bc

ALEXANDRA MONTEVERDE

book_age18+
4.5K
FOLLOW
64.4K
READ
love-triangle
HE
arrogant
badboy
drama
bxg
highschool
small town
like
intro-logo
Blurb

Ang nais lang naman ng batang si Alexandra ay mamumuhay ng simple kahit pa galing siya sa mayamang pamilya. Isang bagay na hindi nangyari dahil sa kaklase niyang transferee na si Lawrence na animo ay pinaglihi sa pagiging bully at mapagpatol sa babae. Naging tampulan siya ng pambu-bully ni Lawrence. Ginawa na nga siya nitong suki na biktimahin sa araw-araw na sa huli ay hindi na niya natiis at kaniya nang napatulan.

Ang pagpatol niyang iyon ang naging mitsa kung bakit siya inalis ng kaniyang ama sa lugar na iyon na labag na labag sa kaniyang kalooban. Dahil doon ay sa Maynila niya ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral at kalaunan ay pumunta siya ng England upang doon na magtapos ng kolehiyo.

Pagkalipas ng labing-apat na taon…

Muling binalikan ni Alexandra ang lugar na kaniyang nilisan sa mahabang panahon. Baon niya ang matinding galit at pagkamuhi para sa kaklase niyang si Lawrence. At sa kaniyang pagbabalik ay hindi naman siya pinagdamutan ng pagkakataon at muling nagkrus ang landas nilang dalawa.

Sa muling pagkikita nina Lawrence at Alexandra ay magkakaayos na kaya sila? Hatid na ba ng muling pagkikita ang kapatawaran o magdudulot lang ng panibago at mas matinding iringan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
SIYA SI Alexandra. Katerina Alexandra Villaruiz Monteverde ang kaniya buong pangalan. Sina Dylan Alexander L. Monteverde at Katrina Angela C. Villaruiz ang kaniyang mga magulang. Namulat si Alexandra sa simpleng buhay. Lumaki siyang ina lang ang kaniyang nakagisnan pero binusog naman siya sa pag-aalaga at pagmamahal nito. Kaagapay ng kaniyang ina sa pagpapalaki sa kaniya ay ang Ninang Lea at ang sumuporta pinansyal sa kanila na tinatawag niyang Tita Mommy—[panganay na kapatid ito ng kaniyang ama at Samantha ang pangalan]. Maliban sa Tita Mommy at Ninang Lea niya, malaki rin ang naging parte ng kaniyang Tito Christian—[asawa na ngayon ni Samantha]. Katunayan, ito ang naging daan kung kaya nakapagpatayo ng maliit na negosyo ang kaniyang ina. Maliit na negosyong kalaunan ay nagkaroon ng pitong branches nationwide na ngayon. Sa edad na apat na taong gulang ay nakilala ni Alexandra ang kaniyang ama. Nang makilala niya ito ay ang laki ng pinagbago ng kaniyang buhay. Habang lumalaki siya kasama ang ama ay pinatatamasa sa kaniya ang karangyaan at talagang bumawi ito sa mga taong sila ay nagkawalay. Kilalang bilyonaryo ang ama ni Alexandra. Galing ito sa angkan ng mga Laxamana at Monteverde na kilala bilang mayayamang pamilya sa Pilipinas. Sa pormal na pagtanggap ng mga Monteverde kay Alexandra at sa Mommy Kathy niya ay maraming nagbago sa buhay niya. Sa kabila ng lahat, hindi nagbago ang mga bagay na hinubog ng kaniyang ina. Pinalaki siyang mabait, matulungin at isang simpleng bata ng kaniyang ina. Katunayan, sa public school niya piniling mag-aral. Sa paaralan kung saan dating guro ang kaniyang Mommy Kathy siya pumapasok. At sa lugar rin na kinagisnan ng kaniyang ina piniling tumira ni Alexandra kung saan simple lang ang pamumuhay ng mga tao. Kaisa-isahang anak lamang si Alexandra. Hindi na nabuntis muli ang kaniyang ina dulot ng matinding aksidente sa kalsada. Hanggang sa may isang batang lalaki na dumating sa kanilang buhay at iyon ay si Xander Angelo De Dios Monteverde. Ang batang iyon ay buong pusong tinanggap ni Alexandra at itinuring bilang kapatid sa lahat ng bagay. Mas matanda si Alexandra kay Xander ng buwan lang. Pareho sila ng edad at sa parehong taon pinanganak. Gayunpaman, dahil mas naunang ipinanganak si Alexandra ay siya ang naging panganay at si Xander naman ang naging bunso. Sa pagdating ni Xander ay naging larawan sila ng buo at masayang pamilya. ""Alexandra! Alexandra!"" tawag ng Mommy Kathy niya. Mabilis namang bumaba si Alexandra buhat sa kaniyang kwarto upang lapitan ito. ""Yes, mommy?"" aniya nang makalapit. ""Uuwi na kami, baby ko."" Nagpapaalam na ang kaniyang ina. Uuwi na ng Maynila ang kaniyang magulang. Maiiwan siya sa lugar na ito. Dito niya piniling tumira at dito rin siya nag-aaral. Ang lugar na ito ang kinalakihan ng kaniyang ina at ang malawak na lupain ay kanilang pagmamay-ari—ang RANCHO VILLARUIZ. ""Bye, mommy! Thank you po sa pagbisita sa akin."" Yumakap at humalik si Alexandra sa labi ng kaniyang ina. Labis ang pagpapasalamat ni Alexandra. Sa kabila ng sobrang abala ng kaniyang mga magulang ay binibigyan pa rin siya ng oras para bisitahin. Pinupuntahan siya apat o limang beses sa isang buwan at halos araw-araw siyang tinatawagan upang kumustahin ang kaniyang kalagayan. Si Alexandra lang ang humiwalay sa magulang. Samantalang si Xander ay nasa Maynila kapiling ang kanilang magulang at sa private school nag-aaral. Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan sa lugar na ito at tahimik na kapaligiran ang nagtulak kay Alexandra upang manatili sa lugar na ito. Ayaw na ayaw niya sa Maynila na maingay at maraming sasakyan. Takot na takot si Alexandra kapag maraming sasakyan siyang nakikita. Nagsimula lang ang lahat nang makita niya sa TV ang balitang naaksidente ang kaniyang ina. Binaon na niya ang takot na iyon hanggang ngayon. Sa tuwing may nakikita siyang kahit anong uri ng sasakyang pangkalsada ay pakiramdam niya babanggain siya. Kapag nakasakay naman ng sasakyan ay nagiging kampante lang siya kapag si Daddy Dylan niya ang driver. Malaki kasi ang tiwala niyang iingatan siya nito. Kapag wala naman ang Daddy Dylan niya ay namimili talaga siya ng mapagkakatiwalaang driver. Kaya mas gustong-gusto ni Alexandra ang Rancho Villaruiz dahil malapit lang ang eskwelahan. Nilalakad niya lang mula sa bahay papuntang paaralan kapag araw ng pasok. Hindi na niya kailangang sumakay kaya pakiramdam niya ligtas siya sa lugar na iyon. Maya-maya pa ay pumasok sa loob ng bahay ang kaniyang ama. ""Bye, daddy!"" Patakbong lumapit si Alexandra sa ama at hinalikan ito sa labi. ""Bye, baby namin! Mag-ingat ka lagi rito, ha."" Binuhat pa siya ni Dylan at niyakap ng napakahigpit. Nang bitawan siya ng ama ay pinaalala muli sa kaniya ang kanilang kasunduan. ""And always remember... huwag na huwag kang gagawa ng anumang bagay na hindi ko magugustuhan sa lugar na ito. Or else, kukunin kita rito at ililipat ng Maynila. Nagkakaintindihan ba tayo?"" ""Opo, daddy!"" magalang niyang sagot. Matapos magpaalam ay binigyan siya ng ama ng pera at iyon ay allowance niya sa school. Sobra-sobra iyon para sa isang linggo at maliban doon ay puno rin ang kanilang pantry at fridge ng pagkain. Talagang ayaw siyang magutom ng mga magulang. Bilin pa nga ng kaniyang ama na lutuin kung ano ang pagkaing request niya at ibigay gustong kainin. Matapos magpaalam sa kaniya ay pormal siyang inihabilin ng mga magulang sa mga taong naroon. ""Alagaan niyo 'yong anak ko, ha. Kapag may problema maliit man 'yan o malaki, itawag agad sa akin. Bawat alis ni Alexandra sa bahay na ito, ipaalam niyo sa'kin,"" mahigpit na bilin ng kaniyang ina. ""Babalik naman kami rito next weekend. Patingin-tingin na lang sa anak ko,"" ani Dylan. Hindi lang sa mga kasama sa loob ng bahay inihabilin si Alexandra. Maging sa tauhan nilang nagsasaka o nagtatrabaho sa lupaing iyon. ""Makakaasa ka, sir. Iingatan namin at poprotektahan ang mabait mong prinsesa,"" sabi ni Mang Gado na noo'y abala sa paglalagay ng mga sari-saring gulay sa basket. Kakapitas o kakaani lang mga gulay na inaayos ni Mang Gado. Dadalhin iyon ng kaniyang magulang pauwi sa bahay nila sa Maynila. Pangkunsumo na iyon doon para hindi na bumili pa. ""Goodbye, ate!"" paalam ni Xander na noon ay kasama rin ng magulang. ""Ba-bye! O, kiss na sa ate."" Inilapit ni Alexandra ang pisngi kay Xander. Sinabihan niya pa itong sumama ulit sa susunod na bisita sa kaniya. ""Sure, ate! See you next week po,"" ani Xander. Pagkaraan ng ilang minuto ay tuluyan nang umalis ang kaniyang magulang kasama si Xander. Lulan ang tatlo ng private chopper na nag-take off sa helipad na pinagawa ng ama sa Rancho Villaruiz. Ngayong kakaalis lang ng tatlo ay limang araw na naman ang papalipasin bago sila magkita-kitang muli.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook