Hotdog! Bakit ko gagawin ‘yon?
Ayon ang nasa aking isipan nang sabihin niya iyon sa akin.
“P-po?” Napatanong akong muli at baka mali lang talaga ang narinig ko. “Hindi ko alam kung ano po ang ibig niyong sabihin,” dagdag ko kahit na alam ko naman.
Nakita ko kung paano siya napangiti at tumingin sa gilid.
“So… where do you live?” oh, shems. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ano kaya ang sinabi ni Miss Anie kay Sir kung saan ako nakatira? “I-I live-” Ngunit hindi koi yon nasabi ng buo nang marinig ko ang boses mula sa isang speaker muli.
Sinabi n’yon na paparating na ang aming order kaya nakahinga ako nang maluwag.
“Salamat po!” Malakas ang pasasalamat ko sa waiter na naglapag ng pagkain ko sa aking harapan. “Thank you po talaga, Kuya!” Pansin ko kung paano tumingin ang lalaking waiter sa aking kaharap na lalaki.
Nang sundan ko ang tinitignan niya ay napalunok akong pagmasdan si Sir. Hugo na nakatingin din sa kaniya.
Hindi nagpaalam sa amin ang waiter nang umalis siya kaya naman nanumbalik muli ang kaba sa aking dibdib.
Nang umpisahan niyang kumain ay sumunod na rin ako. Sa maraming tinidor at kutsara sa harap ko ay ginaya ko na lang kung ano ang kinuha niya para makasabay.
“You still have weeks to learn.” Umangat ang tingin ko at dahan-dahan na tumango. “Don’t worry po, Sir-”
“You can call me Hugo.”
Para ba akong napipe. Bakit ko naman siyang tatawagin na Hugo? E, hindi naman kami close. Si Ma’am Anie nga ay Sir. Hugo ang tawag sa kaniya tapos ako Hugo lang?
“You’re my boss, Sir Hugo. I will respect you, no matter what.”
“I don’t your respect, Cleofaith.”
Kumabog nang malakas ang aking dibdib nang tawagin niya ang pangalan ko ng buo. Kahit sino ay wala pang nakakagawa na pakabugin ang puso ko sa pagtawag lang sa akin.
Tanging siya lang…
“I have too, Sir. As I said, you are my boss…” Dinilaan niya ang kaniyang labi. Ako naman itong pinagpipilitan ang gusto ko. “Fine… pero kapag naroon na tayo sa Palawan ay hindi mo na ako pwedeng tawagin na Sir.”
“Sir.”
“No buts.”
Wala akong nagawa kung hindi ang kumain na lamang. Hindi ko naman siya mapipilit kung ayon ang gusto niya. Marami siyang itinanong sa akin about sa family ko na kahit paano ay nasasagot ko naman. Hindi nga lang buo dahil hindi naman kami mayaman kaya tanging katatamtaman lang ang mga pinagsasabi ko.
“And lastly, where did you get your dress?” Nawala sa isip ko ang sarap ng pagkain sa harap ko sa kaniyang tanong muli. “A-ah! Ito po? S-sponsor po.” Napupuno na talaga ng kasinungalingan ang bibig ko nang dahil sa trabahong ito.
“From who?”
“From my friend, Sir.” Baka hindi niya bet ang suot ko kaya ganiyan siya? O hindi naman kaya ay bakla siya? Hindi kaya? Baka mamaya ay bet niya pala ang dress at kaya ayaw niyang tawagin ko siyang Sir dahil pusong babae pala siya, ha!
Naningkit ang mata ko sa kaniya dahil hindi naman halata sa kaniya na bading pala siya.
“Nagustuhan niyo po ba ang dress ko?”
“Nah…” napakurap ako. Syempre! Ayaw niyang ipahalata sa akin na bakla siya, hindi ba? Kaya naman ang sunod na ginawa ko ay tumungo na lang.
“Its fine, Sir. Sabihan niyo lang ako kapag gusto niyo ng ganito at pwede ko sabihin sa kaibigan ko.” Imbis na magsasalita pa ako muli ay natameme akong nang mapansin ko ang isang singsing sa kaniyang daliri matapos niyang punasan ang kaniyang gilid ng labi.
“Kasal na po kayo, Sir?”
“Yes, why?”
Baka sa lalaki siya ikinasal? Hindi ko na alam kung ano ang pinag-iisip ko o kung tama pa ba.
“Sa babae po ba, S-sir?” Gusto kong sampalin ang bibig ko dahil sa aking tanong. Seryoso ka ba talaga, Cleofaith? Itatanong mo kung sa babae siya ikininasal?!
Nanlaki ang mga mata niyang tignan ako. Panigurado akong nag-iisip na siya nang masama tungkol sa akin. Sino bang bobo ang magtanong ng gano’n? Hindi ba at ako lang? Sa C.E.O pa! Hindi ka na nahiya, Cleofaith!
“Pasensiya na po, Sir! Hindi ko naman po gustong itanong iyon sa ‘yo! A-ano lang po… naisip ko kasi na baka gusto niyo ng dress ko kaya-”
“Its fine…” Saka ito tumayo at agad na pinagpag ang kaniyang damit. Dali-dali rin akong tumayo dahil alam kong galit siya sa akin. Hindi ko na lang talaga alam kung may trabaho pa ako bukas sa tanong ko.
“Lets go?” tanong niya na ikinatungo ko na lamang nang may hiya pa sa mukha. Pinagbuksan kami ng dalawang waiter nang matanaw ko ang labas.
Bakit naulan? Parang hindi na nga ‘yan ulan lang, e! Bagyo na ata iyan!
“Sir. Hugo.”
“What?” Tipid niya akong sinagot habang kami ay naglalakad patungo sa labas. Hindi niya ba napapansin na naulan? Parang wala lang sa kaniya? “Medyo malakas po ‘yung ulan, Sir. Satingin ko ay kailangan muna natin magpatila.”
“May kotse ako, Miss Mandrid.”
Edi ikaw na may car! Ako na wala!
“Sabi ko nga po, Sir.” mariin akong tumaray nang hindi niya kita. “Where’s your car?” Bumalik ang tingin ko sa kaniya.
“My car? Sorry, Sir. I didn’t use my car today.” Eme! Akala mo talaga may kotse siya! Ngumiti ako na animo’y proud na proud pa sa kasinungalingan ko. “Oh… kung gano’n ay ihahatid ka na lang namin.” Pastilan! Mas lalong hindi pwede! Malalaman niya ang katotohanan!
“I actually booked na po ng service para maihatid ako.” Tumaas ang kilay nito sa akin. “That is not safe for a woman, Miss Mandrid. Like to ride along with a stranger driver.”
“Sanay naman po ako, Sir.”
“Naka-ready na po ang sasakyan, Sir.” Pasok ng isang lalaki na may hawak ng payong at nang mapansin niya ako sa tabi ni Sir. Hugo ay agad itong humingi ng pasensiya sa hindi ko alam kung bakit.
“Ma’am, pasensiya na po at umalis po iyong nagsundo sa inyo kanina. Kailangan po kasi ng driver sa company at siya lang po ‘yung bakante kaya umalis po muna.” Kumurap lang ako sandali saka ngumiti. “Ayos lang po, Kuya. Nag-book na po ako.”
“Lets go.”
“S-sir?”
“I said, lets go. Kung may mangyari sa iyo ay sagot pa iyan ng kumpanya. Hindi ka pa nakakailang buwan sa akin para madisgrasya.” Sino ba nagsabing madidisgrasiya ako?
“Ayos lang po! Hindi niyo na po ako kailangan ihatid sa amin, Sir.” Pagpupumilit ko.
“Sino ba ang nagsabi na sa dorm niyo ikaw matutulog? I already check your background, Cleofaith. I hate people who lies… even white-lies.” Crap! Alam niya ang totoo? Nagmukha lang akong tanga!