CHAP 3

2500 Words
Ano ba ang susuotin ko? Narito ako ngayon sa dorm ko. Nakakapanghinayang lang na kailangan ko pa magbayad ng isang libo para sa maliit na kwarto na ito pero hindi naman masama. Kagat-kagat ko nanaman ang labi kong pagmasdan ang ilang damit ko. “Wala na bang ikaka-ganda ‘to?” Habang pinagmamasdan ang mga ito. Hindi ko naman nilalait at sinasabi na iisa lang ang mga itsura sa ukay-ukay pero sa dress na nabili ko? Parang gano’n na nga. Ito lang kasi ang mura at sa tingin kong maayos-ayos. “Bahala na.” Wala na akong choice kung hindi ang suotin ko. Nakakahiya naman mag-pants at shirt dahil iyon lang naman ang mayroon ako. Wala naman akong maayos na damit simula nang umalis ako sa Davao. Pasalamat na lamang ako at kahit paano na lang talaga ay nakakita ako ng ukay-ukay dito malapit sa amin. Kasi kung ikukumpara mo ang presyo sa amin doon sa Davao? Nako! Ang mahal! Sinimulan ko na rin mag-ayos sa aking mukha. Masabi lang na kaaya-aya ako tignan ay ayaw ko rin naman magmukhang dugyot. “Oh? Kakaiba ang itsura mo ngayon, ah!” Nang pumasok ang aking kaibigan si Ande. “Naalala mo ‘yung sinabi ko sa ‘yo?” umupo naman siya sa maliit kong kama at naningkit ang mga mata niyang pagmasdan ako. “Iyong sa Hampton Group?” tanong nito. “Oo, kinuha na nila ako!” sa masaya kong tono kung sabihin iyon. “Ha?!” Kitang-kita ko ang kaniyang pagkinang sa mga mata nito. “Seryoso ka ba?” sunod niya pang tanong sa akin. “Hindi ako nagbibiro!” Lumapit ako sa kaniya at siya naman itong tumayo saka kami nagsipagtalon-talon. “Alam mo na, ha?! ‘Wag mo akong kakalimutan, ah! Baka mamaya ay makapangasawa ka ng mayaman doon, dahil balita ko ay mga mayayaman ang nagtatrabaho doon!” Hinampas ko ang kaniyang balikat dahil hindi naman totoo iyon. “So, ano ang tawag mo sa akin? Yaman ako? Gano’n?” Humalakhak na lamang siya sa sinambit ko at hinila ang aking braso. “Hindi maganda ang suot mo, Be! Sisirain mo ‘yung kagandahan mo!” Ngumuso na lang ako. Wala na talaga akong masusuot, dahil kahit tignan niya pa ang damitan ko ay puro pants iyon. “Alam mo? May mga dress ako… halika! Papahiramin kita,” pagyayaya niya at agad ako nitong hinila patungo sa kaniyang kwarto. Sandali lang nakamapasok kami sa kwarto niya ay nagulat na lang ako sa loob nito. “Wow…” Hindi ko alam kung paano ko ba mapapakita ang pagka-surprise ko sa loob nito. “Pagpasensiyahan mo na kung magulo, ha? Alam mo naman at napaka-workaholic kong tao.” Nilibot ko na ang aking paningin sa maliit niyang kwarto na katulad lamang ng akin pero mas lalo itong sumikip dahil sa mga gamit niya. “Simula kasi nang iwan na ako ni Mama kay Papa ay umalis na ako. Kaya ngayon ay mag-isa na lang talaga ako. Saka alam kong hindi na ‘to kailangan pa ikwento sa ‘yo pero dahil kaibigan kita ay pakinggan mo na lang ako.” “Pakikinggan naman kita. Magsabi ka lang sa akin at narito lang ako-” Hindi ko pa man iyon natatapos nang bigla na lang niyang kinuha sa isa niyang hanger-an ang isang nakatago sa dress bag. “Ito ang suotin mo. Huwag mo muna unahin ang kwento ng buhay ko dahil may sarili akong kwento kaya para masimulan na ‘yon ay isuot mo ‘to.” Napalayo ako nang kaunti sa kaniyang sinabi at nanlaki ang butas ng ilong. Wala akong maintindihan. Pinagmasdan ko ang orasan at isang oras na lang ang natitira bago ako sunduin ni Ma’am Anie. “Bilisan mo, Be!” Hila pa nito mula sa akin na ikinakamot ko na lang sa aking ulo. Nang ibaba niya ang zipper ng dress bag ay nagulat ako sa lumitaw na magandang dress na ito. Isa itong white dress na mahaba ang neckline na hugis V. “Hindi ba sobrang bababa n’yan? Hindi makikita ‘yung dibdib ko n’yan?” Animo’y parang tumirik ang mata niyang tignan ako. “Seryoso ka ba? Magkatawan lang tayo, Cleo. Kahit kailan ay hindi nakita ang dibdib ko noong sinuot ko ‘yan.” Pagrarason niya pa sa akin. “Baka naman ay hindi ito tugma kasi masyado ata itong revealing.” Wala na ba siyang simple lang d’yan? Okay lang naman kasi sa akin iyong suot ko kanina. Hindi ko naman talaga need ng fancy na dress. “No way, Cleo. Hindi ‘yan revealing, Gaga! Ayan ang bagong dress ngayon. Ayan ang dress na nakakabighani ng mga boss.” May pakindat pa siyang ginawa bago niya itinaas-taas ang kaniyang kilay. Napasinghap ako nang kaunti at dinilaan nanaman ang aking labi. “Baka mamaya ay mapahiya lang ako, Ande…” “Mas mapapahiya ka sa suot mo kanina. Saka para saan pa at naging kaibigan mo kung hindi kita tutulungan?” “Bahala na! siguraduhin mo lang talaga, Ande! Na hindi ito mahuhulog sa akin.” Hindi na ako nagsalita pa at sinuot na lamang sa kaniyang harapan ang putting dress na ito. “Ano? Revealing?” Taas kilay pa nito. Hindi naman pala siya gaano nagsisiwalat ng dibdib pero para sa akin ay gano’n pa rin naman at hindi ako sanay sa ganitong klaseng damit. “Dapat ba talaga ay walang bra?” “Cleo? Alam kong hindi ka mangmang, Be. May padding ‘yan! Tignan mo nga iyang dibdib mo? Na push, hindi ba? Kasi nga may ayan!” Halos para akong aatakihin sa puso nang ipitin niya ang dalawa kong dibdib na animo’y nagbigay lalo sa akin ng cleavage. “See? Saka kailangan mo ayusan. Hindi ko bet ‘yan look mo.” “Ayos na ‘to! Hindi naman ako magme-make up ng sobra.” “Ano ba ‘yang look na ‘yan? Anemic look? Low blood glam ba ‘yan?” Wala na talaga ako maintindihan sa mga pinagsasabi niya. “Ayusan mo na nga lang ako at nang matapos na ito.” Hindi na ako pumalag dahil alam ko naman na hindi rin ako mananalo sa kaniya. Matapos niya akong lagyan nang kung anu-ano sa mukha ay nagulat na lang ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. “See? Ayan ang may vitamin C sa katawan, Cleo.” Napangiti ako nang makita ang sarili. Mas lalo atang gumanda ang mukha nang lagyan niya ako ng foundation at pampapula ng pisngi. Sa sandaling nag-usap kami at halos lahat ng suot ko ay sa kaniya. Pati na rin ang maliit na heels na puti ay pinasuot niya rin sa akin. “Ingatan mo ‘yan, ha? Mag-iingat ka…” Kaway pa nito sa akin nang dumating na rin ang kotse ng Hampton Group. Imbis na ako ang magbukas ng pinto ay agad na bumaba ang nasa unahang pinto at saka ako nito pinagbuksan. Napalingon ako kay Ande na ang mga ngiti niya ay para bang nangaasar. “Bye!” Paalam niya sa akin at sinuklian ko na lamang ito ng kaway. Ang iniisip ko ay may kasama ako sa loob ngunit wala rito si Ma’am Anie. “Ah… Kuya? Nasaan po si Ma’am Anie?” tanong ko dahil sa pagkakatanda ko sa sinabi niya sa akin kanina ay susunduin niya raw ako. “Nagkaroon po siya ng emergency, Ma’am.” Mas lalo akong kinabahan sa sagot ni manong. “P-pero makakasama naman po siya, hindi ba?” Ayoko nang hindi siya kasama! Baka mamaya ay ako ang gisahin ni Sir. Hugo, dahil marami pa akong hindi alam sa kaniya. Syempre, alam ko naman na sinabi na ni Ma’am Anie kay Sir ang iba kong details. “Ayon lang po ang hindi ko alam, Ma’am. Ang utos niya lang po kasi sa akin ay dalhin ka sa resto.” Napahawak ako sa dibdib. Para akong aatakihin sa puso sa biglaang pag-alis ni Ma’am Anie. Kapag talaga may itinanong sa akin si Sir na hindi ko nasagot ay katapusan ko na talaga. Alam niya kaya na hindi ako naka-graduate ng college? Alam niya kaya na hindi man lang ako nakatungtong ng college? “Kabado bente…” mahina kong bulong sa aking sarili. Sa kalahating oras na byahe mula sa dorm ko ay napansin ko ang isang malaking building na ito. Pinagmasdan ko lamang iyon at doon ko natuklasan na isa pala iyong condo. Ang yaman na siguro ng may-ari n’yan. “Ang ganda…” Wala sa sarili ko iyong nasabi habang nakatingin pa sa mga halaman na nasa paligid nito. “Maganda rin po ang may ari n’yan, Ma’am…” Napatingin ako sa driver sa kaniyang sinabi. “Kilala mo po?” Tila naghihintay ako ng sagot sa aking tanong sa kaniya. “O-opo…” Para ba siyang nauutal. Baka crush niya siguro ang may ari n’yan. “Mukhang maganda nga po kasi nauutal ka po, e.” pagbibiro ko na ikinangiti na lamang niya. Halos pag-ikot naming ay tumambad ang isang resto. Oh, Lord! Narito na ata kami! Mas lalo akong kinabahan dahil nga ako lang mag-isa. Isang malaking lunok na lamang ang nagawa ko bago ako pinagbuksan ng pinto at agad na bumaba. “Diretso na lang po kayo, Ma’am. Hihintayin ko na lang po kayo rito para maihatid na lang po kayo ulit sa dorm niyo.” Kailangan ba ‘yon? “A-ayos lang naman po kung ako na lang po ang umuwing mag-isa, Manong. Hindi na po kailangan kasi baka hinahanap ka na ng pamilya mo.” Napakamot na lamang siya sa kaniyang buhok at umiling. “Trabaho ko po ito, Ma’am. Kaya pumasok na po kayo, Ma’am.” Hindi na ako nagpumilit pa sa gusto ko dahil mas uunahin kong asikasuhin ang boss ko. Nang makapasok ako sa loob ay lamig agad ang yumakap sa akin. “Mali ang dress na ito para sa lugar na ito, Ande…” Nag-mukha lang ata akong tanga ngunit nang makita ko ang iilang mga babae at ang kanilang damit ay pinagtuunan ko ang aking suot. “Hindi na rin pala masama, Ande…” Kahit wala naman ang kaibigan ko ay parang iniisip ko na lamang na kasama ko siya. “Miss Cleofaith?” Nagulat ako nang may tumawag sa akin na lalaki. “Halika na po sa loob, Ma’am.” Sabay turo nito sa isang daan. Pansin ko ang isang malaking letra na nagsasabing VIP ang papasukan ko. Ano pa nga ba ang aasahan ko. C.E.O ang makakausap ko for today! “M-miss?” Pigil ko lalaki nang pagbubuksan niya nasa ako ng damit. “M-maayos naman po ang itsura ko?” Nahihiya akong itanong iyon pero no choice na ako. Ayoko mapahiya sa harap ni Boss. “You always look stunning, Miss Faith…” Tumaas ang kilay ko. Ang weird no’n, ah! “S-salamat…” Ayon na lamang ang nasabi ko nang makapasok ako sa loob. Ang iniisip kong ako ang nauna sa resto ay nagkakamali ako, dahil naroon na ang isang lalaki na nakasandal sa kaniyang upuan. Nakaayos ang kaniyang buhok at may hawak na baso na tila umiinom ng tubig habang ang mata ay nakipagtagpo sa akin. “G-good afternoon po, Sir…” Imbis na sagutin niya ako ay tinignan niya ang kaniyang relo at agad na bumalik ang tingin sa akin. “Evening… good evening, Miss Mandrid,” bati nito at pagtama na rin sa akin. Putek! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Umpisa pa lang ay palpak na. “Na late po ba ako?” “What do you think?” “S-sorry po…” saka ako yumuko at nang iangat ko ang aking tingin ay pansin ko kung gaano kapula ang mukha niya. Tumingin siya sa gilid at uminom ng tubig muli. “Pasensiya na po, Sir…” dagdag ko pa. “You don’t have to say sorry. You are just in time. Take a seat…” sa maarte niyang paglahad ng kamay sa upuan. Hindi man niya iyon hinila dahil syempre! Siya ang boss! Ang swerte ko naman kung paghilaan ako n’yan. Magsasalita na sana ako nang mapalingon ako dahil sa boses mula sa isang speaker mula sa pinto. “Good evening! We will bring you the menu.” Matapos kong marinig koi yon ay ilang segundo pa nang pumasok na ang dalawang tao na may dala ng menu list at saka naman iyon binigay sa aming dalawa. Nang umalis na ang dalawa ay saka ko binuklat ang menu list. Pusang gala! Ang mahal! “Carbonara? One thousand na?” mahinang-mahina kong rant habang nagtatago sa menu list. Wala akong makitang mura rito! Sobrang tagal kong nakatitig sa menu at wala man lang akong mapili na mura lang talaga. Iyong hindi na siya gagastos pa ng mahal para sa akin. “Are you done?” itinaas ko ang tingin sa kaniya nang tanungin niya ako. “A-ah… ito na lang.” Hindi ko na alam kung ano ang tinuro ko. May masabi lang na may alam ako sa ganito. We have to look decent! Kailangan ay mukhang galing ka talaga sa mayamang angkan! Siguro kapag nalaman niyang hindi ako mayaman ay ligwak na ako agad. “Are you sure?” Naniningkit pa ang kaniyang mata at saka tinignan ang itinuro kong pagkain. “B-bakit? Hindi ba ‘to masarap? Favorite ko kasi ito.” Sa sandaling nagkatitigan kami ay feeling ko hindi ko siya nagalang. Pumasok muli ang dalawang lalaki at agad na kinuha ang menu list sa amin. Ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko dahil nakalimutan ko ang tinuro ko. “The usual,” ani ni Sir. Hugo. Saka naman tumingin sa akin ang lalaki at tila sasagot na sana ako nang mapatingin ako kay Sir nang magsalita siya. “Usual.” Ulit niyang muli na kinaisip ko. Usual ba ang tawag sa pinili ko? “Copy po.” Tumalikod ang lalaki at sinundan ko iyon hanggang sa makalabas siya. “So, Miss Cleofaith Mandrid…” “Y-yes po?” “I hope you understand your job. I'll tell you the truth. This job isn’t easy for those who didn’t really know me.” Pinagbabantaan niya na ba ako? Sinasabi niya na ba sa akin na sobrang hirap ng trabaho na ibinigay sa akin kaya kailangan ko na lang umayaw? “I know, Sir.” Mataas ang pride ko. Kailangan ko ng pera ngayon kaya hindi ako magpapatinag sa mga pananakot niya. “Lahat po ng trabaho ay mahirap, Sir.” Pansin ko ang ngisi niya. “Uh-huh…” Pagsang-ayon niya sa akin. “Sana ay maging comfortable kayo sa akin dahil ako ang makakasama niyo at gano’n rin po ang gagawin ko. Hindi ko naman po kayo bibiguin.” Seryoso ang mukha niya na nakikipagtitigan sa akin. “So, when I say ‘take off your clothes because that’s where I feel comfortable’ will you take off your clothes for me?” Ano raw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD