CHAPTER 2

1748 Words
Narito ako ngayon sa upuan at nakatingin sa aking hawak na papel. “Oh? Ano ang tinitignan mo?” tanong sa akin ni Chell. Siya ang unang babaeng unang ngumiti sa akin nang makarating ako rito sa Haptom. “A-ah! Wala!” saka ko itinago sa aking likod ang papel. Pansin ko ang kaniyang matang nakatingin sa itinago kong papel at ngumiti. “Tama ba ang narinig ko?” malakas ang ilang bulungan sa gilid ko. “Bakit siya? Ang dami naman dito na sobrang tagal na kaysa sa kaniya. Mas alam pa nga natin kung ano ang mga gusto ni Sir.” tinikom ko ang aking bibig at dinilaan iyon. Tama nga naman sila. Bakit kasi ako pa ang napili ni Ma’am Annie? “’Wag kang maingay at nasa likod lang ng cubicle mo ang kinuha nila.” sunod no’n ay wala na akong narinig na salita pa nila. “It’s fine! Ano ka ba?! hindi ka ba natutuwa na nakuha ka?” hinawakan ni Chell ang aking kamay. Hindi rin ba siya magagalit? “Ang dami talagang epal sa trabahong ito,” gigil niya pang sambit. Napaisip pa nga akong muli dahil ang sabi sa akin ni Ma’am Anie ay walang pumapayag sa trabahong ito na ibinigay niya sa akin. Baka may iilan lang na gusto, ‘di ba? “Anyways. Lets be friends, ha?” inilapag niya ang kaniyang kamay at tila hinihintay rin ang aking palad. “Friends,” sagot ko at nakipagkamay. “Medyo may katagalan na rin ako rito sa trabahong ito. Masaya akong makita ka, Cleo…” kumurap-kurap pa ako. Para namang matagal na kaming magkakilala kung sabihan niya ako nang gano’n. “Back to work!” matigas na boses ng ginang na may salamin. Kaya naman agad akong tumingin sa aking monitor. Ano ba kasi ang gagawin ko rito? Wala naman nagsabi sa akin nang gagawin ko. Medyo kumunot ang aking noo. Ni hindi man lang kasi na orient sa mga gagawin. Sa ilang oras kong nakatunganga sa monitor ay hindi ko napansin na tumayo na pala ang kaibigan kong si Chell. “Hindi ka pa kakain?” tanong nito sa akin. Kumurap ako saglit at napaisip. Magkano lamang ang dala ko para makabili ng pagkain dito. Panigurado akong mahal ang mga pagkain dito. “Sasabay ka ba sa akin?” umangat muli ang aking tingin sa kaniya. “H-ha? Ah! O-oo! Sasabay ako sa ‘yo. Nakapag-almusal kasi ako kanina kaya medyo busog pa ako.” pansin ko ang pag-awang ng kaniyang labi saka tumango. “So? Sasabay ka ba?” ngiti niyang tanong ulit. Hindi rin pala ako makakatakas. Tumayo na ako at nag-isip kung ano ang gagawin. Hayaan mo na, Cleo! Halos pagpapagaan ko ng aking loob. Minsan ka lang naman makakakain sa maganda at masarap. “Ano kakainin mo? I’m fine with salad,” ani nito. Nakikinig lamang ako sa kaniya habang pinagmamasdan ang kaniyang katawan na nagre-reflect sa harapan mula sa elevator. “Ikaw?” sunod niyang tanong sa akin. “I-I’m good… baka mag-burger na lang ako,” mahina kong sagot. Jusko! Baka naman sobrang mahal ng burger dito! Lord! Huwag naman sana! “Akala ko fasting ka. Medyo pumayat ka kasi.” kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit niya iyon nasabi kahit hindi naman talaga kami nagkikita noon. Hindi nga kami friends, e. Ngayon lang talaga kami nagkakilala at dito iyon sa Hamptom Group. Bukas ang elevator nang maglakad kami muli. Narito kami sa admin at dire-diretso lamang ang lakad nang makita ko ang ilang mga taong palabas sa isang gawi na may mga dalang pagkain. Huminga ako at tinikom ang bibig. Hinawakan nang mahigpit ang aking wallet na magkano lamang ang laman. Masyado akong tagtipid at kailangan ko pa magbigay ng pera para sa aking pamilya. “Welcome sa canteen ng Hamptom Group,” maligayang pagbati ni Chell sa akin. Kaya nang makaliko kami ay agad bumungad sa akin ang kagandaan ng canteen. “Chell! We’re here!” parehas kaming napalingon ni Chell at tinignan kung sino ang tumawag. “Its Nel.” turo niya pa sa kumakaway mula sa isang mesa. “Kaibigan mo?” “Colleague.” “Siguro mabait ka. Marami kang kaibigan dito.” kumuha lamang siya ng salad plate at naglagay doon ng kung anu-anong dahon. “Are you just gonna watch me?” medyo natatawa niya pang tanong. Hayop! Bakit walang mga presyo ang pagkain dito? Hindi ko na alam kung paano ang gagawin ko. Marahil ang mga nakakapasok lang naman sa kumpanyang ito ay kung hindi mga magagaling at batikan. Marahil mayayaman din sila, dahil sa pinag-aralan pa lang nila ay alam ko na. “May problema ba?” lumapit na siya sa akin. Gusto ko sanang maging totoo ngunit baka magtaka siya kung nakapasok ang isang dukha sa trabahong ito. “Ang hirap pumili, ano?” kung alam mo lang, Chell. Mahirap pumuli lalo’t wala ka namang sapat na pera. “Kung hindi nga lang ako nagpapapayat ay marami na akong kinuha sa plato ko dahil libre lang naman lahat ng iyan.” nawala ang kaba sa aking dibdib nang marinig ko ang sinabi niya. “Libre lang ito?” “Oo,” ngiti niya pang sagot sa tanong ko. “Ganiyan din ako nang malaman kong libre lang lahat dito.” parang gusto ko na kainin ang lahat nang nakikita ko rito sa hapagkaninan! “Lahat-lahat ba? Kahit juice? Coffee? Tea? Uhmm… steak?” pansin ko kasi ang dala-dala ng isa. “Even steak, Cleo. Lahat dito ay free. May service nga kami dito, door to door.” putek na ‘yan! Dali na akong kumuha ng pagkain na gusto ko. Bahala na sila mag-isip kung patay gutom ako o hindi. Nang matapos akong kumuha ay umupo na kami mula sa sinasabi niyang Nel. “Hi! Nice to meet you,” ngiti ni Nel sa akin. “This is Cleofaith Madrid, bago sa team namin.” kita ko kung paano siya tumungo kay Chell nang ipakilala niya ako. “This is Hernel Riano, sa ibang team naman siya pero tulad ng sabi ko kanina we’re colleague,” saad ni Chell. “I’m glad that we meet, Cleo.” lahad niya pa ng kamay sa akin na tinanggap ko naman. “My gosh, Chell! Goat ka ba? Dahon na lang ba talaga kaya kainin ng bunganga mo?” pinagmamasdan ko lang sila. “Nel, I eat d***s for dinner. Hindi dahon-dahon lang ang kinakain ko,” halos muntikan ko na mabuga ang kinain ko sa aking narinig. Sinubukan kong makihalo-bilo sa kanila. Akala nu’ng una mahirap silang pakisamahan pero sa awa ng D’yos ay nakasabay naman ako kahit paano. Maliban na lang sa ibang usapan ngunit naiba rin naman iyon nang makita ko si Nel na nanlaki ang mga mata mula sa likod ko na kaniyang tinitignan. “Totoo ba ‘to?” tanong nito. Tumingin naman ako sa entrance ng canteen nang matanaw ko ang nag-iisang Hugo Hamptom. Pansin ko kung paano nito nakamit ang aking mga titig. Kumabog nang malakas ang aking dibdib sa hindi inaasahan. Tila napaisip tuloy ako kung bakit ganito ang puso kung makita siya. Malamang, Cleo! Siya ang boss of the boss dito sa building na ito! Ano ba ang akala mo sa kaniya? Joke-joke lang? “Hindi naman siya nagagawi dito pag-lunch…” rinig ko ang bulong ni Nel. “People changed, Nel. Saka bakit? Bawala na ba siyang kumain sa canteen niya?” “He used to eat at his cousins resto, Chell. He never eat here. Siguro ang naiisip niya ay pang empleyado lamang ito nang mga katulad natin na hindi niya ka-level.” habang nagtatalo si Nel at Chell ay nakatingin lamang ako kay Sir. Hugo na pumunta sa harapan. Katabi nito sa Ma’am Anie na ngumiti sa akin. Kaya ko bang tagalan ang katulad niya? Parang sobrang gwapo niya ata… wala ba siyang asawa? Pansin kong medyo may edad na siya. Mas matanda siya sa akin. “C-chell?” kinalabit ko ang aking kaibigan saka sumilip muli sa lalaking nasa harapan. “May asawa na ba siya at anak?” sunod kong tanong. “Ang alam ko may asawa na siya. Nasa abroad ata, hindi ko sure. Hindi kasi kami pwede makialam sa buhay niya or maki-chismis lalo na kung mali naman ang nasasagap, hindi ba, Nel?” “Sa true, Mars! Alam mo kasi dito, Cleo… marami-rami ang mga chismosa dito. May nahuli dati dito na ikinagalit ni Sir kaya tinanggal niya sa trabaho. Ayaw niya ng gano’n…” seryoso ba siya? Masyado naman siyang over acting kung gano’n. Natakot tuloy ako. Baka mamaya ay alisin niya na lang ako dito dahil medyo may pagkabunganga ako. Pinilit kong ubusin ang kinuha kong fries at burger dahil sayang naman kahit busog na ako. Kaya nang maramdaman kong kailangan ko ng panulak ay dali akong tumayo. “Kuha lang ako tubig, ha?” paalam ko pa sa kanila at naglakad papalayo sa gawi nila Chell. Nalampasan ko ng kaunti sina Sir. Hugo at Ma’am Anie nang makakuha na ako ng tubig. “Nagustuhan mo ba ang pagkain?” nang magulat ako sa nagtanong sa gilid ko na kamuntikan ko nang maibuga sa kaniya ang tubig. “O-opo… kayo pala ‘yan, Ma’am Anie.” humalakhak lang siya at inayos ng kaunti ang kaniyang buhok. “Tapos ka na ba mag-lunch? You can eat with us-” hindi ko na siya pinatulog nang tumutol ako sa gusto niya. Hindi ko kayang kumain kasama ang boss ko! Baka siya lang ang kainin ko! Ang dumi ng isip ko, hindi ko kayang makapag-isip nang maayos kung ganiyan ka-gwapo ang kaharap ko. “Anie, I’m done.” lumingon kaming dalawa ni Ma’am at napagtantong ang CEO na pala ang nagsabi no’n. “Sir. Alam ko naman na nakilala niyo na si Cleo. I think we should set a dinner with her, para naman mas makilala natin siya ng buo, right?” Ano ba ang naiisip niya? “I’m fine na po. Kasama ko naman ang friends ko-” “We really should. Set a banquet with her this day,” ani ni Sir. Hugo at agad na naglakad papalayo hawak-hawak ang pagkainin nitong may takip. “See you later, Cleo!” kaway ni Ma’am Anie nang sumabay siya papalayo kay Sir. Hugo. Kailangan ko lang naman huminga at gawin ang mga kailangan kong gawin. You can do it, Cleo! Isa lang naman iyong dinner meeting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD