Matulin lumipas ang mga araw hanggang sa sumapit ang gabi ng kaarawan ni Kiel, ginanap iyon sa Multivargo Resort. Tanging ang mga buong barkada lamang niya ang inbitado sa gabi na iyon kasama ng mga asawa't anak ng mga ito. Maging ang mag asawang Paul at Sherin ay naroroon rin maging ang mga triplets nito
"Happy Birthday Brad, goodbye Calendar kana single kaparin " wika ni Paulo sabay hakbay nito kay Kiel.
Lihim naman ngumisi si Kiel at parang gusto niyang idikit sa nuo ng kaniyag kaibigan ang Marriage Certificate nila ni Alena upang ipamukha dito na hindi na siya single at may Alena na siya.
"Oo nga Brad, wala kabang balak lumagay sa tahimik? " ani naman ni Josef sa kaniya
"Tsssk kayo kaya ang ilagay ko sa tahimik na lugar at ako narin ang mag tatabon sa inyo para hindi na kayo maka pag salita" sagot niya na kahit may tonong pag babanta ang kaniyang mga sinagot ay alam rin ng mga ito na gauon siya mag biro.
"Masyado kang seryoso nasaan ba si Alena? Hindi Pa namin siya nakikita ah " ani ni Fego habang kaakbay na nito ang Fiance na si Kesha
"Kasama nina Jessa at Sharina, nasa kitchen sila " sagot ni Kiel sa kaibigan.
*
"Nanay Yuda Okey na ho ba itong lahat? " magalang na Tanong ni Alena sa Mayordoma at tukoy niya sa mga pagkain na natapos ng lutuin
"Oo iha, tapos na ang mga 'yan, kami ng bahala d'yan iha. Masyado na kayong maraming naitulong dito." Sagot ng matanda
"Nako ayus lang po Nay, mas madali pong matapos ang trabaho kapag tulong tulong po."magalang namang wika ni Sharina
"Nana Yuda itong Barbecues po, dalhin kona ho sa labas, ako na ho ang mag iihaw paki labas nalang ho ng mga Sauce " ani naman ni Jessa
"Nako! Kayo talagang mga bata kayo oh, baka isipin ng mga asawa niyo pinapahirapan ko kayo" nahihiyang saad ni Manang Yuda
"Hahaha huwag ho kayong mag alala Nay , tiklop po saamin mga asawa namin " ngiting ngiting ani ni Sharina kaya napapa iling na lamang si Alena .
"Ate Jessa Tulungan na kitang buhatin 'yan mabigat 'yan " baling ni Sharina ng makita nitong binubuhat na ni Jessa ang lalagyan ng mga manok
"Mas mabuti panga" tumatango namang sagot nito. Pagka tapos ay naiwan na lamang sina Manang Yuda at Alena sa Kusina ,ang isang dalagitang pamangkin ni Manang Yuda ay nag huhugas ito ng mga hugasin habang may suot na earphone sa magka bilang tenga nito.
"Kumusta kana iha? Ang tagal mong hindi na naka punta dito" pag uusisa ni Manang Yuda kay Alena habang nag hihiwa na ito ng karne ng baka, habang si Alena naman ay naka tuon naman ang pansin sa niluluto niyang Kare-kare dahil iyon ang isa sa paburito ng asawa.
"Maayus naman ho Nay, kayu ho kumusta po kayo dito? " sagot ni Alena habang hindi parin inaalis ang tingin sa kaniyang niluluto.
"Mabuti naman iha, nabalitaan Kong nahanap muna raw ang tunay mong mga magulang. Nako napaka saya ko para sa'yo iha"
"Oho Nay, tapos pinag aral ho nila ako sa Singapore nung nakaraang linggo lang ho ako naka uwi, ay sandali ho kamuntikan ko ng maka limutan, meron ho akong ibibigay sa inyo po, paki tignan ho sandali ng niluluto ko nay" ani ni Alena agad na tingo ang silid nila ni Kiel kung saan niya iniwan ang kaniyang Bag.
"Charan! Kayo po ang naalala ko Nay, pagka kita kopo niyan sa Mall nung pauwi naho ako kaya binili kona, buksan niyo po at iyan po ang isuot niyopo mamaya" ani ni Alena ng iyabot niya ang kaniyang pasalubong kay manang Yuda. Limang klaseng Long Dress iyon at bawat isa ay napaka mahal niyon. At p'wede ng maka pag patayo ng isang bahay sa alaga ng isang long dress na binili niya para kay Manang Yuda.
"Aba'y ang gaganda nito iha, mag mumukha akong Donya nito kapag isinuot ko ang mga ito at Jusko Lord ang mahal naman nito iha,, hindi ko ata ito matatangga iha" ani ni Manang ng makita nito ang naka lagay na Tag na Hindi Pa naiyalis
"2,000 Dollars aba iha, hindi ko kayang isuot iyan " ani Pa ulit ni Manang. Kaya sinadyang palungkutin ni Alena ang kaniyang mukha "kung hindi niyo po iyan tatanggapin, ibabasura ko nalang po. Akin napo itatapon kona po" ani ni Alena kaya kaagad nanlaki ang Mata ng matada
"Aba't nasisiraan kana iha ang mahal mahal nito tapos itatapon mula. Hayyst sige nanga tatanggapin kona, kaysa naman kung itapon mulang "naka ngiwing saad ni Manang kaya kaagad lumiwanang ang mukha ni Alena.
"Yehey! 'Iyan po ang isusuot niyo po mamaya ha. Pag katapos natin po mag luto " ani ni Alena at yumakap sa isang braso ni Manang.
*
"Hello Everyone " naka ngiting bati ni Layla ng maka lapit ito sa walong lalaki habang ang mga asawa nina, Paul, Paulo, Sebastian, Josef, Romuel at Jego ay may sariling Bonding ang mga Girls
"What are you going here Layla? " naka kunot nuong tanong ni Josef sa babae.
"Can I Join ---
"No! Layla hindi mo ba nakikita? boys kaming lahat at nanduon ang mga katulad mong babae kaya duon ka pumunta" pag susungit naman ni Paulo sa takot na baka mapa lingon sa gawi nila ang kanilang mga asawa.
"Eh ayaw naman nila akong pansinin eh,, Hi Hon" tugon ni Layla at mas lalong nilambingan ang boses ng maka lapit ito kay Kiel"
"Lumayo kanga! At sino bang nag imbita sa'yo dito? Sinabi kubang pumunta ka ngayon gabi?" Seryosong sabi ni Kiel pagka tapos niyang itulak si Layla ng akmang yayakap ito sa kaliwang braso niya.
"Ang init init ng ulo mo Kiel, parang wala tayong pinag samaan nuon ah---
"Shut up! Step Mom! "Pauyam na sabi ni Kiel na siyang ikina dilim ng mukha ni Layla
"Wala na ang Papa mo, I'm single again Hon kaya p'wede na ulit tayo" ani ni Layla kaya napapailing na lamang ang mga kaibigan ni Kiel
"Umalis kana dito Layla ,papalapit na ang mga asawa namin, kung ayaw mong ilibing ka nila ng buhay ,dumistansya kana" saad ni Sebastian ng matanaw nito ang asawang si Vanessa papalapit ang mga ito, kasama Nito sina , Sharina,Anne,Sherin , Jessa at Bianca. Ngunit nag matigas parin si Layla at hindi parin umalis ruon
"Layla, ikaw lang ata ang nag iisang lalaki dito ah "ani ni Jessa kaya peke namang ngumiti dito si Layla
"Hindi ako lalaki Jessa, malabo na ata ang mata mo , napaka ganda ko para pagka malan mulang na lalaki duh" tugon ni Layla habang halata namang napaka Plastik ng pagkaka ngiti nito.
"Ah Girl ka pala, Akala ko Sawa eh ,kakutis mo kasi 'yang suot mo" tugon ni Kesha na kakalapit lamang kasama nito sina Cindy at Alena.
Tanging si Cindy lamang ang walang partner sa kanilang lahat. mag mula ng mawala sa Grupo nila si Mike, Sa pag aakala nilang namatay na ito ayun narin sa binalita ng Doctor maging ang Lola Nitong si Donya Mitchin
Kahit wala silang nakitang bangkay ni Mike ay naniwala na lamang sila sa Donya, lalo na't labis itong umiyak sa harapan nila ng ibalita nitong ipina Cremate na nito ang katawan ni Mike.
Imbis na sumagot si Layla sa sinabi sa kaniya ni Kesha, dahil sa sobra siyang nainis sa sinabi nito ay ibinaling na lamang niya ang kaniyang tingin kay Alena "Hi Alena, naka uwi kana pala hmmm you look good now huh" ani ni Layla sabay yakap nito kay Alena
"Alena Are you Okey insan? Hindi kaba natuklaw ng ahas? "Kaagad na sabi ni Kesha ng humiwalay si Layla sa pagkaka yakap kay Alena
"Ahas? "Inusenteng tanong ni Alena sa kaniyang pinsan. Ngunit hindi pa umabot ng sampung Segundo ay kaagad rin naunawaan ni Alena ang ibig sabihin ng sinabi sa kaniya ni Kesha ng mapa tingin siya sa suot ni Layla.
Isa iyon one piece swimsuit ,kulay Brown at para nga iyon balat ng ahas sa pagkaka desensyo. Kaya napangiti na lamang si Alena sa kaharap pagka tapos ay napatawa narin. Walang halong ka plastikan ang kaniyang tawa, dahil talagang natatawa talaga siya sa sinabi ng kaniyang pinsan.
"Ikaw huh Ate Kesha Hahaha ang sama mo kay Ma'am Layla pagka palan mo ba namang ahas ,syempre hindi ako mamamatay insan kung iyan lang ang tutuklaw saakin ,meron kaya akong Anti rabies" naka ngiting sagot ni Alena at nag Peace sign Pa ito kay Layla. Palibhasa ay siya ang pinaka bunso sa mga ito kaya ginulo na lamang ni Vanessa ang buhok niya
"Hahaha pala biro Karin pala Alena, akala namin tuluyan kana talagang nag bago, pero wala parin palang pag babago napaka innocent mo parin Baby Girl" naka ngiting ani ni Vanessa na para bang naki pag usap lang ito sa nakaka batang kapatid.
"Tsssk mag twenty napo ako" naka ngiwing sagot ni Alena kaya mas lalong napangiti si Vanessa
"Five months Pa iyon. Baby girl kapa rin namin, ikaw ang pinaka bunso namin diba girls? " baling ni Vanessa sa mga kasamang babae.
"Kayo talaga ang Harsh niyo mag biro saakin huh" ani ni Layla at umakto Pa itong nasaktan talaga pero sa kaniyang kalooban ay sobra na siyang nag liliyab sa galit.
"Hahaha hindi kana mabiro " sagot ni Kesha at tumawa rin ito ng peka sabay palo ng braso ni Layla. Pero Hindi iyon basta palo lamang kundi sinadya talagang lakasan ni Kesha
"By the way guy's I'm here because, gusto kulang sabihin specially for you Kiel, hmmm baka sa maka lawa ay aalis na ako, pupunta na ako ng London for good. Kaya gusto Kong maki pag ayus sa inyo bago man lang ako umalis " ani ni Layla sa mga ito, At sinadya Pa nitong palungkutin ang boses.
Kahit na sinong makaka kita sa pag dadrama ni Layla ay iisipin ng mga taong makaka pansin ay isa siyang taong mapag kumbaba at galing sa puso ang pakiki pag ayos. Pero iyon ang inaakala ng iba, subalit hindi ang Apolo's lalong lalo na sina Vanessa ,Cindy at Paul Santiban.
"Wala ka namang ginawa saamin kaya tinatanggap namin ang pakiki pag kaibigan mo diba girls? " ani ni Sharina, subalit tanging si Sherin at Anne lamang ang sumang ayon kay Sharina ,ngumiti ang tatlo kay Layla at hinawakan Pa ni Sherin ang kamay nito na siyang nag pakunot nuo kina JOsef at Paul
Kahit kailan talaga ay napa maunawain at napaka daling mag tiwala ni Sharina, habang si Sherin naman ay wala itong ka alam alam tungkol sa pagka tao ni Layla, dahil iyon lamang ang pangalawang pag kikita nila ng babae. Kahit hindi Pa ito na comatose ng Anim na taon ay wala Pa siyang nakilala sa mga naging babae ni Kiel kaya, kaya ng mag pakilala si Layla bilang girlfriend ni Kiel ay natuwa si Sherin. Ngunit kaninang pag dating nila ng Resort ay si Alena naman ang pinakilala ni Kiel.
"Layla sana mahanap mo ang kaligayahan mo sa pag alis mo" wika ni Sherin sa babae kaya naman ay tumayo na si Paul upang ilayo ang kaniyang asawa sa babae.
"Layla naging mabait ka saamin kaya pinapatawad kita kung may nasabi lamang hindi maganda nuon, naiintindihan ko" naka ngiting saad naman ni Sharina ,kaya naman ay tumayo narin si Josef upang ilayo rin ang kaniyang asawa dito.
"Kung ganon pala mag Join kana lang saamin, tutal ay iiwan mona rin ang Resort ay sulitin mona ang gabing ito " saad naman ni Anne, habang naka hawak sa maumbok nitong tiyan
Parang isang invisible lamang si Layla sa mga magkakaibigan. Walang kahit na isang namamansin dito, gusto man lapitan ito ni Sherin ay ayaw naman ito bitawan ni Paul. kaya naman nanatili lamang silang naka upo pabilog habang sa gitna naman nila bonfire
"Layla huwag ka masyadong lumapit sa apoy" ani ni Kesha kaya napa taas naman ang kilay nina Cindy maging si Layla ay napa taas rin ng kilay
"Ano 'yan Concern?" Ani ni Kiel habang magka hawak kamay silang dalawa ni Alena
"Seriously Kesha? " saad naman ni Cindy
"Patapusin niyo muna kase ako, bago kayo mag react " sagot ni Kesha sa mga ito.
"A-ha gets kona Ate Kesha" ani ni Alena na para bang naka kita ng ilaw sa kaniyang ulo, kaya naman ay napa baling ang lahat kay Alena.
"Ang alin? " nag tatakang tanong ni Kiel sa katabi
" kase naman, hindi p'wedeng ilapit ang mga plastik sa Apoy baka po kasing Masunog parang Goma, O Gulong kapag sinunog lumalabas ang baho. Masama ang amoy ng plastik na nasusunog Tama ba ate Kesha? " baling ni Alena sa kaniyang pinsan, Kumindat naman ito dahilan upang mapa ngiti si Alena
" anong kina laman duon ni Layla? Hindi naman Goma si Layla" nag tatakang tanong ni Sherin
"Hindi siya Goma, kase plastik siya diba Layla? " ani ni Kesha at nilingon ang namumula sa galit na babae. Kaya mas lalo itong nginisihan ni Kesha.
"You kanina kapa! " gigil na sabi ni Layla at tumayo ito upang sugurin si Kesha ngunit kaagad naman iyon hinarangan ni Fego na wala ng ibang ginawa kundi ang tumahimik, kung ano ang pagiging madaldal at kamalditahan ni Kesha ay iyon naman ang kabaliktaran ni Fego. Tahimik at palagi lang seryoso si Fego
"Try it! "Malamig na sabi ni Fego
"Tama na 'Yan huwag na po kayo mag away away, kumain nalang tayo naka handa na ang lahat." Ani ni Alena sa mga ito, kaya kaagad naman iyon sinang ayunan nina Sherin, lalo na ang buntis na si Anne.
Habang kumakain na silang lahat ay naroroon parin si Layla katabi nito ang kaibigan nitong Si Flower na kakarating lamang at eksaktong kakain na kaya niyaya narin ito nina Sherin at Alena na kaagad naman sinang ayunan nito.
"Kiel nasan si Alena? " tanong ni Vanessa habang patuloy parin sa pag kain ang mga kasama nila
"Nag restroom" tugon ni Kiel habang binabalan nito ang hipon. Nang may biglang umagaw sa kanilang pansin.
"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you! "Ang pag awit ni Alena habang may hawak hawak itong Cake at may maliit na kandila sa gitna niyon kaya naman ay naka ngiting tumayo si Kiel pagka tapos ay kaagad nito inihipan ang kandila.
"Teka bakit! Hindi ka nag wish? Wala na namatay na" naka busangot na sabi ni Alena, kaya naman ay kinuha ni Kiel ang Cake na naka patong sa Dalawang palad ni Alena at iniyabot iyon kay Manang Yuda, na madam na madam ang Awra nito
Naka ngiting hinarap ni Kiel si Alena pagka tapos ay humawak ang magka bilang kamay sa bewang nito at kamuntikan pang mapa singhap si Alena ng pag dikitin ni Kiel ang kanilang katawan. Dahilan upang pag kantiyawan sila ng mga kaibigan habang si Layla naman ay pigil na pigil lamang ang kaniyang sarili dahil sa Sobrang selos.
"Hindi kona kailangan mag Wish, dahil wala na akong ibang hiling kundi ikaw lang, ikaw lang gusto Kong maka sama hanggang sa pag tanda at ikaw lang ang gusto Kong maging ina ng mga magiging anak ko. Ikaw lang ang lahat saakin Alena "buong pag mamahal na sabi ni Kiel at hinalikan sa nuo ang babaeng pinaka mamahal sa harapan ng mga bisita at mga kaibigan na naroroon. akmang mag sasalita palang sana si Alena ng biglang may kinuhang pahabang maliit na kahon si Kiel pagka tapos ay binuksan nito iyon dahilan upang mas lalong mapa luha si Alena dahil sa Sobrang saya ng makita niya ang lamang ng maliit na kahon na iyon
Isa iyon Heirloom Diamond Necklace, na pag aari pa ng namayapang ina ni Kiel "My Alena, ingatan moyan galing payan sa lola ng lola ni Mama pagka tapos ay binigay ni Mama saakin bago siya binawian ng buhay. ibigay koraw ito sa babaeng pinaka mamahal ko ang babaeng ihaharap ko sa bahay ng panginuon " wika ni Kiel upang mas lalong mapa luha si Alena
Sabay sabay naman nag palakpakan ang mga tao sa paligid maliban lamang kina Flower at Layla na namumula na dahil sa sobrag Galit at Selos. Galit na glit siya dahil iniisip niyang sakaniya dapat ang Family Heirloom ng mga Multivargo at hindi dapat kay Alena.
//Continue