bc

MY REAL ALENA (Kiel and Alena Story)

book_age4+
1.9K
FOLLOW
5.4K
READ
drama
tragedy
comedy
sweet
serious
like
intro-logo
Blurb

Si Alena ay lumaking mangmang dahil lumaki siya na kahit paaralan ay hindi paniya napapasukan, bukod sa pagiging mang-mang ay ubod rin ng kainosentihan, subalit kahit ganuon paman ay siya naman ang may pinaka magandang mukha sa kanilang bayan. at dahil sa angkin ganda niya at busilak na puso ay hindi na namamalayan ni Kiel Multivargo na mapapaibig siya ng isang babaeng katulad ni Alena

si Kiel Multivargo ay isa sa tanyag na negosyante at bukod ruon ay hindi lamang siya kilala bilang business man kundi kilala rin siyang Womanizer dahil sa ugali niyang papalit -palit ng babae na animoy isang damit lamang, pagka tapos gamitin ay itatapon na lamang na

parang basahan. subalit hindi niya inaasahan na mahuhulog ang kaniyang puso sa babaeng, kahit kailan ay ni sa hinagap ay hindi niya ma- imagine na papatulan niya ang ang isang napaka inosente at mangmang na babae na katulad ni Alena. lalo na't kabaliktaran nito ang mga babaeng dumaan na sa kaniya

Paano pipigilan ni Kiel ang kaniyang sarili at puso kung gayung sobrang nagagandahan siya kay Alena

chap-preview
Free preview
CHAPTER -1
"Nay ang sakit! "Malakas na sigaw ni Lory ang nag pa taranta kay Aling Susilia. Gabi at nasa bangkang de motor parin sila at sa malas ay naubusan Pa ng gasolina ang makena ng sinasakiyan nila. "Nako! Jusko! Hindi ka pwedeng manganak dito sa laot! " tarantang sabi ng tiyahin "Pigilan mo! " sabi Pa nito "Masakit na eh, pano ko pipigilan araay! " daing ni Lory kasabay ng pag hilab ng kaniyang tiyan "Pigilan mo Lory. Jusko! Ngayon kapa umalis kung kailan kabuwanan mona! Pigilan mo! " saad Pa ng tiyahin. "Ahhh! Manganganak na ako! "Sigaw niya kasabay ng pag bubunga-nga ng tiyahin. "Tiya lalabas na ang bata! "Sigaw ni Lory at mabuti na lamang ay hindi malakas ang alon at tanging sila lamang ng kaniyang tiyahin ang sakay ng Bangkang de motor. "Sige sige bahala na. Ako na ang gagawa! Jusko tulungan niyo kami" tarantang wika ni Aling Susilia, pagka tapos ay pumwesto na ito sa gitna ni Lory "Ayan na! Nakikita kona Lory! Ayan na! " ani ng tihayan ,kasabay ng kaniyang huling pag ere ay ang pag labas ng munting anghel "Nagawa ko! Nagawa ko! Lory.... Napaka gandang bata" natutuwang wika ni Aling Susilia habang hawak ang bagong silang na batang babae "Tiya ang anak ko" mangiyak ngiyak na saad ni Lory ng makita niya ang kaniyang anak ,tinanggal niya ang suot niyang Jacket at iyon ang inibalot niya sa kaniyang sanggol * Sa Mansyon ng mga Del Castro "Ma! Mama! "Sigaw ni Rodulfo sa loob ng kabahayan ,sobrang galit na galit siya dahil hindi niya makita ang kaniyang asawa "Anong nang yayare sayo Rodulfo? Bakit ka sumisigaw? Hindi bingi ang mga tao dito. " wika ng matapobreng ina ni Rodulfo na si Donya Corazon "Anong ginawa niyo sa kaniya? Bakit umalis ang asawa ko?" tiim bagang na wika ni Rodulfo sa ina "What are you talking about? Wala akong ginawang masama sa hampaslupa mong asawa "Corazon stop it! " saway naman ni Don Freed ang butihing ama ni Rodulfo "Bakit? It's true isa siyang hampaslupa, hindi ba? Hindi siya bagay maging isang Del Castro" ani ni Donya Corazon sabay taas ng kaliwang kilay nito. "Manga-nganak na si Lory, bakit ngayon niyo Pa kailangan gawin ito!? "Sigaw ni Rodulfo sa ina " iho for your information, wala akong ginawang masama sa kaniya, napag sabihan kulang siya at biglang umalis. Sa lahat ng dukha siya ata ang malakas---- "Stop it Ma! Bakit niyo ginagawa saakin ito Ma? Bakit hindi niyo matanggap ang asawa ko! " malakas at galit na sabi ni Rodulfo sa kaniyang ina * Sa kabilang banda naman ay kalong-kalong ni Lory ang kaniyang natutulog na anak. Naka ngiti niya itong pinag mamasdan nang lumapit sa kaniya ang kaniyang tiyahin "Ano bang pumasok sa kokote mo't lumayas ka sa araw ng kabwanan mo? "Wika ng tiya Susilia niya "Kahit kailan tiya, hindi ako matatanggap ng Mama ni Rodulfo bilang asawa ng anak niya, kaya mas mabuti pang lumayas nalang ako sa pamamahay nila" malungkot na wika ni Lory ,habang ang mga mata ay nasa anak parin niya naka tuon "Saan naman kayo pupunta ng anak mo? "Ani ng tiyahin Umiling siya "ewan ko" sagot niya "Lory ulilang lubos kana, dito hindi ka naman pwedeng tumira dito dahil alam mo naman ang asawa ko galit sa mga bisita, saan kayo pupunta? Sa kalsada? " saad ng tiyahin. Malayong kamag anak ng nanay ni Lory si Aling Susilia at tanging pangi-ngisda lamang ang trabaho ng mga ito "Hindi ko alam, bahala na tiya"malungkot sa wika niya "Ano kaba, Del Castro 'yang anak mo. Kahit ano Pa ang sabihin ng mama ni Rodulfo ay may karapatan 'yang anak mo. Bakit mo ipag kakait sa kaniya ang mabuting buhay" ani ng tiyahin. Bigla ay napawi ang kalungkutan ni Lory ng makita niyang mag mulat ng mata ang kaniyang anak at kasabay ng pag ngiti nito "Tiya, nakita mo? Ngumiti si Alena" naka ngiting saad niya "Alena? " nag tatakang tanong ng tiyahin "Ipinanganak ko siya sa gitna ng dagat diba? Kaya Alena ang ipapangalan ko sa kaniya, kapangalan ng paburito Kong Serena nung palagi kung pinapanuod sa television nung bata Pa ako." Naka ngiting wika niya sabay halik sa tuktok ng ilong ng bata "Anong akala mo sa bahay ko Ampunan? Siksikan nanga tayo dito mag papatira kapa " lasing na wika ng asawa ni Aling Susilia na si Tonyo "Hinahan monga Yang boses mo. Mahiya kana man" saad ni Susilia sa asawa. Nasa labas sila ng bahay upang duon maka pag usap, habang si Lory naman ay nasa loob at kahit ayaw man niyang makinig ay naririnig parin niya ang usapan ng dalawa sa labas dahil gawa lamang sa dahon ng Niyog ang nag sisilbing dingding ng maliit na bahay na iyon. "Nahihiya ka? Eh yung anak ng pinsan mo hindi ba nahihiya maki tira dito? "Ani ng lalaki at sinadya Pa niyang lakasan ang boses nito upang iparating kay Lory na hindi ito welcome sa bahay na iyon. "Ano kaba!"saway ni Susilia sa asawa. Dahil sa mga narinig ay kinuha na lamang ni Lory ang kaniyang anak habang balot na balot ito ng kaniyang Jacket. Mabuti na lamang ay pina hiram siya ni Susilia ng maiisuot niya, pagka tapos niyang manganak. "Lory mahina kapa! Bakit bumangon kana?" Ani ni Susilia ng makita niyang palabas na ng bahay si Lory kasama ang kalong nitong sanggol "Kaya kona, Tonyo pasensya kana ha, aalis na kami" wika ni Lory sa asawa ng tiyahin "Mabiti naman, marunong kang mahiya"sagot ng lalaki kaya nasampal ito ni Susilia "Ano kaba! " saad ni Susilia pag katapos niyang masampal ang asawa ay mabilis niyang inalalayan si Lory "Pasensya kana Lory " saad ng tiyahin habang mangiyak ngiyak nitong niyakap ang naluluhang si Lory "Salamat" mahinang sambit ni Lory at tumalikod na, wala siyang ibang dala maliban lamang sa kaniyang kasuotan at sa kaniyang pinaka mamahal na anak. * Habang nag mamaneho si Rodulfo sa kadiliman ng gabi at tanging ilaw lamang ng kaniyang sasakiyan ang nag sisilbing ilaw sa paligid ay nagulat Pa siya ng makita niya ang isang babaeng nag lalakad habang may hawak itong sanggol. "Bakit siya nag lalakad sa ganitong napaka dilim --- Hindi na naituloy ni Rodulfo ang kaniyang sasabihin ng lumingon ang babae "Lory! " sambit niya ng makilala niya ang babaeng nag lalakad sa kalsada ,agad niyang hininto ang kaniyang sasakiyan at mabilis na bumaba "Rodulfo " mahinang sambit ni Lory sa pangalan ng asawa ng makilala niya ang lalaking bumaba ng sasakiyan. Mabilis itong naka lapit sa kaniya at pilit siya nitong hinahawakan ngunit iniiwas niya ang kaniyang sarili. "Sabi kona ngaba dito kita matatagpuan --- "Ano ba bakit kapa pumunta dito?! Pabayaan mona kami" pag mamatigas ni Lory "Sandali lang, siya naba ang anak natin? " wika ni Rodulfo ng mapansin nito ang sanggol na kalong -kalong ng asawa, bakas sa mukha nito ang kaligayahan ng masilayan nito ang natutulog na mala anghel na anak Nilingon ni Lory ang asawa kasabay ng pag buhos ng kaniyang mga luha ay tumango siya habang may ngiti sa labi ng marinig niya ang tinuran ng asawa. "Oo Rodulfo si Alena" umiiyak na saad nu Lory sabay harap sa asawa upang makita nito ng maigi ang kanilang anak. "Alena..... Alena ang ganda ng anak natin "naluluhang saad ni Rodulfo "Tayo na, kung hindi ka matatanggap ni Mama. Aalis tayo pupunta tayo sa maynila, duon natin siya palalakihin "ani ni Rodulfo "Talaga Rodulfo? Iiwanan mo ang pamilya mo para saakin? Para saamin ng anak mo? " naluluhang wika ni Lory Si Rodulfo Del Castro ang nag iisang anak ng kilala at mayamang pamilya na pumapang Apat sa pinaka mayaman sa buong kapuluan ng pilipinas. Top one ang Salvi group, pangalawa ang Santiban group, pangatlo ang Sandoval group at pang Apat ang Del Castro. Sa list ng pinaka mayaman sa bansa Habang si Lory Bartolome naman ay tanging pag lalabandera lamang ang tanging gawain, ulilang lubos narin siya at tanging grade five lamang ang natapos niya kumpara kay Rodulfo na isa ng taniyag na business man. "Gagawin ko ang lahat para sa inyo ng anak natin "sagot ni Rodulfo at niyakap ang kaniyang mag ina Sa Mansyon ng mga Del Castro "Ma.. Pabayaan niyo na kami ni Lory" saad ni Rodulfo sa ina "No iho, ikaw lang ang kaisa-isa Kong anak. Hindi ko kayang umalis ka, pabalikin mo dito si Lory! Mag babago na ako, pangako ko sayo... Please ano bang gusto mong gawin ko? Luluhod ako para hindi kalang aalis sa pamamahay na ito, please Rodulfo huwag kang umalis sa pamamahay na ito. Ika mamatay ko kung mawawala ka sa pamamahay na ito... Please ika mamatay ko" pag mamakaawa ni Donya Corazon sa anak. Wala naman nagawa si Rodulfo kundi ang yakapin nalang ang kaniyang ina. Dahil hindi naman niya ito kayang tiisin. Hapon ng maka rating sina Rodulfo at Lory sa Mansyon ng Del Castro. Sa likod ay isang yaya na kinuha ni Rodulfo para sa kaniyang anak. "Oh! Rodulfo kumusta na anak. Pasok kayo, pasok kayo " wika ni Donya Corazon sa mag asawa. Hinalikan aman ni Rodulfo sa pisngi ang ina at niyakap naman ang kaniyang ama ng maka pasok sila. Habang si Lory naman ay kapansin pansin niya ang pagiging plastik ng kaniyang biyanan na babae. Alam niyang pakitang tao lamang ang pinapa kita nito dahil nakikita niya iyon sa pasimpleng pag ismid at pag irap ng Donya.. "Lory sana mapatawad mo ako, sa mga nagawa ko sayo. Sana pwede tayong mag umpisa muli, patatawarin moba ako iha? " wika ni Donya Corazon sa harap ng mag-asawa. Dahan dahan namang tumango si Lory kahit alam niyang pakitang tao lamang ang kaniyang Biyanan. Dahil nasa harapan nito si Rodulfo "Salamat, salamat iha.. Siya ba? Siya ba ang apo namin?" pilit ang ngiting wika ni Donya Corazon sabay kuha sa bata. "Opo si...si Alena po" mahinang sagot ni Lory "Napaka cute ni Alena" saad ng Donya sabay pakita kay Don Freed "Napaka ganda ng apo ko" naka ngiting saad ng Don sabay halik nito sa nuo ng sanggol "Wow ang apo Kong si Alena" ani ni Donya Corazon at lumayo saglit sa tatlo. Habang naka talikod si Donya Corazon ay ang kaninang naka ngiting mukha ay napa litan ng mala demonyong ngisi at biglang sumeryoso 'Hindi ka totoong Del Castro, kailangan kang mawala sa pamamahay na ito' ani ng isip ni Donya Corazon * "Lory sinabi saakin ni in day hindi kapa daw nag aalmusal kaya dinalhan na kita ng breakfast "saad ni Corazon ng maka pasok ito sa kwarto ng mag-asawa. Pinapadede ni Lory ang kaniyang anak habang nasa tabi naman nito ang asawang si Rodulfo nilalaro ang kamay ng anak. Lihim naman nag ngi-ngit ngit sa galit ang Donya. Kahit kailan ay hindi niya matatanggap ang hampas lupang si Lory. Kaya gumawa siya ng paraan upang masira niya ang dalawa, sa pagkain na dinala nito para kay Lory ay may halong gamot na pampa tulog. Sisirain niya si Lory sa mga mata ni Rodulfo "Salamat po Ma.. Mama"nahihiyang sabi ni Lory "Kumusta na ang apo ko? Hello Alena, ow! She's so cute"saad Pa nito pagka tapos ay lumabas na ito ng kuwarto at palihim na umirap. "Natutuwa talaga ako dahil mabait na sayo si Mama" wika ni Rodulfo "Ako rin na.. Natutuwa rin" sagot ni Lory * "Alam mo hindi ko talaga maintindihan Corazon kung bakit galit na galit ka diyan sa manugang mo, parang mabait naman na bata Yang si Lory ah " ani ng matalik na kaibigan ng Donya "Hindi 'yan mabait, she's a gold digger " sagot ni Corazon "Pano mo naman nasabi 'yan? " "I know alam ko, ang anak ko talaga ang target niya, at alam moba 'yung anak niyang si Alena hindi anak ni Rodulfo 'yan, anak niya yan sa ibang lalaki na pinapa angkin niya lang sa anak ko " praning na wika ni Corazon Ngumisi naman ang kaibigan nito "you just can't let go your unico iho Corazon, specially sa isang katulad ni Lory na isang Dukha" sagot ng kaibigan "Tssk! Evet saan nanga ba ang pina contact ko sayo? 'yung uutusan ko nasan 'yon? "Ani ni Corazon at maya maya lang ay may isa ng lalaking lumapit sa kotse nila. "Ow! Here, this is Brando at gagawin niya lahat ang ipag uutos mo sa ka kaniya " ani ng kaibigan ng maipa kilala nito ang lalaking kararating lang. * Kina gabihan kararating lamang ni Rodulfo galing sa business meeting ng salubungin siya ng kaniyang ina. "Oh iho ginabi ka? " Humalik muna siya sa pisngi ng kaniyang ina bago sumagot "Naki pag kita lang ako kay Mr Gustavo Ma, sige po silipin kolang po ang mag ina ko " sagot ni Rodulfo ng mapansin niyang gusto Pa siyang kausapin ng kaniyang ina. "Lory" tawag ni Rodulfo sa pangalan ng kaniyang asawa ngunit napa kunot nuo siya ng hindi niya makita ang asawa sa loob ng kuwarto at tanging ang anak lamang niya ang kaniyang nakita. "Ma nasan si Lory? " aniya ng maka labas siya ng silid. "I don't know akala ko natutulog na 'yun sa kwarto niyo " sagot ng ina. "Baka may dinalaw lang si Lory, huwag ka masyadong mag alala " wika naman ng kaniyang ama. "Pero saan naman pupunta si Lory Papa? "Baling niya sa ama. "Ser huwag po kayong mabibigla ha. Nakita kopo si Mam Lory nag mamadali po siya kanina palabas. Tapos nasundan kopo siya kaya alam kopo kung saan siya Ser" wika ng isang kasambahay na binayaran ni Donya Corazon Sa lumang kubo ay pumasok si Rodulfo kasunod ang kaniyang Mama at ang isang Kasambahay na nag turo sa kanila. at duon ay parang bombang sumabog ang kaniyang galit ng makita niyang naka higa si Lory habang may naka yakap na isang naka hubad na lalaki. Tulog ang mga ito kaya kaya sa sobrang galit ni Rodulfo ay sinipa niya ang likod ng lalaking naka yakap kay Lory. "Mga Hayop! Asawa ko 'yan! " sigaw niya at pinag susuntok ang lalaki. At dahil sa lakas ng boses ni Rodulfo ay nagising narin si Lory. At ganun na lamang ang laking gulat niya kung bakit siya naroroon sa lugar na iyon. Samantala kanina ay kasama paniya ang anak niya sa kwarto nila. "Anong nangyayare!? Sino siya!" Gulat na sabi ni Lory ng makita niya ang lalaking naka hubad na binubugbog ni Rodulfo "Mag papaliwanag ako, may plano na kaming mag pakasal" agad na sabi ng lalaki "Ano! " gulat na sabi ni Lory "Aba't g*go ka asawa ko yan! " ani ni Rodulfo at pinag susuntok ang lalaki. "Hindi to too 'yan Rodulfo, hindi totoo 'yan " ani ni Lory sa pagitan ng pag iyak. "Bakit mo ginawa saakin to?! Akala ko mahal mo ako! " tiim bagang na sabi ni Rodulfo at mahigpit nito hinawakan sa braso si Lory " sinungaling ka. Lolokohin morin pala ako! Madumi kang babae! Madumi ka " sigaw ni Rodulfo at itinaas ang kaniyang palad upang sampalin si Lory ngunit napigilan niya ang kaniyang sarili kaya malakas na lamang niya itong itinulak kaya napa upo nalang sa sahig si Lory habang patuloy parin sa pag iyak. "Rodulfo! " sigaw ni Lory "Walang hiya kang babae ka! Sinasabi ko nangaba isa kang manloloko at maruming babae! Lumayas ka sa lugar na ito! Lumayas ka! " saad ni Donya Corazon "Maawa po kayo! Hindi kopo kilala 'yun. Wala po akong ginagawang masama. Maawa po kayo " umiiyak na sabi ni Lory "Akala mo maaawa ako sayo. Umalis kayo dito ng anak mo. Lumayas kayo " sabi ni Donya Corazon at pumasok ang isang katulong bitbit ang kaniyang anak. Kaya kaagad siyang napa tayo upang kunin ang anak. "Sige lumayas kayo. Lumayas kayo! " sabi Pa nito at kinaladkad siya nito palabas sa gate ng mansyon. Habang si Rodulfo naman ay walang ka alam alam nasa loob ito ng bahay at nag wawala, pinag babasag nito lahat ng mga nahahawakan at pinag susuntok ang pader dahil sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman, hindi niya matanggap na nakaya siyang lokohin ng babaeng pinaka mamahal niya. Isang linggo ang lumipas mag mula ng mawala sa buhay ng mga Del Castro si Lory kasama ang anak nitong si Alen. Masayang nakiki pag usap si Donya corazon sa kaniyang kaibigan sa Telephone at hindi niya namamalayan ang pag lapit ni Rodulfo sakaniyang likod "Napaka galing ng nirecomenda mo saakin. Paniwalang paniwala si Rodulfo na niloko nga siya ni Lory, of course now my problem is over, wala na dito ang mag-inang Busabos. Hahaha yeah Sure, definetly so see you okey, okey bye"naka ngiti nitong paalam sa kausap "Rodulfo... Ka-kanina kapa ba diyan anak?" Gulat na sabi ni Donya Corazon ng malingunan niya ang kaniyang anak "Kanina Pa mama at narinig ko ang lahat ng mga sinabi mo at nakita ko ito " sagot ni Rodulfo sabay pakita ng isang maliit na bote ng Gamot at alam niya iyon, isa iyon pampatulog "Anong ginawa mo kay Lory Mama? Pinatulog mo siya at dinala mo siya sa bahay na 'yun? Para ano?! Para palabasing niloko ako ng asawa ko! "Galit na sabi ni Rodulfo sa kaniyang ina "Nag kakamali ka, hindi totoo 'yan" tanggi ni Donya Corazon "Lolokohin mopa ako Ma!, ilang beses mopa ba ako lolokohin isa, dalawa tatlong daan beses? O mas mahigit Pa duon! " sigaw ni Rodulfo sabay hagis na hawak na bote "Rodulfo anak, let me explain---- "Explain? Ano pabang ipapaliwanag mo saaking kasinungalingan Mama, pina layas mo si Lory kasama ng anak ko! Anong gusto mong ipa mukha aaakin!? " muling sigaw ni Rodulfo sa ina at sa sobrang galit niya sa kaniyang sarili at sa kaniyang ina ay tuluyan ng kumawala ang kaniyang mga luha. "Hindi mo ako naiintindihan, ginawa ko iyon dahil gusto kitang protektahan ---- "Lintik na protekta 'yan mama! Hindi ba dapat sarili ko ang protektahan ko laban sa inyo mama. Mahal ko si Lory pati na ang kaisa isa Kong anak, pero ano ang ginawa niyo? nilayo niyo sila saakin. Nilayo niyo! " tiim bagang saad ni Rodulfo "Kaya ko ginawa iyon dahil mahal na mahal kita, maniwala ka saakin, mahal na mahal kita anak" saad ni Donya Corazon at tuluyan ng napa hagulgol kasabay ng pag yakap nito sa binti ni Rodulfo upang hindi lamang siya iwan ng anak. "Maniwala ka saakin" muling saad ni Corazon sa pagitan ng pag iyak Ngunit hindi na ito pinakinggan ni Rodulfo at inalis na lamang ang mga kamay ng ina sa kaniyang binti at walang lingon likod ay nilisan na niya ang kanilang mansyon at iniwan nito ang inang nag mamakaawa at luhaan "Pasensya kana Rodulfo wala talaga akong balita sa mag ina mo" wika ni Aling Susilia, ito ang unang pinuntahan ni Rodulfo ng maka alis siya sa kanilang mansyon. Ngunit ilang araw na siyang pabalik balik duon at nag babakasakali na makikita niya duon ang kaniyang mag ina Maka lipas ang Walong Taon "Anak halikana" tawag ni Lory sa kaniyang anak na si Alena "Opo Nay" sagot ng bata at lumapit ito kay Lory upang mag mano. Kasalukuyang tinatakpan ni Lory ng dahon nang saging ang kaniyang panindang kakanin "Tara napo Nay baka hinihintay napo tayo ng mga suki natin" wika ni Alena at ito na ang nag bitbit ng panindang kakanin dahil Buko Juice naman ang binitbit ni Lory * "Ser Excuse me po, may nag hahanap po sa inyo kapatid niyo daw po" saad ng lalaking isa sa mga katiwala sa mansyon ng mga Del Castro Kasalukuyang nasa Hardin si Rodulfo habang naka tutok sa kaniyang Cellphone at tinititigan ang larawan ng babaeng pinaka mamahal niya at 'yun ay si Lory ang kaniyang asawa. //Continue *NGAYON SUBAY-BAYAN NATIN ANG KWENTO NG BUHAY at PAG-IBIG NINA ALENA AT KIEL* kung nagustuhan niyo ang kwento. Mag comment lang po kayo salamat

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
18.3K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
553.9K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
784.7K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.7K
bc

The Lone Alpha

read
123.0K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook