Sanla na Walang tubusan 6

1016 Words
Cennon Nasa pinto na ako ng emergency pero 'di ko pa rin makuhang pumasok sa loob. Kabado at natatakot din ako, hawak ko ang kalahati ng perang napagkasunduan namin na pag tratrabahuan ko. Perang na ang katumbas ay ang pagsanlang ng kaluluwa ko sa demonyo, alam kong sa oras na maibigay ko ang kalahati ng perang ito sa doktor ay kapalit ay ang kaligtasan ng kapatid ko at ang walang atrasang pagsabak ko sa impyernong buhay ko. Bumalik ako sa reyalidad ng makita ko si nanay tumatakbong humihingi ng tulong sa doktor. Nakita kong agad na umalis ang mga ito at pumunta sa ward kung saan nandon ang kapatid ko. Kinakabahan ako natatakot, ultimo paa ko ay 'di ko maihakbang dahil sa tindi ng halo halong emosyon, pagod at gutom na nararamdaman ko. Pero magkaganun man sinikap kong lumapit sa ward kung saan nagkakagulo ang mga nurse at doktor. Dahan-dahan akong sumilip at agad akong napaluhod at napalupasay sa nakita ko, ang maliit na katawan ng kapatid ko pinapalo ng kung anong bagay ang dibdib nito habang may puting hose sa bibig ng kapatid ko. Habang si nanay nakaluhod na rin at umiiyak, Maya-maya tumigil na ang doktor sa hindi ko malamang ginagawa nito sa kapatid ko. Hinarap ng doktor si nanay, nakita ko din kung paano sumilay ang mapait na ngiti ni nanay bago umalis ang doktor at nakita ako. Agad akong lumapit dito at nag tanong, doon ko nalaman na muntik na palang mamatay ang kapatid ko buti nalang daw at naagapan agad, pero dapat daw ay ma operahan na ito sa lalong madaling panahon. Napatingin tuloy ako sa sobreng hawak ko. Hanggang sa mapag pasyahan kong lumapit sa doktor at kausapin ito, nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ko ang puting sobre. Bago ko napag pasyahan na iabot sa doktor ang sobre na naglalaman ng pera na bubuhay sa kapatid ko. nagulat pa nga ito ng makita nito ang pera na hawak ko at agad nagtanong. ''Saan ka kumuha ng pera na hawak mo? Siguro naman yang perang hawak mo ay hindi nakaw huh?? Pasensya na sa salita ko pero gusto ko lang maka siguro.'' tanong ng doktora. Hindi agad ako nakasagot sa tanong nito dahil alam kong sa masama talaga galing ang perang hawak ko, Pero anong gagawin ko? Ang perang ito ang mag durugtong sa buhay ng kapatid ko. ''Hindi po ito nakaw dok maniwala po kayo sa akin.'' sabi ko sa doktor. Hindi na ito nakahirit pa ng mga sasabihin ng biglang may sinugod na lalaki na nabangga. Kaya naman muling tumayo ito at pinuntahan ang pasyenteng nag hihintay dito. Napasilip ako sa labas nakita ko si Red naka tingin sa akin alam kong binabantayan nito ang kilos ko kaya lumapit na ako kay nanay at kinausap ito. Nakita ko ang gulat sa mata ni nanay ng iabot ko sa kanya ang perang hawak ko. ''Anak saan galing ang ganito kalaking pera?'' tanong nito sa akin, ngumiti ako kay nanay at saka ko ito niyakap. ''Nay may trabaho na po ako. At yang pera na iyan ang unang sahod ko.'' nakangiti kong sabi. ''Ikaw may trabaho? Ano? dose ka palang tapos ganito kalaki ang perang sinasahod mo?'' kinakabahang sabi ni nanay. ''Mag tiwala po kayo nay, pero mga tatlo o apat na araw po bago ako makabalik hintayin n'yo po ako t'yak dala ko na po ang kabuuang pera pang opera kay Lea. Basta nay mag ingat po kayo.'' sabi ko dito, pinipilit kong wag umiyak sa harap nito ng hindi ito mag alala pero tumulo pa rin ang luha ko. ''Anak natatakot ako, ano bang pinasok mo? Baka naman mapahamak ka d'yan.'' umiiyak na sabi ni nanay sa akin. Napayakap ako dito saka ako umiyak ng umiyak, ang totoo kasi n'yan natatakot ako at sa tingin ko yakap lang ni nanay ang magpapalakas sa akin at sa sarili ko. ''Isoli mona ito anak ako na ang gagawa ng paraan, ayokong mapahamak ka.'' sabi ni nanay sa akin, pero umiling ako. ''Mabait po ang naging amo ko. kaya lang po ako naiiyak ay dahil sobrang saya ko nay at mapapaoperahan kona si Lea. At yang pera po na iyan nay talagang binigay sa akin bilang tulong, kaya nay hintayin n'yo nalang po ako. At alagaan n'yo sarili n'yo.'' bilin ko saka ako tumatakbong umalis narinig kong tinatawag ako ni nanay pero 'di na ako tumingin pa. Sa ngayon ang trabaho ko na ang iintindihin ko. Ang trabaho kong pumatay. Kasama ko pa rin si red, maya-maya pa ay may inabot na ito sa aking litrato, nanginginig ang mga kamay ko ng tanggapin iyon. ''Ito ba ang papatayin ko?'' mahina at walang lakas na tanong ko. ''Oo bata 'yan ang una mong target. Si Mr. Monteverde, isa sa pinakamayaman at respetadong tao. Madami siyang kumpanya na nakakasagabal sa ibang mga negosyante upang umangat, kaya kailangan niyang mawala ng magkaroon naman ng pagkakataon ang iba na umangat.'' mahabang paliwanag ni red. ''Masama ba siya?'' tanong ko dito. Pero tumawa lang ito sa akin. ''Bakit 'di mona kayang pumatay pag mabuti ang tao? Paano kung sabihin ko sa iyo na napakabait ng tao na iyon at pati na pamilya nito, aatras kana?'' hamon nito sa akin. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi nito pero ng tutukan ako nito ng baril ay napasagot ako agad. ''Una palang binalaan na kita,oras na hawakan mo ang pera sa sobre, nakasanala na ang kaluluwa mo, sanlaang walang tubusan kaya umayos ka ayokong sumabit sa iyo.'' sabi ni Red sa akin. Kaya wala na akong nagawa nandito na ako. Nag umpisa na itong ituro sa akin ang lugar kotse, tirahan at kumpanyang madalas nitong pinupuntahan. Matapos kong pag aralan lahat ng mga kilos ng akin target, tumingala na ako sa langit, humingi ng tawad at tahimik na lumuha. Patawarin nawa ako ng d'yos sa gagawin ko. Sumapit na ang ikatlong araw, araw kung kailan ko ito papatayin. Binigyan na rin kasi nila ako ng baril na kulay silver. At motor na wala pang naka issue na plaka kaya talagang ramdam na ramdam kona ang bawat oras na parating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD