Dalawang araw ang lumipas kasalukuyang nasa Multivargo resort sina Alena at Kiel, kasama narin nila ang batang si Amara. Ang mga kaibigan ni Kiel ang nag paliwanag tungkol sa bata at kung bakit ito inampon ng asawa niya, nakakaintindi at buong puso naman tinanggap ni Alena ang bata lalo na't napaka lambing at bait nito. Nakilala narin niya si Doc Nestle ang babaeng kamuntikan na niyang pag selosan, dahil nahalata niyang close ito kay Kiel. Subalit bigla naman siyang napahiya sa kaniyang sarili ng malaman niyang doctor pala ito ni Kiel Nalaman narin niyang dumaan sa matinding Depression ang kaniyang asawa mag mula ng mawala siya ng ilang buwan, hindi ito kumakain at ginagawang Almusal ,Lunch at Dinner ang alak kamuntikan na itong masiraan ng bait at isa pa'y idagdag pa ang galit ng kaniya

