ITO NA marahil ang pinakamaagang gising ni Alexandra buhat nang makauwi ito sa Pilipinas. Mas nauna pa siyang nagising kaysa sa tilaok ng manok na tandang. Paano ba naman kasi hindi siya magigising? Kulo nang kulo ang kaniyang tiyan dahil sa gutom. Hindi natuloy ang planong pagmi-midnight snack ni Alexandra. Sa tuwing binabalak niya kasing bumaba para kumain ay rinig pa niyang nasa sala pa si Lawrence kasama ang kaniyang ama. Sa kakahintay niyang umalis ang mga ito roon ay nakatulugan niya. ""Haayyyy..."" hikab niya. Naghilamos na lamang siya upang mas matauhan. Pagkatapos niyon ay bumaba na. Deretsong kusina agad si Alexandra nang makababa na. Naghanap siya ng kahit anong maari niyang makain. May nakita naman siya sa loob ng kanilang fridge na mga pagkaing natira kagabi. Iinitin na la

