“Sir…” Pagmamakaawa ko kay Sir Hugo na ibaba na lang ako sa gilid dahil ayos lang naman na ang ulan. “Cleo, this is not the right time to-”
“Boss…”
Nakanguso na ako lahat-lahat para magmakaawa na huwag na ako iuwi sa amin.
“Also, you’re not going home.” H-ha? Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya kahit katabi ko lamang siya sa upuan mula sa likod ng kotse. “P-po? Boss?” Dumako ang tingin ko sa driver mula sa salamin at bumalik muli kay boss.
“You’re going home…” Putek! Pinakaba pa ako at pauuwiin pa rin naman ako. “With me,” sunod niya na ikinagulat ko lalo.
“Hindi ka uuwi sa dorm mo, Cleo.” Bumaba ang dalawa kong balikat sa narinig. Ang inaasahan kong makakauwi ako sa amin ay hindi mangyayari pero saan naman ako matutulog no’n?
“B-boss? Ano po ulit, Boss?” Tumaray lang siya sa akin. Bading talaga ito! Kaunti na lang ay iisipin ko na talagang bading siya! “Boss…” pagmamakaawa ko pa sa kaniya.
“We’re heading to Palawan soon as possible, Cleo. You will go home tomorrow, but not today.” Sabay titig niya pa sa aking dress. Bakit kasi hindi pa ngayon? Ano ba kasi ang gusto niyang palabasin?
“Hindi po ba ay tapos na ang oras ng trabaho ko, Sir? Alam niyo po ba ang ginagawa niyo? Mali po ‘yan! Harassment na po ‘yan!” Kunot pa ang no ko. Totoo naman ang sinasabi ko dahil hindi ka pwedeng pilitin ng isang tao kapag ayaw mo.
“Okay. I want you to get your things on that apartment.” Saka niya hinagis ang isang susi sa akin. Nasalo ko naman iyon pero takang-taka ako kung bakit niya sa akin ito binibigay? “P-para saan po ito?” Pinagmasdan ko pa ang susi at doon ko napagtanto na may nakatatag sa susi na Hampton Group.
“That’s your new home. Dorm mo ‘yan.” Kumurap ako sa kaniyang sinabi na ikinagulat ng puso ko. “You don’t need to pay for your dorm while you’re under Hampton Group, Cleo.” Tuwang-tuwa ang puso ko sa dahil alam kong hindi na ako gagastos pero kasama ba talaga ito?
“Sir? Kasama po ba ito sa contract?”
“Si Ma’am Cleo mukhang hindi binasa ang contract. Lahat po ng under ng Hampton Group ay may sari-sariling dorm po, Ma’am.” Hindi nga masyado… nahihiya akong sabihin iyon sa driver dahil ayoko naman sabihin ni Boss Hugo na paano ako naging secretary kung hindi ko binabasa ang ilang kapirangot na documents?
“Take it, Cleo. Hindi ko gusto ‘yung paulit-ulit.”
“Opo, Boss!”
“Whatever.” Natikom ang aking bibig nang mapansin kong naiinis na siya sa akin. Sino ba naman ang tanga na paulit-ulit na magsasabi ng boss sa kaniya kahit kanina ay sinabi niya na sa akin na ayaw niyang sinasabihan siyang boss. E, sa ayon ang gusto kong itawag sa kaniya. Saka paggalang din naman iyon.
“Sir. Hugo.” Tawag ng lalaking driver sa unahan. “Naroon na raw po si Nestor para kuhain ang ibang gamit ni Ma’am Cleo. Hinihintay na lang daw niya po doon si Ma’am para mahakot na at madala na sa d-dorm…”
Nakangiti lang ako pero nasigaw na ang utak ko. Bakit ang bilis?
“Okay. Kayo na ang bahala sa kaniya. After natin siya ihatid sa kanila ay umalis na tayo.” Nakikinig lamang ako sa kanila habang nag-iisip kung ano ang itsura ng panibago kong tutulugan. “Cleo, call Anie for my planning meetings,” utos nito sa akin na ikinamadali ko namang tignan ang cell phone ko.
“Asap.”
Kalma ka lang, Boss. Tatawagan ko naman si Miss Anie, e! chill ka lang at naii-stress ako kapag ganiyan ka. Bawal ko naman sabihin iyon sa kaniya kaya nagmamadali na lang ako tawagan si Ma’am Anie.
“B-boss?” paano ko ba ito sasabihin sa kaniya? Hindi naman kasi maganda ang telepono ko at sira pa nga ang pindutan ng pagbukas nito. “What?” Medyo may inis akong nakita sa kaniyang mga mata kung tanungin niya ako no’n.
“May cell phone naman po kayo, ‘di ba?” Tumaas ang kilay nito. “Why?” Dinilaan ko muna saglit ang aking labi saka ngumiti sa kaniya.
“Pwede mahiram, Sir?” Ipahiram mo na lang, Sir! Sige na! “Bakit nga?” Hindi niya talaga talaga ako papahiramin ng cell phone niya. “Ganito na lang, Sir. Pa-load na lang ako sa ‘yo tapos babayaran kita mamaya.”
“Jesus!” Hinawakan niya ang kaniyang noo saka umiling. “You don’t have a load?” Kunot na noo nitong tanong nanaman sa akin.
“Wala nga po akong maayos na cell phone, e.” Hindi ko pinarinig sa kaniya iyon dahil alam kong mas iinit ang ulo niya. Hindi pa man ako nagsasalita ulit nang ibigay niya sa akin ang kaniyang cell phone.
“Here… call her.” Kinuha ko naman ang cell phone nito at agad na nagpasalamat. “Pasensiya na po talaga, Boss. Wala lang po kasi akong load ngayon naka free data lang po ako, e.” Kamot ko pa sa aking ulo.
Siya naman itong nakatingin lamang sa akin nang tila walang reaksyon o kahit anong emosyon.
“At magpapaload na po ako sa susunod, Sir.” Tumaas pa muli ang kilay niya.
Pagtingin ko sa kaniyang cell phone ay wala itong lock at kulay itim ang kaniyang case habang ang lockscreen naman nito ay itim lamang na may usok sa gilid.
Pinindot ko ang contacts nito saka ako napakurap nang sumakit ang ulo ko. Para ba akong may nakita na ganito ang pangyayari. Tinagilid ko ang aking tingin sa cell phone niya at hinayaan na lang ang nangyari kanina.
“I’m calling her right now, Sir.”
Nakadikit pa ang kaniyang telepono sa aking tainga habang sinasabi iyon sa kaniya. Hindi naman niya ako pinapansin dahil ang tingin niya ay nasa labas lamang ng sasakyan mula sa bintana. Nilalaro niya ang kaniyang labi gamit ang hinlalaki niyang daliri.
Nang sagutin naman ito ni Ma’am Anie ay para ba akong nagulat saka sumagot.
“Ma’am Anie?” kausap ko mula sa kabilang linya. “Cleofaith?” Kung ikukumpirma ko ang kaniyang tono ng pananlita ay para ba siyang nabigla nang marinig niya ang boses ko.
“Oh, my gosh, Cleo! Bibigyan mo ba ako ng heart attack?” Nasobrahan naman sa over acting nito ni Ma’am. “Ma’am… nanghihingi po kasi si Sir. Hugo ng plan… plan ano po?” tanong ko kay boss.
“Planning meeting, Cleofaith. Planning meeting.” Mariin niyang sagot na ikinanguso ko na lang ulit.
“Narinig niyo naman na po siguro, Ma’am. Need niya raw po no’n.” Narinig niya naman iyon for sure. “Cleo, please don’t call me again sa number na ito? Kasi bibigyan mo ako ng heart attack, Cleo.”
“W-wala po kasi akong load, Ma’am.”
“Nena! Kunin mo nga ang ‘yung pang bp, Dai! Jusko! Ang puso ko parang aalis sa katawan ko, Cleo. Akala ko naman kung ano ang nangyari kaya tumawag siya.” Tumawag lang gamit ang cell phone ni Sir Hugo, may nangyari na agad na masama.
“Anyways, okay. I’ll send you the details later. Aayusin ko pa ang ilang mga meetings at dahil may ilang meetings siyang hindi napuntahan recently.” Nakikinig lamang ako para maintindihan ko na at hindi ako mapahiya.
Nang matapos niyang sabihin ang lahat sa akin ay ibinigay ko na ang kay Sir. Hugo ang kaniyang telepono.
“Bali, Sir… ibibigay niya po sa akin mamaya ang details. Ibibigay ko na lang din po sa inyo bukas.”
“Later. I need that later. I have to see my schedule, Cleo. Meeting with who, meeting for what.” Tinuturuan niya ako sa mga kailangan ko gawin nang hindi niya man lang alam na siya ang boss.
Hindi ba dapat ay hindi siya ganiyan sa akin? He should be arrogant or something.
“Opo, Sir.” Tipid kong sagot.
Nang makarating na ako sa dorm namin ay tumila na ang ulan. Masyado nang madilim ang paligid at hindi pa rin ako sanay doon. Kahit nga yayain ako ni Ande na kumain sa nine-eleven ay hindi ko magawa, dahil feeling ko ay hindi safe.
“Thank you po, Sir.” Pagpapasalamat ko bago ako makalabas ay nagpaalam na ako sa kaniya. Naroon na rin si Kuya Nestor na sinasabi ni Sir. Hugo kanina na maghahatid sa akin patungo sa bago kong dorm.
Pumasok na ako sa loob nang makita ko na agad si Ande sa gilid mula sa hadgan.
“Bakla! Rinig na rinig ko ang usapan! Ano ‘yon? Sino ‘yon?” Nguso niya pa sa ibaba na ang tinutukoy niya ay ang mga guards. “Ande, kasi kailangan ko na maglipat ng gamit. May ibinigay kasi sila sa akin na dorm saka wala pa akong babayaran kahit ano doon.” Bakas ang lungkot sa mukha ni Ande nang sabihin ko iyon.
“Pero ‘wag kang mag-alala, dahil gagawa ako ng paraan para makapasok ka sa Hampton Group, okay? Tapos magkasama na tayo sa dorm.” Iyon kasi ang pangako ko sa kaniya kapag nakapasok ako sa Hampton Group.
“Talaga lang, huh? Baka mamaya ay kalimutan mo na ako.”
“Baka kamo ikaw. Ikaw ‘yung kumikita ng isang libo mahigit araw-araw, e.” Ang trabaho kasi ni Ande ay isang Costumer Care Assistant sa isang Korean lounge malapit sa amin.
Kaya marami siyang dress at heels. Nito ko lang din iyon nalaman bago niya ako ayusan.
“Tulungan na kita maghakot ng gamit.” Marami kaming pinag-usapan habang inilalagay sa dalawang malaking bag ang ilang gamit ko.
“Wala ka nga talagang kahit anong gamit, ano?” Natatawa niya pang tignan ang dalawang bag na nasa sahig. “Ayan lang naman talaga ang napundar ko rito. Mabuti nga at naging dalawang bag. Isang bag lang naman ang dala ko noong una.” Tumawa na lang din siya sa sagot ko.
“Wait lang ha? Hintayin mo ako at may ibibigay ako sa ‘yong dress. ‘Wag lang ‘yan na dress kasi kailangan ko ‘yan sa work. Tara!” Dinala niya ako sa kabilang kwarto at doon nanaman siya naghakot ng kung ano.
“Ande… may naghihintay kasi sa akin sa baba. Baka mamaya ay mainip na sila-”
“Ano ka ba? Hindi ka naman nila iiwan, e! kunin mo na ‘to!” Ibinato niya sa akin ang isang black dress na pang formal. Maayos at desente tignan ang itim na dress nang mahawakan ko.
“Ay! Ang ganda!”
“Syempre naman. Bigay ‘yan sa akin nu’ng hapon. E, naiinis naman ako dahil hindi ko gusto ang black, Cleng. Alam mo naman na bet ko ang pink, purple! Iyong light!”
“Salamat, Ande. Hayaan mo ay makakabawi rin ako sa ‘yo sa lahat nang ibinigay mo sa akin na tulong.” Tumaray lang siya sa akin at hinawi ang buhok. “Kung may ibibigay ka na lang sa akin, Cleo. Iyong lalaki na lang na nagtatrabaho sa Hampton Group. Iyong hindi na ako magtatrabaho dahil siya na ang bahala para buhayin ako.” Inshort, sugar daddy ang hanap niya.
“Gusto mo ba si Mang Nestor?” pagbibiro ko sa kaniya. “Jusko, Cleng! Aalis ka na lang, bibigyan mo pa ako ng sama ng loob! Hindi na!” Sabay tulak niya sa akin papalayo sa kaniyang pinto.
Inihatid niya ako sa ibaba at kinuha naman ng dalawang lalaki ang dalawa kong bag.
“Bye!” pagpapaalam ko sa kaniya.
Nang isarado ko ang pinto ng kotse ay agad kong pinagmasdan ang susi na ibinigay ni Sir. Hugo sa akin.
“Tara na po, Kuya.” Tumungo naman ang driver sa utos ko nang paandarin niya iyon. Nakatingin lamang ako sa labas ng upang pagmasdan ang ilang mga magagandang view.
Doon ko lang napagtanto na malungkot pala ang Manila kapag gabi. Kahit gaano karami ang ilaw at palamuti sa gilid. Kahit gaano pa kalaki ang mga building ay hindi pa rin maitatago ang kalungkutan ng lungsod.
Ngunit nang tumambad sa akin ang magandang view ay nabigla ako.
“Ito ang masayang tanawin.” Hindi ko alam kung paano ko ba siya maidi-describe pero ang mga ilaw nito at ang ilang mga taong naroon sa ibaba ng magandang building ang nagbibigay ng kaligayahan sa building.
“Narito na rin po tayo, Ma’am,” ani ni Kuya Nestor.
Sinundan ko ang mataas na building na may nakalagay sa unahan na Hampton Group Residence.
“Welcome po, Ma’am. Bali may lalapit po sa inyo d’yan sa loob.” Hindi pa nga ako nakakababa nang may kumatok na sa salamin ng kotse. Nang buksan iyon ay kinuha ang aking bag.
Ito ang dorm ng mga nagtatrabaho sa kanila?
“Dito na lang po tayo, Ma’am,” sabi ng lalaki sa gilid ko. Nang mapansin ko naman ang babaeng receptionist sa gitna ng lounge ay para ba itong nataranta at agad na idinikit ang telepono sa kaniyang tainga.
Madali kaming nakaakyat sa floor kung saan ang aking kwarto.
“Buksan niyo na lang po, Ma’am. Kung may katanungan po kayo ay pwede niyo kaming tawagan. Press na lang po ang number one sa telephone sa inyong kwarto.” Tumango ako at agad na pumasok sa loob.
Siguro ay maraming kwarto sa loob nito.
Hindi ako nagkamali nang makita ko ang loob dahil sobrang laki nito. Ako lang ba ang naka dorm rito? May nakikita ako ilang pinto. Parang tatlo iyon sa taas. Siguro ay tatlo kami rito.
Nang makaakyat ako sa taas ay hindi ko alam kung ano ang kwarto ko rito. Kasi wala namang ibinigay sa akin na kung saan.
“Baka lahat pa ito bakante?” Kamot ko sa aking ulo kaya pinili ko na lamang ang nasa unahan.
Nang buksan ko iyon nang may ngiti ay nanlaki ang mga mata kong makita ang isang Hugo Hampton na nakatapis lamang habang naglalagay ng deodorant sa kaniyang kili-kili gamit ang isang roll on!
Ano ang ginagawa niya rito?! Bakit naririto si Boss?!