CHAPTER 1

1467 Words
“Seryoso po ba ito?” nakaupo ako ngayon sa office ni Ma’am Anie. Nakatingin lamang siya sa akin at ngumiti. “Mukha ba akong nagbibiro? saka ayaw mo ba? Para makahanap pa ako-” hindi ko na siya pinatuloy nang umiling ako. “Nako! Hindi na po! Masyado na ata akong sini-swerte nitong mga nakaraang taon lang…” kamot ko pa sa aking ulo. Last year kasi ay sobrang baba na ng inuupahan kong apartment at ang sabi pa ay libre na ang tubig at kuryente. Hindi ko naman alam kung bakit gano’n, pero siguro dahil mahirap na talaga ang buhay kaya may palibre. “Wala pa kasi ngayon si Mr. Hampton, pero paparating na iyon ngayon…” ngumiti pa siyang muli sa akin. Hindi ko pa nakikita ang lalaking iyon, pero sa naiisip ko ay isa na siyang matandang lalaki. Pinagmasdan niya ang kaniyang relo at ngumiti muli sa akin. “Tatawag naman ang ibaba sa akin, kapag nakarating na siya… ‘wag kang kabahan, mabait naman si Sir…” tila para niya akong pinapakalma. “May boy friend ka na ba?” agad niyang tanong. Napailing ako at dahan-dahang napangiwi. “W-wala pa po…” nahihiya kong sagot sa kaniya na ikinahalakhak niya. “Wala pa? Ibig sabihin ay may nanliligaw na sa ‘yo?” napatingin ako sa camera na tila parang gumalaw. Nagulat ako nang makita ko iyon, ngunit kay Ma’am Anie ay parang natural lang iyon. “W-wala rin po,” agad kong sagot. “Actually, naghahanap ka rin ba ng boy friend or nang makakasama? Are you interested with someone?” bakit ba ganito ang tanong niya sa akin. “W-wala po… para saan po ba ang tanong na iyon?” nagtataka kong tanong sa kaniya na bahagya niyang ikinatawa. “I’m just… asking, Cleo…” ngumiti pa siya at inilapag ang ilang papel. Napasinghap ako at pinagmasdan ang kaniyang office. May isang malaking pinto rin sa gilid at iniisip ko kanina, kung ano ba iyon. “That’s Mr. Hampton’s office,” agad akong lumingon sa kaniya nang sabihin niya iyon, kahit hindi ko naman tinatanong. Itinuro niya ng kaniyang ballpen ang pinto na malaki. “Well, bago ka makapasok sa office na ‘yan ay ako muna ang makakausap mo… maliban na lang, kung asawa ka ni Mr. Hampton or mas mataas ang pwesto mo sa kaniya,” sunod niya pang sabi. “Madali lang ba ang trabaho ng secretary?” nagkibit balikat lang siya sa akin at umupo ng maayos. “What do you think? Just checking some schedules? Kung may ipapasabi si Mr. Hampton ay sasabihin ko lang rin? I’m just like a spokesperson, but typically para lang akong utusan pero in verbal…” hindi ko iyon masyadong na gets, pero tumungo na lamang ako. Baka mamaya ay mawalan pa ako ng trabaho, dahil sa simpleng sinabi niya ay hindi ko pa na gets. Tumunog ang kaniyang telepono at ngumiti sa akin. “Yes?” nang sagutin niya ang telepono. “Okay, ihahanda ko na…” kaya nang ibaba niya ang telepono ay agad siyang tumayo. “S-saan po-” natataranta kong tanong sa kaniya na hindi naman natuloy nang matawa siya. “Chill, Cleo… papunta pa lang naman si Mr. Hampton, kaya chill ka lang…” hawak niya sa braso ko at agad na pinagpag ang skirt nito. Pinagmasdan niya ako maigi at ngumiti. “Ang ganda mo, Cleo…” bati niya pa sa akin. Ngunit napakamot na lang ako sa aking ulo nang maisip ko ang kaniyang sinabi. “Slight lang po,” mahihiya pa ba ako? Alam ko naman na medyo maganda ako talaga. Ilang saglit pa nang bumukas ang elevator at doon iniluwa ang isang matangkad na lalaki. Ang kaniyang pangangatawan ay maganda. Ang kunot niyang noo nang makita ako ay tila nakakapanindig balahibo. Ang buhok niyang kulay itim at maputing balat. Hindi ko alam, kung bakit kusang tumibok ang aking dibdib sa kaniya. Para bang tinatawag siya ng aking puso sa hindi ko alam na dahilan. “Good morning, Mr. Hampton…” sabay yuko ni Ma’am Anie na agad kong ginaya. “G-good morning, Mr. Hampton…” yuko ko ring bati. Amoy na amoy ko ang kaniyang pabango nang dumaan siya at tanging sapatos niya lamang ang aking nakita, habang nakayuko. Ilang saglit pa nang samahan niya ako sa loob ng office ni Mr. Hampton. Kung ang office ni Ma’am Anie ay malaki ay mas lalo na ito. Dalawa kaming nakatayo sa harapan niya, habang si Mr. Hampton naman ay umupo lang sa kaniyang swivel chair at humarap sa amin. Ang matalim niyang tingin sa akin ay parang hindi na ako makakawala pa. Hindi ko maiwas na mamula ang aking pisngi, dahil sa kaniyang mga titig. “Siya na po ang papalit sa akin ngayong darating na March,” hawak pa sa dibdib ni Ma’am Anie at agad naman akong ipinakilala. “She’s Cleofaith Madrid,” turo niya pa sa akin. Tumungo naman ako at ngumiti kay Mr. Hampton. Nakita ko ang kabuuan ng kaniyang pangalan sa mesa. Hugo Samuel Hampton… “Has she already signed the contract?” ang matipuno niyang english ay parang papaduguin ang ilong ko. “Not yet, Sir…” yuko pang sabi ni Ma’am Anie, kaya naman ginaya ko siya. Nang tignan ko ang mga mata ni Ma’am Anie ay natawa lamang siya. Hinawakan niya ang aking braso at tila hinimas. “Give her the contract,” taas pa ng kamay ni Mr. Hampton nang hindi tumitingin sa akin. Yumuko lamang si Ma’am Anie, sunod no’n ay dinila na niya ako sa kaniyang office. “Tanggap na pa ba ako bilang temporary na secretary niya? Hindi na niya titignan ang katangian ko?” inilapag lang ni Ma’am Anie ang isang folder na may papel sa loob. “Pirmahan mo na. Cleo. Sinabi naman niya kanina, hindi ba? Ibigay ko na raw sa ‘yo ang kontrata…” gano’n lang iyon kadali? Parang ang bilis naman ata makapasok rito, pero ang kasama ko kanina na si Chelley ay nagtapos pa sa isang magandang paaralan. “Cleo, I know… hindi madaling tanggapin ang trabaho na ito, lalo na sa katulad mong honest. Iyon kasi ang hinahanap ni Mr. Hampton, iyong honest.” may kung ano sa akin ang tila nalinawan sa kaniyang sinabi. “Kaya kung ako sa ‘yo? Ay pagbutihan mo, hindi lahat ng tao ay nakakapasok bilang isang secretary ng nag-iisang Hugo Hampton…” kindat niya pang muli na sabi sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kaniyang sinabi o mas kakabahan. “Hindi po ba siya nangangain ng buhay? Mukhang masungit po…” itinuro niya lamang ang papel sa harap ko at tila tinignan ang pipirmahan ko. “Go on, Cleo…” lumunok lamang ako at agad na pinarmahan ang papel. Cleofaith Madrid… Basa ko ng aking pangalan, mula sa aking isipan. “Good! Bago sumapit ang March ay aalis na kayo ni Mr. Hampton…” kinuha niya ang contract at inilagay sa kung saan. “Tanong ko lang po… ano ba ang gagawin namin sa Palawan?” kagat labi ko pang tanong sa kaniya. “Basically, katulad ko… kaya nga secretary ka, hindi ba?” napasinghap ako nang malalim. “Ibig sabihin ay ikaw na mismo po ang mag-training sa akin ngayon or doon po muna ako sa department ko?” “Papahanda ko muna ang mesa mo rito, para turuan na rin kita. Ngayon na ang start mo, Cleo…” magsasalita pa sana ako nang tumunog ang kaniyang telepono. Mabilis niyang itinaas ang kaniyang daliri sa akin, tila sinasabi na huwag muna akong magsalita. Tumungo na lamang ako at naghintay na ibaba ang teleponong hawak niya. “No problem, Mr. Hampton…” saka niya ibinaba ang tawag. “Halika ka, Cleo… ito na ang mga kailangan mong gawin.” saka niya ibinigay sa akin ang isang tablet. Naroon ang mga list at tila parang alarm clock pa na may memo. “Coffee? Ngayong nine?” tanong ko sa kaniya na agad naman niyang kinatungo. “Ayan ang kailangan mong gawin… ang simple lang, hindi ba? Gagawa ako ng list, para alam mo kung ano ang mga gusto ni Mr. Hampton…” lumapit pa siya sa akin at agad na may ibinulong. “Siya kasi ang lalaking full of demands,” lumubo ang aking pisngi nang sabihin niya iyon. Mukhang hindi naman mahirap, pero nakakatakot nga lang si Mr. Hampton. Hindi rin nagtagal nang ibigay niya sa akin ang mga list. “Gagawa rin ako ng list para sa Palawan, iyon lang naman ‘yung mga kailangan mong gawin. Since, parang iyon na rin ang pahinga ni Mr. Hampton ay ikaw na dapat ang kikilos,” sunod niya pang sabi. Buo ang aking loob, hindi ko uurungan ang trabaho na ito…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD