bc

XANDER MONTEVERDE

book_age18+
467
FOLLOW
8.9K
READ
love-triangle
HE
powerful
heir/heiress
bxg
lighthearted
city
like
intro-logo
Blurb

[HEIR/HEIRESS SERIES #6]

XANDER MONTEVERDE

Ang idamay o gawan ng kung ano-anong kwento ang kaniyang ina na si Angelique ay hindi ni Xander kayang palampasin. Para sa kaniya, isang pambabastos iyon sa tunay niyang ina na matagal nang namayapa.

Hindi inaasahan ni Xander na may isang taong gagawa ng bagay na iyon sa kaniyang ina. Isang babaeng manikurista at nagngangalang "ELLA"...

chap-preview
Free preview
XM|01
⑅✷⑅XANDER⑅✷⑅ Muntikan nang ibalibag ni Xander ang hawak na cellphone sa galit. Mabuti na lang alerto itong kaibigan niya at mabilis nitong naagaw sa kaniyang kamay. ""Huwag mo naman ibato itong phone ko. Bagong bili ko lang 'to."" Itinago ni Ezekiel ang kaniyang cellphone dahil baka madamay ulit sa nag-aalburutong kaibigan. Matagal nang matalik na magkaibigan sina Xander at Ezekiel. Simula pa noong mga paslit pa lamang sila hanggang sa naging binata na ay sanggang-dikit pa rin sila. Twenty-eight years old na si Xander at si Ezekiel naman ay twenty-three years old. Pareho nilang pinagkakaabalahan ang negosyo ng kani-kanilang pamilyang nagpalaki at kumupkop sa kanila. Parehong pinalaki ng hindi tunay na magulang sina Xander at Ezekiel. Isa iyon sa marahil dahilan kung bakit magkasundong-magkasundo ang dalawa. Si Xander ay napunta sa pamilya ng Monteverde. Isang kilalang bilyonaryo ang kaniyang ama at nagmamay-ari naman ng tanyag na bakeshop ang kaniyang ina. Samantalang si Ezekiel naman ay napunta sa mayamang pamilya rin. Ang tumayong magulang ni Ezekiel ay isang doktora at ang ama nito ay nagmamay-ari ng mga luxury clubs sa iba't ibang sulok ng kamaynilaan. Dahil kapwa nanggaling sa mayayamang pamilya ang dalawang binata ay naging markado sila bilang billionaire's heir o tagapagmana ng bilyonaryo. Kaya naman kung susuyurin ang internet at hinanap kung sino-sino ang mga anak ng mga bilyonaryo rito sa Pilipinas, parehong nasa hanay ng listahan sina Ezekiel at Xander. Lalong pinagkakainteresan ang dalawa dahil sa ganda ng pisikal nilang kaanyuan. Dahil doon hindi lang mga kababaihan ang nagkaroon ng interes sa kanila. Hindi lang mga kababaihan na nahuhumaling sa kanila ang gustong pasukin ang buhay nila. Nandiyan ang mga content creators na gumagawa ng videos at pinag-uusapan ang kanilang pagkatao. May iilan naman na naglalabas ng artikulong tungkol sa detalye ng kanilang pagkatao sa mga internet sites. Marami roon ay lehitimo pero mas marami ang fake news at gawa-gawa na lang. Sanay na si Xander na mabalitaan na may gumawa ng content tungkol sa kaniya. Kaya naman nang puntahan siya ni Ezekiel sa opisina niya ngayon at balitaan siya nito tungkol sa kumakalat na video content sa isang social media platform ay halos hindi niya iyon pansin. Subalit nang mapanood niya iyon ay pakiramdam ni Xander kumulo ang kaniyang dugo at muntikan lang niya ibalibag ang cellphone ng kaibigan. ""Mananagot sa'kin ang gumawa ng content na 'yan!"" Nagpupuyos sa galit niyang sabi. Ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang galit dahil sa nasabing content video ay dinamay ang kaniyang tunay na ina. Nabanggit pa roon na naging kabit ang kaniyang biological mother na si Angelique. Para kay Xander, ang idamay ang kaniyang inang namayapa na ay isang malaking pambabastos iyon at hindi niya palalagpasin. ""You know what, sa dinami-dami ng naglipanang content about you... ito pa lang ang nagbanggit ng biological mother mo at tinawag niya pang kab*t. Ang lakas naman ng loob ng gumawa ng video na 'yan. And take a look at this, kagabi lang in-upload pero mahigit isang milyon na ang views,"" nasabi ni Ezekiel. ""Malakas ang loob ng kung sino mang gumawa n'yan dahil hindi nakikita ang kaniyang mukha at hindi niya rin boses 'yan."" Hindi mabura-bura ang galit sa mukha at boses ni Xander. ""Nagkamali siya ng taong ginamit para makakuha ng atensiyon ng madla."" ""So, anong gagawin mo?"" ""Tuturuan ko ng leksyon 'yan!"" tiim-bagang sagot niya. ""Sige, buddy! 'Yon lang naman ang pinunta ko rito at wala akong balak magtagal. I have important things to settle today. I'll see you on weekend."" Maayos na nagpaalam si Ezekiel kay Xander. Nang makaalis ito at maiwan siyang mag-isa sa kaniyang opisina ay kumukulo pa rin ang dugo para roon sa gumawa ng video na kumakalat. Kailangan niyang makaharap ang taong iyon at nang maturuan niya ng leksyon. Sa nagpupuyos niyang kalooban ay may naalala siyang taong tawagan. Isang taong alam niyang makakatulong sa kaniya at madali niyang lapitan. ""Yes, Xander?"" wika ng nasa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag niya. ""Tito Julius, are you busy right now?"" ""Hindi naman,"" tugon nito. ""Napatawag ka, may problema ba?"" Si Julius Villavicencio ang tinawagan ni Xander. Asawa ito ng Tita Maurice niya na bunsong kapatid naman ng kaniyang amang si Dylan. Malawak ang koneksiyon ng Tito Julius niya at mabilis itong makakuha ng impormasyon. Siguradong hindi siya mabibigo sa paglapit dito kaya naman sinimulan niyang ipaliwanag ang dahilan ng pagtawag niya. ""Tito, nais ko lang malaman kung sino ang nasa likod ng video na 'yan,"" dagdag niya pa matapos magpaliwanag at mai-forward ang nasabing video. ""Magagawan ko ng paraan 'yan, Xander. But, you have to promise me that you are not planning to kill someone."" Naniniguro itong tiyuhin niya. Ang tiyuhin niyang kausap ay siya ring nagturo sa kaniya kung paano humawak ng baril at mga pang-self defense skills. Alam nito ang ugali niya kaya't parang nakatunog itong may pinaplano siyang gagawin. Dagdagan pa ng video na nagpapatibay na may paghihiganti siyang gagawin sa kung sino man ang nasa likod niyon. ""Tito, tuturuan ko lang ng leksyon 'yan! I promise you, hindi aabot sa puntong papatay ako ng tao. Nakikiusap din ako na sana tayo-tayo lang ang nakakaalam nito."" Narinig niyang bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya bago magsalita. ""Fine,"" wika ng Tito Julius niya. ""You'll have the information you need tonight."" ""Thanks, tito. Bye!"" aniya at binaba na ang cellphone. Matiyagang naghintay si Xander hanggang sa sumapit ang gabi at mai-send sa kaniya ng tiyuhin ang impormasyong pinapakalap niya. Hindi na siya makapaghintay na makaharap kung sino ang may gawa niyon at nambastos ng kaniyang tunay na ina. Nang tumunog ang kaniyang cellphone at makita ang notification ay halos tumalon siya sa tuwa. Email na iyon galing sa kaniyang Tito Julius kaya't dali-dali niyang binuksan. ""Bingo!"" nasambit niya nang matukoy na ang pagkakakilanlan ng content creator na iyon. Mabilis siyang nag-dial ng numero sa kaniyang cellphone. At nang may sumagot... ""May ipapatrabaho ako bukas!"" Tanging sinabi niya at pinindot ang end call button ng cellphone. ⑅✿⑅ELLA⑅✿⑅ Tirik na tirik ang sikat ng araw ng mga oras na iyon dahil magtatanghali na. Subalit isang babae ang naglalakad sa kalsada at wala man lang suot na sumbrero o hawak na payong. Hindi niya alintana ang init ng araw at mukhang nagmamadali sa paglalakad. Ang babae ay kilala sa palayaw na Ella at Rafaela De Guzman ang kaniyang buong pangalan. Siya ay isang single mom at sa edad na twenty-one year-old ay binubuhay niya nang mag-isa ang kaniyang anak na si Rafael o Rap-Rap. Dise-sais anyos lamang siya noong ipanganak niya si Rap-Rap. Isa siyang biktima ng pangakong napako ng kaniyang ex-boyfriend na walang b*yag. Matapos siya nitong buntisin at masira ang kaniyang pag-aaral ay pinagpalit lang siya sa ibang babae. Wala man lang siyang natatanggap na sustento mula sa ama ni Rap-Rap na si Paul. Ang masaklap pa, kung ano-ano pang masasakit na salita gaya ng mga panlalait ang naririnig niya mula sa pamilya ni Paul at maging sa babaeng pinalit nito sa kaniya. Kaya naman imbes na maghabol ng sustento ay magbabanat-buto na lang siya para maibigay niya ang pangangailangan ng kaniyang anak. Sa ngayon, nagtatrabaho siya bilang manikurista ng isang salon sa bayan. Pero ngayong araw ay ini-request siya ng kaniyang mayamang suki na mag-home service sa bahay nito kaya't pupuntahan niya ito ngayon. Nasa subdivision nakatira ang kaniyang customer at hindi naman iyon malayo mula sa salon. Nanghihinayang siya sa perang kaniyang ipapamasahe kaya't pinili niyang maglakad sa katirikan ng araw. Paraan niya iyon para maibulsa pa niya ang perang ibinigay ng amo bilang kaniyang pambayad sa traysikel. Pandagdag niya rin iyon para sa iuuwing pera sa kaniyang anak. Lingguhan kung umuwi si Ella kay Rap-Rap. Stay-in siya sa pinagtatrabahuang salon at tinitiis niyang hindi makita ang anak dahil maubos lang sa pamasahe ang kaniyang kinikita. Saka mas nakabubuting minsan lamang siya umuwi sa bahay nila para hindi niya naririnig ang mga tsismis sa kaniya ng ina ni Paul. Habang nagtatrabaho siya ay nasa pangangalaga ng kaniyang ama at step-mother si Rap-Rap. Nakagisnan niyang walang ina kaya't iyon ang iniwasan niyang maranasan ng anak niya. Laking pasasalamat niya dahil hindi kagaya ng step-mother nina Snow White at Cinderella ang step-mother niya. Mabait ito at mahal na mahal siya na parang anak nitong talaga. Panatag siya habang nasa pangangalaga ng step-mother niyang si Esmeralda ang anak. Sinasamantala naman niya ang pagkakataon na may nag-aaruga pa sa kaniyang anak upang makatulong din sa pamilya. Maliit lang din kasi ang kinikita ng kaniyang ama sa pamamasada ng traysikel kaya naman ganoon na lang ang kaniyang pagsusumikap na kumita ng sapat na perang maiuwi sa pamilya. ""Hi, Ella!"" bati ng lalaking tambay na kaniyang nadaanan. ""Hi!"" tipid niyang tugon at tumuloy sa paglalakad bitbit ang mga gagamitin niya sa paglilinis ng kuko. Kilala niya ang lalaking tambay na bumati sa kaniya. Minsan na siyang niligawan ng lalaki ngunit binasted niya ito dahil wala na talaga siyang balak pang magpapasok ng lalaki sa buhay. Nadala na siyang makipagrelasyon at kay Rap-Rap na nakatuon ang kaniyang atensyon. Lingid sa kaalaman ng lahat ay may iba pang pinagkakaabalahan si Ella bukod sa pagiging manikurista. Sumusubok siyang pasukin ang pagiging content creator at nagpaparami pa siya ng mga followers. Mukhang sinuwerte nga siya dahil may in-upload siyang video noong mga nakaraang gabi lang na talagang naghakot ng libo-libong followers sa kaniyang social media page. Lubos na nagpapasalamat si Ella sa dalawang babaeng nilinisan niya ng kuko. Habang abala siya sa paglilinis ng kuko ay tungkol sa lalaking si Xander Angelo Monteverde ang usapan ng nga ito na maigi niyang napakinggan. Pagkatapos ay nagsaliksik siya ng mga detalye tungkol sa lalaking iyon at ginawan ng video. Hindi niya inasahan na papalo ng milyon ang views matapos mai-upload. Dahil doon ay dadagdagan niya pa ang paggawa ng content tungkol sa lalaking iyon sa mga susunod na araw. Busy pa kasi siya ngayon at kailangan niya nang makarating sa bahay ng kaniyang customer. Tatawid na lang si Ella sa kalsada at papasok na siya sa subdivision. Palagpasin lang niya ang van na malapit sa kaniya at tatawid na. Subalit nang malapit na sa kaniya ang van ay laking gulat niya nang bumukas ang pinto niyon at hinawakan siya ng dalawang lalaki. ""Tulong—"" Sinubukan pang sumigaw ni Ella upang humingi ng saklolo ngunit biglang tinakpan ang kaniyang ilong at bibig. Kasunod niyon ay biglang nanamlay ang katawan niya at nawalan siya ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook