Write what should not be forgotten.🖋️📖
***09-10-2021***
Here are my stories:
***HEIR/HEIRESS SERIES***
1. Woman in Mr. Monteverde\'s Dream
(Dylan and Kathy)
2. One Night Stand with Mr. Pikon
(Trixie and Blake)
3. The Senator\'s Mistress
(Maurice and Julius)
4. Walang Hanggang Pag-ibig
(Jean and Travis)
5. ALEXANDRA MONTEVERDE
(Alexandra and Lawrence)
6. XANDER MONTEVERDE
(Xander and Ella)
***STAND ALONE***
1. Deception at the Altar
DYLAN ALEXANDER L. MONTEVERDE
A handsome young billionaire na nagmahal ng babaeng sa panaginip niya lang nakikita. Handa siyang gawin ang lahat at gumastos kahit magkano matagpuan lang ang babaeng ilang taon ng nagpapagulo ng kanyang puso't isipan.
Ngunit paano niya ito sisimulang hanapin? Ni hindi niya alam kahit pangalan man lang ng babae? Ni hindi nga siya sigurado kung may buhay ba talaga ang babaeng sa panaginip niya lang nakikita.
KATRINA ANGELA C. VILLARUIZ
A public school teacher na kamukha ng babaeng nasa panaginip at sa portrait painting na pinagawa ni Dylan. Lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang namayapang Lola Eva. Ngunit napilitan siyang lisanin ang lugar na kanyang kinagisnan at lumuwas ng Maynila dahil sa tangkang panggagahasa ng kanyang tiyuhin.
Magbabago ang buhay niya dahil lang sa isang desisyon na sumama sa bakasyon ng kaibigan.
Isang simpleng dalaga at isang bilyonaryong binata, pagtatagpuin ng tadhana...
Ngunit paano kung ang masayang pagtatagpo, mauwi sa isang kasunduan?
Isang kasunduang may kasamang pangako!
At isang pangako na mag-iiwan ng sakit at malalim na sugat...
[HEIR/HEIRESS SERIES #6]
XANDER MONTEVERDE
Ang idamay o gawan ng kung ano-anong kwento ang kaniyang ina na si Angelique ay hindi ni Xander kayang palampasin. Para sa kaniya, isang pambabastos iyon sa tunay niyang ina na matagal nang namayapa.
Hindi inaasahan ni Xander na may isang taong gagawa ng bagay na iyon sa kaniyang ina. Isang babaeng manikurista at nagngangalang "ELLA"...
#TL Prompt Writing-Substitute Bride
Paano kung umatras ang kakambal mo sa isang arranged marriage at ikaw ang napakiusapan ng magulang mong pumalit bilang bride upang matuloy lang ang kasal?
Will you be strong enough to overcome the deception at the altar?
Ang nais lang naman ng batang si Alexandra ay mamumuhay ng simple kahit pa galing siya sa mayamang pamilya. Isang bagay na hindi nangyari dahil sa kaklase niyang transferee na si Lawrence na animo ay pinaglihi sa pagiging bully at mapagpatol sa babae. Naging tampulan siya ng pambu-bully ni Lawrence. Ginawa na nga siya nitong suki na biktimahin sa araw-araw na sa huli ay hindi na niya natiis at kaniya nang napatulan.
Ang pagpatol niyang iyon ang naging mitsa kung bakit siya inalis ng kaniyang ama sa lugar na iyon na labag na labag sa kaniyang kalooban. Dahil doon ay sa Maynila niya ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral at kalaunan ay pumunta siya ng England upang doon na magtapos ng kolehiyo.
Pagkalipas ng labing-apat na taon…
Muling binalikan ni Alexandra ang lugar na kaniyang nilisan sa mahabang panahon. Baon niya ang matinding galit at pagkamuhi para sa kaklase niyang si Lawrence. At sa kaniyang pagbabalik ay hindi naman siya pinagdamutan ng pagkakataon at muling nagkrus ang landas nilang dalawa.
Sa muling pagkikita nina Lawrence at Alexandra ay magkakaayos na kaya sila? Hatid na ba ng muling pagkikita ang kapatawaran o magdudulot lang ng panibago at mas matinding iringan?
Sa murang edad ni Jean ay hindi pa siya pinapayagang mag-boyfriend at dapat ay sa pag-aaral lamang nakatuon ang kaniyang atensyon. Bagay na hindi naiwasan ng dalagita dahil sa edad na dise-siete ay tumibok na ang puso niya. Umibig kasi si Jean sa binatilyong si Travis na halos dalawang taon lamang ang agwat ng edad nito sa kaniya. Patagong nagmahalan ang dalawa at nang sumapit ang ika-dise otsong kaarawan ni Jean ay napagkasunduan ng dalawa na ipagtapat na ang kanilang relasyon. Subalit ang araw na dapat sana ay masaya, naging dahilan pa kung bakit nasira ang pagmamahalan ng dalawa. Isang pagkakamali ang nagawa ng dalaga na hanggang ngayon, pinagsisisihan pa niya.
Sa kanilang muling pagkikita ni Travis ay sisikaping ayusin ni Jean ang kanilang nasirang pagmamahalan. Gagawin niya ang lahat upang maibalik ang nakaraan, sa ngalan ng pag-ibig na walang hanggan.
BLURB:
Si Maurice Elizabeth L. Monteverde ay bunso sa apat na magkakapatid. Lumaki siya na mulat sa karangyaan, pagmamahal at respeto ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Bukod pa roon isa rin siyang maganda at matalinong dalaga. Subalit, nang makilala niya si Mr. Sandoval na isang senador ay isang desisyon ang kaniyang gagawin na magpapabago sa takbo ng kaniyang buhay.
Kinalimutan niya ang kung ano ang mayroon siya at pumayag siyang maging kabit ng nasabing senador sa pag-aakalang tinatanggap siya nito ng buong puso. Isang desisyon na pagsisihan niya dahil sa huli, nanatili siyang nanlilimos ng atensiyon at pagmamahal mula rito.
Paano kung dumating sa buhay niya ang lalaking magpapatibok ng kaniyang puso?
Si Julius Villavicencio ay binatang inaanak ng senador at naatasang kaniyang maging bodyguard habang siya ay nasa isang isla. May malalim na galit ito sa mga kabit na kagaya ni Maurice. Sa kadahilanang isang kabit ang dahilan kung bakit nawasak ang masayang pamilyang kinagisnan nito at mag-isa na lamang ito sa buhay ngayon.
Paano niya ipagtatapat ang katotohanan dito?
Katotohanang ang pagiging kabit lang ang kaniyang naisip na paraan upang maikubli ang kaniyang tunay na pagkatao. Isang palabas upang hindi madungisan ang iniingatang pangalan ng kaniyang tunay na ama sa larangan ng pulitika at maging sa tunay nitong pamilya.
"Preserve your virginity till the moment you'll get married. That's the most precious gift you will give to your husband after wedding." Mga salitang tumatak sa isipan ni Trixie buhat nang mabasa niya ito sa isang libro. Iyan ang dahilan kung kaya't sa edad na treinta y uno napanatili niya ang kanyang pagiging dalisay kahit pa labas ang kaluluwa kung siya ay manamit.
Paano na lang kung isang gabi sapilitan itong kinuha ng lalaking kinaiinisan niya?
Sa gabi ng selebrasyon ng kaarawan ni Alexandra na ginanap sa Isla Monteverde ay nagsama-sama ulit ang magkakaibigan. Dahil sa pang-aasar ni Lea na sa kanilang apat siya na lang ang wala pang-asawa at hindi pa nakakatikim ng luto ng langit, nakapagbitiw siya ng pabirong salita kay Blake. Isang biro na sa sobrang kadaldalan niya humantong sa pangmamaliit niya sa pagkalalaki ng binata na ikinapikon nito.
Hindi niya inasahan ang ganti ni Blake at sa gabing iyon ay matagumpay na nakuha ng binata ang isang bagay na kanyang iniingatan. Kinabukasan, nagising siyang mag-isa na lang sa silid na iyon at nabalitaan na lang na bumalik na si Blake sa Amerika.
Babalik pa kaya si Blake o tuluyan na itong tumakas?
Paano niya haharapin kung sakaling magbunga ang sandaling iyon? Paano na ang pangarap niya? Paano na ang mga kapatid niyang nakasalalay ang kinabukasan sa mga kamay niya?