Alas Otso pa lamang ng umaga ay naka rating na ng maynila ang dalawa. Sa Del Castro Mansyon na sila dumeretso, papasok pa lamang ng malaking Gate ang kotseng sinasakyan nila ay natanaw na kaagad ni Alena ang Maraming mamahaling sasakyan na magkaka sunod na naka parada sa Garahe. Kumunot ang nuo niya sabay baling kay Kiel na seryoso lamang sa kaniyang tabi at halatang napaka lalim ng iniisip nito. Habang ang Driver naman nila ay panay ang sulyap sa kanila "Mam, Sir nandito na ho tayo" ani ng kanilang Driver ngunit hindi parin natitinag si Kiel ,napapailing na lamang si Alena dahil napaka lalim nga ng iniisip ng asawa kaya hindi nito naramdaman ang pag pisil niya sa kamay nito, kaya naman ay pinitik na lamang ni Alena ang tuktok ng ilong ng asawa upang pukawin ito. "Fvck! " mura ni

