bc

The Senator's Mistress

book_age18+
17.7K
FOLLOW
166.2K
READ
one-night stand
independent
mistress
heir/heiress
drama
bxg
city
enimies to lovers
lies
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

BLURB:

Si Maurice Elizabeth L. Monteverde ay bunso sa apat na magkakapatid. Lumaki siya na mulat sa karangyaan, pagmamahal at respeto ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Bukod pa roon isa rin siyang maganda at matalinong dalaga. Subalit, nang makilala niya si Mr. Sandoval na isang senador ay isang desisyon ang kaniyang gagawin na magpapabago sa takbo ng kaniyang buhay.

Kinalimutan niya ang kung ano ang mayroon siya at pumayag siyang maging kabit ng nasabing senador sa pag-aakalang tinatanggap siya nito ng buong puso. Isang desisyon na pagsisihan niya dahil sa huli, nanatili siyang nanlilimos ng atensiyon at pagmamahal mula rito.

Paano kung dumating sa buhay niya ang lalaking magpapatibok ng kaniyang puso?

Si Julius Villavicencio ay binatang inaanak ng senador at naatasang kaniyang maging bodyguard habang siya ay nasa isang isla. May malalim na galit ito sa mga kabit na kagaya ni Maurice. Sa kadahilanang isang kabit ang dahilan kung bakit nawasak ang masayang pamilyang kinagisnan nito at mag-isa na lamang ito sa buhay ngayon.

Paano niya ipagtatapat ang katotohanan dito?

Katotohanang ang pagiging kabit lang ang kaniyang naisip na paraan upang maikubli ang kaniyang tunay na pagkatao. Isang palabas upang hindi madungisan ang iniingatang pangalan ng kaniyang tunay na ama sa larangan ng pulitika at maging sa tunay nitong pamilya.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
MATAMIS ang ngiti ni Maurice pagpasok niya sa opisina ng kaniyang kapatid na si Dylan. Maganda ang kaniyang gising ngayon kaya’t napaaga ang kaniyang pagpasok sa trabaho. Sa mahigit limang taon niyang pagtatrabaho sa kompanya ng kaniyang kapatid, ito na marahil ang pinakamaaga niyang pagpasok. Kasabay ng pag-aaral ni Maurice ay nagtatrabaho siya bilang pansamantalang sekretarya ng kaniyang Kuya Dylan. Pinagsasabay niya ito habang siya ay nag-aaral at nang makapagtapos siya ay hiniling niya sa kaniyang kapatid na maging pormal na siyang sekretarya nito. Naging maayos ang pagtatrabaho ni Maurice sa kaniyang kapatid. Katunayan na umabot siya ng mahigit limang taon at dahil din sa kaniyang pagtatrabaho sa kompanya ng kaniyang Kuya Dylan ay natuto siyang mamuhay nang mag-isa. Sinimulan ni Maurice ang trabaho ngayong umaga sa pamamagitan ng pagliligpit ng mga dokumentong nakapatong sa desk ng kapatid. Inayos niya ang pagkakasalansan ng mga importanteng papel at iyong iba ay kailangan niya pang i-stapler. Minalas naman siya dahil sa unang gamit niya ng stapler ay bali na bala agad ang dumikit sa papel. Nang ibuka niya ang stapler ay nakita niyang wala itong bala kaya’t naghanap siya sa mga drawer na naroon. Halos lahat ng drawer na naroon ay inisa-isang binuksan ni Maurice at ni isang box man lang ng bala ng stapler ay wala siyang nakita. Hanggang sa naisipan niyang buksan ang isa pang file storage cabinet na malapit sa portrait painting ng kaniyang Ate Kathy na nakasabit sa pader. Nagbabasakali siyang baka doon ay may bala ng stapler na nakatago. Nang malapitan ni Maurice ang naturang kabinet ay binuksan niya ang pinakaunang drawer niyon. Hinalungkat niya ang drawer at wala siyang ibang nakita kundi ang nakasalansan na mga brown envelopes na selyado. “Grabe naman ‘to! Doble-doble ang aircon ni Kuya pero bala ng stapler, wala!” nakabusangot niyang sabi habang isinasara ang binuksang drawer. Nahinto ang akmang pagsara ni Maurice ng drawer nang mahagip ng mata niya ang isang brown envelope na bahagyang lumihis sa pagkakasalansan. Kinuha niya iyon upang sana ay ayusin ngunit nagtaka siya nang makitang sa likod ng brown envelope ay may nakasulat na pangalan niya at may warning pang bawal buksan. Manipis lang naman ang envelope at para ngang wala itong laman. Ngunit dahil sa ugali niyang may pagkaintrimitida ay naeengganyo siyang buksan iyon. Scotch tape lang naman ang ginamit na pangsara sa envelope at marami niyon sa loob ng opisina ng kaniyang kapatid. Mabubuksan niya ang envelope at maibabalik sa dati nang hindi nalalaman ng kaniyang Kuya Dylan. Maingat na tinanggal ni Maurice ang scotch tape na nakadikit at nagsisilbing selyo ng envelope. Napatingala pa siya sa kisame kung saan naka-installed ang CCTV camera ngunit wala naman siyang pakialam dahil hindi naman iyon niri-review araw-araw. Nang matanggal niya ang lahat ng tape ay dali-dali niyang tiningnan ang loob at inilabas ang mga laman niyon. Apat na piraso ng papel ang nilalaman ng envelope at nang tingnan niya isa-isa ay lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Tatlong birth certificate at isang death certificate ang nasa harapan niya. Ang nasa unahang birth certificate ay Maurice Elizabeth Laxamana Monteverde ang nakasaad, ito iyong ginagamit niya at nagsisilbing pagkakakilanlan ng kaniyang pagkatao. Subalit ang kaniyang ipinagtataka ay kung bakit may ibang birth certificate pa roon na ang isa ay nakapangalan kay Maurice Aragon Sandoval at ang isa naman ay Ma. Elizabeth Laxamana Monteverde. Napansin niyang tila pinag-isa lang ang pangalan ng mga ito na siyang pangalang gamit niya ngayon. Gumulo ang isipan ni Maurice at dumami ang mga katanungan niya kung sino-sino ang mga nagmamay-ari ng birth certificate na hawak niya ngayon. Kahit gulong-gulo ang isip ay sinuri niya ang death certificate na hawak at doon niya nalaman na patay na si Ma. Elizabeth, isang buwan matapos na maipanganak. Binalikan niya ang birth certificate ni Ma. Elizabeth at pangalan ng Mommy at Daddy niya ang nakasulat na magulang nito. Kung may namatay pala siyang kapatid bakit hindi niya alam? Bakit walang nabanggit ang mga kuya at ate niya tungkol kay Ma. Elizabeth? At nang ihambing niya ang mga detalye ng dalawang birth certificate sa birth certificate na ginagamit niya ay isa lang ang kaniyang napansin. Magkakapareho ang oras at petsa ng kanilang kapanganakan. Ang birth certificate ni Ma. Elizabeth at birth certificate na gamit niya ay halos magkatugma, tanging first word lang ng pangalan ang magkaiba. Gamit ang cellphone isa-isang kinunan ng litrato ni Maurice ang mga natuklasang papel at ibinalik nang maayos kung saan ito nakalagay. Nang maibalik na iyon ng maayos ay tinungo niya ang swivel chair ng kapatid at naupo roon. Doon pinagmasdan niyang muli ang mga litrato at hindi siya mapalagay lalo na’t sa opisina ng kapatid nakatago ang envelope na iyon. Malakas ang hinala niyang isang lihim ang nakakubli na may kinalaman sa kaniyang pagkatao. Isang lihim na mahigit dalawang dekada nang itinatago.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook