"Nay may tatay po ba ako? "Tanong ng batang si Alena sa kaniyang ina. Kasalukuyan sila ngayon sa tabing kalsada upang duon mag benta ng kakanin.
"Oo naman diba sinabi ko sayo may tatay ka, lahat naman ng bata may Nanay at tatay" sagot ni Lory sa anak sabay ayos sa kwelyo ng bistida ng anak
"Eh kung may tatay po ako, nasan po siya? Bakit hindi kopp siya nakaka sama?,ayaw poba niya saakin? Hindi na po ba niya ako gusto at mahal? "Malungkot na tanong ni Alena sa kaniyang ina
"Mahal ka ng tatay mo anak, huwag muyan isipin ha tska mahirap Pa ipaliwanag ngayon anak dahil bata kapa" wika ni Lory sabay gagap sa kamay ng anak. Malungkot naman tumango si Alena at hindi na muling nag tanong
Sa Terminal ng buss pauwi ,nag liligpit na sina Lory at Alena sa kanilang mga gamit dahil naubusan sila ng paninda ag nang akmang paalis na sila ng may dumaan na isang pamilyar na babae kaya nasundan iyon ng tingin ni Lory ,pagka tapos ay kaagad niya itong nakilala ng luminga linga ito na para bang may hinahanap
"Tiya? Tiya Susilia" tawag niya sa babae na kaagad naman siyang nalingunan nito. At ganun na lamang ang laking tuwa at gulat ni Aling Susilia ng makita nito si Lory
"Lory nako ikaw nga Lory" masayang sabi ni Susilia pagka tapos ay nag yakap sila.
"Nako kumusta kana? Mukhang maayos ayos kana ngayon, akala ko napano kana. Bigla ka nalang kasing nawala eh, dito kana ba naka tira sa Sitio Santino ngayon? " pag uusisa ni Aling Susilia
"O-oo wala sanang ibang makaka alam ha, lalo na si Rodulfo " kinakabahang wika ni Lory
"O-oo Oo naman, aba mag kwento ka naman, ito -ito naba 'yung anak mo si Alena? "
"Anak mag mano ka kay Tiya Susilia mo" wika ni Lory sa anak na kaagad naman ginawa ng bata. Pagka tapos ay matamis itong ngumiti sa ginang.
"Nako, napaka gandang bata, at ang bait naman " masiglang sabi ng ginang at niyakap ang batang si Alena
"Mag papaka bait ka ha iha, alagaan ang nanay"sabi Pa nito at niyakap ulit ang bata
"Opo" naka ngiti at malambing na sagot naman ng bata
Sa Del Castro Memorial park, naka tayo ang magka- patid na Rodulfo at Rona sa harapan ng libing nang mga magulang nilang sina Freed at Corazon, namatay ang mag-asawang Del Castro dahil sa Car Accident na naganap sa USA, Walong taon umalis si Rodulfo mag mula ng iwan niya ang kaniyang mga magulang dahil sa ginawa ng kaniyang ina sa kaniyang asawa na si Lory. At ngayon ay he to siya ngayon, naka tayo at tinititigan ang pangalan ng kaniyang ina sa Lapida nito, namatay ang kaniyang ina na hindi sila naka pag ayos man lang
"Nung buhay Pa si Mama ng ilang oras ay naka usap ko siya, alam niyang nagka mali siya at pinag sisisihan niya ang mga ginawa niya nuon" wika ni Rona
"Nuon paman ay napa tawad kona siya, pinag sisisihan Kong naging matigas ang puso ko, ngayon huli na" mahinang saad ni Rodulfo
"Nakalipas na iyon Rodulfo ang mahalaga ngayon ay Harapan natin ang ngayon, ikaw nalang ang natitirang Del Castro at kailangan mong ipag patuloy ang mga negosyong naiwan ng iyong mga magulang " saad ni Rona. Oo nga't magka-patid silang dalawa, ngunit hindi magka dugo dahil isang Ampon lamang si Rona , anak siya ng kaibigan ni Freed ang ama ni Rodulfo at nang mamatay ang mga magulang nito ay inampon siya ng mga Del Castro.
"Para saan Pa? Walang halaga saakin ang Yaman ate Rona, ang mahala saakin ang mag-ina ko sila ang yaman ko " wika ni Rodulfo
"May awa ang diyos, nakaka siguro akong ma-aayos rin ang lahat "saad ni Rona
Sa kanilang pag uusap ay isang babae ang lumapit sa kanila, ang umagaw ng kanilang pansin "Susilia" gulat na sabi ni Rodulfo ng malingunan niya ito
"Alam kona kung nasaan sila Rodulfo " saad ni Susilia
*
nag lalaro ng bola si Alena at pangarap niyang maka sali sa isang Sucker team katulad ng kaniyang napapa nuod sa television, pag sipa niya ng kaniyang bola ay napa gawi iyon sa lalaking nag lalakad patungo sa Direksyon ng bahay nila.
Tinapakan nito ang bola pagka tapos ay pinulot iyon at dinala nito papalapit kay Alena
"Heto oh" sabi ni Rodulfo sabay abot ng bola kay Alena, agad naman iyon kinuha ng bata at niyakap ang kaniyang bola "salamat po" wika ni Alena sa lalaking kaniyang kaharap
"Alena, Alena Anak paki kuha naman ng isang bila-O" tawag ni Lory sa kaniyang anak at palabas na ito ng Pinto nang makitang may kausap na isang lalaki ang kaniyang anak, naka talikod ito kaya hindi niya makita ang mukha nito. Sa takot niya ay mabilis niyang pinuntahan ang kaniyang anak
"Ikaw ba si Alena? " tanong ni Rodulfo sa batang babae
"Opo ako nga po, bakit po? "
"Ako ang----Lory"
Hindi na naituloy Pa ni Rodulfo ang kaniyang sasabihin ng biglang dumating si Lory at hinila nito palayo ang bata
"Anong ginagawa mo dito? Layuan mo ang anak ko" singhal ni Lory sa asawa
"Lory.. Lory kausapin mo ako----
"Layuan mona kami, lumayo ka hindi kita kilala lumayo ka" umiiyak ng saad ni Lory habang pilit siyang hinahawakan ni Rodulfo
"Lory please----
"Lumayo ka, bumalik ka sa Mama mo ayaw na kitang makita----
"Lory wala na si Mama, please patawarin mo ako ,patawarin mo ako kung hindi kita pina niwalaan nuon, patawarin mo ako kung naniwala ako nuon kay mama please Lory patawarin mo ako "nag mamaka awang saad ni Rodulfo sa umiiyak na si Lory
Yumakap naman si Alena sa kaniyang ina na umiiyak parin kaya napa iyak narin siya
"Wala na si Mama please, ang tagal ko kayong hinanap, buohin muli natin ang pamilya natin asawa ko, bumalik na kayo saakin wala na si mama kaya mabubuo na tayo" saad ni Rodulfo at maging siya ay napa luha narin
"Totoo Rodulfo?" Umiiyak na tanong ni Lory sa asawa
"Totoo Lory totoo ang narinig mo, mabubuo na ang pamilya natin" sagot nito
"Nay, sino ho ba siya? " nag tatakang tanong ni Alena sa ina
"Anak, Anak ako ang Tatay mo" pag papakilala ni Rodulfo sa kaniyang sarili kaya napa baling ang tingin dito ni Alena
"Kayo po ang tatay ko? "Umiiyak ng tanong ni Alena, at nang makitang tumango si Rodulfo ay napangiti ang bata kasabay ng pag yakap nito sa kaniyang Tatay Rodulfo
"Itay" anang Alena at mahigpit na nag yakap ang mag-ama kasabay ng pag buhos ng kanilang mga luha, mga luhang puno ng kasiyahan
"Hindi kona hahayaang malayo Pa kayo saakin, hindi na muli tayong mag kakahiwalay anak" saad ni Rodulfo at binuhat nito ang naka yakap na anak. At lumapit sa umiiyak na si Lory pagka tapos ay buong pag mamahal niyakap ni Rodulfo ang kaniyang mag-ina
Isang linggo ang lumipas, patakbong papasok ng bahay si Alena bitbit ang mga paperbag na nag lalaman ng mga bago nitong damit at laruan ang iba naman ay bitbit ni Rodulfo, galing ang mag-ama sa Mall at sila lamang dalawa ang nag bonding dahil iyon ang kagustuhan ni Lory, hindi na siya sumama at gusto niyang masolo muna ni Rodulfo ang kanilang anak.
"Nay, inay tignan niyo po ang pinamili namin ni Tatay ang maganda" masayang sabi ni Alena ng maka pasok na ito ng kanilang Bahay.
"Dahan-dahan anak" saad naman ni Lory sa takot na baka madapa ang anak nito
"Nay oh, tignan mo may binili rin po si Tatay para sa inyo po" wika ni Alena ng maka upo ito sa tabi ng kaniyang ina
"At ito rin" saad ni Rodulfo sabay pakita ng dalawang kahon at binigay sa kaniyang mag-ina
"Wow ang gaganda, ano naman ito Mahal? " saad ni Lory at ang tukoy ay ang isang maliit na kahon
"Iyan para sa nag iisang prinsesa natin ang pinaka mamahal nating si Alena, halika anak si Tatay ang mag lalagay nito sayo" saad ni Rodulfo at kinuha nito ang isang Kwintas para sa kaniyang anak na may naka ukit pang Pangalan ni ALENA ,hugis puso iyon at nasa gitna ang pangalan ni Alena
"Wow salamat po tatay" saad naman ni Alena
"Mahal salamat napaka dami niyong pinamili para saakin. Nako hindi korin magagamit ang iba diyan ang mamahal" saad ni Lory kaya nagka tawanan ang mag-ama
"Tay alam niyo po ba dati. Palagi nalang ako nangangarap na magka roon ng isang tatay tapos ngayon heto napo kayo ngayon kaya sobrang masaya po ako tatay " saad ni Alena sa ama at humalik Pa ito sa pisngi ni Rodulfo bago yumakap
"Nako napaka lambing naman ng prinsesa ko" saad ni Rodulfo at pinag hahalikan ang buhok ng anak.
"Anak bukas pupunta tayo sa maynila, hindi ito ang buhay na para sa inyo ng nanay mo, nasa Maynila nila Kaharian mo anak dahil ikaw ang prinsesa ng Del Castro Family ang prinsesa namin ng nanay mo" saad ni Rodulfo sa anak
"Talaga po tatay? Prinsesa po ako? " hindi maka paniwalang saad ni Alena
"Oo naman anak dahil ikaw lang ang nag isang taga pag mana ko, lahat ng gusto ibibigay ko sayo anak "sagot ni Rodulfo sa anak
"Nako itay wala na akong ibang hiling Pa. Kayo lang po dalawa ni Nanay sapat na po kayo saakin ,basta po palagi po tayong mag kakasama at masaya ayus na ayus na po iyon saakin itay" malambing na sabi ni Alena sa mga magulang
Kinabukasan ng Gabi, nasa himpapawid na silang tatlo pabalik ng Maynila sakay ng isang Eroplano, nasa Gitna nina Lory at Rodulfo si Alena habang masaya nilang nilalambing ang kanilang anak
"Nay, itay ganito po pala sa loob ng eroplano no, ang ganda" masayang sabi ni Alena sa mga magulang
"Oo anak " sagot ni Rodulfo
"Ay oo nga pala itay, may regalo po ako sa inyo ito po oh" wika ni Alena sabay abot ng isang kulay puting Panyo na may disenyo ng tatlong tao
Naka ngiti naman iyon tinignan ni Rodulfo" wow anak ikaw ba ang gumawa nito?" Aniya
"Opo itay, ako po itong nasa gitna maliit pa po dahil bata pa po ako , ito naman po si nanay at ikaw naman po ito " sagot ng bata sabay turo ng tatlong taong naka ukit sa Telang puti na iyon
"Wow ang galing naman ng anak ko salamat anak " wika ni Rodulfo at niyakap ang anak nang may biglang sumabot sa likod ng Eroplano kaya nag panik ang mga tao
"Itay ano po iyon, itay natatakot po ako" malakas na sabi ni Alena habang magka hawak kamay silang tatlo. Habang ang eroplano namang sinasakiyan nila ay pabulusok paibaba
"Nay ,Tay huhu natatakot ako" umiiyak na sabi ni Alena habang yakap na ito ng mga magulang niya
"Anak yayakapin ka ni tatay ng mahigpit huwag kanang umiyak, Lory asawa ko " saad ni Rodulfo at niyakap ng buong higpit ang kaniyang mag-ina, hanggag sa bumagsak na ang sinasakiyan nilang eroplano sa Malawak na karagatan.
//continue