Maddi's POV~
"Come on in! Don't worry, we don't have a dog."-Then he widely open up the gate of their house.
It was big as I thought even it was too dark here but has a few street lights.
He then unlock the huge wooden front door.
"You alone here? I thought it was your grandparent's?"-I curiously ask.
"Yeah, it is.. But lola's already sleeping this time. We shouldn't wake her up."-He smiles and then opens the door. "After you."-He let me go first, so I did.
It was too dark here, and I see nothing but a shadows and reflections.
He turn the few lights on and I see a beautiful living room. It was such a nice home.
"Welcome!"-He said as he gestured. "You may sleep in my room."
"No, no! I'm fine here. I can sleep here in the couch!"-Pagturo ko pa sofa nila. Ganda kasi talaga dito. Pang mayaman ang dating, lalo yung mga furnitures. Lahat handicrafts.
"Of course you can't! Just-- just sit there, I'll prepare my room here."-Then nagmadali na siyang umakyat. Parang ang pangit ng dating ng sinabi niya noh?
Naupo naman ako sa pinakadulo ng sofa at pinagmasdan ang kabuan ng sala.
Parang country style ang dating bahay. Yung classic old version. Ang ganda talaga! Parang ang sarap sigurong tumira dito.
Kinuha ko naman ang phone ko dahil lowbat nga, makiki-charge na din ako. Baka hinahanap na ako ni mama eh.
Nakoooo!
Papaano ko ba sasabihing hindi ako makakauwi at narito ako ngayon sa bahay ng hindi ko naman ganun kakilala at lalaki pa?!
Hindi kaya makalbo ako ng nanay ko nito?! Naku naman oh!
Makalipas ang ilang minuto, hindi pa rin bumabalik si Jef. Hiyang-hiya man ako sa nangyayari sa akin, wala naman din akong choice!
"Jef?! Jef-jef?!"
Halos napatayo ako sa gulat ng makarinig ako ng nagsasalita. Bukod sa may madilim pang part ang sala na ito, wala naman akong nakikita kung sino yun.
"Jef-jef?! Ikaw na ba yan apo?!"- Rinig ko pa.
Wala naman akong ginagawang masama pero kinakabahan ako eh!
"Sino ka?!"-Singhal sa akin at nakita kong bumababa siya ng hagdanan.
Nagka-mini heart attack ako pero nang malaman kong lola lang pala niya ito, medyo nawala na ang takot ko.
"Ah-- Good--"
"Lola?! Lola?! Bisita ko po siya!"-Nagmamadaling bumababa naman si Jef ng hagdanan kasunod ng lola niya.
"Oh apo? Bisita mo ito?! Gabi na ah?!"-Nagmano naman siya sa lola niyang nasa 60 to 70 years old na siguro. "Kaawaan ka."
Ang galang din pala niya sa matatanda noh? Nakakatuwa talagang makakita ng mga ganyang lalaki.
"Ah lola kasi- napagiwanan na siya ng bus pauwi sa kanila, kaya sinama ko po muna dito para bukas po, makauwi na siya."-Tiningnan naman niya ako.
"Ah- good evening po. Pasensya na po sa abala. Makikituloy lang po muna ako kahit ngayong gabi lang po. Mamaya pong madaling araw aalis na din po ako."-Halos pagmamakaawa ko.
"Ay sus! Kawawa ka naman pala hija! Nako, welcome na welcome ka dito sa bahay ko!"-Nilapitan pa ako ni lola at nili-lead paakyat.
Nagkatinginan at nginitian naman kami ni Jef.
It was such a sweet welcoming.
"Sa kwarto ka nalang muna ng apo ko matulog ah? Magpahinga ka."-Saad pa ni lola. (Nakiki-lola na kaagad ako. Hehe)
.
.
.
Iniwan na kami ni lola nung nasa kwato na kami.
Medyo awkward lang kasi first time kong makapunta o makapasok sa kwarto ng isang lalaki.
Malaki din ang kwarto niya at napakalinis! Mahihiya ang kwarto ko na weekly ko lang nalilinis. Hehe.
"Ahm-- so, welcome to my room! Ang restroom ay nasa gawing kanan, pwede ka na rin dun magpalit ng damit."-Pagturo pa niya sa restroom.
"Thank you talaga ah? Hindi ko alam kung papaano makakabawi sa'yo.. Sobra-sobra na ito."-Nahihiya kong saad. Totoo naman eh.
"No worries.. Hindi naman ako nagiintay ng kapalit. Ang importante, safe ka."-We both smiled at each other.
Hindi ko alam pero bumibilis ang t***k ng puso ko na para akong hinihingal. Nararamdaman ko rin ang paginit ng katawan ko mula likuran paakyat ng batok at leeg hanggang sa mukha.
"Ah- makiki-restroom lang ako."-Pagyuko ko pa dahil ayokong makita niya akong nagba-blush.. Lumihis din ako ng tingin dahil ang awkward lang ng tiningnan namin.
"Ah- sige.. Gutom ka ba? Maghahanda ako ng makakain. Baba ka nalang pagtapos mo."
Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil dire-diretso siyang nagsalita at sabay labas ng kwarto. Anyare dun? Nagmamadali? May lakad?
Nagtungo na ako ng banyo at napakalinis din. Parang hindi kwarto ng lalaki ito.. Nag-half bath na ako at nagbihis.
Gutom na gutom na rin ako. Pantawid gutom lang yung kinain namin kanina sa bus eh.
Bumaba kaagad ako para naman matulungan ko pa siyang maghanda ng pagkain. Hating gabi na pero parang hindi pa ako inaantok. Mahaba-haba rin siguro ang tinulog ko kanina sa bus. Kaya nga ako lumampas eh. Tsk.
Pagkababa ko, medyo hinanap ko pa ang kitchen nila kasi ang laki ng bahay.
"Hey?"-Pagtawag ko sa kanya na-- na nagluluto? Oh my! That was cute.
Especially, he's wearing an apron.. "What are you cooking?"
"Ah- take a sit.. Omelet tuna lang toh.."-Sagot naman niya pagkalingon niya sa akin.
"It smells so good."-I compliment him.
"Do you want coffee or milk? Or chocolate drink?"-He asks again.
"Chocolate drink would be nice."-Sagot ko at naupo na sa silya ng round dining table nila.
"Okay! Coming up!"-Mukha pa rin siyang masigla kahit hating gabi na.
Gusto ko sanang tumulong kaso parang nakakahiyang mangalikot dito sa bahay nila.
Matapos niyang magluto, kumain na rin kami. Bread, tuna omelet at choco drink lang ang kinain namin. Midnight snack lang.
"T-thank you talaga Jef ah. Kung wala ka, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kanina. Thank you talaga!"-Lubos ko namang pasasalamat kahit pa alam kong hindi pa yun sapat.
Nakingiti lang siya sa akin and I have to admit na nakakagaan ng pakiramdam yun.
"I told you, its okay. We're friends now, right?"-Saad niya pa habang kumakain.
"Yeah."-I giggled too while drinking my hot choco.
"Napakapag-text ka na ba sa pamilya mo kung nasaan ka?"-Tanong niya pa.
Nawindang naman ako at papatayo na sana kaso naalala kong hindi ko pa pala naicha-charge ang phone ko. Tsk!
"Lowbat pa pala ako. Tsk!"-Pagpalo ko pa sa noo ko. Ang engot ko talaga!
I heard him giggled. "You can use my phone or our landline here if you want."
"No, its okay. Thank you."-I smiled.
Medyo awkward na naman ang moment namin. Naiilang pa rin talaga akong kausap siya.
"T-this was great."-Panimula ko ulit. Pagtukoy ko sa niluto niyang tuna omelet na ginawa naming sandwich.
He smiles and I'm drooling over him! Again!
"That's my another talent, I also love to cook, just like lola."
"Hmm-- tha--"-Sa sobrang excited kong puriin siya, kamuntik ko ng makalimutang ngumunguya pa pala ako. Syempre nilunok ko muna ang kinakain ko."Sorry.. That's amazing."-Hays! Kahiya!
Natawa naman siya kahit papaano.
"Some other time, I'll cook for you again."-Napatingin naman ako sa sinabi niya. Some other time daw ulit?
"You will?"-Medyo hindi ako makapaniwala.
"Uh-hmm. If you want to."-Was that a question?
"Of course."-I smile wider and I don't know why.
.
.
.
Pagkatapos kumain, gusto ko sana tumulong kaso ayaw niya talaga akong patulungin.
Hinatid naman niya ako sa kwarto niya.
"Kung may kailangan ka, nasa kabilang kwarto lang ako. Sigaw ka lang. "-Pagbibiro pa niya.
"Hehe. Okay lang ako salamat. Baka magalit pa si lola. Hindi nalang ako magla-lock ng pinto."
"Okay."-He smiles again.
Nakatayo pa kami sa may pinto ng kwarto niya pero nakapwesto na siya sa labas.
"Good night."-Pamamaalam niya.
"Good night. "-I smiled.
Naglakad na siya papalayo ng kwarto at ipapasara ko na ang pinto ng--
"Ah- Maddi?!"-Rinig kong pagtawag niya kaya hindi ko naituloy magsara.. Binuksan ko ulit ang pinto ng bahagya at tumingin sa kanya.
"Ahh- ehh--"-Napahawak pa siya ng batok niya at hindi naman makatingin sa akin. Parang may hindi siya masabi.
"M-may nakalimutan ka pa ba sa kwarto mo?"-Paguusisa ko na.
"Ah-huh? W-wala naman. S-sige, matulog ka na."-Humarap ulit siya sa gawi niya kanina.
Hindi ko alam pero ang cute niya kapag palaging nakangiti. Nakakapanghina tuhod.
"Sweet dreams."-Pahabol at kaagad naman niya akong nilingon.
Hindi ko alam kung puyat lang ba ito o madilim lang paligid pero parang umaliwalas ang mukha niya. Lalong nakita ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin. It amazed me.
"S-sw-sweet dreams."-Halos mautal pa siya.
Isinara ko na ang pinto at sumandal doon. Hindi ko talaga alam pero hindi mawala ang mga ngiti ko simula pa nung nakasama ko siya.
It makes my heart beats rapidly and my body shiver. This is new, and weird! I've never felt like this before-- at the same time! Gosh!
.
.
.
Nakatulog ba ako?
Parang kanina lang iniisip ko pa yung mga nangyari sa akin tapos parang--
Tumingin ako sa bintana at medyo maliwanag na. Pero mukhang maaga pa rin kasi hindi pa naman tirik ang araw. Parang nakaidlip lang ako.
Eh sa mga nangyari ba naman sa akin kagabi, sinong makakatulog ng matino di ba?! Hanggng cheekbone ko naman ang eyebags ko nito! Argh!
Bumangon na muna ako pero nakaupo lang sa kama, baka tulog pa sila kasi masyado pang maaga.
*Eeeek!*
Narinig kong nagbukas ang pinto kaya napaharap ako dun.
"Oh? G-gising ka na pala?"-Bungad niya pagkabukas.
"At gising ka na rin?"-Medyo ikinagulat ko yun kasi hindi ko inakala.
"Hindi ako makatulog ng maayos eh!"-We giggle as we said that in unison.
"You--want a breakfast?"-Pag-aya niya.
"If you let me help you."
Binuksan niyang mabuti ang pintuan ko ako parang nili-lead niya akong lumabas. Sumunod naman ako at bumaba na kami ng kitchen.
Malamig dito, bukod sa aircon, simoy na hangin. Parang morning breeze. I love this. I'm such a morning person though.
Pagdating dito sa kitchen ay inilabas na isa-isa ang mga kung anu-anong pagkain, condiments at kagamitan.
"What's for breakfast, chef?"-Tanong ko.
"Sandwiches with veggies and what-so-ever meat here?"-Sagot naman niya sa akin habang tila tumitingin ng ingredients sa cabinet.
Nagtungo ako ng malaking two door ref nila, as in ung side doors hindi up and down.. Tumingin-tingin ako ng pwedeng idagdag sa sandwich.
"Eggs?"-I ask while still facing the fridge.
"Huh?!"-
"Eggs? Scrambled or Sunny side up."
"Oh? Anything you want."
Kumuha ako ng mga anim na itlog, kinuha ko rin yung bacon at chicken fillet nila sa freezer. Mas maganda kapag maraming choices. Feeling Hunger Games lang.
Siya ang nagluto ng bacon, eggs at chicken. Ako naman nag-prepare ng mga tinapay, naghiwa ng kamatis, sibuyas, lettuce at naglagay ng iba pa sa bowl. Sa madaling salita, gumawa ako ng pang dressing na coslaw.
Unti-unti ko ng nililigpit ang mga ginamit kong kasangkapan ng mahulog ko pa ang kutsilo at bumagsak sa paa ko! Kainis.
Mabuti't bread knife lang iyun, pero yung pag-bounce back niya sa paa ko parang trip talagang mag-landing sa akin.
"Ahh--!!!"-Pag-inda ko ng sakit. Mukhang may sugat pa rin. Tsk.
Napakapit ako sa table at dahan-dahang inaangat ang tangang paa ko na hindi umiwas.
Shemay! Pagkatingin ko may dugo nga! Kaasar!
"What happened?! Oh? Stay there!"-Mukha siyang nagpa-panic.
Naupo naman na ako sa mesa at inilapag ang mga hawak ko kanina.
Pagbalik niya ay may dala na siyang alcohol, bulak, betadine at bandage.
"Ano bang ginawa mo?"-Lumuhod siya sa harap ko.
"Uy wag na! Ako nalang!"-Pagpigil ko sa kanya.
"Its okay. Masakit ba?!"
"Medyo. Nahulog ko kasi yung kutsilyo, sakto ang bagsak sa paa ko."-Tiningnan ko lang din ang sugat ko. Hindi ko alam kung gaano yun kalala.
"Hindi naman malalim pero malakas ang dugo. Lilinisin ko lang ah?"-Naglagay siya ng alcohol sa bulak. Hindi naman ako maarte kaya okay lang din.
Dahan-dahan niyang pinunasan ang sugat ko at sobrang hapdi!!! Alcohol kaya yun!
Then, pagkalinis ay nilagyan na niyang betadine. Pinunasan niya ulit bago tinapalan ng bandage.
"Thanks."-I smiled.
"Dapat kasi ako nalang eh, wag ka ng tatayo dyan ah? Ako ng magliligpit ng pinaglutuan natin."-Then smiles too.
I don't know, but every time I've talked to him, it makes me wanted to see and talk to him more.
My heart beats fast and I felt something running from my chest to my stomach. Am I that hungry?
After niyang maghain, bumaba na rin si lola at sabay-sabay na kaming nagalmusal.
"Hija, ano nga ulit pangalan mo?"-Tanong ni lola sa akin.
"Madison po, Maddi nalang po."
"Madison? Kay gandang pangalan naman niyan. Parang etong apo ko, Jefferson. Tapos ikaw, Madison. Jefferson-- Madison. Jefferson - Madison.. Ay nakakatuwa naman! Bagay na bagay!"-Natutuwang sabi ni lola habang hina-haya pa ang kamay sa amin.
Bigla akong nahiya at nagtaasan ng mga balahibo ko sa katawan.
Hindi tuloy ako makatingin sa kanila. Pero si Jef? Naririnig ko pang patawa-tawa. Gosh!
Gusto ko lang naman kumain ng maayos pero nai-intimidate na ako!
"Lola, tama na po yan. Nahihiya na tuloy si Maddi."-Hindi ko alam kung pagsuway ba yun.
Napatingin ako kay Jef sa sinabi niya, kaso nakatingin din pala siya sa akin kaya biglang akong napayuko at kumain ulit kahit may laman pa ang bibig ko.
"Totoo naman iyun!"-Naramdaman ko ang paghawak ni lola sa balikat ko. "Hija, napakaswerte ng apo ko kapag ikaw ang napangasawa niya! Napakaganda mo! At nararamdaman kong napakabait mo rin."-Nakangiting sabi niya. And I was like,
Ano daw?!
Napapatulala ako sa gulat! Hindi ko man lang magawang magsalita!
"Lola!"-He hissed.
"Ahahaha.. Nako! Sorry hija ah?! Nililigawan ka palang pa pala ng apo ko! Inuunahan ko na! Ahahaha.. Pagpasensyahan mo na ang lola ah?!"
Oh my goodness! Mas lalo akong nagka-goosebumps at na-speechless!!!
As in! Tulaley to the max!
Hindi ako makapag-salita at makagalaw! May laman pa ang bibig ko pero parang maluluwa ko na!
"H-Ho?"-Para akong- ay hindi! Talagang nagugulat at nawiwindang ako sa pinagsasabi ni lola!
Nag-init bigla ang katawan ko paakyat sa mukha ko! Malamang pulang-pula na ang pagmumukha ko!!!
"Lola?! Nakakahiya naman kay Maddi! Baka hindi na yan bumalik dito!"-Hindi ko siya tinitingnan pero halata sa boses niyang hiyang-hiya na rin siya.
Hindi ko alam kung anong dapat kong ireaksyon pero sa totoo lang, kinikilig ako sa thoughts ni lola na yun! Waaah!
.
.
.
Matapos kumain ng almusal ay naligo na ako at nagayos ng gamit. Kailangan ko ng makauwi.
Mabuti nung tumawag ako sa bahay si Mary ang nakasagot, pangalawa kong kapatid. Wala daw si mama, may lakad daw, maagang umalis. Buti hindi daw napansing hindi pala ako umuwi kagabi. Syempre pinagtakpan daw niya ako. Ako naman may utang sa kanya. Madalas kasi siya ang pinagtatakpan ko eh. Hehehe
Bumaba na ako ng sala para magpaalam kay lola.
"Balik ka ulit dito Maddi apo ah? Matutuwa ang lola kapag nagpunta ka ulit dito. Ipagluluto kita ng mga espesyal ko!"-Natutuwa namang saad ni lola. Natutuwa naman talaga ako at welcome ako dito, pero hindi pa rin nawawala ang hiya ko lalo't kay Jef!
"S-sige po lola. It would be my pleasure po."-I gladly smiled at her. Oh my? Babalik talaga ako?
"Mag-iingat ka Maddi ah?! Oh apo, ihatid mo na itong kaibigan mo!"-Pagtukoy niya kay Jef na nasa likuran ko at pilit na kinuha sa akin ang bagahe ko para siya nada magdala.
Lumabas na kami ng bahay, dire-diretso ako palabas na ng gate.
"Ahm- C-can I give you a ride?!"-Nagulat ako sa tanong niya.
"You have a car?"-Takang tanong ko.
"Actually, it was lola's, but she gave me the keys. She wants me to take you home-- safe."-Mukha siyang nagaalangan.
"No- its okay! Hiyang-hiya na talaga ako sa inyo, lalo sayo! Ngayon lang tayo nagkakilala pero napakadami mo ng nagawa para sa akin. "- I sincerely said.
"You're my friend now, and I don't count whatever I'll do for a friend. Unless, you don't want me to be your friend at all?"
"No! No! Of course! You're more than a friend!"-Pagpapaliwanag ko.
He smiles. "You do?"
"Yeah! I mean, ahm-- a friend! A rarely close one!"-Pagpapaliwanag ko pa na medyo natataranta pa ako.
"I see."-But he's smiling so handsomely. Wait what?!--
"Come on?! I insist! Kung gusto mo talagang makabawi, yaan mo akong ihatid ka."
Napaisip pa talaga ako. Nagaalangan ako kasi naistorbo ko na nga sila, aabalahin ko pa rin siya!
"Please?!"-As he convince me.
Napakagat labi nalang ako kasi wala naman din akong choice!
Nag-smile nalang ako at nag-nod sa kanya, at mas lumaki ang ngiti niya.
Ni-lead niya ako sa kotse at umalis na kami. Tinuturo ko nalang ang daan papunta sa amin at siya naman ay nagda-drive lang.
Kahit napaka-awkward talaga, pilit ko nalang binabalewala. Napapansin kong napapatingin siya sa akin, eh ganun din naman ako pero kapag hindi siya nakatingin.
Nakarating na kami sa kanto malapit sa bahay, hindi na ako nagpahatid hanggang bahay at baka may makakita pa sa amin.
Bumaba na ako ng kotse niya at ganun din siya.
"Thank you, thank you talaga sa lahat, Jef. I will never forget this."-I smiled.
"You're always welcome Maddi, I hope you won't forget me."
"Of course not! Ikaw pa ba? We're friends, right? I wish you meet my best friends too."
"I would love to meet them too."
"Th-thanks again. Ingat sa pagda-drive."
"I'll text you when I get home."
"Sure."
Oh that?! Yeah! He asked my number. Sino ba naman ako para tumanggi? Eh sa dami ba naman na ng mga nagawa niya para sa akin di ba?!
Still I can't believe that we'd met and became friends.
That I've survived the unusual moments with him.
But I find it destined.