Prolouge

1717 Words
Prolouge “Ayaw ko na Martin! Lubayan mo na ako!” tumatangis na saad ni Nathalie habang nagmamaka-awang lumuhod ito sa sahig ng kaniyang inuupahang apartment sa Boracay. Hindi na alam ni Martin ang gagawin paano niya mapababago ang isip ng kaniyang dating nubya. “Je T’iame, Nathalie. I know you understand… you know how I fight for you—“ Nanlilisik ang mga mata nitong humarap sa binata. “Kahit ilang beses ko pang isipin na babalik ako sayo ay hindi na ako papayag. Grabe ang mga salitang hindi ko makain mula sa nanay mo—“ Tumayo si Martin at niyakap ito ng mahigpit. He doesn’t want to let for a minute… he wants to be like this all day. Matagal na rin niyang gustong mayakap ito pagkatapos magpahinga ng halos apat na buwan. “Habang nasa comatose ako… ikaw palagi ang nakikita ko, Nathalie. Walang araw rin na hindi kita mawaglit saking isip. Am I not enough for you?” patuloy na pagmamaka-awa ni Lord Martin sa kaniya, ngunit ang pusong naging bato na sa manhid ay hindi na niya kayang palambutin pa. Nathalie keeps on holding back her tears—beading on her eyes like tiny pearls. Body is quivering in pain and unsettling emotions when he thought Martin would not look for her. Pilit nitong tinatanggal ang kamay ng binata, pero mas humihigpit lang ang kaniyang yakap. “Let go, please. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Masaya rin ako na nakilala kita noon, my lord,” nanginginig nitong sagot. Nararamdaman ang bawat hiningang malalim sa kaniyang batok. “I will do anything for you. Nathalie, magpapakasal pa tayong dalawa—k-kahit na ayaw ni Maman.” Halos lumukso ang puso nito sa pagkarinig sa kaniyang sinasabi. Kumawala siya sa kaniyang yakap at napa-atras sa may lababo. Hindi na dalawang luntiang ang mga mata ni Martin dahil ang isa ay kulay blue na pinalagay ni Madam Charlotte para hindi siya tuluyang mabulag pagkatapos ng aksidente. Ibang-iba ang malupit na kamahalan sa kaniyang tindig at pananalita. Labis ang kaniyang pagsisi na hindi manlang niya nakayanang ipaglaban ito hanggang sa huli. On the other hand, its Nathalie’s choice to go. Sa tulong ng mga koneksiyon ni Hiro ay nabigyan siya ng magandang trabaho sa Shangri-la at nahanap na rin siya ni Martin. “I came all along here just for you… Milady, where are the sparks in your eyes?” His lips are trembling as he sniffs out his grief. “Martin, may iba na akong mahal. Martin sana pagbigyan mo akong lisanan ang mapait na nakaraan nating dalawa—“ Napatigil si Nathalie ng pagsasalita sa paghawak nito sa kaniyang balikat. Namimilog ang dalawang magka-ibang mga mata ni Lord Martin Carbon habang hindi makatingin si Nathalie ng diretsiyo. “Absurd! You’re only mine! You said it every day!” kinakapos na sigaw ni Martin at nabubulabog na ang ibang mga tenants sa kabilang dako. “Hindi pa ba sapat ang mga pera na binigay ko sayo—“ dagdag nito pero agarang naputol nang sinapal siya ng malakas ni Nathalie. Sobrang nangigigil itong kinamumuhian ang mga salitang kaniyang sinusumbat. She gnashed her teeth. She steps backward again to make herself distance. “Kasing ugali mo nga talaga ng matapobre mong ina!” Hindi na niya mapigilan ang sarili at pumatak ang mga luhang kanina pang gustong umagos sa kaniyang mga mata. Lord Martin becomes dumbfounded. Napaluhod ulit sa sahig at napasabunot sa kaniyang itim na buhok. “Nathalie… ikaw ang sumira ng pangako mong hindi mo ako iiwan.” Tuluyan na ring naiyak si Martin sa sobrang sama ng kanyang loob. Halos halikan na niya ang lupa at ang kaniyang mga paa para lang sa salitang ‘patawad’. Humihikbing tumalikod si Nathalie at nagsalita, “mas tanggap niya kung ano ako at saan ako nagmula. Ayaw kong sinusumbatan ang pagkatao ko dahil naging madumi ako dati.” “Sino ba yan at nakaya mo akong ipagpalit ng ganun kabilis? Mas masakit na makitang kang wala sa tabi ko nang ako’y magising. I did everything to find you… at ngayon nandito na ako iwan mo na siya—“ Muling napatingin si Nathalie sa kaniyang likuran. “Hindi na ako babalik sayo, Martin—“ Hinawakan nito ang kaniyang mukha at naluluhang nagmamaka-awa sa pag-ibig na gusto pa niyang ibalik. The past was harsh for her. Nathalie strives to live another life with another man na nagngangalang Wilson. Mas tanggap ni Wilson ang kaniyang pagkatao pati na rin ang kaniyang ina na minsan ay naka-usap ni Nathalie. “Tell me who is that guy? Nathalie does your time with him weights more than I did? Kinalaban ko si Maman para sayo, ginusto ko na lisanin lahat para lang makasama ka… tapos sa huli ikaw ang susuko saating dalawa?” Napasuntok si Martin ng malakas sa plywood na cabinet na nasa kaniyang likuran. Nathalie flinches in fear. Contradictory, Martin’s knuckles numbs in pain. “W-Wala ka ng pake-alam—“ “TELL ME! TELL THE f**k WHO IS THAT GUY!” Parang puputok na ang ugat ni Martin sa leeg sa sobrang lakas ng kaniyang sigaw. Nanliit si Nathalie na tumingin sa kanilang mga paa. She sniffs before uttering her words, “Martin, please don’t be like this. If you truly love me… let me go—“ Niyakap niya ng biglaan si Nathalie at bumuhos ang sobrang lakas na daloy ng kaniyang mga luha kasabay ng hagulhol. Napa-akyat ang security guard sa second floor kung nasaan ang kaniyang apartment. Nagkukumpulan na rin ang mga tao sa hallway sa lakas ng sigaw ni Martin at kalabog. “Hindi pwede, milady. Hindi maaring magkahiwalay tayong muli. I can leave it all as long as you’re with me. Please ayaw ko ng ulitin ang sarili ko,” bulong nito sa kaniyang kaliwang tenga. Totoong nasaktan si Nathalie sa ginawa ng kaniyang nanay. Subalit, hindi kasalanan ng anak ang ginagawa nito sa kaniya. Mas pinili niya na lumayo kasama ng limpak-limpak na salapi. Nalulong si Nathalie sa lungkot at pagdurusa ng kanilang paghiwalay. Sa bagay, hindi na rin niya akalaing babalik pang muli si Lord Martin para patunayan na mahal siya nito. “Nathalie, hiwalayan mo na kung sino man siya. Nagmamaka-awa ako sayo. Nathalie ibibigay ko kahit ang mundo para lang sayo.” Nanginginig ang mga kamay ni Martin na lumalakbay sa kaniyang maliit na mukha. Talagang mapaglaro ang tadhana na kung sa mga oras na kailangan siya nito ay wala siya para alalayan ang nangangapa sa dilim na kamahalan. Hindi parin maiwagli ni Nathalie na si Martin ang isa sa mga nagpabago ng kaniyang naliligaw na landas. “My lord, I do love you before. Totoo na minahal kita higit sa lahat,” hinihingal na sabi saad nito sa kaniya. Isang katok sa pintuan ang bumulabog sa kanilang dalawa at sabay na napatingin dahil kusa itong bumukas. Nanlaki ang mga mata ni Nathalie na bumungad sa pintuan si Wilson. They all froze in place when gazing at each other. However, Wilson speaks first, “Nathalie? Who is that guys?” He’s perplexed in what he is witnessing. Niyakap pa ng sobrang higpit ni Martin si Nathalie tsaka tinago ito sa kaniyang likuran. “I’m her husband, and you—“ “I’m his boyfriend,” pagputol ni Wilson at lahat ng tao sa labas ay napatanga sa sobrang pagkasindak! Hindi sila makapaniwala na ang dalawang sobrang gwapo na mga binata ay nag-aagawan sa isang dating waitress sa bar. Na-alarma ang security, pero pinatabi siya ng isang tenant para marinig ang kanilang usapan. Usap-usapan din kasi na merong dating nubyo si Nathalie na isang sikat na pintor at businessman. “Siya nga siguro yung Lord Martin na nubyo niya dati,” bulong ng isang babae sa kasamahan nito. “Oo nga, diba siya yung nabalitang naaksidente at napalitan ang mga mata dahil muntikang mabulag? Hindi ko akalan na siya ang nubyo ni Nathalie… sobrang gwapo,” sagot naman ng isang babae na kasama. Wilson stays in place at naging kamao ang mga malalaking kamay. “Get out of my girlfriend’s place or I will kill you here—“ “Stay away from my wife or I will kill you too,” pagbabanta ni Martin, pero sobrang init na ng pakiramdam ni Nathalie sa namumuong pressure sa kaniyang dibdib. Sinarado ni Wilson nang mabilisan ang pintuan kasama ang susi nito. Nalock silang tatlo sa loob at kumakatok ang security guard na gusto silang pigilan. “SIR! TATAWAG AKO NG PULIS!” sigaw nito at nag-aalala ang mga tao sa labas. Pumagitna si Nathalie, pero hindi natinag ang dalawang nanlilisik ang mga mata. “I don’t know who the f**k are you, but stay away from here—“ Napuno na ang pasensiya ni Martin at nasuntok niya ito sa pisnge. Agad namang bumawi ang nubyo ni Nathalie at nasuntok rin siya sa mukha. Habang nasa gitna ang dalaga ay naiiyak itong humihingi ng tulong. “STOP PLEASE! STOP!” halos mapaos na ito sa kakasigaw. Nahampas ni Martin si Wilson sa mukha at napadikit sa cabinet. Tinulak siya nito sa may lababo at nahulog ang mga baso at pinggan sa sahig. Hindi na mapakali ang mga tao sa labas ng bahay habang grabe na ang sigaw at hagulhol ni Nathalie. “GAGU KA!” sigaw ni Wilson at naumpog ang kaniyang likod sa sementong pader. Agarang bumawi si Martin at sinakal ito. “MAGKAKAMATAYAN MUNA TAYONG DALAWA!” pambawing sagot ni Lord Martin at patuloy na nagsusuntukan kahit dumudugo na ang gilid ng kanilang mga bibig. Man always be a man—fighting for the one they love. Sa kabilang banda ay bumunot si Nathalie ng kutsilyo at tinutok sa kaniyang leeg. “HINDI PA KAYO TITIGIL NA DALAWA?! AKO NALANG ANG MAGPAPAKAMATAY!” Biglaang nasira ang lock ng pinto at may pumasok na mga naka unipormeng pulis. “TAAS ANG KAMAY!” sigaw ng isa at napahinto ang dalawa. Subalit, nagulat ang isang pulis nang makita si Martin. “M-My lord!” agad niya itong kinuha at pumunta sa pintuan—pinagbuwag ang dalawa. “Sumama kayo saaking dalawa—“ “I will not argue with you—“ tumingin siya kay Nathalie na tulala sa gilid, “—Nathalie, choose between us.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD