CHAPTER -16

1547 Words
Kina Hapunan, Alas-Kwatro na ng maihatig ni Kiel si Alena sa Del Castro Mansyon. Hindi paman nakaka pasok si Kiel sa pintuan ng Mansyon ay sinalubong na kaagad siya ng isang malakas na suntok galing sa Ama ng babaeng minamahal niya . Si Rodulfo Del Castro, kitang kita sa mukha nito ang labis na galit at pag alala dahilan upang mapa iyak si Alena "Tatay! Tama na po" ani ni Alena habang naka yakap sa kaniyang ama upang pigilan ito. "I'm so Dissapointed with you Multivargo! Pinag usapan na natin ito. bakit hindi ka nakinig?! Alam mong mamayang 5pm flight ni Alena bakit ngayon mulang siya inuwi at talagang itinangay mo ang anak ko mula Pa kagabi! "Ani ni Rodulfo "Pardon sir, but I really love your Daughter ---- "Shut up! damn you Multivargo, huwag kana muling lalapit sa anak ko! " iyon lang at hinawakan na nito sa kamay ang umiiyak na dalaga at Pa pwersang ipinasok ni Rodulfo ang anak. "Ang anak ko" umiiyak na sabi ni Lory ng makita nito si Alena. Sobrang natakot ang mag-asawa na baka nawala ulit ang kanilang kaisa-isang anak. "Alena anak, saan ka dinala ng lalaki na iyon? Bakit ka nawala ng walang paalam? anong ginawa sayo ng Multivargo na iyon? " tiim bagang saad ni Rodulfo sa anak "Sa-sa paraiso po, sa lugar na napaka ganda Tatay, tsaka wala po siyang ginawang masama saakin tatay nag laro lang po kami ni Kiel " sagot ni Alena at Yumakap sa ama upang pawiin ang galit nito "Huwah napo kayong magalit tatay, hindi napo mauulit---- "Talagang hindi na mauulit dahil ngayon din ay aalis kana. Manang Paki tawag sina Julian at Elija sabihan mo silang asikasuhin si Alena ,tapos naba ang mga gamit na dadalhin ng anak ko manang? " saad ni Rodulfo sa mayordoma "Tapos na ho lahat si Senyorita Alena nalang po ang hinihintay " sagot nito. "Po? Saan po ako pupunta tatay? Ayaw kopong umalis.. Nanay ayaw kopong umalis" pag tutol ni Alena sabay baling sa kaniyang ina. "Anak, sa malayo ka mag aaral duon magiging maayos at matututo ka duon---- "Pero Nanay, ayaw kopong umalis nandito po si Kiel at nandito po kayo--- "Susunod rin kami duon ng tatay mo anak, meron lang siyang kailangan ayusin sa kumpanya tsaka hindi karin mag iisa duon anak, makaka sama morin si Kesha duon pati narin ang tita Rona mo" wika ni Lory habang hinahaplos ang pisngi ng anak habang ito ay naka luhod sa harapan niya "Alena iha, para sa'yo rin itong pag layo mo, ikaw ang taga pag mana ng pamilya natin kaya gusto namin ng nanay mo ay matuto ka " wika ni Rodulfo sa anak. Muli naman naalala ni Alena ang mga sinabi sa kaniya ni Kiel bago siya e uwi nito FLASHBACK " wife, huwag kana malungkot pumayag kanang duon maka pag aral sa Singapore, promise susunod rin ako sa'yo duon, hindi korin kayang hindi ka makita ng isang araw ---- "Pero Kiel ,ayaw ko talagang umalis. paano sina Lolo't -lola hindi kona sila madadalaw" aniya at muling yumakap sa asawa "Kahit saan ka mag punta at mapadpad lagi mo parin silang kasama dahil lagi silang naka bantay sayo---- "Kiel naman, tinatakot mo ako eh. Ano 'yun mumultuhin nila ako ganon?" Naka busangot niyang saad kaya naman ay hinalikan na lamang siya ni Kiel kaysa sumagot na lamang "I Love you Alena" wika ng binata pagka tapos ay binuhat na siya nito paahon sa tubig. END OF FLASHBACK 7:30 ng gabi ang siyang pag lipad ng sinasakiyang eroplano nina Alena at Kesha, kinakabahan Pa siya dahil muling nanumbalik sa kaniyang ala-ala ang masamang trahedyang nangyare sa kanila ng kaniyang mga magulang nung siya'y bata Pa. "Alena are you okey? " baling sa kaniya ni Kesha ng mapansin nito ang kaniyang pamumutla pagka balisa, habang siya ay naka upo sa tabi nito. "Natatakot po ako ate Kesha" tugon niya. Kaya naman ay ngumiti ito sa kaniya pagka tapos ay hinawakan nito ang kaniyang kamay "Ito isuot mo ito at pumikit ka, e feel mulang ang tugtog at huwg mo isipin ang mga nangyare nuon" sabi nito sabay lagay ng Headphone sa kaniyang magka bilang tenga. Kamuntikan Pa siyang mapa hawak sa kaniyang tenga dahil sa lakas ng tuktog ruon, halatang sinadya nitong e volume iyon upang mataboy nito ang kung ano mang gumugulo at nag papakahabag sa kaniyang isip "Ang lakas po Ate Kesha, baka naman mabingi na ako niyan" aniya "Haha ikaw talaga p'wede mo namang hinaan dito oh, pindutin mulang dito" saad nito * Kina bukasan, alas-otso Pa lamang ng umaga ay nasa Opisina na si Kiel, abala siya sa mga papeles na kailangan niyang permahan. Gusto niyang bago siya sumunod sa kaniyang asawa sa Singapore ay wala na siyang alalahanin. May tiwala naman siya sa kaniyang half Brother na si Alan , maliban sa kaniyang mga matalik na kaibigan at kay Alena na kaniyang pinaka mamahal ay, ay si Alan lamang ang nag iisang masasabi niyang natitirang pamilya at kadugo lalo na't anak parin ito ng kaniyang namayapang ina. At kahit mag kaiba sila ng ama ni Alan ay napaka buti nito sa kaniya kaya pinag kakatiwalaan niya ito. "Kiel! " ani ng kaniyang Secretary ang umagaw sa kaniyang pansin, at napaka kunot nuo Pa siya ng makitang parang maiiyak na ito. "Alondra bakit? " kunot nuong tanong ni Kiel sa kaniyang Secretary na bigla na lamang pumasok sa kaniyang opisina. "Kiel, si Amara isinugod sa Hospital pupuntahan ---- "What!? Sige umalis kana ,si Sarah na ang bahala sa mga trabaho mo" agad na tugon ni Kiel pagka tapos ay tumayo narin siya. "Kiel saan ka pupunta? Meron kapang meeting mamayang 9 AM ---- "Tsssk Alondra, masyado kang matanong kunin muna ang bag mo, sumabay kana saakin. Gusto korin makita si Amara " kaniya at wala naman itong nagawa kundi ang sumunod na lamang. Si Alondra ay hindi lang niya basta Secretary, masasabi niyang kaibigan niya si Alondra at gamot niya satwing mag iinit siya. Oo si Alondra ay hindi lang basta Secretary ang trabaho nito sa kaniya, is a rin ito sa mga ka Fling niya at hanggang parausan niya lamang. Ngunit mag mula ng ma realize niyang mahal nanga niya si Alena ay hindi na muli siyang gumamit ng ibang babae. "Daddy Kiel"masiglang tawag ng batang babae na apat na taon gulang pa lamang. Si Amara ang anak ni Alondra, hindi na iba sa kaniya ang bata lalo na't inaanak niya ito. Silang tatlo nina Paulo at Jeppy ay Daddy ang tawag ng bata sa kanila. "Hi Baby Amara namin, ohh asan ang masakit? E kikiss ni Daddy para mawala na ang sakit" aniya ng maka upo siya sa tabi ng bata. "Yung dog po ng kapit bahay namin daddy kiel, ang bad bad kukunin kulang po yung Ball Kong pumasok duon tapos bigla po akong kinagat" pag susumbong ng bata sabay yakap nito sa kaniya. "Nako napaka bad naman ng Dog na'yon, kinagat ang baby Amara namin, huwag kana malungkot baby mamaya bibitayin ni daddy Kiel yung bad na Dog na 'yon, kawawa naman baby Amara namin " pag lalambing niya sa bata. Akmang mag sasalita palamang siya ng biglang tumunog ang kaniyang Cellphone kaya kinuha niya iyon at sinagot habang kandang ang batang babae. "Hello Kesha? " "Kiel gusto kang maka usap ni Alena" sagot ng nasa linya kaya bigla na naman bumilis ang t***k ng puso niya ng marinig ang pangalan ng kaniyang asawa. "Kiel huhuhu" ani ng nasa linya, umiiyak si Alena sa kanilang linya kaya napaka tayo siya sa kaniyang kina uupuan at kamuntikan pang mahulog ang bata. mabuti na lamang ay sa Higaan ito bumagsak. "Alena umiiyak kaba?" Taranta niyang tanong "Ay hindi tumatawa, huhuhu naririnig monanga eh mag tatanong kapa" pamimilosopo nito "Damn! Why? ---- "Ang hirap dito, si Ate Kesha lang nakaka usap ko dito kararating palang namin puro mga Alien mga tao dito. Wala akong maintindihan " sagot nito kaya napaka pikit na lamang siya. Akala niya kung napano na ito. Ang akala niya may nanakit o nasaktan ito kaya ito umiiyak, pero umiiyak lang pala ito dahil hindi nito naiintindihan ang mga taong nakaka harap. "Ayaw kona dito, konti nalang dudugo na ilong ko dito Kiel, kunin mona ako dito " sabi Pa nito. "Hash Wife stop crying ibigay mo ang phone kay Kesha" "Oh Kiel bakit? ----- "Kesha do something, huwag mong hinahayaang umiyak si Alena--- "Hey Kiel Multivargo, For your fvcking information, nandito ako para sa Business ko, hindi bilang isang babysitter o yaya ng Pinsan ko. Ayaw mo siyang umiyak ikaw ang pumunta dito. Duh! Ang hirap niya patigilin." Maarteng sagot ni Kesha dahilan upang mapa hilot ng sintido si Kiel "Bakit ba siya umiyak natakot ba? ----- "Tsssk, may lumapit sa kaniya pinag kamalan atang siyang Nanami, we'll Malay kobang may kamukhang Japanese Actress si Alena " sagot nito "Damn lalaki ba ang lumapit? Hinawakan ba nila si Alena? " taranta niyang tanong, aba malaman laman lang niyang may ibang lalaki humawak sa Alena niya talagang mapapalipad siya ng Singapore ora mismo. "No, meron kaming Limang Bodyguards kaya hindi nila nahawakan si Alena, tsssk ang OA mo Multivargo, bye! Mamaya na kayo mag usap, tumahan na siya " iyun lang at pinatay na ang tawag. //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD