taxi para siguradong makauwi ka na. I'm sorry talaga. "
"It's not your fault."
Lumabas na kami ng terminal at talaga naman nagsara na ito.
Ang dilim lang sa kalsada at parang walang nadaan na mga sasakyan.
"Nasaan na ba tayo?"-Tanong ko kay Jef.
"Sa dulo ng San Jose del Monte."
"Saan yun?"
"Bulacan."
"Bulacan?! Gaano ito kalayo sa Fairview?"
"Hindi ko sigurado eh.."-Napabagsak balikat nalang ako.
Nakakainis naman oh! Akala ko okay na ang araw na ito. Natapos ko nga on-time ang mga kailangan ko sa school at nakasabay ko pa ulit si Jef sa bus, yun nga lang-- lumagpas naman ako!
Nagabang kami ng mga dumadaang sasakyan pero puro maiingay na tricycle lang ang dumaraan. Wala man lang jeep o taxi.
"May nadaan ba talaga ditong taxi?"-Pagaalala ko na.
"Meron naman. Ayun!"-Pagturo niya sa dumarating na-- taxi!
Pareho naming pinapara pero hindi man lang huminto! Argh!
"Isnabero?"-Saad pa ni Jef, then naghikab na siya.
"Sorry ah. Nakakaistorbo na yata ako masyado sayo. Hindi pa nga ako nakakabawi sa pagpapakain mo sa akin, sinasamahan mo pa ako dito. Pwede ka ng umuwi. Okay lang ako."
"Okay lang ako. Isasakay na kita. Makukunsensya ako kapag iniwan kita dito ng hindi pa nakakasakay."-Halatang antok na antok na siya. Nakakahiya naman talaga ito.
"Okay lang talaga ako, promise. Umuwi ka na."-I assured but deep inside. Nakakatakot dito!
"Are you sure?"
I nod then smiled.
"All right, take care."-Pinara niya ang nagdaang tricycle. "See you then. Good night Maddi."-Pagpapaalam niya at papalapit na ang tinawag niyang tricycle.
"Thanks. Good night."-Pagaalangan ko.
Hala! Pinagsisisihan ko na pinapauna ko na siya! Nakakatakot dito!
Huminto ang tricycle sa tapat namin at pinasok na niya ang mga gamit niya sa loob.
Oh my! What should I do?!
"Uh- t-teka?!"-Pagtawag ko sa kanya.
Napahinto naman siya at tumingin sa akin.
"W-wag mo naman akong iwan dito oh?! Nakakatakot dito eh!"-Pagmamakaawa ko.
Medyo natawa naman siya.
"P-pwede bang sumama nalang ako sa inyo? Promise, behave lang ako!"-Panunumpa ko pa.
"Of course. I thought you'll never ask."-He smiles. At ano daw? Ine-expect na niya ito?!
"Oh ano? Sasakay ba kayo dyan o magliligawan pa? Hating gabi na oh!"-Eksena pa nito ni manong driver. Kung hindi lang nga hating gabi eh.
Sumakay na kami ng tricycle. Nasa loob ako at mga gamit namin, nasa may likod naman siya ng driver.
Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun, basta ang alam ko, ayoko ng mag-stay pa sa lugar na yun.
Wala na akong ibang malalapitan.. At mukhang wala na ring ibang paraan.
Lulubus-lubusin ko na ang tulong niya kahit pa mawalan na ako ng kahihiyan. Babawi nalang talaga ako sa kanya. Hays..